logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Nakagising ako ng alas sinco y media ng madaling araw. Sobrang sakit ng ulo ko at nanlalabo ang paningin. Tumayo ako at kamuntik pa akong ma-out of balance, mabuti na lang at nakahawak ako sa headboard ng kama. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko upang bumalik sa normal ang paningin, nagtagumpay ako ngunit nakaramdam ng pagduduwal.
Tumakbo ako papasok sa banyo para mailabas iyon. Nagmumog ako pagkatapos, hinawakan kong muli ang ulo ko dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagsakit. Para itong mabibitak, nararamdaman ko rin ang mabilis na pagpintig nito.
Lumabas ako ng banyo at hinanap sa cabinet ang box ng mga gamot. Kumuha ako ng limang capsule ng pain killer, kinuha ko rin ang banig nito at inilagay sa bedside table sakaling sumakit na naman ulit. Bumaba ako para manguha ng tubig, diretso akong naglakad sa kitchen na nakahawak sa ulo ko.
Kinuha ko sa ref ang isang pitcher na may lamang tubig. Nagsalin ako sa baso. Sabay-sabay kong isinubo ang limang capsule ng pain killer saka uminom ng tubig.
Inisip ko na dahil ito sa pag-inom namin ng alak kagabi. Naparami yata ang inom ko kaya ganito. Maglalakad na sana ako paalis sa kitchen nang madatnan si Mommy na nakasandal sa hamba nito. Hindi ko mabasa ang emosyon sa muka nya, kaya binalewala ko sya.
Hindi ko sya pinansin at tuluyang naglakad palabas doon, hindi rin naman sya nagsalita. Natulog ulit ako pagkarating sa kwarto.
Muli akong nakagising nang mag-alas otso ng umaga. Hindi na ako nakakaramdam ng pananakit ng ulo. Dahil nga talaga iyon sa alak kagabi. Tsk! Pesteng 'yan, sa susunod nga ay hindi ko na dadamihan ang pag-inom.
Nagring ang phone ko, hinanap ko pa ito sa mga ilalim ng unan ko bago ko tuluyang nakita.
Koeld is calling...
Dumagundong sa kaba ang dibdib ko at sumilay ang maliit na ngiti sa labi ko. Mabilisan ko itong sinagot at dahan dahang itinapat sa tenga ko.
[Hello,] Napapaos nitong sabi.
"Uhh, morning..." Kinagat ko ang pang ibabang labi sa sinabi.
Sandali syang hindi nagsalita, akala ko ay binabaan nya ako pero pagtingin ko sa phone ko ay nasa linya pa sya.
Naalala kong nagpalitan kami kagabi ng phone number at medyo nakapag-usap. Sila James, Yuan at Elsa ang tuluyan nyang nakapalagayan ng loob. Ako kasi ay medyo nahihiya pa kagabi, kaya dinamihan ko talaga ang pag-inom ng alak para lang kumapal ang muka ko nang sa ganon ay makausap sya.
Napag-usapan din namin na ngayon na ang simula ng pagtuturo ko sa kanya. Ako sana ang pupunta sa bahay nila kaso sinabi nyang sya na lang ang palaging susundo sa akin nang sa ganon ay makatipid daw ako.
Nakuha ko na rin pala ang perang pinahiram ni James sa akin. Sasaglitin ko ang pagpunta sa Mall at sasabihing doon na lang ako sunduin ni Koeld.
"Uhm, sa Mall mo na lang ako puntahan, may bibilhin kasi ako roon."
[Samahan na kita, para tuloy tuloy na tayo.]
"Pwede naman, maliligo lang ako tapos kakain. Alam mo naman na kung saan ako nakatira hindi ba?"
[Of course, see you.]
Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay binabaan na ako. Bastos! Pagtingin ko sa full length mirror ay naabutan ko ang sarili ko na may malapad na ngiti. Puta natakot ako sa sarili ko.
Ewan ko ba pero super excited ako ngayon. Napangiwi rin agad nang biglang pumasok sa isip ko na baka nandon ang girlfriend nya o di kaya naman ay puntahan sya sa bahay nila tapos maabutan kami. Baka mawalan ako agad ng buhok kapag ganon? Nagpaalam kaya sya na sasali sa banda? Alam kaya ng girlfriend nya na babae ang magtuturo sa kanya?
Ano ba 'tong mga pinag-iisip ko! Ano naman kung ganon nga 'di ba? Wala naman kaming gagawing masama, wala naman akong ibang motibo. Pure turo lang. Pramis!
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na ang sling bag ko at inilagay roon ang pera at cellphone ko. Bumaba na rin ako para kumain.
Tahimik ang hapag nang makarating ako. 'Yung muka ni Daddy ay halatang pagod at puyat. Huminga ako ng malalim at hindi rin sila pinansin.
Tahimik din akong kumain.
"Where are you going?" mahinahon at nag-iingat na tanong ni Dad.
"Umalis na si Jackie sa band, may bago kaming ipinalit sa kanya. I have to train him well," sagot ko.
"Him? You already trusted him? Kasama ba sila James sa pagtuturo?" malamig ang boses na sabi ni Mommy.
"Mapagkakatiwalaan sya, ikaw lang naman ang hindi. You and him are not the same," bastos at siguradong sabi ko.
Blangko ang muka ni Mommy na tinitigan ako. I don't know if she's hurt. I don't care dahil totoo naman ang sinasabi ko.
"Gem, please," pagod na pagmamakaawa sa akin ni Dad.
Nagkibit ako ng balikat at hindi na nagsalita. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko dahil hindi ko kinakaya ang presensya ni Mommy. Lumabas ako sa gate at bahagya pang nadulas dahil sa nakita.
"Ay kabayo!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko dahil sa hiya.
Nasa kabilang kalsada naka park ang kotse nya at sya naman ay nakasandal dito. Nakapamulsa ang kanan nyang kamay at pinaglalaruan ang susi ng kotse sa kaliwa. Para syang model dahil sa ayos, pananamit at paggalaw nya.
Kumunot ang noo ko nang hindi ang kotseng BMW ang gamit nya. Peste! Napaka mahal ng brand ng kotse nyang ito ah? Bugatti Veyron. Shit limited edition lang din 'yan.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ang tipid na ngiti nya. Pasimple ko pang kinapa ang panti ko kung may garter pa ba o wala na.
Tumayo sya ng tuwid at naglakad papunta sa akin. Naka itim na shades sya, tignan mo 'tong tao na 'to, pati paglalakad ay perpekto.
Nakakahiya namang lumapit dito, baka pagkamalan lang akong yaya. Ampt!
"Let's go?" tanong nya nang makalapit sa akin. Dahil matangkad sya ay hanggang balikat nya lang ako. Kinailangan ko pang tumingala para lang makita ang muka nya.
"Ah oo." Kumamot ako sa sentido at naunang maglakad sa kanya.
Ang awkward naman ng moment na 'to. Ano? Kailangan ko ba ulit uminom ng alak para lang kumapal ang muka ko pagdating sa kanya?
Tahimik kong binuksan ang backseat nya pero naka-lock. Nahihiya akong tumingin sa kanya kaya hinintay ko na lang na patunugin nya ang kotse nya.
Pinatunog nya nga ito at binuksan ang front seat. Kunot ang noo kong tumingin sa kanya, nagtataka.
"Hop in," utos nya.
Tinuro ko ang sarili ko dahil hindi ako sure kung tama ba ang iniisip ko. Dun nya ba ako gustong pasakayin?
"Eh?" tanging namutawi sa bibig ko.
"Dito ka sumakay," sabi pa nya. Nakatitig sa akin.
"B-baka may magalit," nag-aalangan kong sabi.
"What? Sinong magagalit? Your boyfriend?" Kunot noong tanong nito.
"Ha? Hindi, I mean baka magalit 'yung girlfriend mo," slow naman nito.
"Nah! I don't have one," he chuckled.
Feeling ko ay tumaas hanggang langit ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Eh ano 'yung nakita kong halikan sa parking ng mall? Ano 'yon, kakambal nya lang ganon?
Hindi na lang ako nagsalita at itinikom ng maigi ang bibig ko. Sinunod ko ang utos nya na sa front seat ako sumakay. Kabado man na baka marinig nya ang puso kong kanina pa kumakarera sa bilis ng tibok ay pinanalangin ko na lang na sana ay bingi sya ng slight.
Tahimik ang naging biyahe pero hindi ganon ka-awkward dahil malakas ang tugtog. Minsan ay napapasabay ako sa pagkanta at nakikita ko ang pag-ngiti ni Koeld at pag-sulyap nya.
Nakarating kaming Mall, dumiretso agad ako sa jewelry shop. Nakasunod lang sa akin si Koeld habang nakapamulsa. Kitang kita ko ang mga babaeng kanda nakaw ng tingin sa kanya. Takpan ko kaya muka neto para hindi naman malusaw sa mga tingin nyo 'Teh!
Ngumuso na lang ako.
"Ate, nandito pa ba 'yung kwintas?" tanong ko sa sales lady na ka-chika ko nung nandito ako.
"Yes Ma'am? Ano pong kwintas iyon?" magalang na tanong nito.
"‘Yung music note," sagot ko.
"Sorry Ma'am pero wala na po rito iyon. Nabili na po saktong paglabas nyo rin dito." Nanlumo ako sa narinig. Ngumiti ako ng pilit at nagpasalamat kahit masama ang loob ko.
Hindi sana lagi masarap ulam nung taong nakabili nang kwintas na 'yon.
Nasa labas naghihintay sa akin si Koeld. Nag cecellphone sya nang madatnan ko. Hininto nya lang nang makita ako.
"Wala na 'yung kwintas," malungkot na sabi ko.
"So... let's go?" alanganing tanong nya.
"Teka lang naman, kitang nagdadalamhati pa ang tao eh." Inirapan ko sya na bahagya nyang ikinatawa.
"I'm sure the necklace was in the right person." Ngumisi sya.
"Tara na nga," aya ko.
Habang nakasakay sa kotse nya ay patuloy ang pagsumpa ko roon sa taong nakakuha ng kwintas. Hindi ko alam pero tawa lang ng tawa si Koeld sa mga pinagsasasabi ko. Siguro nakakatawa nga ako.
Saya yarn? Pakiramdam ko tuloy ay parang ngayon lang sya nakatawa sa buong buhay nya.
"Hindi siguro sya mahal ng magulang nya–" Natigil ako sa pagsasalita nang tumahik sya bigla at hindi tumawa. Tumikhim din sya at naging blangko ang paningin.

Komentar Buku (39)

  • avatar
    Prin Cess

    let her go Is really hard to do when you love someone

    15/08/2022

      0
  • avatar
    Disah Mei Suarez

    nakaka kilig

    14/08

      0
  • avatar
    MarCj

    ssss

    25/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru