logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

4

Saturday and I prefer lying on bed rather than fixing myself for the reunion.
Para akong the girl who can't be moved sa kinalalagyan ko. I touched the back of my head and then I realize na kailangan ko rin talagang pumunta sa reunion na iyon dahil kung hindi ay hindi rin masasagot ang mga katanungan ko tungkol sa pagkakaroon ko ng asawa.
I lazily get up from my bed and picked my little black dress. I cleaned up myself and applied a light make up for this night. I wore my black dress, eto na lang ang pinili kong isuot dahil gabi naman at hindi ko naman pipiliin na magtagal ng sobra ngayong gabi.
Naglugay lang ako ng buhok at sinuot ko na ang black stiletto ko at nilagay sa purse ang ilang gamit ko.
I looked myself at the mirror and I find myself perfect for this night. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Mommy sa akin dahil hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung bakit nangyari iyon at bakit hindi ko matandaan.
Maybe one of the reasons kung bakit hindi ko matandaan ngayon ay dahil sa nangyari nga sa akin.
Tinignan ko ang oras at medyo late na ako sa party pero wala naman din sigurong makakapansin kung wala o nandoon ako.
Ginamit ko ang sasakyan papunta sa St. Therese, last night I checked my way papunta doon. If before alam ko ang daan papunta sa St. Therese not now anymore and I don't know if I will regain the lost memories.
Malapit lang naman ang St. Therese kaya halos hindi ko na nga namalayan na nandoon ako dahil sa mga iniisip ko. Nagpark ako sa harap ng University. Maraming sasakyan at may ilan pa ring naglalakad papasok sa loob. May ilang napatingin sa akin pero hinayaan ko na.
Hindi sa sanay ako sa atensyon kundi hindi ko naman sila kilala. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng University at parang may sariling isipan ang mga paa ko habang naglalakad ako papunta sa loob.
May Usherette na lumapit sa akin at ngumiti "Hi, Ma'am. May I see your invitation?" sabi niya sa akin. Tumango ako at kinuha ko ang invitation at habang tinitignan ng babae ang invitation ay gumagala ang paningin ko sa lounge ng University.
Since malapit na ang pasko ay punong-puno ng puting kumikislap na ilaw ang lounge. Ramdam ko rin ang lamig galing sa centralized aircon nila. Niyaya ako ng babae sa reception area "What's your name po, Ma'am?" tanong niya sa akin.
"Isabelle Francheska Zalderiagga" sagot ko sa kanya. Tumango ang babae bago hinanap ang pangalan ko sa listahan.
"Kasurname niyo po yung favourite model ko, Ma'am, kahawig niyo nga rin po sya eh. Si Isha Zalderiagga kaso minsan lang po magmodel yun pero plakado" nakangiting sabi ng babae habang hinahanap ang pangalan ko.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti lang ako samantala yung mga kasamahan niyo sa area niya ay nakatingin sa akin na parang namamangha. Ngumiti lang ako sa kanila. Ayokong magsalita na kung ano, pumunta ako bilang si Isabelle at lalabas ako bilang si Isabelle at hindi bilang si Isha.
"Ma'am sign po kayo dito tapos palagay na lang din po yung current job ninyo at ang company ninyo" sabi sa akin nang nag-assist sa akin. Inabot niya ang ballpen sa akin. I signed in the paper and write my job-Journalist-IJC.
Pagkatapos kong pumirma ay binigyan niya ako ng seat number at programme- seat number 54 tinitigan ko yun tsaka ako naglakad papasok sa loob ng function room.
Ang iba't ibang liwanag ng ilaw ang sumalubong sa akin pati na rin ang boses ng emcee, mula sa kinatatayuan ko ay inaninag ko yung nagsasalita sa gitna and it was Cley, the one who talked to me regarding this reunion.
Somehow, the party stopped when I enter because Cley stopped talking and looked at me. Bigla tuloy akong kinabahan sa pagtingin nila. I mean sanay ako sa ganitong atensyon but I don't know kung bakit ako kinabahan.
"Every one, our very special guest. She came all the way from Singapore few days ago. Our batch mate, Isha Zalderiagga"
Everyone clapped their hands at dahil sa liwanag na galing sa spot light na tinapat sa akin ay hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga taong ito ngayon. Ngumiti lang ako bago ko hinanap ang seat number ko. Umiwas ako sa spot light matapos kong kumaway ng kaunti at mag-bow sa kanila.
May usherrete na tumulong sa akin upang hanapin ang upuan ko pero habang papunta ako sa kinauupuan ko ay panay ang tawag sa akin ng mga tao, ngumingiti lang ako sa kanila. Ayoko maging bastos pero hindi ko talaga sila kilala.
Kasalanan ko ba na hindi sila matandaan?
Nasa may bandang likod na rin ang upuan ko at pinasalamat ko iyon at least hindi takaw pansin sa mga naroon. May mga kasama na rin ako sa table ko. Nilapag ko ang pouch ko sa lap ko habang sinusubukan kong i-concentrate ang sarili ko sa panonood sa program.
"Its been so long, Isha. Kamusta ka na?" narinig kong sabi ng babae sa gilid ko. Tumingin ako sa kanya. Hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko siya.
Maiksi ang buhok niya na hanggang batok lang tapos ay halter style na nude color ang suot niyang damit.
Ngumiti ako sa kanya bago ako sumagot sa kanya "Okay lang naman" tipid kong sagot sa kanya.
Ngumiti rin siya tsaka umiling "Mukhang nakalimutan mo na ako ah." Puna niya sa akin. Tumango ako sabay ngiwi.
"I'm sorry. Its just I can't remember anyone here except Cley" sagot ko sa kanya.
Tumango siya "Okay lang. I'm Lorainne Santos before but now I'm Lorainne Samaniego. I'm married already" inabot niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon. Bumitaw siya pagkaraan.
Hindi talaga maapuhap ng utak ko kung sino siya. Ang hirap naman ng ganito.
"We were the high school buddies before, don't you still remember?" pag-uumpisa niya. Kahit si Lorainne hindi na nakinig sa programme, inusog nga niya ang upuan niya para marinig ko siya.
Gusto ko sanang magpakwento sa kanya kung totoo ngang kami ang high school buddies na sinasabi niya "Actually kanina pa kita hinihintay. Buti nga nakapunta ka."
Tumango ako sa kanya. Huminga ako ng malalim tsaka ako lumingon-lingon kasi pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin pero hindi ko naman matukoy kung sino mula sa kinauupuan ko dahil na rin sa ingay.
"Looking for Mister?" sabi niya sa akin nang mapansin ata niya na may tinitignan ako.
"Mister?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Kung buddies nga kami siguro malalaman ko sa kanya yung mga nakalimutan ko noong nag-aaral pa ako dito sa Pilipinas.
"Nakalimutan mo na rin ah. Mukhang nawala na talaga yang sumasakit sa ulo mo kaya pati si Mister nakalimutan mo na rin" puna niya sa akin. Inabot niya ang juice niya at sumipsip siya doon.
"Alam mo?" gulat na tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin bago niya binaba ang iniinom niya.
Ibig sabihin kilala nga niya ako. Inabot ko ang kamay niya "Pwede mo bang ikwento sa akin ang mga alam mo, Lorainne?" tanong ko sa kanya.
Hindi pwedeng nandito ako sa party na ito at hindi man lang masagot ang mga katanungan ko tungkol sa buhay ko. At hindi pwedeng nandito ako sa party na ito na hindi ko man lang makilala yung lalaki na gumugulo ng buhay ko! Hindi pwede iyon.
"Sure. Tara doon tayo sa tambayan natin before. I'll tell you the things you want to remember" tumayo siya mula sa kinauupuan niya tsaka niya hinawakan ang kamay ko at lumabas kaming dalawa.
Sa gilid ng function room ay may pintuan at lumabas kami doon. Halos hindi na rin naman kami napansin ng mga naroon dahil nakafocus sila sa party at nagtatawanan pa nga sila.
Naglakad lang kami ni Lorainne, hinayaan ko siya kasi sabi nga niya buddies kami noong High School but still she's a stranger and if Mommy or Daddy are here they'll be mad for sure because I'm trusting her.
We went straight to the garden of the school. Dito ako madalas tumambay? May liwanag naman at naupo kami sa bench na naroon.
"Sa wakas, nakatakas din doon" humagikgik siya tsaka siya tumingin sa akin. "Alam mo kung ikaw pa rin si Isha na kakilala ko noon malamang tumatawa ka ri kasi nakatakas tayo sa ganoon. Ano ka ba, we both hate parties" sabi niya sa akin bago siya humingang malalim.
I hate parties? I really love parties kaya! Kaya lang kapag may after party kapag may modelling hindi na ako sumasama kasi kailangan kong gumising kinabukasan dahil na rin sa may pasok ako sa IJC.
Ganoon ako dati? Paano nangyari iyon? "Please tell me kung anong alam mo" I pleaded her gusto kong malaman ang mga alam niya. Para akong OA kung makahanap ng impormasyon sa mga taong nawala sa akin.
"Sige. Pero, CR muna ako. I need to pee" nagmamadali niyang sabi. Tumayo siya tsaka siya tumakbo papunta sa isang pasilyo. Tumayo ako para sumunod sana sa kanya ng may magsalita sa likod ko.
"And Misis is already back" sabi ng baritonong boses na nagsalita sa likod ko.

Komentar Buku (261)

  • avatar
    GallardeFredie

    nice writer

    07/02

      0
  • avatar
    EstriberMarivic

    magnda sya pero bat naman ganun pinaiyak m nman ako.. andun n eii.. happy na eiii... dba pwedeng happy ending nalang

    11/12

      0
  • avatar
    RaymundoMelyn

    deamonds

    15/11

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru