logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Paaandarin na sana niya ang sasakyan nang mapansin niyang hindi pa kinakabit ni Nathan ang seatbelt nito.
“Fasten your seatbelt.” utos niya dito.
“Come on Liezel you’re too cautious.” Reklamo naman nito.
Tinaasan niya ito ng kilay. Pero dahil mukhang ayaw talaga nitong sumunod ay dumukwang siya para siya na mismo ang umabot sa seatbelt nito. Hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya halos nagkasalubong ang mukha nila. His lips accidentally brushed her cheek.
Napaatras siya at medyo nagulat din ito. Tuluyan na siyang lumayo. Naging tensyonado tuloy sa loob ng kotse. Nagkusa na rin itong ikinabit ang seatbelt.
Nang sigurado na siyang nakaseatbelt na ito ay tsaka niya pinaandar ang sasakyan. Wala itong imik habang nagdadrive siya. Hindi niya alam kung dahil muntikan na siyang mahalikan nito o dahil wala na rin itong lakas para kausapin pa siya. Hindi naman kasi ito sanay na uminom.
Nang hindi pa rin ito umimik ay palihim niya itong tinitingnan sa rearview mirror. Ang totoo ay kanina pa siya medyo uncomfortable. Nagiging nostalgic na kasi siya. Noong una ay iniisip niyang nahahawa lang siya sa kalungkutan nito. After all kung sino man ang nakakaalam kung gaano kalalim ang relasyon nito kay Andrea ay siya na yon.
Saksi siya kung paano nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa. Siya ang opisyal na tulay, ang kupido ang dahilan kung bakit nagkakilala ang mga ito.
Maganda sana ang role niyang yon. Yun ay kung hindi niya lihim na pinapangarap noon na sana siya ang napiling mahalin ni Nathan. Pero noon yon matagal na niyang tanggap na hindi siya ang mahal nito. At kahit pa naghiwalay na ang dalawa ay hindi siya umaasang magkakagusto pa ito sa kanya.
Pero bakit may kakaiba na naman siyang nararamdaman? Na tila ba hindi lang basta mga alaala ang nagbabalik kundi pati ang saya, ang kilig at higit sa lahat ang sakit.
Isang medyo aligagang Nathan ang naghihintay kay Liezel nang araw na yon. Katatapos lang ng klase niya pero wala naman silang usapan na magkikita kaya nagtataka siya kung bakit siya inaabangan nito. Nonetheless masaya siyang makita ito. Last sem eh naging close sila dahil halos lahat ng minor subject eh magkaklase sila. So ngayon kahit na sa isang subject na lang sila magkaklase ay namentain pa rin naman nila ang kanilang friendship. Pati si Roland na kaibigan nito ay close na rin sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito?” masaya niyang tanong dito.
Pero bago ito sumagot inabutan siya nito ng plastic. “Para sayo.”
Kinuha naman niya ayon at tiningnan ang laman. “Uy siopao. Salamat ah. May kailangan ka ano?” style nito iyon kapag humihingi ng pabor ay nanunuhol agad.
Ngumiti ito. “Oo sana eh.”
“Maganda ang mood ko ngayon so malamang mapagbigyan kita.” Bihira naman niya itong tanggihan may suhol man o wala.
Medyo nagkamot pa ito ng ulo bago nagsalita at parang medyo nahihiya pa. “Sige na spill it out.” She urged habang tinatanggal niya yung puting papel sa ilalim ng siopao.
“ Ano kasi nalaman ko nung isang araw na kaibigan mo pala si Andrea.” Panimula nito.
“Magkaibigan nga kami. Bakit?”
“Ano kasi nakita ko siya sa isang seminar last week. Baka naman puwede mo akong ipakilala sa kanya. Nahihiya kasi akong lumapit sa kanya ng basta-basta.”
Naalis ang ngiti niya. At ang kaninang masarap na siopao ay biglang naglasang papel. Tama ba ang narinig niya? Gusto nitong makilala si Andrea? At siya pa ang gusto nitong gawing tulay. Isa lang ang ibig sabihin nun, crush nito ang kaibigan niya. Tuluyan na siyang nawalan ng ganang kumain kaya inilagay na lang uli niya yung siopao sa plastic. Gusto sana niyang ibalik dito ang bigay nito at magwalk-out na lang pero hindi niya ginawa. Wala siyang karapatan. Magkaibigan lang sila at walang masama na gustuhin nitong magpakilala sa ibang babae. Kung tutuusin nga dapat ay pinakilala na niya ito kina Andrea at Serina noon pang first sem pero hindi niya ginawa dahil medyo nagpapakaselfish siya. Gusto niya kasing siya lang ang babaeng malapit dito. Tapos ngayon magiging tulay pa siya nito. Pinilit niyang itago ang pagkadismaya.
“Natahimik ka na dyan. Hindi ba puwede?” parang medyong kinabahan na tanong nito.
“A-ano kasi mahiyain yun at ang totoo ayaw kasi noong pinapakilala ko siya sa mga boys. Baka kasi isipin nun nirereto ko siya sayo.” Pagdadahilan niya.
Hindi naman talaga siya nagsisinungaling dito . Ayaw talaga ni Andrea na sineset-up ito.
“Ganoon ba. Wala ka bang ibang maisasuggest na gawin ko. Gusto ko sana siyang lapitan pero talagang nahihiya ako.”
“Ikaw nahihiya? Walang hiya ka kaya. Ni hindi ka nga marunong mahiya sa akin.” Biro niya dito pero ang totoo ay parang nanghihina na siya.
“Sobra ka naman. Hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko. Ang totoo crush ko yung kaibigan mo. Doon sa seminar gusto ko na siyang lapitan kaya lang natatakot ako baka supladahan niya ako. May nakapagsabi sa akin magkakilala pala kayo. Kaya ito humihingi ako ng tulong. Please naman Liezel tatanawin kung malaking utang na loob ito sayo.” Hinawakan pa nito ang kamay niya. Sa ibang pagkakataon ay kikiligin siya ng husto sa ginawa nito pero dahil sa ginawang pag-amin nito na may paghanga ito kay Andrea ay parang napaso ang mga kamay niya sa hawak nito. Dahan dahan niya iyong binawi.
Gusto rin niyang sumigaw ng malakas na NO ng mga oras na yon pero nalulon din yata niya ang kanyang dila. Pero halatang hinihintay nito kung ano man ang suggestion niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili . “Okay sige tutulungan kita. Gagawa ako ng paraan para magkakilala kayo. Pero ikaw ang dapat mismong magpakilala. Kahit mukhang suplada yung kaibigan ko mabait yon at madaling lapitan.” Sa wakas ay nasabi niya.
“Sa tingin mo magugustuhan kaya niya ako?”
“I dont see any reason why not. Mabait ka naman tsaka cool.” Pilit niyang pinasigla ang boses.
“Salamat talaga ah.” halata ang saya nito. Kabaligtaran ng nararamdaman niya ng mga oras na yon.
“Sige ahmm mauna na ako pupunta pa ako ng library. Kita na lang tayo bukas.” Pag-iwas na niya rito.
“Salamat talaga Liezel. Ang galing mo talagang kaibigan.” Kitang-kita ang dalawang biloy nito habang nakangiti sa kanya. She tried to smiled back pero hindi niya alam kung nagtagumpay siya doon. Tinalikuran na niya agad ito para hindi na nito makita ang itsura niya na parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Lôçcõ Crïstã

    fanda

    27/07

      0
  • avatar
    MontebonKimberly

    thank you

    12/07

      0
  • avatar
    Crisiline

    i love it talaga story nato pero nakakaano den kasii pageng late

    28/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru