logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

I was Kidnapped by the Mafia Boss

I was Kidnapped by the Mafia Boss

Rica


Die

"Okay that's all for today, see you tomorrow!" Mabilis na tumayo ang aking mga kaklase pagkatapos mag paaalam ng aming guro.
Tumingin ako sa relo ko, mag aalas singko na pala. Mabilis kung niligpit ang aking mga gamit at pinuntahan na ang aking kaibigan.
"Tisay!" Malakas kung ani. Tumingin siya sa akin habang nakabusangot. Natatawa nalang ako habang ako ay papalapit sa kinaroroonan niya.
"Ilang beses ko ng sinabi na huwag mo akong tawaging Tisay sabi eh!" Tinignan niya ako ng masama. Tumawa ako ng malakas.
"Bakit? Tisay naman talaga pangalan mo ah? Ano ba gusto mong itawag ko sayo?" Tinignan ko siyang mabuti.
Tumahimik siya saglit at nag-isip isip. Napatawa nalang ako sa kaibigan.
"Tawagin mo kong Tessia ganun! Mas sosyal yan kesa sa Tisay." Nakabusangot na ani niya.
Napailing iling nalang ako sa pagmamaktol ng kaibigan tungkol sa kanyang pangalan.
Tisay ang totoo niyang pangalan pero ayaw niya pag tinatawag siya sa pangalan niya. Ang badoy daw kasi.
"Okay Tessia." Humagikgik siya dahil sa pangalan na tinawag ko sa kanya. Napa buntong hininga nalang ako.
May itatanong sana ako kay Tisay ng
"Uy, Cali may humahanap sayo." Malakas na sabi ng kaklase kong lalaki. Napakunot ang noo ko.
"Huh?, Sino?" Nakakunot noong tanong ko. Nagkibit balikat lang ito at itinuro ang isang direksyon.
Nangliit ang aking mga mata ng makita ang nakangising mukha ni Paul.
Kumaway ito sa akin ng mag tama ang aming mga mata. Napabuntong hininga na naman ulit ako.
"Hi! Callista!" Malakas nitong sigaw kaya nagsilingunan ang aking mga kaklase, maya maya ay nag sisigawan na.
"Ayiee! Nandito na naman future bf ni Calli!" Malakas na hiyaw ng isa kong kaklase
"Calli! Ba't ba kasi hindi mo pa sinagot? Sagutin mo na!" Malakas na sabi ng lalaki kong kaklase kaya mas nag-iingay sila.
"Woy Calli! Ako na lang! Gwapo din naman ako!" Napa-iling nalang ako sa mga katarantaduhan ng aking mga kaklase.
"Ang ingay naman! Umuwi na nga kayo." Napatigil sila sa pag-iingay ng dahil sa boses na iyon.
Masama akong tinitignan ng grupo ni Maymay. Pakshet naman, ramdam na ramdam ko yung hindi pagka-gusto nila sa akin. Gusto kong umirap pero pinigilan ko nalang sarili ko.
Simula elementary palang, classmate ko na si Maymay. Naging kaibigan ko na rin, pero isang araw bigla nalang nito akong nilayuan at hindi pinapansin.
Noong nag high school kami, nagsimula niyang iparamdam sa akin ang hinanakit niya sa akin.Jusko, sa mga araw na iyon ang sarap niya talaga awayin, buti nalang mabait ako.
Sa tuwing naaalala ko ang mga araw na iyon, hindi ko nalang mapigilang mapabuntong-hininga.
Wala naman akong ginawa sa kanya pero grabe ata hinanakit niya sa akin girl.
"Selosa pwe." Malakas na ani ng kaklase kong lalaki na si Robert.
Nanlaki ang mga mata ni Maymay at sinamaan ito ng tingin pero nagkibit balikat lang ito.
"Anong sabi mo?!" Pulang pula ang mukha ni Maymay sa galit.
"Tara na mga pre." Nagsumila na ang mga ito na lumabas at hindi pinansin ang galit na Maymay.
Inis na napatadyak nalang siya at masama akong tinignan bago ako inirapan at umalis kasama mga alipores nito.
"Pakyu!" Malakas na sabi ni Tisay ng makalabas na ang galit na Maymay.
"Apaka sama talaga ng ugali ng bruhang 'yan! Insecure kasi! Puta." Natatawang tinignan ko si Tisay.
Mas galit pa ata 'to kesa sakin.
"Huwag ka ng mag-mura ano ba." Nagsimula na kaming lumabas ng pinto at sumalubong sa amin ang naka ngiting si Paul.
"Hatid na kita?" Masayang tanong nito.
"Sorry Paul eh, may lakad pa kami ni Tisay." Mahinhing sabi ko sa kanya. Bumagsak ang kanyang mga balikat.
"Sayang naman, iimbitahan sana kita kasi birthday ni mama." Malungkot na saad nito. Na guilty tuloy ako.
"Sorry talaga, paki sabi na lang happy birthday kay tita." Nakangiting sabi ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nito dahil sa itinawag ko sa kanyang mama. Pagkaraan ay ngumiti ng malapad. Waw naman, feeling close ako.
"Sige sige, sure ako na matutuwa iyon dahil binati siya ng kanyang future daughter in law." Masayang sabi ni Paul kay napatawa nalang ako.
"Sige! Mauuna na kami!", Kumaway siya sa akin at tumalikod na kami.
Nagsimula kaming maglakad at pumunta na sa gate para umuwi. Ng matandaan ko kung ano sana ang itatanong ko kay Tisay.
"Bakit ba ayaw mo sa pangalan mo? Maganda naman ah, hindi naman badoy pakinggan." Nagtataka kung tanong sa kanya.
"Basta ayaw ko lang, pag nalaman ng crush ko na Tisay pangalan ko baka layuan ako non." Naka busangot na sabi niya.
"Kung lalayuan ka, akitin mo nalang." Naka ngisi kong sambit sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at hindi makapaniwalang tinignan ako.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanya.  Bumuntong hininga siya.
"Hindi mo kasi naiintindan frend, maganda ka kasi kaya ang dali dali mong masabi yan." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagtama ang aming paningin.
"Maganda ka naman ah." Mariin kong sabi sa kanya. Umiling iling lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Napa buntong hininga nalang ako. Minsan hindi ko naiintindan si Tisay, maganda naman siya pero palagi niyang kinukumpara sarili niya sa akin.
Alam ko na nagseselos siya sa akin minsan lalo na pag yung lalaking tipo niya ay lumalapit sa akin.
Pero kahit ganun ay kahit kailan ay hindi niya ako pinag salitaan ng masama, sa harap man o sa likod ko.
Marami akong nakaka away at ang palaging dahilan nun ay inaagaw ko daw mga boyfriend nila kahit ang totoo ay hindi naman. Mga yawa, kasalan ko ba na hindi loyal mga jowa niyo? Mga depungal
Wala nga akong boyfriend eh. Maraming nagsasabi dahil daw yun ay maraming lalaki ang naakit sa akin kahit hindi ko man lang sila inaakit.
Maputi ang aking balat at ma mula mula ang aking mga pisngi. Brown ang aking mga buhok at mata.
Sabi ng mama ko noong buhay pa siya ay yung mata ko daw ay namana ko sa papa ko.
Noong bata pa ako, gustong gusto ko talaga makita ang papa pero sabi ni mama ay patay na raw ito.
Kahit sinabi na iyon ni mama ay may parte sa akin na umaasa na nagsisunungaling lang siya at babalik ang papa.
Pero namatay nalang si mama ay wala padin. Kaya doon na ako tumigil sa paniniwala kong buhay siya.
"Woy!", Napa balik ako sa katinoan ng yugyugin ako ni Tisay. Sumalubong sa akin ang naka kunot niyang noo.
"Callista! Kanina pa kita tinatawag eh." Nakabusangot na ani ni Tisay. Tipid akong ngumiti.
"Pasensya na Tessia, iniisip ko kasi ang thesis natin, hindi ko pa tapos eh." Pag papaliwanag ko sa kanya kahit hindi naman talaga iyon ang rason.
Tumango siya at ngumiti sa akin. Nagsimula ulit kaming maglakad. Hindi ko napansin huminto pala ako.
"Sinagot mo na ba si James? May Paul ka pa. Lapitin ka talaga ng mga pogi frend." Nakangiting sabi ni Tisay. Kumunot mukha ko at umiling sa tanong niya.
"Hindi ko naman yun gusto." Nakasimangot na sabi ko. Tumawa si Tisay.
"Bakit? Gwapo naman yun ah." Naka taas kilay niyang tanong sa akin. Umiling ako.
"Ayoko sa mga lalaking katulad niya. Hindi nag-aaral ng maayus tsaka gangster pa. Ayoko mga ganun." Sumimangot si Tisay sa sinabi ko.
Si James ay ka batch namin at leader kuno ng mga gangster sa skwelahan. Mag iisang taon narin yung nangliligaw sa akin pero hindi ko sinagot.
Una, ayoko sa lalaking hindi nag-aaral ng maayus. Pangalawa, nag sisigarilyo yun, ayoko ng ganun. At ang huli ay lalaking lapitin ng gulo.
Ayoko talaga sa gulo pero dahil gangster si James at leader pa talaga mas lalo ko siyang tinanggihan.
"Okay lang yan, gwapo naman si James ah." Umiling parin ako.
"Gwapo nga pero ayoko padin." Bumuntong hininga nalang siya.
"Eh, mag d-desye nuwebe ka nalang wala ka pang jowa ah." Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Tisay.
"E-eh sa ayoko pang mag boyfriend eh!" Tumawa siya.
"Sayang naman mga nakalaray mong manliligaw." Napa iling iling nalang siya.
Mga ilang minutong paglalakad ay nakarating na kami sa bahay ni Tisay.
"Una nako, Kath! Ingat ka sa pag-uwi." Tumango ako sa kanya habang naka ngiti. Pumasok na siya sa loob ng kanilang bahay at nagsimula na akong mag lakad.
Pag dating ko sa bahay wala namang sasalubong sa akin doon.
Pagkamatay ni mama ay ako nalang mag isa. Yung mga kamag-anak ko ay malayo kaya wala din akong mga kasama.
Pero binibisita naman nila ako pag holiday. Ang bumubuhay lang sa akin ay ang fund na inipon ng aking mga magulang na medyo malaki rin.
I always feel lonely except when I'm in school.
Nagpapasalamat narin ako at ako ay scholar kaya libre ang pagpasok ko sa skwelahan at walo akong binabayaran, may allowance pa.
"Ha.." Hindi ko mapigilang mapa buntong hininga. Bago kasi ako makauwi ay may isang bakanting lote akong dadaanan.
Hindi naman kasi talaga ako nag lalakad pauwi, tuwing byernes lang talaga. Lumunok ako at nagsimulang maglakad.
Bawat hakbang ko ay napapalunok ako. Wala namang mga tambay dito pero kasi may sabi sabi na may multo daw dito. Maraming nakakarinig kapag gabi na may sumisigaw daw.
Napahinto ako ng may humintong mamahaling ban sa harap ko. Baka magtatanong lang tungkol sa direction.
Bumukas ang ban at laking gulat ko ng bigla akong hilain nito sa loob. Kumabog ng malakas ang aking puso at nagsimula akong kabahan.
"Bitawan niyo ko!" Nag pumiglas ako pero ang lakas ng pagkaka hawak nila sa akin.
Tumingin ako sa dalawang lalaking naka hawak sa aking magkabilang kamay. Napalunok ako, bakit ang g-gwapo ng mga kidnapper na to?!
"Saan niyo ko dadalhin? Bitawan niyo ko! Ah!" May nilagay na panyo yung lalaki sa ilong ko.
Umikot ang paningin ko at nagsisumula ng mag dilim. Bago ako mawalan ng malay ay narinig ko na nagsalita ang isa sa kanila.
"Sorry miss, we don't want to die yet."

Komentar Buku (2110)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    hehehe

    1d

      0
  • avatar
    Merry Claire Ramos

    goods

    2d

      0
  • avatar
    DacutananEric

    It's great

    4d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru