logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Level 2

Mas tahimik silang maglaro kumpara doon sa nasa unang palapag. Matagal na nakatingin si Saga sa monitor ng katabi. Hindi niya napansin ang oras hanggang may tumunog na aparato.
“Tumutunog ang cell phone mo,” walang lingon na sabi ng binatang katabi.

Nalipat sa mukha nito ang mga mata niya. “Huh?”

Napatingin siya sa iba. Seryoso pa rin sa paglalaro ang lahat. Habang patuloy sa pag-iingay ang caller ringtone niya. Sa kanya nga iyon. Nakakahiya.
Inilabas niya ang aparato sa pouch bag. Nang makita ang pangalan ng kanyang ina, agad niyang sinagot iyon.
“'Ma.”
Mabilis niyang nilingon si Chanise. Pinandilatan siya nito. Nakaplaster na sa mukha ang pag-aalala.
Hindi kami mahuhuli hangga't walang mag-iingay sa mga kasama namin. Baka mapagalitan ako.

“Tapos ka na mag-enroll?”

Kinagat niya ang ibabang labi bago sumagot, “Hindi pa po. Mahaba po ang pila sa encoding room.”
Hindi naman siya nagsinungaling dahil totoo iyon.

“Papunta na ako sa school mo.”

Nanlaki ang mga mata siya. Saka siya humawak kay Chanise. Senyales na kailangan na nilang umalis ng W.

“Bukas ka na lang ulit mag-enroll.”

“Sige po, hintayin n'yo na lang po ako sa Engineering Building.” Agad niyang pinutol ang tawag.

“Anong sabi ni Tita?”

“Papunta na raw siya sa school.” Tumayo siya agad habang ibinabalik ang phone sa lalagyan noon.

Kapag sinabi ng kanyang ina na papunta na ito, ibig sabihin malapit na ito sa paaralan niya. Mabuti na lang din at hindi masyadong malayo itong W sa campus nila. Ilang minutong paglalakad lang ang aabutin nila.

“Kailangan na nating bumalik agad.”

“Hala! Tara na.” Mabilis ding tumayo ang kaibigan.

“Shannon, ikaw na bahala rito sa pc ni Sadge,” bilin pa ni Chanise.

“Hahatid pa ba namin kayo?” tanong ni Skip. Pero ang mga mata ay nakatutok pa rin sa harap ng screen monitor.

“Ako na maghahatid sa inyo.” Tumayo si Jadon.

“Hindi, okay lang kung naglalaro ka rin,” tanggi agad niya.

Sabit na nga lang kami ni Chanise, istorbo pa kami sa paglalaro ninyo.

“Hindi naman ako naglalaro.” Ito lamang kasi ang hindi kasama sa kasalukuyang game match. Dahil labing isa sila. At ito ang pang labing isa.

“Don, sabihin mo sa baba, sa akin na lang i-charge iyong bill nila.” Tumingin si Kieron kay Jadon.

Bumaba sila gamit ang elebeytor. Bago tuluyang magsara ang dalawang pinto noon, umabot pa sa kanilang pandinig ang malakas na hiyawan. Napaisip si Saga kung anong nangyari.

“Okay lang ba sila?” Mula sa saradong pinto ng elebeytor tumingin siya kay Jadon.

“Oo. 'Wag n'yong pansinin 'yong mga 'yon.”

Pagbaba nila sa unang palapag, dire-diretso lang sila papunta sa sliding door.

“Sagot daw ni Kieron, Kuya, 'yong lahat ng bill sa itaas!” biglang sigaw ni Jadon nang tumingin sa kanila iyong bantay sa counter.

Tumango lang ito, kaya lumabas na sila.

Sagot ni Kieron ang bill ng lahat? Hindi ganoon ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Kieron kanina. Okay lang kaya iyon doon sa tao? Nagtataka man ay hindi na nagsalita pa si Saga tungkol doon.

“Pagagalitan ka ba ng Mama mo?” mayamaya ay tanong ni Jadon sa kanilang paglalakad.

“Hindi naman, pero may lakad kasi kami pagkatapos kong mag-enroll.” Ang kaso hindi naman siya nag-enroll.

“Ahm... Jadon.”

“Oh?”

Tumingin siya sa paligid. Maraming mga mata ang nakasunod sa kanila. Parang pareho lang ng senaryo kanina.

“Madalas kayong pumunta rito?”

“Kapag walang klase.”

Walang klase? Lagi kaming walang klase. Ibig sabihin dito sila lagi pumupunta. Hindi na nakakapagtaka na kilala sila ng mga estudyante na nandito rin.

Napatango-tango siya. Pero kakaibang klaseng treatment ang natatanggap ng mga binata. Parang nakakakita ng mga diyos na bumaba sa langit ang mga estudyanteng nadadaanan nila.

Kakaiba nga naman talaga iyon, Saga. Naisip niya.

Nang makarating sila sa back gate ng Westbride University, pinabalik na nila si Jadon sa W. Nilakad naman nila ang natitirang pagitan mula sa Engineering Building.

Walang parking lot sa Engineering Building. Pero mayroong malapit doon na supermarket kung saan madalas mag-park ang kanyang ina.

“Bibili kami ng mga gamit ko. Ikaw nakabili ka na ba?” Ang mga mata niya ay nakatutok sa mga sasakyan na naroon.

Nang makita niya ang isang pamilyar na kotse, hinila niya papunta roon si Chanise.

“Ayon si Mama.” Itinuro pa niya ang kotse.

Agad ding nakita nito ang tinutukoy niya.

“Wala pa akong gamit. Sabay na rin ako sa inyo.”

Nakababa ang windshield sa driver seat.

“'Ma!”

“Hello po, Tita.” Kumaway si Chanise habang nakangiti.

Ngumiti rin ang ginang. “Magkasama pala kayo.”

“Hinintay ko po talagang mag-enroll si Sadge, Tita.”

“Kumain na ba kayo?”

“Hindi pa, 'Ma. Libre mo kami.” Salitan sa pagtaas-baba ang kilay niya saka binigyan nang malaking ngiti ang ina.
“Hala, sumakay na kayo.”

“Thank you, Tita!”

Nagmamadali silang sumakay sa kotse. Sa harapan siya naupo. Habang nasa likuran si Chanise.

“'Ma, bibili rin po ng gamit si Chanise.”

“'Di talaga kayo mapaghiwalay kahit hindi na kayo classmate.”

Tinawanan lang nila iyon. Hindi masabi ni Saga kung sino ba sa kanilang dalawa ang dumedepende kanino. Halos ito lang din ang madalas niyang kasama. Isama pang magkalapit lang ang mga bahay nila.

“Twinnie po kasi talaga kami ni Sadge, Tita.”

Sa Cubao sila pumunta. Sa isang pizza house. Malaking size ng pizza ang in-order ng ginang. May pasta at lasagna. Saka ginger bread pa.

“Kumusta ang bakasyon mo?” Tumingin ang matanda kay Chanise. Katabi ito ng anak.

“Okay lang naman po, Tita. Umuwi rin po kami ng Palawan.”

Naroon ang karamihan ng kamag-anak nito. Mas madalas din ito sa Palawan tuwing bakasyon. Minsan pumupunta rin sina Saga roon kapag bakasyon. Kaso nagpapalipas sila ng dalawang taon bago bumalik sa lugar.

“Pero mukhang bago po iyong isla na pinuntahan n'yo, Tita?”

“Bagong bukas na resort 'yon. Sa susunod na bakasyon namin doon, puwede kang sumama.”

“Sige po.”

“Hala, sige, kumain na tayo.”
—•—
“Hindi ko pala na-log out 'yong Facebook account ko.” Bigla na lang pumasok sa isip niya ang bagay na iyon habang namimili sila ng mga gamit sa isang sikat na school supply.

Sa pagmamadali nilang lumabas kanina sa W, nakalimutan niyang bukas ang kanyang social media account. Masyado kasi siyang nalibang sa panunuod sa paglalaro ng kanyang katabi.

Paano na lang kung may ibang gumamit ng computer na ginamit ko kanina. Tapos mangti-trip post sa timeline ko. Worst, kung mag-send ng kung ano-ano sa mga kaibigan ko.

“'Wag kang mag-alala hindi 'yon paglalaruan ni Shannon.”

Tumingin siya rito. “Sinong Shannon?”

“Ano ka ba! Iyong classmate ko na katabi mo kanina.”

“Shannon ang pangalan niya?” Nanlalaki ang mga mata niya. Tunog pambabae ang pangalan nito. Iyon ang unang bagay na pumasok sa isip niya.

Tuluyang nawala ang atensyon niya sa pagtingin ng mga journal.

“Yup. Shannon Mayores Monterozo. Siya lang naman ang pinaka mayaman na classmate ko.” Habang tumatagal ay pahina nang pahina ang boses nito.

“Mas mayaman siya sa inyo?”

Umikot ang mga mata nito. “Mas mayaman kayo sa 'min. Don't worry too much. Puwedeng-puwede kayo.” Nag-okay sign pa at kumindat sa kanya.

Agad niya tinapik ang kamay nito sa ere. “Ano bang pinagsasabi mo d'yan?!”
Tumalikod siya at nagkunwaring abala sa unang ginagawa. Inikot-ikot pa niya ang 360 degree book stand para mukhang makatotohanan. Wala naman siyang nagustuhan sa bagong labas na koleksyon. Kaya hindi na niya kailangang isa-isahin ang pagtingin noon.
“Kahit 'di mo sabihin alam kong crush mo siya.”

Napangiwi siya nang bumalik ang tingin sa kaibigan.

Pinandilatan siya nito. “Gusto mo bang iisahin ko lahat ng signs?”

Parang mas lalong ayaw yata niyang marinig iyon. Inirapan lang niya ito.
—•—
Pinunasan niya ang kanyang basang buhok paglabas ng banyo. Saka naupo sa harapan ng vanity mirror.

Gabi na nang natapos sila pamimili. Nag-grocery na rin kasi sila. At inihatid din nila si Chanise.
Ang tunog ng aparato sa mesa ang nakapagpahinto sa kanya. Sinilip niya ang screen. Tumatawag ang kanyang kaibigan.
“Na-miss mo agad ako,” bungad niya.

“Hindi kaya.”

Umikot ang mga mata niya. “Ok. Bye...”

“Sandali!”

Muntik na niyang mabitawan ang aparato sa lakas ng boses nito.

“'Wag mo akong sigawan. Baka mabingi ako.”

“Anong ginagawa mo?”

“Importante ba 'yang sasabihin mo?”

“Online ka ba ngayon?”

Online? May pinost kaya sina Devlin.

“Hindi at matutulog na ako.”

“Pero, Sadge, online ang account mo ngayon.”

Nakaharap si Chanise sa laptop nito. At kasama ang pangalan ni Saga sa mga online ngayon.

Nataranta siya sa sinabi nito. Kaya agad na lumipat study table niya. Kung nasaan may desktop na kompyuter. Naka-sleep mode iyon kaya nang pumindot siya sa keyboard, umilaw ang monitor.

Inilagay niya sa loud speaker ang tawag bago ilapag ang aparato sa tabi ng keyboard. Mabilis siyang nagbukas ng Facebook account.

“Seryoso ka?”

“Oo. Kaya nga tinawagan kita, eh. Nag-chat ako kay Shannon. Kaso 'di pa sumasagot. Mukhang busy pa sila sa paglalaro. Hindi rin kasi sumasagot iyong iba.”

Mula sa screen ng kompyuter, nakikita ang oras. Alas diyes na. Nakagugulat naman kung naglalaro pa rin sila hanggang ngayon sa W.

Nagsalubong ang kilay niya. “Seryoso talaga sila sa paglalaro?”

“Ganoon naman lagi 'yong mga 'yon. Mas madalas silang wala sa klase namin.”

“Nagkaklase ba kasi ang propesor ninyo?”

Tumawa ang kaibigan. “Syempre, hindi.”

Pumunta siya sa Security and Login.
“Nabuksan ko na ang account ko. Magpapalit lang ako ng password.” Kumuha siya ng papel at isinulat doon ang bagong password. “Chat ka sa 'kin. Baka may ibang sumagot.”

“Sige.”

Tiningnan niya ang kanyang timeline. Walang bagong post doon maliban sa huling siya mismo ang naglagay. Kaya sunod niyang pinuntahan ang activity log. Iyong hidden post at comments lang ang tiningnan niya.

Wala namang kahina-hinala roon. Kaya ang inbox ang sunod niyang tiningnan.

Nang makita niya ang unang mensahe, hindi niya napigilang mapatili. “Chanise!”

Tinawanan lang siya nito.

Agad niyang binura ang mensahe nito. Kahit na may posibilidad na nabasa na rin iyon ng taong gumagamit ng kanyang account.

Sa sobrang ikli noon, kahit hindi buksan ang mismong mensahe paniguradong mababasa pa rin iyon.

“Sobrang helpful mo talaga.”

“Malay mo, mag-reply bigla 'di ba.”

Pahamak talaga ang babaeng ito. Nakakahiya. Paano kung isa sa mga kasama namin kanina ang tumitingin sa account ko?

Inilagay niya sa search box ng mga online ang kanyang pangalan.
Just You
Paki-log out naman po nitong account ko. Salamat.
Hinintay niyang may mag-seen sa mensahe niya. Pero mukhang wala rin itong balak basahin ang iyon.

“Lagot ka sa 'kin bukas, Chanise!” Agad niyang pinutol ang tawag.

Aasa na lang siyang hindi si Shannon o Devlin ang gumagalaw ng account niya. Tiningnan niya ang screen. Hanggang sa maging itim na lang ulit iyon.

Komentar Buku (19)

  • avatar
    Darell Mallari Teofilo

    👏👏👏👏

    01/06

      0
  • avatar
    Hershey Martelino

    Sobrang ganda tlga

    08/04

      0
  • avatar
    BiboBob

    love it

    22/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru