logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 02 : Cold as an Ice

Tahimik akong nakayungko habang yakap-yakap ang sarili. Malakas ang ulan na sinabayan pa ng pag-kulog at pag-kidlat.
Nandito pa rin ako sa labas ng bahay at talagang hindi ako pimagbuksan ng pinto ng pesteng 'yon! Hahayaan niya siguro akong matulog dito sa labas at mamatay sa sobrang lamig.
Tangina niya! Oras na makapasok talaga ako ay talagang gagantihan ko siya ng mas higit pa dito. Urr, nakakainis!
I stomped my feet because of frustration. I felt so cold. Wala pa naman akong suot na jacket. And never that I'll beg him to let me in. Magkamatayan na, hindi ako mag-mamakaawa na buksan niya na ang pinto.
Yeah, ma-pride akong tao. Mangyari na ang mangyari pero hindi ko isusuko ang pride ko. That's why sometimes, some people hate me because of that attitude of mine. Pero masisisi ba nila ako? Wala silang pakialam.
Siguro nga, kaya walang tumatagal na kaibigan sa akin maliban kay Maui. Bata pa lamang ako, maattitude na ako at maarte. Pero kahit kailan hindi ako sumasagot sa mga magulang ko o sa kung sinuman na nakakatanda sa akin. May respeto ako pero talagang mas nananaig ang ayaw kong magpatalo at umako ng pagkakamali.
When I was young, they call me a bitch, a cruel girl. They always throw hurtful words towards me. But instead of giving them the attention they want, I just ignored them and act like I don't care at all. Sa murang edad ko ay lumakas ako at naging sintigas ng bato ang puso ko. Not until, I met him.
Pakiramdam ko nagbago ang lahat sa akin nang makilala ko siya. 'Yong puso kong tila ba naging bato ay lumambot na lang bigla gaya ng isang tinapay. That's when I realize that I fell in love at first sight. Corny but that's the truth.
He always made me feel the butterflies in my stomach. He's the reason why my heart beat so fast whenever he's near me. He's the reason why I'm happy and feel inspired everyday. But those happiness didn't last long. I planned to confess to him on the day of his birthday but I didn't do it.
Paakyat ako no'n sa rooftop habang kinakabahan. Hayun 'yong time na aamin na sana ako kaso... Huli na pala ako. Papasok na sana ako pero hindi ko ginawa kasi nakita ko siyang may kahalikang iba habang kita ang saya sa mga mata nila. Hindi ko kilala 'yong babae at nakilala ko lamang iyon nang ipakilala niya sa lahat na girlfriend niya si, Callista.
I was really hurt that time. 'Yong puso ko parang namanhid na ewan. That was my first heartbreak at sa first love ko pa talaga. Nawalan ako ng gana noon. Hanggang sa isang araw nagising na lamang ako ng puno na sa kaartehan sa katawan. 'Yong mga mata ko, sobrang lamig. Sabi rin nina Mommy na malamig na daw ako kung makitungo sa kanila. I started building up walls on my heart again. Isang pader na kahit sinuman ay hindi matitibag. Isang pader na poprotekta sa puso ko upang hindi na ito muling masaktan pa.
I came back from my senses nang may tumulong luha sa pisngi ko. Dinampi ko ang aking daliri roon at hinayaan itong bumagsak sa tuhod ko. Malakas pa rin ang ulan at patuloy sa pag-kulog ng malakas.
Nakakaramdam na rin ako ng sobrang panlalamig pero hindi ako tumayo. Iniharang ko na lang ang dalawang maleta sa harapan ko para hindi ako mabasa ng ulan. Damn, that asshole. Kung kailangan ko siyang murahin ng maraming beses ay gagawin ko. Ang laking leche niya. Tss.
Muli akong yumuko at pinikit ang aking mga mata. Mas lalo kong niyakap ang sarili.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan pero hindi ako nag-angat ng tingin. Pakiramdam ko ay nanghihina na ako sa sobrang lamig. My whole body was shivering like I'm inside of a refrigerator.
“Shit.” I heard someone cursed but still hindi ako gumalaw. Nanatili akong nakapikit hanggang sa naramdaman kong may yumakap sa akin.
“Darlene? Darlene, can you hear me?” his voice is familiar pero parang hindi ko siya makilala. Nanlalabo na rin ang paningin ko at bumibigat lalo ang talukap ng mga mata ko. What the actual F is happening to me?
“Fuck! Darlene?! How do you feel? Naririnig mo ba ako?!”
I lift my head up but my vision was blurred already. I tried to utter a word and I succeeded.
“Cold... I'm cold... So damn cold...” and after that. Everything went black.
*****
I woke up in an unfamiliar room. I'm sure na hindi ko naman ito kuwarto dahil super plain lang naman ng pintura sa loob.
Napahawak ako sa noo nang may maramdamang nakalagay doon. May isang malamig na bimpo akong nakuha. My forehead creased. What the hell happened? Bakit may bimpo sa noo ko?
I tried getting up at mas lalong nagtaka sa patong-patong na kumot na nakataklob sa akin. Hindi naman malamig masyado pero bakit napakaraming kumot?
Napaigtad ako nang bumukas ang pintuan ng kuwarto at iniluwa nun si Neil na humahangos at may dalang tray. Napatingin agad siya sa akin at nagmamadaling lumapit.
“You're awake? Ano ng nararamdaman mo?” Napataas ako ng kilay. Why do I sense some concern in his voice?
“Well, I feel great but when I saw your face, I feel like I want to punch someone right now.” sarcastic kong sagot kaya napabusangot siya. “Wow ha. If that's your way of saying thank you to me then you're welcome.” Nairita ako dahil ginaya niya ang pagiging sarkastiko ko. Atsaka ano bang sinasabi niya? Bakit naman ako magpapasalamat sa kanya?
Tiningnan ko lang siya at inirapan. Masyadong napapadalas yata ang pag-irap ko at baka mamaya ay maduling na ako. Tsk.
Inabot niya sa akin 'yong tray na may mangkok at lamang sopas. “Ano 'to?” tanong ko. Siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin. “Pagkain?” pilosopo niyang sagot kaya hinampas ko siya ng malakas sa braso. Wala talaga siyang kuwentang kausap kahit kailan.
“Duh! Alam ko! Eh bakit binibigay mo 'to saakin?!”
“Duh! Malamang kakainin mo! Hina mo naman!”
“Aba't?! Stop imitating me!”
“I'm not imitating you!”
Sa sobrang inis ay pinaghahampas ko siya ng makapal na kumot. Panay salag naman siya at pinagtatawanan ako. Bakit ba ang galing niyang mambuwisit?! Nakakairita siya ah!
“Amp! Lumayas ka na nga dito sa kuwarto ko! Layas!” sigaw ko habang patuloy sa paghampas sa kanya.
“Pfft. Haha! Oo na! Teka---aray! Oo na nga! Eto na, aalis na!” tumatawa niyang sambit.
Huminto na ako nang buksan niya na ang pinto at bago tuluyang umalis ay humarap pa siya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Oh ano pang hinihintay mo?!”
“Seriously? I'm sorry, Darlene.” seryoso ang boses niya. Natigilan naman ako. Ano bang sinasabi niya? Bakit siya nag-sosorry?
“What? Why are you saying sorry?!” naguguluhan kong tanong. But instead of answering me, he just shrugged his shoulder and gave me a simple smile. Pagkatapos ay sinara niya na ang pintuan.
Nakatulala pa ako sa pinto habang nagtataka sa sinabi niya. Napapailing akong naupo sa kama at nagsimula ng kainin ang dinala niyang sopas.
What a weirdo. Tss.

Komentar Buku (87)

  • avatar
    AbibasMay

    👌👌👌

    6d

      0
  • avatar
    Tahara Trabo

    yes

    8d

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    ❤️❤️❤️

    12d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru