logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5: She Couldn't Resist Him

Katulad ng mga nakaraang araw, hindi pa rin magkandaugaga si Belle. Bagaman at natapos na ang unang batch ng mga dokumentong kailangang reviewhin at i-send sa email ni Leandro ay tambak pa rin siya ng trabaho. Hindi na nga lamang siya clueless dahil tumawag na ito at abot-langit ang paghingi ng paumanhin sa kanya. Katakot-takot na sermon ang inabot nito sa kaanya. Hindi siya natatakot dito dahil sa puntong iyon alam niyang siya ang tama at hindi magandang basta iniwan na lang siya nang walang instructions. Marami kasing dokumento roon ang dapat ay ito mismo ang mag-review. Hindi niya pwedeng pangunahan iyon dahil malaking problema kapag nagkataon. Nang sabihin nitong naging tuliro ito at abala sa paghingi ng tawad kay Tiffany ay nauwaan din naman niya ito. Sa huli, may pahabol pa rin siyang sermon dito.
Sa ngayon, siya muna ang lahat ng nag-re-review ng lahat ng mga requests at proposal mula sa mga pribadong kompanya. Ang iba naman ay sine-send niya sa email ni Leandro na mabilis din naman nitong ginagawa. Sa ngayon ay nasa Bali ito kasama si Tiffany para sa honeymoon ng mga ito. Nang araw na magkabalikan ang mga ito ay nalaman ding buntis ang babae kaya nagpakasal din pagkalipas ng ilang araw. Babawi raw ito pagbalik ng bansa sa susunod na linggo. Biyernes na ngayon at alam niyang aabutin na naman siya ng gabi para hindi na mag-overlap ang mga trabaho sa mga nakalipas na araw at sa susunod na linggo.
Nang mga sumunod na oras ay tutok na tutok na siya sa ginagawa. Nagpasabay na lamang siya kay Pamela ng tanghalian dahil hindi niya maiwan ang mga dokumento. Pakiramdam niya kasi ay mawawala siya sa momentum kapag tumigil kahit pa isang oras lang iyon.
“Where’s Leandro?” Narinig niya ang isang baritonong boses na nagsalita sa gilid niya.
“Not here. Honeymoon.” Tipid na tipid ang sagot niya at hindi man lang nag-abalang tingnan pa kung sino ito dahil buhos ang atensiyon niya sa mga dokumentong pinag-aaralan. Hindi na ito tumugon pero ramdam niyang nasa tabi niya ito. Tama nga ang hinala niya dahil narinig na naman niya itong nagsalita na tila may kausap sa cellphone pero wala roon ang atensiyon niya.
“Later, baby doll. See you,” sabi lang nito sa kausap. “Didn’t you hear what I said? Where’s Leandro?”
“Honeymoon in Bali,” matipid na sagot niya hanggang may marinig na naman siyang kausap nito sa cellphone.
“Maybe tomorrow, baby doll,” anito na parang nang-aakit ang boses. Naiirita siya sa ingay nito ngunit sadyang engrossed siya sa ginagawa kaya parang wala na siyang lakas para sitahin pa ito. “Woman, are you deaf or you just can't understand English? Sige tatagalugin ko, nasaan si Leandro?” Halata ang pagkairita sa boses nito.
“Nasa Bali nga. Honeymoon nila.” Sagot niya kasabay ng malakas na pagtawa nito.
“Yes, yes, baby doll. I like that,” sabi pa nito. “Woman,” halatang exasperated na ang boses nito. “Tatlong beses na akong nagtatanong sa ‘yo kung nasaan si Leandro.”
Umakyat yata ang lahat ng dugo sa ulo niya at nagmistula siyang bulkan na handang bumuga ng asupre dahil sa panggigilgil. Gigil na gigil na tumayo siya at hinarap ito. “Tatlong beses ko na ring sinasagot ang tanong mo. Palibhasa sobrang busy ka sa pakikipaglandian diyan sa kung sinumang haliparot na kausap mo sa cellphone. Hambog na ‘to. Isaac?” Noon niya lang napansin na si Isaac pala ang kausap niya. Sa sobrang abala sa ginagawa kasabay ng pagkayamot niya ay hindi na siya nag-abalang intindihin ang hitsura ng kausap.
“Wala nang iba pa,” mayabang na asta nito.
“Wala nga rito si Mayor Leandro, nasa honeymoon pa.” Hindi niya maiwasang mapatitig sa mukha nitong halatang naiinis. Napakagwapo talaga ng herodes. Bagay na bagay ang stubbles na halatang sinadyang hindi inahit. Kung ang mga kapitbahay niya ay mukhang mga kontrabida sa mga palabas ni FPJ katulad nina Romy Diaz at Bomber Moran, si Isaac ay mukhang Diyos ng mga Griyego na bumaba pa mula sa Mt. Olympus para lang sungitan siya.
“I know I look good. You don’t have to tell me. The way you stare at my face, it’s obvious that you still like me.”
“Kapal mo! I don’t like you, never did!” Hinihingal siya sa magkahalong inis at pagkapahiya.
“Yet you’re blushing,” tinatamad na balik nito sa kanya. “You don’t have to deny it. Anyway, the feeling is still not mutual. It never will.”
“Wala akong panahong makipagbalitaktakan sa ‘yo, congressman. Kung gusto mo, doon ka sa kongreso. Biyernes pa lang ha, bakit nandito na kayo kamahalan? Kawawa naman ang mga nagbabayad ng tax. Pinapasuwelduhan ang isang kongresistang shirker. Fine, gwapo ka, pero wala kang kadating-dating sa akin. Masyado ka pang masungit at self-absorbed.”
“You’re so gonna take it back.” Nagbababala ang boses nito.
“At bakit po, aber? Wala ka naman talagang ka-appeal appeal sa totoo lang. Hindi ko nga alam kung bakit kilig na kilig sa ‘yo ang mga babae. May mga nagpo-post pa sa Facebook na kissable lips. Gusto kong mag-comment ng ‘If you only knew how terrible it was to be kissed by your favorite congressman you-’ Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil naramdaman na niyang lumapat ang mga labi nito sa kanya. Sa ilang baliw na sandali ay naramdaman niyang tumugon siya, passive nga lang. Pinilit niyang kumawala rito pero parang bakal ang mga braso nitong nakakapit sa kanya. Ang isang kamay nito ay nakapalibot sa baywang niya, ang isa naman ay sa batok niya. Pinalalim pa nito ang halik hanggang sa naging malumanay iyon at parang inaakit na siya. At dahil isa siyang babaeng in denial lang sa pagsinta rito ay namalayan na lang niya ang sariling tumutugon dito.
“Honey-” Hindi nito naituloy ang sinasabi dahil yumakap siya sa batok nito at muli itong siniil ng halik. “Wait-” natatawang sabi nito at inilayo lang saglit ang mukha dahil pilit niyang hinuhuli ang mga labi nito.
“Later.” Iyon lang at hindi na ito nakasagot dahil muli niya itong hinalikan. Ayaw niya nang tantanan ang mga labi nitong napakasarap pa rin pala kung humalik. It has been ages since she last tasted his luscious lips that brought out the sleeping tigress in her. As they shared another Earth-shattering kiss after a few years, she felt she was walking non-stop on a desert before finding an oasis, Isaac’s lips. And she would lose her damn mind if they stopped. Amidst their passionate kisses, she felt him smile against her lips before pressing himself more on her. She gasped aloud when she felt his hard and proud maleness poking her belly. She heard the warning bell telling her to stop but she did not want to listen. For the first time in her life, she felt so in control because she never thought she had the capacity to be this ardent. So instead of panicking, she found herself responding to his kisses, feeling the fire that he ignited within her.
Nang pakawalan niya ito ay habol nila ang hininga pero nanatili itong nakahapit sa kanya. Damang-dama pa rin niya ang nagmamalaki nitong kaangkinan ngunit kakatwang wala siyang madamang pagtutol. Sa halip na mahiya ay parang proud pa ito sa pakiramdam na may binuhay itong apoy sa kanya. Ang posisyon nila ngayon ay parang isa sa mga scenes ng Gone With The Wind kung saan dikit na dikit ang katawan nina Scarlett O’Hara at Rhett Butler.
“I-Isaac.” Iyon ang tanging nasabi niya nang haplusin nito ang kanyang pisngi at paraanin ang hinlalaki nito sa kanyang mga labi.
“Tell me you want me, honey.”
“I w-want you.”
"So much?" Mas naging malambing ang boses nito na parang musika sa pandinig niya.
"I want you so much." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumisi ito at pinakawalan siya.
“Obviously, everything you said was a lie.” Pakindat-kindat pa ito habang hindi nawawala ang nakapaskil na ngisi sa mga labi. “I gotta go.” Iyon lang at tumalikod na ito at bumaba ng hagdan.
“That’s so not true! I faked it!”
“Whatever you say,” anito at itinaas lang sa ere ang kamay para sabihing tapos na itong makipag-usap.
“What have I done?” Naiwan siyang nakatanga at gulung-gulo sa mga nangyari. Para itong isang malakas na lindol na bagaman sobrang bilis lamang siyang niyanig ay nag-iwan ng malaking kalituhan sa kanyang sistema. Muli na naman nitong ginulo ang maayos na takbo ng bawat araw niya. Muli na naman nitong ginising ang nananahimik nang damdaming pilit niyang itinago sa paglipas ng mga taon. Nang bumalik sa kasalukuyan ay namalayan na lang niyang tuluy-tuloy na pumatak ang kanyang mga luha. Why did he have to kiss her? Did she cross the line? Did he have that colossal ego that he could not just let her words get away with him? Maybe he kissed her just to shut her mouth. Maybe he kissed her just to prove to her he was a desirable man and that she could not resist him. Maybe he kissed her to show that she has not moved on from him. And maybe at the back of his mind, he knew she still liked him and kissing her would confirm his supposition. Her kisses and involuntary moans served as her answers to his curiosity. That was so cruel and ungentleman. That was the lowest of the low.
She was shaking in anger, disgust, and emptiness. When she calmed a bit, she locked the computer screen before she went to the bathroom and cried her heart out. She felt so dumb and miserable now. What would Isaac think of her after she responded to his kisses? Once again, he was able to make her feel unwanted, pitiful, pathetic, desperate, and most of all ugly. He broke her heart just like he did before. Another hour has passed before she hushed down. She fixed herself and promised for the nth time that it would never happen again. Makikita ng Isaac na iyan na hindi lang dito umiikot ang mundo niya, na hindi siya katawa-tawa, na hindi siya mukhang desperada para halikan na lang siya basta. Nang magbalik siya sa mesa ay nakita niyang nakatunghay lang sa kanya si Pamela. Kanina pa ba ito? Hindi ba overbreak na ito?
“I went to the bathroom and heard you crying. I thought I had to stay here for a while,” kibit-balikat na sabi nito.
“I appreciated it,” nakangiti niyang sabi rito.
“Kain ka na,” sabi nito at ito pa mismo ang nag-ayos ng pagkain niya.
“Thank you.” Tahimik lang siyang kumain kahit naiilang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Nang matapos siyang kumain ay mahina nitong tinapik ang kamay niya.
“I know you are not okay and I’m a bit worried. It’s fine if you are not ready yet to tell me about it. But if you need somebody to talk to, I’m here, okay?” Tumitig muna ito sa kanya bago ngumiti nang matipid at tumayo.
“Thank you very much, Pamela,” sinserong sabi niya rito hanggang sa mapangiti na siya. “You go back to work now. Don’t mind me. I’ll get by.” Nang magbalik sa trabaho, hindi siya nahirapang ibuhos muli ang atensiyon sa mga dokumentong ilang beses niyang binasa bago tatakan at pirmahan.

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Guelay

    nice

    02/06

      0
  • avatar
    Erenel James Magno

    super Gand ng kwento

    10/04

      0
  • avatar
    BughaoShannen

    Infairness si Mareng Belle palaban na mag hint ng pagka masokista na may pagka marupok

    19/02

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru