"WHAT was that all about?" demand niya kay Jacove nang ihatid niya ito sa labas. Actually, ang Daddy niya ang nag-insist na ihatid niya ang binata. Pumayag na rin siya, chance niya na iyon para maitulak sa kanal ang loko-lokong lalaking ito. "Your parents seemed to like me," amused na wika ni Jacove. Nasa tapat na sila noon ng motorbike nito, humarap ito sa kaniya at isinandig ang puwitan sa upuan ng bike. "Hindi iyan ang sagot sa tanong ko. Bakit mo sinabing boyfriend kita?" "Your Dad gave me the idea, actually. Tinanong niya agad kung boyfriend mo daw ba ako and I said yes." Mahina itong tumawa. "I like your Dad, I think magkakasundo kami." Tumingin ito sa gawi ng shop kung saan nakatanaw pa rin sa kanila ang pamilya niya mula sa salaming bintana. Jacove waved at them, they waved back while smiling. "Lahat ng tao ay gusto ng Daddy ko," aniya na nakatingin na rin sa pamilya niya. "Oh yeah? Even the bastard ex-boyfriend of yours?" "How did you know that he's a bastard?" Tumawa ito pagkatapos ay isinuklay ang mga daliri sa buhok nito; fine tendrils of his sleek hair fell gracefully on his shoulder and the side of his face. Gosh, he looks sexy with that gesture. "Kayong mga babae ay pare-pareho ang tingin sa mga ex-boyfriends ninyo. If someone ask you to describe your ex-boyfriend in one word, bastard ang unang papasok sa isip ninyo, tama?" Ngumisi siya. "Ex-boyfriend ka rin, so that means you're also a bastard." "Nope. I'm friends with my ex-girlfriends," proud nitong sabi. "Breaking up doesn't have to be bad; it doesn't actually mean breaking a woman's heart, too. Una sa lahat ay ayoko nang nakakasakit ng babae, that's the golden rule my Dad taught me. Ayoko rin ng pakiramdam na may nagagalit sa akin so as long as I can, I broke up with them very, very gently. Ayokong mauwi sa point na ipapabugbog ako sa gangsters, ipapakulam or—babatuhin ng sapatos." "Okay, ikaw na ang ulirang ex-boyfriend. Sige na, umalis ka na," pagtatabuyan niya dito saka tumalikod. Deep inside her, she was impressed pero agad din niyang iwinaglit iyon. Ayaw nitong makasakit ng babae pero kung maka-sira ito ng mood niya, wagas. "Wait, wala man lang ba akong goodbye kiss?" "I-kiss mo'ng mukha mo." Humalakhak ito. "Ang sweet mo talaga, kaya gustong-gusto kita, eh." Sa kung ano mang dahilan ay biglang sumirko pakaliwa at pakanan ang puso niya. Bago pa man niya mapigilan ang sarili ay nakaharap na siya dito. Jacove's smiling amusingly at her, the way he always smile everytime he succeeded on pissing her off. Yes, he's a full-grown man now pero may natitira pa ring ka-immature-an sa sistema nito at iyon ay ang pang-aasar nito sa kaniya. Umiiling na ipinagpatuloy niya ang paglalakad, sa isipan ay tila ume-echo pa ang sinabi nito na: Kaya gustong-gusto kita, eh. Sira ulo ka, Ellice, bakit kinikilig ka? Sermon niya sa sarili. -------------------- MAAGA pa kinabukasan ay tumungo na siya sa bahay ni Jacove kasama ang dalawa pang pintor na magsisilbing assistants niya. Si Jigz ang nag-assist sa kanila papunta sa Death Track. Nangangati ang dila niya na itanong kung nasaan si Jacove pero pinili niyang manahimik na lang. Nasagot ang katanungan niyang iyon nang marating nila ang Death Track at makita ang motorsiklo sa di-kalayuan sakay ang rider na naka-full racing gear in black and blue color. She felt a hard kick on her chest when she recognized the rider, it was Jacove, who else. "Part of his morning routine," wika ni Jigz sa tabi niya. "Halika, samahan mo ako. Medyo bad mood siya kapag umaga pero kapag nakita ka niya, I'm sure aaliwalas ang mukha niyan." Kunot-noo na binalingan niya si Jigz. "Isasama mo ba ako para hindi ka niya masinghalan?" "Uhm, parang ganoon na nga," nakangiti nitong wika sabay abot ng bote ng mineral water sa kaniya at nagpatiunang naglakad patungo sa rampahan kung saan gumagawa si Jacove ng kaniyang motocross stunts. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod habang tumutungga ng tubig, bakit parang biglang nanuyo ang lalamunan niya, eh, lalapitan lang naman nila si Jacove? She caught up her breath when suddenly, Jacove do a perfect back flip in the air and landed on the ground safely then he circled his bike again, drove fast back to the ramp and performed another life-threatening trick: mula sa handles ay inilipat nito sa upuan ng bike ang mga kamay habang nakaangat sa ere ang motorsiklo, pagkatapos ay ini-arko nito ang katawan at mga binti patungo sa handle ng motor. Para itong over-sized scorpion na nakasakay sa motor. A scorpion trick, she told herself. Kian has been dying to perform that trick flawlessly but he always failed and landed painfully on the ground. 'Buti nga. Malakas na pumalakpak sa tabi niya si Jigz dahilan para maputol ang pagkakatulala niya. Isinara niya ang bibig at napalunok. Wala siyang maisip na salita kundi: Wow. "Nice one, boss," puri ni Jigz. Nabigla pa siya nang makitang nakababa na ng bike si Jacove, hawak nito sa kamay ang hinubad na helmet at basa ng pawis ang mukha nito. For a change, his hair was tied neatly in a ponytail so now she can have a good view of his whole face. Noon niya lang napansin ang pahabang peklat nito sa kaliwang sentido, manipis lang iyon at nasa isang pulgada ang haba, gayunpaman ay hindi iyon nakabawas sa angkin nitong kaguwapuhan. It makes him looked more like a man, in fact. "Thanks," anito ngunit ang mga mata nito ay sa kaniya na naman nakatutok. "Hey, there," bati nito sa kaniya. "Hey, too," sambit niya. Gusto niya itong purihin sa stunt na ginawa nito pero minabuti niyang sarilinin na lamang ang pagkamangha dito. "Nasaan na ang tubig niya?" tanong ni Jigz, siya ang kinakausap nito. "Anong tubig?" naguguluhan niyang tanong. "Iyong iniabot ko sa'yo kanina." "You mean...this?" Kagat-labi na iniangat niya ang hawak na plastic bottle, halos nakalahati na niya ang laman niyon. "I thought it was mine." Natampal ni Jigz ang noo, mahina namang tumawa si Jacove habang naiiling. "It's okay," wika ni Jacove. Kinuha nito sa kamay niya ang bote, binuksan at tinungga. Again, she gaped at him. Wala itong pakialam kahit may laway na niya iyon which surprised her. Noong sila pa ni Kian ay never silang nag-share ng baso o ng plato o ng bote ng mineral water, very unhygienic daw ang ganoon pero si Jacove...tsk, bakit ba napapadalas ang pagkukumpara niya sa kina Jacove at Kian? "Sila ba ang mga assistant mo?" usisa ni Jacove habang nakatanaw sa dalawang pintor na makakasama niya. "Yes." "How old are they?" "Tony's twenty one, Ric is thirty. Bakit pati iyon tinatanong mo?" "I don't like that Ric guy; I want you to fire him." "B-Bakit? Kilala mo ba siya?" "Hindi, pero masyadong malapit ang edad niya sa'yo, ayokong umaali-aligid siya sa girlfriend ko," he said with a wink. Napaubo sa tabi nila si Jigz, muntik naman siyang matumba dala ng pagkabigla. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong mararamdaman, maiinis ba siya? Matatawa? Mahihiya? Hindi ba talaga nauubusan ng paraan si Jacove para gawing abnormal ang takbo ng sistema niya? "I'm not your girlfriend," she said firmly, forcing herself not to kick him. "At saka may asawa na siya at dalawang anak." "Ahh, if that's the case then he'll stay." She rolled her eyes at him and started walking away. "Ewan ko sa'yong lalaki ka, nakalog na yata 'yang utak mo dahil sa kaka-motocross mo." "Ellice," tawag nito sa kaniya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. "Huwag kang masyadong magpapagod, okay?" "Heh!" "I'm serious, lady." "Heh ulit!" asik niya kahit pa gusto niya itong lingonin para tingnan kung seryoso nga ba ito. Agad nilang sinimulan ang trabaho nang makabalik siya sa kinatatayuan nina Tony at Ric habang sina Jacove at Jigz ay pumasok sa loob ng bahay. They spent the whole day applying black paint on the walls that will serve as her canvass, kapag natuyo na kinabukasan ang mga pintura ay saka nila sisimulan ang paglalagay ng designs na napili ni Jacove. Ten minutes after six p.m. they packed up their things and went back inside the house. Naabutan nila sa sala si Jigz kaharap ang laptop at isang tambak na papeles, nasa tainga ang cellphone. "Puwede ba kaming maki-hugas?" pang-iistorbo niya dito. Lumingon ito sa kanila at mabilis na pinasadahan ng tingin ang mga katawan nilang puno ng itim na pintura then nagpaalam ito saglit sa kung sino mang kausap nito sa phone. "Okay, wait," anito at tinawag ang isa sa mga maids para pasamahan sila sa laundry area sa likod. Naglalakad na siya kasama ang dalawang pintor nang makarinig ng boses mula sa hagdan. Instantly, her heart thumped loudly and she knew why. Jacove was there. "You come with me, Ellice," anito sabay talikod pabalik sa itaas ng hagdan. Naguguluhan na tiningnan niya si Jigz pero kumibit-balikat lang ito at ipinagpatuloy ang naudlot na ginagawa habang ang mga kasama niya ay sumunod na sa maid. Nag-aalangan na umakyat siya sa hagdan, habang palapit siya nang palapit sa tuktok ay tila bumibigat ang mga binti niya, palakas din nang palakas ang pintig ng puso niya at sumisikip ang pakiramdam ng sikmura niya. For goodness' sake, calm down, Ellice! But it seemed she has lost a total control of her system. Ayaw niyong makinig sa kaniya. "Wow, I'm a hundred years old now." Napatalon siya sa kinatatayuan at pumihit sa direksiyon kung saan nagmumula ang boses. Nakatayo sa tapat ng isang pinto si Jacove, nakasandal ang isang balikat nito sa door frame at nakahalukipkip, as usual, nakangiti na naman ang mga mata nito habang pinagmamasdan siya. "Ano'ng kailangan mo?" tanong niyang pilit na pina-pormal ang boses. "Dito ka sa banyo ko maglinis ng katawan," walang ano mang wika nito, pagkatapos ay binuksan ang pinto na nasa likuran nito. "What? No, hindi ako papasok diyan. Sa baba na lang ako maglilinis." "Wala ka bang tiwala sa akin?" "Wala," she snapped and almost regretted it when she saw the pain passed Jacove's eyes. "Mas may tiwala ka pa sa mga kasama mong 'yon?" tanong nito sa iritadong boses. "They're harmless—" "And I am harmful?" he asked incredulously and pointed an angry finger at himself. Yes, very harmful—to her health especially to her heart. Nang hindi siya agad nakatugon ay napailing ito, tuwid na tumayo at itinaas ang dalawang palad. "Okay, I got it." Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang magkahalong pait at sakit sa boses nito. He got it? Got the what? Bago pa man niya maisatinig ang katanungang iyon ay tinalikuran na siya ni Jacove at pumasok sa loob ng silid. Teka nga, nagtatampo ba ang kumag na iyon? Hah! Si Jacove de Luna nagtatampo? Kanino? Sa kaniya? Gusto niyang matawa ngunit nang maalala ang nakita niyang sakit sa mga mata nito kanina ay hindi niya napigilan ang makaramdam ng guilt. "I can't believe it," usal niya sa sarili at naglakad pabalik sa ibaba. Hanggang kinagabihan nang nakahiga na siya sa kama ay hindi mawaglit-waglit sa isipan niya ang tagpong iyon lalo na ang mukha ni Jacove. Tinapik-tapik niya ang mga pisngi. Too much thinking of someone is a sign—a sign that she's falling in love with that someone. In her case, si Jacove ang someone na iyon. "Oh God, no," usal niya at napabalikwas ng bangon. Hinablot niya ang cellphone at nagsimulang i-dial ang number ni Alia. "Oh?" tanong nito nang sagutin ang tawag, she sounds sleepy and annoyed. "I can't fall in love with Jacove, sis, I can't!" bungad niya. "Huh?" naguguluhan nitong tanong, she can imagine her staring at her own phone, maybe trying to figure out if her sister has gone crazy. "And why not? Boyfriend mo naman siya." Malakas itong humikab, isang senyales na hindi nito seneseryoso ang pag-uusap nilang iyon. "Look, I have to hang up, tatapusin ko pa 'tong manuscript ko. A piece of advice, my sisteret: follow what your heart was telling you. Alam mo ba na masama sa puso kapag kinokontra natin ang gusto nila? Na-researched ko sa Google 'yan. Bye now and I can't blame you kung nai-in love ka na kay 'Jacove the Heartthrob', kahit nga ako crush ko 'yon dati." And her crazy sister hung up. What does she mean by "follow what your heart was telling you"? Hindi iyon ang gusto niyang madinig na advice kaya sunod niyang tinawagan si Abby. "Follow your heart's desire and live your life to the fullest dahil bilog ang mundo, sis," wika nito sa bored na boses sabay patay ng phone. "Don't do to others what you don't want others do unto you, remember: karma is digital," wika naman ni Lhian nang tawagan niya ito. "Ano'ng kinalaman ng karma sa problema ko?" naiinis niyang tanong, halos sabunutan na niya ang sariling buhok. "Uh...wala lang, nabasa ko lang 'yan sa Facebook status ng fan ni Zyke. I have to go, bye, sissy!" Nakaawang ang mga labi na pinagmasdan niya ang cellphone. Sino ang may sabi na ang pagkakaroon ng lukaret na mga kaibigan ay masaya?
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
sana malawakin pa yung storya
05/11
0i like it
05/11
0hayst
17/03/2025
0Lihat Semua