Thalia's POV Ang sarap talagang langhapin ng hangin sa hapon kahit puro na usok na mula sa sasakyan at ihaw ihaw sa tabi ang nalalanghap ko. Gusto kong munang mag-relax at muni muni bago umuwi ng bahay. Ang ganda ng araw ko ngayon. Nasagutan ko ang lahat ng tanong sa exam ko kaya malakas ang pakiramdam kong makakapasa ako. Isama mo pa ang hindi din masyadong mainit ang sikat ng araw kaya magandang maglakad lakad. Para bang sinasabi ng mundo na, "Sige mag-relax ka lang Thalia. Deserve mo 'yan." "Thalia!" narinig kong sigaw ni Brandon dahil para mapasimangot ako. Binabawi ko na ang sinabi kong maganda ang araw ko, nandito na naman kasi ang makulit na ito. Binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. Bakit ba kasi ang manhid ng lalaking ito? Sinabi ko na nga sa kanyang hindi ko siya gusto pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa akin, iniiwasan ko na nga siya pero hindi pa rin niya makuha. Ganun ba ako kaganda kaya hirap siyang maka-move on sa akin. "Thalia!" sigaw ulit nito pero hindi ko na siya nilingon. Nag-concentrate na lang ako sa paglalakad dahil mamaya may matapakan akong hindi kanais nais dahil sa pagmamadali ko. Kailan ba ako titigilan ng lalaking ito? Medyo bumagal na ang paglakad ko nang maramdaman kong hindi na sumusunod sa akin si Brandon. Hindi ko alam kung saan ako napadpad dahil busy ako sa pag-iwas sa lalaking yun. Sa layo ng nilakad ko, hindi ko na din alam kung saan ba ang daan pauwing bahay. Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa may kamay ko. "Lia." Sabi ng lalaki sa akin, sisigawan ko sana siya pero narealize kong hindi iyon ang boses ni Brandon. Isa pa, hindi ako tinatawag ni Brandon na Lia. Alam niya kasing ayaw ko ng pangalang yun at Thal ang palayaw ko. Sisigawan ko na sana si Mr. Stranger na bigla bigla na lang nanghihila pero nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan nung pag harap ko. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat, hindi ko siya kilala! Bakit niya ako hinahalikan? Mas nakakagulat pa bigla na lang nagwala ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit siya biglang nagkaganito, bumilis ang tibok niya na parang gusto niyang kumawala sa rib cage ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko siya tinulak, doon ko lang kasi na-realize na mali ang nangyari. Hindi naman nagpaawat ang lalaki dahil hinila naman niya ako papalapit sa kanya bago niyakap. Teka, ano bang nangyayari? "Lia, I miss you so much." Nakangiting sabi niya sa akin pero nawala ang ngiting iyon ng bigla ko siyang sinampal. "Bakit?" "Tinatanong mo ba kung bakit kita sinampal?" Pagbabalik ko ng tanong niya sa kanya pero hindi naman siya sumagot sa akin. Nanatili lang siyang nakatingin at hindi makapaniwala dahil sa ginawa ko sa kanya. "Manyak ka kasi." "Pervert?" kunot noo niyang tanong sa akin. "Oo, gago, i-english mo lang." Sagot ko sa kanya. Lalo namang kunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, "Hindi mo na ba ako nakikilala?" tanong niya sa akin. "Bakit? Sino ka ba?" tanong ko sa kanya. Namula naman ang mukha ko nung nakita ko siyang ngumisi. Paano ba naman kasi ang gwapo gwapo niya kapag ganun ang itsura niya, sayang nga lang mukhang may saltik tapos bigla na lang nanghahalik kaya naman major turn off. "Prince Harvey Lee." Nakangiting sagot niya sa akin. "Fiancee mo." "Fiancee mo." "Fiancee mo." "Fiancee mo." Halos maluha ako sa kakatawa dahil sa sinabi niya. Nakatakas yata sa mental ang lalaking ito, kung ano ano na lang ang pinagsasabi. "May nakakatawa ba sa sinabi ko?" kunot noong tanong niya sa akin. "Lakas din ng trip mo, ano?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot sa akin. "Paano ako magkakaroon ng fiancée? Mas mahirap pa ako sa daga, isang kahig isang tuka nga lang kami kung yan ang gusto mong malaman. Para lang sa mga mayayaman ang bagay na yun kaya kung ako sa iyo maghanap ka na lang ng iba mong lolokohin, ok?" sabi ko sa kanya at nagsimula na akong maglakad palayo sa kanya. Tss. Wala pa nga akong boyfriend, paano ako magkakaroon ng fiance? Isa pa unang beses palang naming nagkita. Siguro member ng budol budol gang ang lalaking ito? Sayang talaga. "Ikaw si Thalia Villabella, ang tagapagmana ng Villabella Corporation at ako ang fiancée mo. Bakit ba ayaw mong maniwala?" pahabol niyang tanong sa akin. Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya, "Bakit hindi ako naniniwala? Impossible yang sinasabi mo, unang una hindi kita kilala at pangalawa Thalia Dinzon ang buong pangalan ko, hindi Villabella." Sagot ko sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad. Akala ko papabayaan na niya ako pero sinundan niya ako, iba din ang determination ng lalaking ito. Kakaiba na talaga ang ganda ko, palagi na lang akong hinahabol ng mga lalaki. "Saan ka ba pupunta?" tanong sa akin ni Mr. Stranger. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap muli siya, "Sa Mars, bakit sasama ka ba?" tanong ko sa kanya pero hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil pinagpatuloy ko na ang paglayo sa kanya. Natigilan ako sa paglalakad dahil bigla niya akong niyakap. "Oo, sasama ako sa iyo kahit na saan ka pumunta. Hindi na ako papayag na mawala ka." Sabi niya sa akin. Tinanggal ko naman agad ang pagkakayakap niya sa akin bago humarap sa kanya. "Alam mo magaling na lalaki, gwapo ka na sana kaso ang manyak mo at mukhang malakas ang tama mo. Ano bang nahithit mo? Shabu, marijuana, ecstacy, rugby, wet paint, tambutso, katol o pentel pen?" sabi ko sa kanya. "Tigilan mo na kung ano man ang hinihithit mo kung ayaw mong ma-tokhang! Isa pa, tigilan mo na ako dahil hindi ako yung Thalia na hinahanap mo." Tumakbo na ako papalayo sa kanya pero nagulat ako ng hinabol niya ako. "Lia!" sigaw niya habang patuloy pa din niya akong sinunsundan. Napipikon na talaga ako. Hindi ba marunong umintindi ng salitang HINDI ang mga lalaki? "Tigilan mo na ako!" Sigaw ko sa kanya habang para kaming batang naghahabulan sa may gilid ng kalsada. 'Yung mga kapitbahay ko naman walang pakialam sa amin, ikaw ba naman ang habulin ng gwapo. Pumasok ako ng bahay na hingal na hingal, naaubutan naman niya ako pero hindi ko siya pinansin dahil sa gulat ko, yung loob ng bahay namin parang dinaanan ng bagyo o ipo ipo. Nagkalat ang mga gamit, basag ang mga vase at sira ang mga kurtina. Sinong may gawa nito? "Lia." Narinig kong sinabi ni Prince, nakalimutan kong nasa likod ko siya dahil gulong gulo ang isip ko. Napanganga ako ng iabot niya ang sa akin ang isang sulat, "Saan mo ito nakita?" tanong ko sa kanya. NASA AKIN ANG ASAWA MO KUNG GUSTO MO SIYANG MAKITA KAILANGAN MONG BAYARAN ANG UTANG NIYO SA AKIN – SALVADOR Napaupo na lang ako ng mabasa ko ang nasa papel. Pakiramdam ko nanghina ang tuhod ko, sino si Salvador? Paano kami nagkautang sa kaya? Bakit kailangan niyang kuhanin ang nanay ko? "Lia, halika na." Narinig kong sabi ni Prince na hinawakan ang balikat ko. "Saan?" "Sa bahay niyo." Nag-init naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi niya ba ako titigilan? Nakita na nga niya kung anong nangyari dito sa bahay, ipipilit niya pa rin ang gusto niya. Sino bang may sabing sasama ako sa kanya? "Ito ang bahay ko at hindi ako aalis dito. Ikaw, umalis ka na kung ayaw mong ipa-baranggay kita." Sigaw ko sa kanya bago siya tinulak palabas ng bahay, hindi pa rin siya natitinag kaya sinigawan ko ulit siya. "Layas!" "Pero L---." "Sinabi kong umalis ka na, hindi ako yung Thalia na hinahanap mo!" sigaw ko sa kanya bago siya tinulak ko palabas at sinarado ang pinto. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang takot. Sigurado akong magagalit sina Tatay at Kuya Terrence kapag nalaman nila kuung anong nangyari kay Nanay. Paniguradong paparusahan nila ako dahil hindi ko man lang naligtas si nanay mula sa mga lalaking yun. End of Chapter.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
super perfect
26/08
0nice
12/03/2025
0good!
11/01/2025
0Lihat Semua