logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 7

KABANATA 7
MISAKI AKELDAMA
Naningkit naman ang mata ko ng may narinig akong daing sa likod ng puno, apat na puno mula sa pwesto ko ang layo. Mabilis akong nagtungo don and to find out a woman lying on the ground half dead. The last time I saw a woman lying on the ground wounded… was two days ago. Lumapit ako sakanya and tama nga ang hinala ko na hindi sya taga dito.
“What is this human doing here?” mahina kong tanong sa sarili ko. I scan her at marami syang natamong pasa, sugat at injury. Her sweet scent invades my nostril. Umiling naman ako at pinigilan ang sarili ko. Mas lumapit pa ako sakanya at hinawakan ang pulsohan nya.
“Pwede nang pagtiyagaan ng isang walang laman ang tiyan…” nakangising bulong ko. At sa isang saglit lamang ay walang inhabisyon kong kinain at sinalap ang kanyang laman lalong lalo na ang kanyang dugo.
Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang kainin ko yung babae. At sobra akong nagpapasalamat na kahit ganoon ay nawala ang matinding gutom ko lalo na ang pagkauhaw ko sa dugo. Hinihingal namang tumigil si Yuki kakasugod sakin at tinignan ko lang sya ng malamig.
“Tired?” maikli ngunit malamig kong tanong. Umiling naman sya at mabilis na sumugod sakin. If I evaluate her hits that she makes, I must say it’s heavy for a normal student. Pwede na… mabilis ang mga pagkilos nya but I'm way faster than her.
She is just a wolf. I'm a hybrid.
Nang makita kong meron syang butas ay sinipa ko sya sa tiyan at tumalsik naman sya patungo sa pader nitong training room.
“Move faster…” wika ko at mabilis akong nakapunta sa harapan nya na syang ikinagulat nya. Hindi pa man sya nakakabawi ay binigyan ko sya ng isang suntok sa tiyan na ikinatulog nya.
“What a good fight…” napalingon naman ako sa pinangalingan ng boses. Si Loren kasama yung anim na lalaki. Tinignan ko naman si Anthony na nakatingin rin pala sakin.
“You! Carry her!” sigaw ko at naglakad na papalayo sakanila. Naramdaman ko namang may tatlong punyal na tatarak sa likod ko at ilang dangkal nalang ang layo sakin nito ng humarap ako at sinalo ito ng walang kahirap hirap.
“Not so fast.” Mahinang sabi ko. At sa isang iglap ay nasa harapan nya na ako. Mabilis ang naging pagkilos ko at sinipa ko sya sa mukha nya para tumalsik sya at malakas na tumama sa pader nitong training room.
“G-Good… you… improved so much…” utal utal nitong sabi. Tinignan ko lang sya ng malamig at inilipat ko naman ang tingin ko sa limang lalaki na nanlalaki ang mata sa gulat. Walang salisalita akong lumabas ng training room at nagpunta nalang sa dorm ko upang makapaglinis ng katawan.
This is the day kung saan gaganapin ang mga palarong pinaghahandaan ng matagal. Nakahalumbaba lang ako sa kinauupuan ko dito sa harapan malapit sa stage ng gymnasium. Tumahimik ang buong gym nang umakyat na si Loren.
“Good morning students,” bati nito.
“Hindi ko na papahabain pa. Today’s event is Chrome Blood Event. Gaganapin ang nasabing event ng isang buwan. Hindi na ako magtataka dahil napakarami nyong lahat. Itetest ang skills and abilities nyo. Wala kasi sakin ang mga kailangang itest sainyo tanging ang hari lang mismo ang nakakaalam at pati narin ang mga lobo na ipapadala nya para maging hurado at bantay kung sino man ang mandaya ay ang hari na mismo ang hahatol sakanya. At sa huli ng nasabing programa… tatanghalin ang pinakamalakas, pinakamagaling at pinaka karapatdapat sa gantimpala na mismo ang Dyosa’t ang Alpha King ang maggagawad na sa pamamagitan ng isang karera… race,” naghiyawan naman sila. Ako ayun… wala lang… nakahalumbaba parin.
“RACE!!”
“RACE!!”
“RACE!!”
“RACE!!”
“RACE!!”
“RACE!!” Napaface palm nalang ako. Yun kasi ang pinakamaganda sa lahat. Bubunot lang si Loren kung sino ang sasali sa race kaya todo dasal sila para makasali. Ni minsan hindi ko pa nasalihan yung race tanging combat, ability and weapon skills lang ang nasasalihan ko even Yuki. Pero ang gantimpala ay ngayon lamang nabangit dahil ngayon lamang naganap ang bagay na noon ay hindi naman.
“CALM DOWN STUDENTS!!!” medyo kumalma na sila pero nandon parin yung bulungan.
“Ano nga ba ulit ang sinasabi ko… Ah! ang race na magaganap ay hindi na sya bunutan. Binago na sya ng hari at kung sino raw ang sampung lobo na nakapasa sa Ability test sila ang maglalaro at maglalaban laban sa sinabing karera,” naghiyawan na naman sila at marami pa akong narinig na gagalingan daw nila para pumasok doon sa nasabing race. Napailing nalang ako. Talunin nyo ko kung ganoon. Ngayon lang ako makakasali kung sakasakaling maipasa ko ang ability test na hindi naman malabong mangyari.
“Wala nang isip isip dahil ikaw parin naman ang unang makakapasok para makapagparticipate ka sa race eh…” bulong ni Yuki. Yeah… tama naman sya. Sino ba ang makakalampas sa isang katulad kong immortal na nagtataglay ng dalawang dugo? Tsk…
“Sa ngayon… sa open field gaganapin ang skills testing. Hindi na by one on one ang laban kasi limang lobo agad agad ang isasalang kada isang laban. At kung sinong manalo sa laban na iyon ay titipon tiponin at sila naman ang maglalaban laban. At exactly 12 noon we will start the test. Go back to your dorms now and save some strength para may lakas kayo mamaya,” tumayo na ang lahat at isa isa na silang lumabas ng gym. Tumayo narin ako at maglalakad na sana papuntang pintuan nitong gym ng makita ko si Abigail na nakatayo ron. The impakta girl is here. What a pleasant morning… note the sarcasm people. Nakacross arms pa sya at masama rin sya kung tumingin. Dukutin ko mata nitong impakta na to.
“Oh… impakta… buhay ka pa pala… ilang lingo ka rin hindi nagparamdam ah…” nakangisi kong sabi saknya. Kahit na magkasama kami sa iisang classroom ay hindi ko naramdaman ang prisensensya nya na minsan ay hindi ko pa sya makita kapag madalas na tumatambay sa tearcher’s table.
“Hindi ako impakta. Sa ganda kong ito magiging imakta ako? Tsk! And kahit hindi ako nagparamdam sayo ng ilang lingo still… nakamasid parin ako sayo at anytime pwedeng pwede kitang patayin,” galit nyang sabi sakin.
“Oh… looks can be deceiving…” nakangisi kong sabi saknya. Inirapan nya lang ako at tumayo ng deretcho.
“Nons—”
“Really? Then… should I reveal your dark secret?” malademonyo naman akong ngumiti saknya. Nakita ko kung pano sya natulos sa kinatatayuan nya.
“Ano… bakit wala kang masabi?” nakangisi kong tanong sakanya.
“May… may araw ka rin sakin!” sigaw nya sabay takbo papalayo sakin. May naramdaman naman akong umakbay sakin at kitang kita ko si Zhyn na nakangiti sakin ng malawak.
“Tara na Noona, ikaw nalang ang hinihintay ng buong grupo,” hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinatak na nya ako papalapit sa kinaroroonan nila Yuki kasama yung mga kalalakihan.
“Oi! Yung kamay mo naman!” naiinis na ewan na sabi ni Yuki. Tumawa lang si Zhyn. Tsk… mga Baliw. Maluwag na ang mga turnilyo sa utak.
“Ayos lang yan kay Noona,” inalis naman nya ang pagkakaakbay sakin tapos ipinulupot naman nya yung braso nya sa bewang ko. Hinayaan ko nalang sya dahil kapag inalis ko iyon ay ibabalik lang din nya at ako lang ang mabwibwisit. Hinalikan naman nya ang noo ko tapos proud na tumingin sakanila. Loko loko amputa.
“See?” pagmamayabang nito. Naiiling nalang ako sa kalokohan nya. Ipaalala nyo sakin na higpitan yung mga turnilyo nila sa utak huh? Ipaalala nyo lang. Lalong lalo na ang isang to.
“9:30 palang naman eh at 12 pa magsisimula yung event. So… tara? Wag kang magalala Noona… treat ko kaya don’t cha worry,” sabi nito sabay kindat.
“Kasama ba kami sa libre?”
“Ano ka Hyung! Sinuswerte! Hindi no! Si Noona lang ang ililibre ko!” Napailing nalang ako habang ang anim (hindi kasama si baozi) ay naghahalakhakan at nagbabangayan sa simpleng paglibre lang. Nagsimula na syang maglakad kaya naglakad na rin ako habang inaasar pa nya si Anthony. Alangan namang magstay lang ako doon eh nakakapit itong isang to. Narinig ko pa yung mga naglalakasan nilang mga halakhakan sa likoran namin at ang malakas na tumawa don ay walang iba kung hindi si Anthony Jayden or Den-Den for short na isa ring maluwag ang turnilyo sa utak at dahil nangunguna kami nitong bakulaw na maluwag ang turnilyo sa utak.
“Tch…” hindi ko na sila pinansin at nagtuloy tuloy nalang kami sa paglalakad.
Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ng bigla nalang nanlamig ang buo kong katawan. Nakatulala lang ako sa sahig at ni ingay o prisensya ay wala akong maramdaman o marnig. Fuck! What’s happening to me?
“Noona? Okay ka lang ba? Ha?” (Lelluch Zhyn)
“Misaki?!” (Sebastian)
“Oi! Okay ka lang ba? Ha? May masakit ba sayo? Tell me?” (Anthony Jayden)
“Oi! Misaki! Gagang toh! Natulala ka riyan! Magsalita ka oi! Wag mo akon gpinapakaba ng ganito!” (Yuki)
“Misaki? Misaki? Wag nyong palibutan! Dalhin na natin sya sa clinic!” (Terrence Leighan) Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin basta nagising nalang ako ng buhat buhat ko ni Terrence. Habang ang anim ay nakasunod lang din sa amin.
“Okay ka na ba talaga? Ha?” tanong ni Yuki. Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil pang ilang pung beses na nya yang tinatanong sakin. Kakaalis lang namin sa clinic at ang naging kongklusyon ng nurse ay ang biglang pagbaba ng temperature ko sa katawan ang naging dahilan kung bakit nangyari sakin ang bagay na iyon. Ang kailangan ko raw ang pahinga at kung maari lang daw ay kumain ako ng tama. Niloloko ata ako ng nurse dahil halata naman sakanya na hindi nya alam kung anong nangyari sakin same with the healers. Walang nakakaalam kung ano ba talagang nangyari sakin. Ni ako nga na sarili kong katawan hindi ko alam kung bakit bigla bigla nalang naging ganoon ang sistema ng katawan ko eh.
Narating narin namin sa wakas ang cafeteria. At habang papunta kami dito ay pinagtitinginan kami. Lalo na kaming dalawa ng mokong nato dahil nakadikit na naman sya sakin. Hindi lang yun nakaakbay pa ang gunggong. Naningkit ang mata ko nang makita kong iniirapan ako ng mga kababaihan sa canteen. Anong problema nila? Pagdudukutin ko ang mga mata nila eh.
“HOY LOVE BIRDS!!! TAMA NA YANG LANDIAN NYO!!!” sigaw ni Yuki. Nilingon ko naman sya nakita ko sa mukha nya na tuwang tuwa sya sa nakikita nya at kumikinang pa yung mata nya. Oh sige… kanina kung makatanong ka daig mo pa ang nakaunli load tapos ngayon gaganyan ganyan ka! Walang hiya! Wag nyo nang tanungin kung saan ko nakuha ang unli load na sinasabi ko. Alam nyo na kung saan ko nakuha yan.
“Tara na babe ko,” tumango nalang ako kahit naiirita ako sa pagtawag nya sakin.
Babe? Baboy ba ako? Huh? FYI lang… I have fucking six pack abs kaya hindi ako baboy. Tsaka naghahanap kasi kami ng upuan at yung anim don ay nakapila para kumuha ng number at umorder. Napailing nalang ako at nagpatianod sa mokong nato at umupo sa pangwaluhang table na nakita namin. Sakto namang katatapos lang nilang umorder ay nagsiupo na sila sa pwestong pinili ko katabi ng window na kitang kita ang soccer field. Oo, ako ang pumili, wala namang silbi yung kasama ko dahil ang gusto lang nya ay bumuntot at umagree sakin.
Nahuli ko namang nakatingin sakin si Baozi nang makaupo na sila sa kanilang mga upuan ngunit bigla syang umiwas ng tingin. Medyo salungat ko ang pwesto nya dahil ang nasa tapat ko ay si Anthony. Hindi ko alam kung nahahalata ba nila na lagi akong pinagmamasdan si Baozi o wala lang talaga silang pake kung sino ang pagmasdan ko? Well wala rin naman akong pake kung mahuli nila ko o kung ano man. Pinagsawa ko naman ang mata ko sakanya at paminsan minsan ay sumusulyap sya ng tingin sakin pero umiiwas agad sya ng tingin.
“Anong gusto mo babe ko?” napasimangot naman ako sa pet name ng mokong nato sakin at Napasimangot ako dahil naistorbo ang pagkakatitig ko kay Baozi.
“Tch… 2 fresh pig’s meat. Yung fresh pa galing pagkatay. Yun ang gusto ko.” Poker face na sabi ko. Natawa naman si Yuki.
“Well, ganoon din yung sakin kaya dinalawa ko na pero mukhang sakin la—”
“Don’t you dare, Yuki! Don’t you dare!” madiin kong sabi sakanya na ikinatawa naman nya habang ang anim ay ikinabigla nila.
“Well! Sakanya raw yung isa so bale tatlo na sayo! Pano na ako?!” nairita naman ako.
“Kung pupwede nga lang na buhay na baboy ang ihatid dito at ako na mismo ang papatay gamit ang mga ngipin at kuko ko ay walang problema!” iritang bulyaw ko sakanya. Natawa naman sya at umiling.
“Well… hi—”
“Just shut the fuck up!” iritang bulyaw ko sakanya at sumandal sa upuan tsaka nagpakawala ng malalim na hininga. Tumingin nalang ako sa labas at nang makabawi ang lahat ay itong mokong na ito ay sayang saya sa pinagagagawa nya sakin. Ba naman… nakapulupot parin yung kaliwang braso nya sa bewang ko at yung kanan nyang kamay ay nilalaro yung buhok ko. Iniikot ikot nya at inaamoy amoy. Dapak talaga.
“Oi! Tigil tigilan nyo nga yan hah?! Kanina pa kami kinakagat ng langam dito!” sigaw naman ni Yuki na kala mo ay napakalayo ko sakanya. Tinignan ko lang sya ng masama.
“Yang boses mo Yukira Maine Choi… hina-hinaan mo o ako mismo ang magpapahina nyan,” pagbabanta ko sakanya. Ngumiti lang sya sakin sabay dila.
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHA” si Den-Den yan. Natangal na ng tuluyan yung turnilyo nya sa utak.
“Noona!!!” sigaw naman ni Sebby at lumipat sa upuan na katabi ko. Unlucky me dahil walang nakaupo doon. Pagkaupo nya don ay inalis nya agad yung pagkakapulupot ng braso ni Zhyn. Salamat naman. Tatango na sana ako sakanya dahil tinangal nya yung pagkakapulupot ng braso ni mokong tapos mas malala pa pala sya. Nakayakap kasi sya sakin at suniksik nya yung mukha nya sa pagitan ng leeg at balikat ko.
“Noona~ *pout*” napapikit nalang ako. Ramdam na ramdam kong dumapo yung labi nya sa leeg ko at nakikiliti ako doon. Dumilat naman ako at ready ko na syang sunugin ng hilahin sya ni Leigh at batukan.
“ARAY!!!” daing nito.
“Umayos ka nga! Alam nang may nagseselos pinagseselos pa lalo…” sabi pa nito. Buti nalang at dumating na yung pagkain. Salamat naman… baka sila pa ang kainin ko kung saka sakali. Nakakagutom ang pagluwag nila ng turnilyo.

Komentar Buku (8)

  • avatar
    LamelaDaisy Sia

    good

    19d

      0
  • avatar
    SarteMatthew

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Leonard Marcelino

    yes

    22/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru