logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Nang makauwi ako ay nadatnan ko sila lods ina sa sala, nagmano lang ako tapos pumasok na ako sa kwarto namin. Pansin kong naramdaman nila ang tamlay ko ngayon, gusto siguro nilang magtanong pero nanatiling tikom ang kanilang bibig.
Agad kong binagsak ang katawan ko sa higaan.
Feeling ko pagod na pagod ako kahit wala naman ako masyadong ginawa. Ang sakit ng buong katawan ko na parang bugbog sarado hindi naman ako nakipagrambulan.
Ano bang problema sa'kin? Kanina lang ang sigla-sigla ko, pero simula nang magcross ang landas namin... hindi ko inaasahan na gano'n kabilis magbabago ang mood ko.
Ako lang ba? O sadyang nakakabaliw na?
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Ang mabuti pa 'wag ko nalang masyadong isipin. Itutulog ko nalang siguro 'to tapos pagkagising ko ayos na ako.
Tama! Itutulog ko lang.
At yon nga natulog ako nang mga 5 years. Charot 5 hours lang naman, nagising ako nang tinawag na ako nila lods ina para sa dinner.
"Kamusta exam, Magdalena?" Tanong ni lods ama.
Natigilan ako habang susubo sana nang kanin. Don't talk when you're mouth is full nga 'di ba?
"Ayos naman po, lods ama. Easy!" Sagot ko, tama madali lang, madali kapag hindi sinagutan.
"Good! Saan ka nagpunta pagkatapos ng exam? Sino kasama mo? Balita ko alas dos ng hapon kana daw nakauwi?" Seryosong tanong nito, wow para akong nasa hotseat ngayon.
"Sabi na eh, baka nakipagdate na yan." Sabad ni gaga Kelshia.
"Alam na this! May jowa na tinatago 'to. Ayaw atang ipakilala sainyo lods ama." Gatong naman ni Kalista.
"Omg! G'wapo ba? Mayaman ba? O matanda na?" Si Kitty, mahilig sa g'wapo at mayaman. Pero hindi ko alam pati pala sa matanda gagstick.
Tinapunan ko siya nang napakasamang tingin na para sinasabing, mukha bang ako yung tipo ng babae na papatol sa matanda? Ano sugar daddy lang ang nais, beh? Nakaturo pa ang kamay ko sa sarili ko habang hindi makapaniwala at umiiling-iling pa.
Ako ang kinikilabutan sakanya!
"Balita ko rin, pagdating mo daw mukha kang pagod na pagod. Anong ginawa mo at pagod na pagod ka? Akala ko ba written examination kayo?" Pag-uusisa nito.
Hala beh hirap maging novel reader, nabeberde utak ko sa pagod na pagod words. Ang dating sa'kin may ginawa kaming kababalaghan kung sino man ang kasama ko!
Joke hindi naman kasalanan ng pagiging wattpader yon, sadyang open minded lang yung tao.
"Lods ama naman, maghunos-dili ka hahahaha" Natatawa nalang ako sa usapan na 'to.
My goodness! Magkaroon ka ba naman ng pamilya na abnormal, ewan ko nalang kung hindi masiraan ka ng bait.
"Kayong apat makinig kayo, hindi ko kayo pinagbabawalan na magnobyo. Ang sa'kin lang dito kayo sa bahay magpaligaw. Huwag na huwag kayong papayag na kung saan-saan kayo dadalhin. Mga babae kayo kaya dapat kung matinong lalaki yan dito yan sa bahay manliligaw at paghihirapan niya munang makuha ang tiwala namin. Naalala ko nga noon, no'ng niligawan ko ang mama niyo sa bahay nila at nando'n pa ang lolo't lola niyo. Araw-araw akong pumunpunta sa bahay nila, nagsisibak ng kahoy, pinag-iigib ng tubig, sumasama sa bukid para mag-araro at magtanim ng palay, at umaayak rin sa matataas na puno ng niyog masungkit lamang ang matamis na oo ng mama niyo." Pagbabalik-tanaw ni papa habang pinapakita ang muscles niya na parang sinasabing ang malakas siya eh, agad namang namula si mama.
Psh. Feeling mga bagets na naman!
"Umabot ng ilang buwan bago niya napalambot ang puso ng lolo't lola niyo pero hindi sumuko ang papa niyo kahit natagalan. Ginawa niya ang lahat para patunayan sa mga ito na katapat-dapat siya sa pag-ibig ko. Wala rin akong narinig kahit anong reklamo dahil ang sabi niya kapag mahal mo ang isang bagay o tao dapat mo itong paghirapan bago makuha. Kaya ayon, hinaharana niya ako kahit hindi kagandahan ang boses niya at binibigyan rin ako ng mga liham hihihihi!" Saad ni lods ina. Sa paraan ng pagtawa niya, nagpapabebe siya kay papa. Gano'n ba talaga kapag in love?
Yuck! Basta ako kapag nainlove, hinding-hindi ako magiging pabebe!
"Lods ama naman 1980's pang galawan yan, iba na ngayon." Sabad ni Kelshia.
"Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon." Disappointed nitong ani.
"Pa'no pong nagkaiba?" Tanong ko.
"Ngayon kasi sa cellphone na nagliligawan at kapag sinabihan ng I love you bibigay agad. Noon may respeto ang lalaki sa babae pero ngayon parang wala na."
Yeah, that's true and it hits us as millennials.
Maaari kayang bumalik sa nakaraan kung saan ang lalaki at babae ay seryoso pagdating sa pakikipagrelasyon. Kung saan lahat ay may respeto sa isa't-isa. And where love is too pure and deep para paghirapan makuha.
"Kaya kung gusto niyo nang mag-asawa hindi namin kayo pipigilan. Sabihin niyo lang agad sa amin ng mama niyo." Paalala ni papa.
"Pa'no kung sabihin kong gusto ko nang mag-asawa, lods ama?" I joked.
"Hala nagbabalak na."
"Ayos lang basta lumayas kana dito sa pamamahay ko, 'wag na 'wag ka nang babalik. Tumigil kana lang din sa pag-aaral dahil wala lang rin kwenta kung mag-aaral kapa. Aanakan ka lang naman ng lalaking mapapangasawa mo kaya bakit pa ako nagsasayang ng pera para pag-aralin ang taong tulad mo? Dahil hindi ko alam kung saan ako nagkulang sa pagpapaalala na 'wag magpapadala sa kapusukan?!" Seryoso nitong ani. Hindi na mabiro.
"Kalmahan mo lang, lods ama. Wala ngang jowa, mapapangasawa pa kaya? Hahahaha!"
"Baka nakakalimutan mong diyan rin kami galing ng mama mo? Hindi kami naging magnobyo't nobya. Biro lang yung kanina, ang gusto ko ay humanap kayo ng lalaking aalagaan kayo katulad ng pag-aalaga ko sainyo at sa mama niyo." Final na saad ni lods ama.
That's why I really admire my parent's love story. Yung tipong walang jowaan na naganap pero sa kasalan ang bagsak!
To be honest, wala pa naman yan sa isip ko. It's just I wanted to know what would be their reactions towards that situation.
Nagtawanan nalang kaming lahat.
Sila yung tipo ng parents na kahit busy ay maghahanap at maglalaan sila ng oras para sa quality time namin. Para makabonding kami, paalalahanan kami sa mga bagay bagay. Strikto sila pero nando'n yung closeness.
Sila yung dahilan kung bakit ako lumalaban at pinagpapatuloy ang buhay. No'ng grumaduate ako ng grade, disappointed ako sa sarili ko pero sila hindi nila yon pinaramdam sa'kin.
Despite of having 76 grades, sinabi pa rin nila sa'kin na proud na proud sila. They said, grades doesn't matter. Because they don't define who we are and what we are capable of.
Yes, it's common for parents to check how well their child is doing at school by looking at their report cards or test scores. When a student receives a failing or low grade, they are often to get scolded by a parent for not giving enough effort and for not studying hard. As my parents, they tend to react disappointed because I almost failed to graduate but hindi. Instead, they cheer and lift me up.
I couldn't wish for more. Having an understanding parents will make us feel we're not alone. We're not fighting alone. Kaya despite of everything happened to me— tired of being bullied, tired of being judged, and tired of being discriminate, I have a family that will make me feel at home. I maybe tired of everything, I am always motivating and supporting by my family. They teach me to be brave to surpass the dilemmas come to my life. I should be brave for my family dahil may pagkukulang man ako ay lagi lang silang nandiyan para sa'kin. I should be brave for my dreams and for my future. Marami pa akong pangarap para sakanila that's why I'm still striving.
I am nothing without my parents.
I wanted to be like them kapag may pamilya na ako. Sa ngayon aral muna saka na ang mga ganyan kapag nakapagtapos na ako nang pag-aaral.
After the dinner, nasa kwarto na ako at hawak-hawak ang cellphone.
I've decided na mag-oonline muna ng aking facebook account bago ako magbabasa.
Pag-open ko ay bumungad sa'kin ang isang friend request taong masakit sa mata ang pangalan.
Westley Eros Martinez sent you a friend request.
At dahil wala naman akong kachat, naisipan kong tingnan muna ang profile at timeline nito. Hindi dahil gusto ko siyang makilala kundi dahil wala akong magawa! Tama wala akong magawa kaya ako mang-sstalk, hobby ko yon.
Latest post niya ay; 5 hours ago pa.
If only I could turn back those days and correct it all :(
In fairness dito kay kapre famous masyado, may 13K different reacts, which is like, sad and heart, tapos may 1K comments and 3K na nagshare.
Napaikot ako ng mata. Kanino naman kaya 'to may ginawang masama? Kung sabagay sa sama ng ugali niya hindi na ako magtataka na marami 'tong kagaguhan sa buhay.
I hit the comment section para magcomment.
'You can't turn back time but it doesn't mean na wala ka ng magagawa para matama ang pagkakamali mo. I mean hindi mo man mababago ang mga nangyari, syempre kasi nga tapos na ay hindi ibig sabihin wala ka ng dapat gawin. Kung tutuusin p'wedeng-p'wede pa na bumawi, kahit yon man lang ang magawa mo. Right?
#bawinextlife
#kapreniyosadboyna
#grabikanatalaga2022'
Nang pipindutin ko na sana ang send napaisip ako. Bakit ko naman siya pinapayuhan? Ano naman pake ko sakanya?
At gagstick lang ah? Lakas makajejemon ng mga hashtags ko, hindi ko namalayan kung ano-ano nalang pala pinagsasabi ko mabuti nalang at hindi ko pa nasesend.
Binura ko nalang yon at pinindot ko ang delete friend request. Saka ako naglog-out.
Narealize ko kasing baka ako pinariringgan niya sa post na yon, kaso nabasa ko sa comment niya sa sariling post na,
'If have the chance to turn back time, I'll go back to the moment where I made the biggest mistake that made me lose you and make it right. Because I know, until now you hated me so much.'
Ayaw ko naman mag-assume. Kasi baka babae I mean girlfriend niya pinariringgan niya sa post na yan kasi nag-away sila. Nacks sanaol ay este ang malas ni babae kung boyfriend niya nga itong si kapre!
Pero if ever man na ako nga, sasabihin ko sakanyang kung gusto niya talagang maitama ang pagkakamali niya gumawa siya ng paraan. Kasi gano'n naman talaga kapag gusto laging may paraan tulad nalang nang subukan niyang gumawa or mag-imbento ng time machine gano'n.
Tsk! May papost post pang nalalaman, bakit may nagawa ba yan? Baka pafamous lang kamo 'tong kapre na 'to hmpp!
But one thing I must say that, if everyone has given a chance to turn back the time I'd rather not to go back. Why? Because past is already done and you can't change it. Maybe the best thing to do is that you have to fucos now in the present and be a better person. Having a mistake in the past is normal, it's part of our life, part of growing and at least you've learned from your mistakes.
Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari sa store no'ng nakaraan. No'ng oras na muntik na akong ma-out of balance. Gosh! Hindi naman dapat yon big deal sa'kin. Ano ba itong mga pumapasok sa utak ko!
Naisip kong magbasa nalang para malibang at hindi ko na maisip ang kapre na yon pero masyado akong lutang kaya hindi rin napasok sa utak ko ang binabasa ko.
Dumaan ang mga araw and linggo, nang siya parin ang aking nais. What? Sinong siya? Wala!
Iniiwasan ko rin muna na mag-online para less stress. Pero dahil ngayon malalaman ang results kailangan na.
Bale ang sabi ay i-email nalang daw sa amin ang results kung pasado kami or hindi.
Pag-open ko ng data connection, ay nagnotify na nga ang resulta.
Pero mas nanaig sa'kin na malaman muna ang resulta ng exam ni Vien kaysa sa'kin.
Ichachat ko na sana siya nang maunahan niya ako.
Vivien: Beh, guess what?
Hindi ako nagreply kasi anong akala niya sa'kin manghuhula? Ilang minuto lang ay nagchat ulit ito.
Vivien: GUESS WHAT??
Ayan badtrip 'to dahil naseen lang. Hindi ba dapat ako ang mabadtrip dahil may pasuspense pa siyang nalalaman?
Me: PWEDE BANG SABIHIN MO NALANG? HINDI YUNG PAGUESS WHAT GUESS WHAT KA PANG NALALAMAN? ANO AKALA MO SA'KIN MANGHUHULA?
Caps lock din para dama.
Vivien: Kasi beh ano...
Me: Ano?
Vivien: Sa school natin nag-enroll si Tristan hihihi
Pabebe din 'to. Kaumay, lahat ba ng naiinlove nagiging pabebe?
Me: Yon lang sasabihin mo? Akala ko naman yung result na ng exam mo!
Gagstick nito, sarap ipatapon sa Mars.
Vivien: We'll talk about it later. For now pag-usapan na muna natin yung inspirasyon bago ang edukasyon.
Me: Mag-isa ka! Sige out na ako.
Vivien: Sandali!
Vivien: Ito naman hindi na mabiro palibhasa walang inspirasyon. Pero seryoso ang saya ko kasi may chance na araw-araw ko ulit siyang makikita.
Me: Araw-araw atang aabangan kamo! Haynako magbago kana beh, tumigil kana sa pagsinghot ng shabu.
Vivien: Bwesit! Hindi ako nagsashabu. But if he's a drug, yeah, I'm hell a one of those who got addicted to him hihihi
Hala malala na 'to wala ng pag-asa.
Me: Edi wow! Gutom lang yan, kumain kana ba?
Vivien: Wala ka talagang support, 'wag ka sana magkajowa.
Vivien: Anyway, high way, kumain na me sana ikaw rin :)
Vivien: Natanggap ko na pala sa email ko ang Certificate of enrollment so as the result of my exam.
Vivien: How about yours?
Yup kapag pasado ka deritso enrolled kana since nagpasa na rin naman kami ng requirements. Gano'n raw para isahan nalang, then papasok nalang once na nakapasa ka.
Me: Hindi ko pa tinitingan. Baka hindi ako nakapasa eh :(
Totoo naman hindi ko pa tinitingan kasi mas inuuna ko pang malaman kung anong ganap sa kaibigan ko kaysa sa sarili ko. Saka kahit naman confident ako sa mga sagot ko do'n sa exam hindi pa rin dapat ako pakasisiguro.
Vivien: Bwesit ako nga nakapasa ikaw pa kaya? Eh mas matalino ka sa'kin!
Simula ng nabully ako nagdoubt na ako lagi sa sarili ko, araw-araw parang kailangan kong may mapatunayan para hindi ako i-bash ng mga tao base on my physical appearance. Kaya kahit sa kakayahan ko laging may pressure although hindi naman ako nakararamdam ng pressure galing sa expectations ng parents ko sa'kin. I mean they're proud kung ano lang ang kaya ko. Pero syempre mas gusto ko pa rin naman na mas maging proud sila that's why I'm always doing my best.
So as my best friend, palagi siyang nandiyan para i-cheer ako at dahil do'n nawawala ang duda ko sa sarili ko.
Me: Hindi kapa sure.
Vivien: Ewan ko sa'yo, kahit hindi mo yan tingnan alam nating pareho na pasado ka. Duh! Ikaw lang walang believe sa sarili mo.
Me: Duh 'wag mo akong ma-duh duh! Matuto kang gumalang sa nakakaganda sa'yo.
Vivien: Yan tayo eh, kapag yumayabang kapag kagandahan na ang usapan.
Vivien: Bye na! Matutulog ako ng maaga para makapag- beauty rest ako. Alam mo na, ayaw ko naman makita ako ni Tristan my loves na mayro'n akong malaking eyebags na may kunting mata hihihi
Kapag kay Tristan talaga, laging nagiging pabebe. Tsk!
Me: Huli kana sa balita beh wala ka naman mata HAHAHHA
Oo, kasi 'di ba chinita 'to.
Me: Goodnight! Have a sweet and sour dreams ahead.
Vivien: Ang bastos mo po, dahil diyan matutulog ako ng may sama ng loob. Thanks to you!
Me: You're always welcome, beh.
Note the sarcasm.
Dahil wala naman akong kachat bukod sakanya naglog-out nalang din ako.
Minabuti ko na rin tingnan ang resulta ko, and bumungad sa'kin ang mataas na score at word na passed. Ang sarap sa eyes at sa pakiramdam.
Grumaduate nga pala kami ni Vivien ng with high honor ako samantalang with honor naman siya. Nakakatuwa lang kasi no'ng elementary kami lagi din kaming ganito, pero ang pinagkaiba lang dati ako ang bully niya pero ngayon naman ay best friend niya na. Mula grade 7 hanggang grade 10 lagi na kaming magkasama at kaya nasanay na kami sa isa't-isa. Kaya pati sa pagpili ng kurso ngayong incoming senior high school ay napag-usapan din namin na parehas kami ng kukunin gano'n din kung saang school papasok.
Ganap na rin akong STEM students dahil kasama sa resulta ang C.O.E. which is Certificate of enrollment ko.
At dahil isa akong mabuting estudyante na dapat sa mga oras na 'to ay sa mga oras na 'to ay natutulog na ay hindi. Dahil busy ako sa pagbabasa. At natulog ako bandang 2:00 am na.
Wala sanang masama kaso may pasok na bukas!
Tama, first day of class na bukas pero ito ako't nagpupuyat sa pagbabasa.
Kinaumagan hindi na masyadong naging hassle ang paggising sa'kin. Syempre dahil first day of classes ngayon bawal malate. Kaya kahit puyat go lang.
Alasais pa lang nakagayak na ako upang magtungo sa bago naming school.
Hindi naman ako masyadong excited niyan. Sobrang excited lang kasi kapag natapos ko na ang senior high school means apat na taon nalang ako mag-aaral.
Ang advance ko mag-isip, gano'n talaga dapat. Pagdating ko sa school akala ko ako na ang pinakauna, hindi pala. May iba pang mas nauna sa'kin and guess who?
It's none other than, Vivien! Ibang talaga kapag may inspirasyon sa school niyo, para-paraan din 'to.
"Magandang umaga pero mas maganda pa ako sa umaga." Bungad ko kay Vien.
"Ay panget ng umaga ko, ikaw ang sumalubong hindi naman ikaw ang aking nais masilayan ngayon." Pagsusungit nito sa'kin.
Same vibes talaga kami, hindi namin sinusuportahan ang isa't-isa. Ako lagi ko siyang binabara kapag kay Tristan, gano'n din siya sa'kin kapag nababanggit na ang kagandahan. Kaya medyo duda ako eh, pa'no namin natagalan ang isa't-isa kahit puro kami barahan?
"Harsh. Ang sama mo, beh. Tara pasok na tayo?" Pag-aaya ko dito.
"Mamaya, may inabangan pa ako beh. Wala pa nga siya eh, ang alam ko lagi yon maaga pumasok." Ani niya.
Parang toinks 'to, panay tingin sa mga sasakyan na humihinto sa babaan.
At sa kabaliwan ng best friend ko, nadamay pa ako sa paghihintay niya sa crush niya.
Dahil na rin sa boredom napatitig ako sa isang motor. Nagningning ang aking mga mata pagtingin ko dito, pangarap ko kasi ang magkaroon ng gano'ng. I mean I'm girl but I love motorcycle. Wala ang astig kasi sa paningin ko ang mga motor. Actually, I love motorcycle more than cars. I dreamed to have my own license one day kaso hindi naman ako makapag-ride. Nakakaiyak kasi hindi abot ng mga paa ko ang preno at tapakan sa baba. Pa'no ko nalaman? Natry ko na sa motor namin nang minsan kong magpaturo sana kay papa magmotor. Buti pa mga kapatid ko p'wedeng-p'wede silang mag-ride. How about me naman?
Hanep, gustong- gusto ko ang motor but turns out na ayaw sa'kin ng motor.
Anyway, ang ganda din ng color na napili ng may-ari ng motor na tinitigan ko. Black, my favorite color. Gusto ko sanang lapitan at hawakan kaso baka mapagkamalan akong motornapper kaya 'wag nalang.
Sino kaya ang may-ari nito? Baka p'wede jowain para araw-araw akong may tagahatid at sundo gamit ang aking dream motor.
Natigil ako sa pagdaydream na nakasakay sa motor na yon nang bigla nalang akong hampasin ni Vien sa balikat. Ang sakit gagstick!
"Beh, tingin do'n banda. Ayon na siya omg ang pogi talaga hahahaha!" Kilig na kilig siya habang sinasabi yon, balikat ko din ay namamanhid na. Gagstick ang bigat ng kamay niya huhu.
Nakita ko naman ang Tristan niya, masasabi kong may taste 'tong best friend ko sa lalaki. Nagmamadali itong pumasok, nalate siguro ng gising. Puyat yata, magulo yung buhok pero hindi nun nabawasan ang kakisigan nitong taglay. Yup, payat siya pero hindi sobrang payat. Parang si kap— wala pala.
Ano kayang ginagawa ng mga lalaki ba't sila napupuyat?
"Beh kalmahan mo lang, baka bago man lang tayo makapasok sa university wala na akong balikat." Saway ko sabay tawa.
"Ay sorry, hindi na hahaha. May chika pala ako, 'di ba no'ng exam nakita natin siya dito rin tapos may kasamang chix. Pinsan niya yon beh hahahahaha" Tuwang-tuwa niyang saad.
"Saan mo naman nakalap yang balitang yan aber?" Tanong ko.
"Nakita ko sa post niya, with my cousin. Oh 'di ba? Nalaman ko rin na HUMSS pala ang kurso niya at dito nga siya mag-aaral."
"Aba matindi, iba talaga nagagawa ng pagiging stalkerist 'no? Walang pinapalagpas na impormasyon." Iiling-iling kong sabi.
"Mismo hahahahaha tara na sa classroom. Nakita ko na inspirasyon ko kaya buo na ang araw ko." Tudo ngiting saad niya, wala tuloy siyang mata.
Kilig na kilig, wala pa man din ginagawa sakanya si Tristan. What more kapag may ginawa na? Baka maglupasay este maglabasan na atay, balon balonan, kidney at apdo nito sa tuwa.
Gagstick maluluka ako sa babaitang singkit na 'to. Tatawa-tawa tuloy kaming naglakad papasok.
Nang papasok na kami sa classroom namin, akala ko ay magiging maayos ang araw na 'to para sa'kin. Hindi pala, dahil bumungad sa'kin ang taong hindi ko inaasahan na hanggang dito ay masusundan ako. Nakatayo siya sa may pinto kasama ang mga barkada niya at nagtatawanan sila.
No way. Tell me, I'm just dreaming! "Hindi baka namamalikmata lang ako. Right, impossibleng maging kaklase ko siya." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Komentar Buku (67)

  • avatar
    Kennard M. Manuel

    good

    04/08

      0
  • avatar
    VelasquezDanissa

    ang Ganda po Ng story

    03/08

      0
  • avatar
    Dave Lucino

    I love the story it's great

    06/07

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru