logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5


ANGIE's POINT OF VIEW
"Here, you should try this!" Inilagay ko sa plato ni V ang ulam na niluto ni Jiro.
Limang putahe ang niluto ng mokong at alam kong ang tatlo sa putaheng 'yon ay paborito ni V. Tinignan ko si V na nakatingin sa plato niya saka bumaling ng tingin sa'kin.
"T-thanks," mahina niyang ani saka bumalik ng tingin sa plato.
Napangiti naman ako pero agad 'yong nawala nang makaramdam ng sipa mula sa ilalim ng lamesa. Tinignan ko ng masama si Jiro na kinunotan ako ng noo habang inginunguso si V na katabi kong kumakain.
Inirapan ko ito't hindi sinagot. Nagpatuloy kami sa pagkain, tahimik lang si V at kaming dalawa lang ni Jiro ang nag-uusap. Nang matapos kumain ay kaagad tumayo si V at umalis. Nilinis naman namin ni Jiro ang lamesa saka dinala sa kusina ang mga hugasin.
Mabilis naman akong tinabihan ni Jiro saka bumulong, "Anong nangyare bigla? Parang kanina lang magka-away kayo tapos ngayon close na kayo?"
Siniko ko siya saka bumalik sa pagliligpit ng plato. "Tigilan mo 'ko," ani ko saka napa-irap, "tingin mo sa'kin susuko nalang porket nalaman kong wala siyang maalala?" Huminto ako sa pagbabanlaw ng pinggan at hinarap sya. "Kilala mo ko Jiro, ni minsan hindi ko kayo sinukuan."
Bumalik ako sa pagliligpit nang hindi na ito umimik. "Ang swerte talaga namin sayo." Tinignan ko siya saka nginisian. "Oh, huwag lalaki ang ulo." Napairap ako't tinapos nalang ang ligpitin, siraulo.
Matapos magligpit ay agad akong dumiretso sa sala, umaasang nandoon si V ngunit wala. Napatingin naman ako kay Jiro na kakababa lang sa hagdan.
"Where is she?" I asked.
"As usual, nasa labas," kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, "sa gilid ng fountain."
"As usual?"
"Yeah, napansin kong madalas siyang tumambay doon simula nang makalabas siya," aniya saka naupo sa sofa. "Bakit mo pala hinahanap?"
"Nothing," ani ko saka napabuntong hininga't naupo sa katapat niyang sofa, "Is she waiting for them?"
"Iniisip ko din 'yan," aniya habang napapailing.
Natahimik naman ako dahil hindi nga imposibleng hinihintay ni V ang pamilya niya. She didn't know this place, kaya kung aalis man siya ng walang paalam ay wala ring saysay lalo na't paglabas niya sa gubat na ito'y hindi rin malalaman ni V kung saan pupunta. Isang malawak at desserted na highway ang bubungad paglabas sa gubat na 'to.
"Bakit ka nga pala napabisita dito bigla? Anong balak mo?"
Nabalik ako sa sarili't napatingin kay Jiro. "As of now, I need her to slowly recognize us," ani ko saka siya nginitian, "that we are here as her best friend."
Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-intindi. Dumiretso ako sa tapat ng kwarto ni V saka kumatok. Idinikit ko ang tenga sa pinto saka pinihit ang doorknob.
"Ang aga mo namang mangbulabog," napaigtad ako nang marinig ang boses ni Jiro sa likod. Tinignan ko ito ng masama na ginantihan lang niya ng hikab, "Magluluto na 'ko ng agahan, pababain mo nalang siya," inaantok niya pang ani bago umalis.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni V saka sumilip sa loob. Kumunot ang noo ko nang wala akong makitang tao sa kama. Gising na ba siya?
Pumasok ako sa loob at napatingin sa banyo nang makarinig ng buhos ng tubig. Umupo ako sa gilid ng kama at doon siya hinintay.
Maya-maya lang din ay bumukas na ang pinto ng banyo. Isang malaking ngiti ang iginawad ko sa kanya nang makita niya ako.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya't hindi talaga siya gumalaw sa pagkakatayo niya.
Oh, come on. Is she avoiding me? Base palang sa galaw niya'y mukhang hindi niya ako inaasahang lalapitan siya. Dahil ba sa nangyare kahapon ng umaga?
Natawa ako ng bahagya nang maalala ang mini battle namin. "I'm here to fetch you," ani ko saka siya nilapitan. "Magluluto ng breakfast si Jiro kaya mag-ayos ka na," sabi ko pa rito saka siya hinawakan sa kamay at hinila papasok sa closet niya.
Tuliro niyang isinara ang pinto ng closet at walang imik na natapos din kaagad. I bet she's really confused right now. Sino ba namang matinong tao ang lalapitan ang gustong manakit sayo kahapon? Well, she's not a stranger to me that's why I'm like this.
"Let's go!" anyaya ko rito saka inangkla ang braso sa braso niya.
Hindi ko pinansin ang pagtitig niya at nagtuloy lang ako sa paghila sa kanya papalabas ng kwarto.
- • -
VANESSA's POINT OF VIEW
Sa library ako dumiretso matapos ng mini battle namin no'ng A. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't basta nalang siyang sinugod dahil sa sinabi niya. Nainis ata ako sa katotohanang wala akong maalala at parang pinaglalaruan lang ako.
Pabagsak akong naupo sa sofa saka ipinatong ang paa sa lamesang nasa gitna. Ipinagkrus ko ang braso saka pumikit. Kailangan kong kumalma, hindi pwedeng ganito na pinapairal ko ang init ng ulo. Baka lalong wala akong makuhang sagot.
Kailangan ko silang pakisamahan kung gusto kong malaman ang lahat ng nangyare. Naimulat ko ang mata saka naglibot ng tingin sa paligid ng library.
Mabilis nangunot ang noo ko nang mapasadahan ng tingin ang isang shelf na naiiba ang kulay sa lahat. Dark wood ang kulay ng lahat ng bookshelf, pero 'yung isang bookshelf sa tabi ay light wood ang kulay nito.
Tumayo ako't nilapitan ang shelf saka tinignan ang mga librong nakapatas. Kaagad naagaw ng pansin ko ang isang libro na dark green ang hardcover. Hindi ako nag-atubiling kuhanin ito't tignan ang pamagat na nakaukit sa harapan ng libro.
~ Akiyama & Herrera ~
Tumaas ang kilay ko nang mapagtantong family history ang librong 'to. Where did I hear these surnames? Akiyama and Herrera, hindi ko maalala pero alam kong narinig ko na ang dalawang surname na 'yon.
Binuksan ko ang libro at unang tumambad sa'kin ang isang liham na nakasulat sa lenggwahe ng hapon. Hindi ko na binasa ang sulat na nakadikit at agad nang inilipat ang pahina sa kung saan.
Unang nalipatan ng kamay ko'y isang lumang picture ng isang babae't lalake na mukhang magkasintahan. Napangiti ako dahil sa kalumaan ng picture, lalong lumawak ang ngiti ko nang makita sa ibaba ng picture ang year ng pagkakakuha nito, 1940.
Naengganyo ako sa paglilipat at pagtitingin ng mga lumang litrato hanggang sa makarating ako sa dulo ng pahina. Napahinto ako dahil nakadikit ang picture ni Jiro na may kasamang dalawa pang lalake.
Nangunot ang noo ko nang mapagtantong halos magkakahawig sila pero mas bata 'yung dalawang lalake. Kapatid niya sila? Nabaling ang paningin ko sa sulat kamay na nasa ilalim ng picture ni Jiro... Jiro Akiyama Herrera.
Isinara ko ang libro saka ito ibinalik sa shelf. Kaagad nabaling ang tingin ko sa librong katabi nito dahil sa letrang H na nakaukit sa spine nito. Dahil sa pagkaintriga'y kaagad ko itong kinuha saka binuklat.
Bumalik ako sa inuupuan kanina habang hindi naaalis ang tingin sa librong hawak.
Tumaas ang kilay ko at hindi kaagad nakagalaw nang umabot sa gitna ng pahina. May picture ng isang mansion, harap at likod ng mansion. Pagbuklat ko sa sumunod na pahina'y mas lalo akong namangha dahil isang drawn map naman ang makikita.
So, this is the H Mansion and its history. Ang dami na palang pinagdaanan ng mansion na 'to at ng mga nakatira dito.
I was about to flip the next page nang bigla akong mapahinto't makaramdam ng presenya. Napatingin ako sa may pinto't hindi inaasahang makikita siya, 'yung A.
What is she doing here? Sumama ang tingin ko rito nang maalala ang nangyare kanina. "What?" tanong ko rito na nakapamewang pang humarap sa'kin.
"Nothing, I haven't formally introduced myself to you," ani nito saka lumapit sa gilid ng sofa na inuupuan ko.
Is she insane? Matapos ng nangyare kanina, ganito lang? Napatuwid naman ako ng upo saka siya pinanliitan ng mata.
"Chill, wala akong gagawin," natatawa niyang ani saka itinaas ang dalawang kamay.
Tumayo ako saka ibinalik sa bookshelf ang libro. I don't have time for this. I was about to leave her when she suddenly speaks.
"I'm Angie Viceral, you are Vanessa Shin Aikawa, right?"
Napahinto ako't hindi kaagad nakagalaw dahil sa narinig. Napatingin na ako sa kanya habang nanlalaki ang mata, "How did you know my full name?"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman nang makita ang lungkot sa ngiti niya, "Because I'm your best friend!" aniya saka ako sinugod ng yakap. "I miss you so much, V."
Napahinto ako dahil sa kabang nararamdaman. Why do I have this feeling na kilala ko talaga siya? Nalilito ako, ano bang dapat kong gawin?
"Girls?" rinig kong tawag ni Jiro.
Humiwalay sa pagkakayakap si Angie pero hindi pa rin ako makagalaw. Nalimutan ko ba talaga ang dalawang taong 'to? Are they really part of my life?
"Let's go! I'm hungry na!"
Tahimik kong tinapos ang pagkain dahil sa hindi mapakaling pakiramdam. Gulong-gulo ako sa lahat ng bagay at ni hindi ko pa nakikita ang pamilya ko.
Malalim akong napabuntong hininga habang nakatanaw sa mga punong tinatangay ng hangin. Nandito ako sa harapan ng mansion, nakaupo sa gilid ng fountain.
Kahit umaga pala'y wala talagang tubig ang fountain. Inaasahan ko pa naman na kahit papaano'y magkakaroon ng buhay ang harapan ng mansion na 'to kung bukas lang sana ang fountain.
Pikit mata kong dinama ang sariwang hangin. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos na aalis dito't pupuntahan mag-isa ang pamilya ko. Alam kong hindi nila ako ipagkakatiwala sa kung sino man, kaya kahit papaano'y nagtitiwala na rin ako kila Jiro na wala silang gagawin sa'kin.
Well, kung meron man, patay silang dalawa sa'kin.
Natapos ang maghapon ko ng tahimik. Walang bumulabog sa'kin buong magdamag kaya kaagad din akong nakatulog.
Kinabukasan ay maaga akong gumising at nag-intindi, pero hindi ko inaasahang makikita si Angie sa loob ng kwarto ko pagkalabas ko ng banyo. Akala ko pa naman walang mambubulabog sa'kin.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko rito nang hindi umaalis sa pagkakatayo. This girl has something in her aura, hindi ko maipaliwanag kung ano.
Tumawa siya na ikinakunot naman ng noo ko, "I'm here to fetch you," aniya saka ako nilapitan. "Magluluto ng breakfast si Jiro kaya mag-ayos ka na," dagdag niya pa't mabilis akong hinawakan sa kamay saka hinila papasok ng closet.
Kahit gulong-gulo'y isinara ko na rin ang closet saka mabilis na nagpalit ng damit. I'm so confused about her attitude, parang walang nangyare kahapon. Hindi kaya masyado ko siyang natakot kaya naging ganito siya ka-friendly? Uh, I think that's not it. Pero may kakaiba talaga sa kanya, na parang alam ko na hindi.
Aish! Nagulo ko ang buhok dahil sa kaiisip at inis. Hayaan na nga. Lumabas ako ng closet ng tahimik.
"Let's go!" anyaya niya saka inangkla ang braso sa braso ko.
Hindi ko naiwasang tignan siya dahil sa pagkagulat. Hila-hila niya ako palabas ng kwarto. I can't take this anymore, I need answers.
Huminto ako sa paglalakad nang pababa na kami ng hagdan, napahinto rin siya dahil naka-angkla pa rin ang braso niya sa braso ko.
"Is there something wrong?" Tinignan ko siya na nagtatakang tumingin naman sa'kin. I can't even see any single hint of hatred about yesterdays happening.
"Why are you doing this?" tanong ko rito na ikinakunot naman ng noo niya.
"Doing what?"
"This, being friendly and clingly, as if nothing happens yesterday," ani ko rito. Naguluhan ako nang mawala ang pagkakakunot ng noo niya't isang ngiti ang iginawad sa'kin.
"This is my duty as your best friend," aniya na ikinahinto ko, "to make you feel and see that I'm not your enemy here."
"That we are here when you needed someone the most." Napatingin ako sa ibaba ng hagdan nang marinig ang tinig ni Jiro. Nakangiti rin ito sa'kin katulad ng pagkakangiti ni Angie.
Hindi ko alam ang mararamdaman sa sinabi nila.Kumakabog ng malakas ang dibdib ko, hindi dahil kinakabahan ako, kundi dahilnatatakot ako... natatakot akong magtiwala sa pangalawang pagkakataon.
- • -

Komentar Buku (80)

  • avatar
    LI VE

    i like this story

    6d

      0
  • avatar
    Charity Parina

    Goodjob

    25d

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    good story

    26/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru