logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6


VANESSA's POINT OF VIEW
"Omygad. You're bleeding!"
Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang pagsigaw ni Angie. Kaagad dumako sa tiyan ko ang mata ko at doon nakitang dumudugo nga ito. "Jiro!" tawag pa ni Angie kay Jiro na nasa ibaba ng hagdan.
Mabilis namang nakalapit sa'min si Jiro saka ako binuhat at dinala sa kwarto ko. Nakasunod naman sa'min si Angie na hindi ko inaasahan ang pag-aalalang makikita sa mata nito.
Nang makapasok sa kwarto'y dahan-dahan naman akong inihiga sa kama ni Jiro. Hindi ako maka-imik dahil ramdam ko ang pag-aalala nilang dalawa at hindi ko alam ang ipapakitang reaksyon dahil hanggang ngayon ay tuliro pa rin ako sa mga sinabi nilang dalawa kanina sa hagdan.
"Where's the medicine kit, Jiro?" Tinignan ko si Angie na hindi mapakali dahil sa palakad-lakad nito.
"Hey, calm down," ani ni Jiro saka siya hinawakan sa braso't hinila palapit sa gilid ng kama ko. "Stay here, I'll get the kit," aniya saka siya lumabas ng kwarto.
Tinignan ko si Angie na tahimik na nakatingin sa tiyan kong may dugo.
"Are you okay?" Hindi ko napigilan ang magtanong rito, baka mamaya takot pala siya sa dugo kaya ganito siya mag-react.
Nabalik siya sa sarili't tinignan ako sa mata. "Yes," aniya saka natawa, "I should be the one asking that."
"Uh, I'm okay," ani ko rito saka nag-iwas ng tingin.
Sakto namang pagtingin ko sa pinto'y siyang pagpasok naman ni Jiro na may dalang medicine box. Naupo siya sa kabilang gilid ng kama saka sinetup ang mga kakailanganin niya.
"May I?" tanong nito sa'kin nang itataas niya ang damit ko. Tinanguan ko lamang ito bilang tugon saka tinignan ang tiyan kong dumudugo.
"Tsk, ito na nga bang sinasabi ko," ani ni Jiro nang matignan ang tiyan ko. "Away-away pa kayong dalawa, ayan tuloy," aniya pa habang umiiling.
I didn't know na dudugo 'tong tiyan ko dahil sa nangyare kahapon. 'Yon siguro 'yung naramdaman kong kirot kahapon na nawala din kaagad, ngayon lang umepekto.
"What? May sugat na talaga siya sa tiyan?" Tinignan siya ni Angie na naupo na rin sa gilid ng kama ko.
"Yes, at hindi pa talaga magaling ang sugat niya sa tiyan kahit apat na taon na ang lumipas," ani naman ng isa habang nililinis ang tiyan ko.
Napatingin naman ako kay Jiro dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin noon pa ako merong hiwa sa tiyan. Nakipaglaban ako? Napabuntong hininga ako dahil sa sariling tanong saka pinagmasdan si Jiro at Angie na tutok sa tiyan ko.
Sasagutin ba nila ako kapag nagtanong ako? Napakagat ako sa labi saka napatingin sa kisame. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. May part sa'kin na nagtitiwala sa mga sinasabi nila at may part naman na natatakot.
Ito siguro talaga ang mararamdaman ko lalo na't wala akong maalala, para akong binigyan ng blankong canvas at ako ang bahalang magpinta ng makikita ko... at wala akong makitang kahit na ano.
"V?"
Nabalik ako sa sarili't napatingin sa kanilang dalawa. Tinignan ko ang tiyan ko, tapos na pala.
Naagaw ni Angie ang atensyon ko nang bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko. Kumunot ang noo ko nang may makita akong kakaibang emosyon sa mata niya.
"I'm sorry," aniya kasabay ng pagtungo ng ulo. "Gusto ko kasing makita kung ikaw pa ba 'yung kilala kong Vanessa," hindi ako nakakibo dahil sa sinabi niya, "that's why I triggered you by saying such things yesterday."
Kaya pala...
Kaya pala parang may kakaiba sa kanya noong una ko siyang makita. Seeing her like this makes me think that she really is related to me, that she is part of my life that I forgot.
Napahinga ako ng malalim saka naman tinignan si Jiro na tahimik na inililigpit ang ginamit. Napatigil ito sa ginagawa saka lumingon sa akin, binigyan niya ako ng isang ngiti... Ngiting hindi ko maintindihan kung malungkot ba o masaya.
"I want to know the truth," ani ko na pareho nilang ikinahinto, "and I'm trusting you guys as my guidance."
Seryoso ko silang tinignan na parehong nagkatinginan sa isa't-isa. Halata sa mga mukha nilang hindi nila inaasahan ang mga sinabi ko. I don't have a choice but to trust them, kung talagang best friend ko sila, they know me better than anyone else.
"We can help you," Angie said, "pero hindi sa madaling paraan na alam mo."
Kaagad kong nakuha ang ibig niyang sabihin, pero bakit? Bakit hindi nalang nila sabihin? Hindi ko napigilan ang mapakunot ng noo na mukhang nabasa nila ang ibig sabihin.
"Hindi kami pwedeng magpadalos-dalos, V." Tinignan ko si Jiro na napabuntong hininga. "Kahit na nandito tayo sa sarili kong pamamahay, we still have a hunch na may nakamatyag ng bawat galaw natin."
"Is that a bad thing?" tanong ko.
"Yes, dahil ang paggising mo ang bubuhay sa mga kalabang tulog," makahulugang ani ni Jiro na kaagad ko namang nakuha.
Sino ba ang kalaban ko noon bago ako mawalan ng alaala? Think, Vanessa.
Napatingin ako sa kisame habang binabalikan ang mga naaalala kong nakaraan. Could it be the same enemy that I know?
"You don't have to force yourself, V." Napatingin ako kay Angie nang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "We're here to help you, just ready yourself that we'll help you in a different way."
- • -
JIRO's POINT OF VIEW
Hindi ko napigilang mapangiti habang pinagmamasdan silang dalawa. Alam ko sa sarili kong pinipilit lang ni V ang sarili niya na tanggapin ng mabilisan ang sitwasyong meron siya, pero natutuwa pa rin ako't kahit papaano'y hindi niya kami itinataboy ni Angie.
Tumayo ako na ikinatingin nilang dalawa sa'kin. "I-a-akyat ko nalang dito 'yung niluto ko. Huwag na kayong bumabang dalawa," ani ko saka naglakad palabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa kwarto ko't ibinalik ang medicine box sa loob ng cabinet. Kaagad din akong bumaba't pumunta sa kusina saka nag-intindi. Tinanggal ko sa kawali ang niluto't inilipat sa isang tupperware. Kumuha ako ng isang tray saka inihanda ang mga plato, baso at kubyertos.
"Bumaba na 'ko't hindi mo kakayaning akyatin lahat 'yan." Napatingin ako sa bukana ng kusina nang marinig ang tinig ni Angie.
"Oo nga, eh," ani ko saka bahagyang natawa, "ikaw na ang mag-akyat nito."
Kinuha naman niya ang tray na may mga plato, baso, kubyertos at isang pitsel ng juice saka umalis. Ipinatong ko naman sa isa pang tray ang dalawang tupperware na may lamang magkaibang ulam saka itinabi rito ang bowl ng rice.
Hindi ko napigilang mapangiti habang papaakyat ng hagdan. I miss this, us being at ease with just a simple meal.
"Let's watch a movie!" tinig ni Angie ang bumungad sa'kin pagpasok ko ng kwarto.
"Angie, hilahin mo 'yon," ani ko saka inginuso ang tabla na nasa likod ng headboard ng kama. "Lamesa 'yan, naaalis 'yan. Ibaba mo lang, automatic na 'yung paa n'yan na bababa," dagdag ko pa.
"Really?" Nanlalaki mata naman niyang hinila 'yung tabla saka iniusog at ibinaba, at katulad ng sabi ko'y automatic na bumaba ang paa nito.
Isa itong pahabang table na nahihila sa kanang bahagi ng kama. Inilapag ko naman ang hawak na tray nang maayos na ang table.
"Aray!" I winced nang makaramdam ng palo sa braso. "Bakit?!" Tinignan ko si Angie na nakataas ang kilay sa'kin.
"Lahat ng kama dito may lamesang ganyan?"
"Yes–oh!" Mabilis akong umiwas nang papaluin niya sana ulit ako.
"Hindi mo naman sinasabi! Ang tagal ko ng natutulog dito nang hindi ko 'yan nalalaman!" Nagsalubong ang kilay niya na ikinairap ko nalang.
"Hindi ka naman nagtatanong," ani ko saka siya binelatan.
"Aba't!"
"Pfft." Napahinto kaming dalawa sa pagtatalo nang makarinig ng mahinang tawa. Nanlalaki matang napatingin ako kay V na maluha-luhang nagpipigil ng tawa.
She's laughing... for the first time ever since she woke up. Thank goodness!
Namamanghang napatitig ako kay V na mukhang napansin niya kaya kaagad siyang umiwas ng tingin sa'min.
Tinignan ko si Angie na natahimik din habang nakatingin kay V. Napatingin siya sa'kin at isang malawak na ngiti ang iginawad niya sa'kin na waring sinasabing, 'this is the start.'
- • -
VANESSA's POINT OF VIEW
Inayos ni Jiro sa lamesa ang mga plato, baso, kurbyertos at mga pagkain, habang si Angie naman ay binuksan ang television na nakatago pala sa likod ng dingding sa harapan ng kama ko.
Hindi ko alam kung anong pinindot ni Angie pero bigla nalang bumukas 'yung dingding at lumabas 'yung television, ngayon ay namimili siya ng movie.
Nalipat ang tingin ko sa lamesang nasa kanang bahagi ko saka napatingin sa dalawang ulam na binuksan ni Jiro.
Napapikit ako nang maamoy ang mga ito. Amoy palang masarap na, paniguradong pati lasa ng mga ito'y masarap din.
"This is yours." Tinignan ko ang inilapag na plato ni Jiro sa harapan ko.
Napahinto ako nang biglang may sumaging alaala sa isip ko. Kumunot ang noo ko dahil para akong may nakikitang nakaraan pero hindi ganoon kalinaw. Kasabay ng pag-angat ko ng tingin kay Jiro ay siya ring pagbabago ng paligid ko.
Para akong napunta sa isang alaala pero si Jiro pa rin ang kaharap ko. Nakangiti sa'kin ito.
"Ito muna, V," natatawa niyang ani saka ibinigay sa'kin ang isang bote ng toyo. Automatic ko itong kinuha at inilagay sa kalderong pumapagitna sa'min.
Nagluluto ba kami?
Hindi ko naalis ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa pangitain na ito. Ano 'to? Nakaraan?
"Oh, huwag kang sumimangot d'yan at baka sumama ang lasa ng niluluto mo." Napatingin ako sa kanya na natatawa habang nakatingin sa kaldero.
Napatungo ako't napahawak sa ulo. Bakit... ako nandito? Totoo ba 'to? Nakaraan ko ba 'to na siya ang kasama?
"V?" Nag-angat ako ng tingin pero laking gulat ko nang bumalik na sa totoo ang paligid. "Are you okay?" tanong nito na seryosong nakatingin sa'kin.
Tumango ako rito bilang tugon. "Gutom na ako," ani ko nalang saka nagbaba ng tingin sa platong nasa harapan ko.
Am I seeing a glimpse of my past? May posibilidad bang bumalik din ang alaala ko?
"Ito nalang ang panuorin natin!" tinig ni Angie.
Nagsimula kaming kumain habang nanunuod, pero hindi ko maituon ang atensyon sa pinapanuod dahil sa nakita kanina. Kinikilabutan ako dahil para akong napunta sa kung saan at kaagad ding bumalik.
Natapos ang umagahan namin ng mapayapa. Pinagpahinga nila akong dalawa at sinabihan na huwag tatayo hangga't hindi natutuyo ang tiyan kong nilagyan kanina ng betadine. Kaya heto ako, tulalang nakatingin sa kisame.
Tinignan ko ang orasan sa gilid ng kama, 11:26 AM. Napabuntong hininga ako saka tinignan ang tiyan ko.
Naiinip na ako't hindi ko kinakaya 'tong nakatengga lang sa higaan. Bumangon ako sa higaan at walang ingay na lumabas ng kwarto.
Pagkababa ko sa may second floor ay kaagad nangunot ang noo ko nang makarinig ng ingay sa kung saan. Napalingon ako't doon napagtantong galing sa dati kong silid ang ingay, na nagmumula kay Jiro at Angie na boses.
Lumakad ako at lumapit sa silid nang makitang bukas ang pinto nito.
"Bakit kasi hindi mo papuntahin 'yung mga katulong niyo't ako pa talaga ang inabala mo?!" rinig ko ang pagka-irita sa boses ni Angie nang makalapit sa bukana ng pintuan.
Sumandal ako sa bukana ng pinto saka sila pinanuod na nililinis ang kwarto habang nagbabangayan.
"Alam mo namang tuwing linggo lang sila pumupunta dito." Halata na rin sa boses ni Jiro ang pagkairita. "Sige na nga! Ako nalang dito!"
"Talaga! Bahala ka nga d'yan!" Binitawan ni Angie ang basahang hawak saka tumalikod paharap sa pinto. "V!" gulat niyang ani.
Napailing ako dahil sa kakulitan nilang dalawa, para silang magkapatid kung mag-away. "Anong ginagawa niyo?" tanong ko kahit na alam ko na naman ang ginagawa nila.
"Naglilinis lang, V. Bakit tumayo ka na?" Lumapit si Angie sa'kin saka tinignan ang tiyan ko. "Okay na ba 'yan?" Itinuro niya ang tiyan ko saka ako tinignan sa mata.
Tumango ako bilang tugon rito saka ibinaling ang tingin sa buong silid, "Wala akong magawa, can I help?" I asked while entering the room.
"What, no, V." Napahinto ako nang hawakan ni Angie ang kamay ko.
Tinignan ko siya pero nabato ako sa kinatatayuan nang mag-iba ang paligid... pero nang tignan ko si Angie ay siya pa rin ang nakikita ko na nakahawak sa kamay ko.
What is this? Binalot ako nang kaba nang maalala ang nangyare kanina nang kaharap ko si Jiro.
This must be my past with Angie, at sigurado na 'ko... may posibilidad ngang bumalik ang alaala ko, but I need an assurance.
"Let's go na, V! The battle is about to start!" nakangiti nitong ani habang hinihila-hila ang kamay ko.
Napatingin ako sa kamay niya't doon din napansin ang kakaiba niyang suot. Mukha siyang emo na babae na handang makipaglaban sa kanto.
Pag-angat ko ng tingin kay Angie ay doon biglang bumalik sa normal ang paligid. What the hell is happening in my head?
Napahawak ako sa ulo dahil sa pagkatuliro. Bakit gising ang diwa ko kapag nakikita ko ang mga 'yon? Is that possible? Am I hallucinating?
"V? Okay ka lang ba?" Nabalik ako sa sarili nang marinig ang boses ni Angie.
Naramdaman ko naman sa gilid ang presensya ni Jiro. "Kanina ka pa ganyan, V. May nararamdaman ka ba?" tanong pa nito.
Lumunok ako saka sila tinignan, "Posible bang bumalik ang alaala ko?"
- • -
JIRO's POINT OF VIEW
Hindi kami naka-imik dahil sa naging tanong ni V.
Napatingin ako kay Angie nang maramdaman ang tingin nito sa'kin. Salubong ang mga kilay niya't alam ko nang naguguluhan din siya sa isasagot kay V.
Huminga ako ng malalim saka ibinalik ang tingin kay V na seryosong nakatingin na pala sa'kin. I was about to open my mouth to say something, but I suddenly stop when I saw her facial expression.
She's in pain. Shit, ang bilis ata ng epekto sa kanya ng gamot.
"V!" gulat na tawag ni Angie rito.
Mabilis kong nasalo si V nang mawalan ito ng malay. Kaagad ko itong binuhat saka lumabas ng silid.
Umakyat kami pabalik sa kwarto niya't doon siya inihiga. Kinumutan naman siya ng maayos ni Angie saka mabilis akong tinignan ng masama.
"I need some explanations now, Roro," aniya saka ipinagkrus ang braso.
Napabuntong hininga naman ako saka tumalikod. "Sa baba natin pag-usapan," ani ko habang papalabas ng kwarto.
Mukhang mapapalaban ako, ah.
- • -

Komentar Buku (80)

  • avatar
    LI VE

    i like this story

    6d

      0
  • avatar
    Charity Parina

    Goodjob

    25d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    26/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru