logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Nang makalabas sila ng klase ay tinanong na siya ni Serina. “Alam mo kanina ka pa. Bakit parang hindi ka mapakali dyan?”
“May hinahanap nga ako. Kaya lang siguro malamang wala na yon.”
“Sino ba yan?”
“Kaklase ko sa English. Ang cute niya.” Kinikilig niyang kuwento dito.
“Ano ba yan unang araw pa lang ng klase boys agad ang hanap mo.”
“Hindi ko siya hinanap natagpuan niya ako.”
“Fine whatever, sige mauuna na ako at may klase pa ako. Magkita na lang tayo mamaya sa bahay .”
“Okay sige pupunta lang ako ng library.” Paalam niya dito.
May assignment kasi agad siya at dahil wala siyang ideya sa dapat gawin magiging mabuti siyang estudyante at magreresearch. Malaki pero may kalumaan na ang library ng eskuwelahan. Halatang luma na rin ang mga libro pero siguro naman na may makikita siya na reference material.
Dalawang aklat naman ang suwerteng nahanap niya. Yun nga lang parehong panahon pa yata ni Rizal nalimbag ang mga aklat. Sobrang luma na ng mga ito pero wala siyang choice may nakauna na sa ibang mga libro.
Dahil may kainitan din sa loob ng library pumunta siya sa malapit sa electric fan. Balewala niyang binuklat ang aklat but to her dismay eh kulang ang pahina noon at ang mismong kailangan pa niyang parte ang nawawala. Kinuha niya yung isa pa na mas makapal at mas luma pero pagkabukas palang niya nang aklat ay walang anu-anong nagliparan ang ilang pahina nito.
“Ano ba yan? Hindi lang luma gutay-gutay pa.” naiinis niyang sambit. Isa-isa niyang pinulot ang mga pahina. Malayo pa ang narating ng ilan. Pinagsunod-sunod niya rin yon. May mga nawawala ring pahina. Pero hindi naman niya sigurado kung nilipad lang yun kung saan.
“I think you lost this.” Pamilyar ang boses ng nagsalita kaya hinarap niya agad ito.
Hindi niya mapigilang ngumiti. “Its you again.” Isang nakangiti ring Nathan ang nasa harapan niya.
Hawak nito ang nawawalang pahina.
“Nagreresearch ka rin?” Tanong niya dito habang kinukuha niya dito yung lumipad na pahina nang aklat. Tuluyan nang nawala ang inis niya. Lihim na ngayon siyang nagpapasalamat na nagsiliparan ang mga pahina. Mabait nga talaga ang pagkakataon sa kanya. Sa loob lang isang araw tatlong beses nyang nakita ang bago niyang crush. Coincidence man o hindi, she will take this as a positive sign.
“Yup, English 101.” Nakangiti pa ring turan nito.
“Parehas tayo. Bakit hindi na lang tayo mag-join forces para hindi na tayo masyadong mahirapan.” Suggestion niya dito.
“Not a bad idea. Oo nga pala hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko sayo.”
Inunahan na niya ito. “Nathan Rafael. Di ba yung Rafael isa sa mga ninja turtle?”
Tumawa ito. “Hindi ba puwedeng rennaisance artist kailangan ba talagang pagong?”
“Hey paborito ko kaya ang mga teenage mutant ninja turtles.”
“Fair enough. Well you can call me Nathan para hindi mo naman ako masyadong maassociate sa mga mutant turtle.”
“Nice to meet you Nathan.” Nakipagkamay pa siya dito. Pagkakataon na niya yon. Palalagpasin pa ba niyang mahawakan ang kamay nito. His hand is warm and strong. Parang ayaw na nga niya iyong bitiwan. “I think were going to be good friends.” Sinadya niyang lambingan ang boses.
“Sa tingin ko rin Liezel. Mukhang magiging mabuti nga talaga tayong magkaibigan.” Pagsang-ayon nito sa kanya.
Malamig na simoy ng hangin ang nagpabalik kay Liezel sa kasalukuyan. Bigla ring nagmulat ng mga mata si Nathan kaya nahuli siya nitong nakatingin. “Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? May dumi ba ako sa mukha?”
Medyo napakurap pa siya nang magtanong ito. “Wala naalala ko lang nung una tayong magkita.” Pag-amin niya dito. Binawi na rin niya ang tingin dito.
“That’s almost a decade ago.”
“Bakit nakalimutan mo na ba?” tanong niya dito.
“Puwede ko bang makalimutan yon English 101 parehas lang tayong first year.
“Okay pa rin pala ang memory mo.”
“Oo naman. Kaya nga siguro kilalang-kilala na natin ang isa’t-isa dahil ang tagal na nating magkaibigan.”
“Well not exactly.” Medyo pagkontra niya sa sinabi nito.
“And what do you mean by that?”
“Let’s just say you dont know me that well dahil hindi ko naman lahat sinasabi sayo.”
“That’s not fair. Lahat yata ng tungkol sa akin nasabi ko sayo. Pati tinatago kung birthmark alam mo kung nasaan. Then sasabihin mo na you’re hiding something from me?”
“Lahat naman ng babae may tinatagong lihim.”
“Now I’m curious ano naman yang lihim na yan?”
“If i told you then i’ll have to kill you.” Nakangiti niyang sagot dito.
“That top secret eh? So wala ka talagang planong sabihin sa akin kahit kulitin pa kita at makiusap ako?”
“Yup no plan at all.” Bumaba na siya mula sa hood ng kotse nito. “Mag-uumaga na. Halika na at nang maiuwi na kita. Baka mahamugan pa tayo dito sakit pa ang abutin mo.”
Hindi na ito nagpapilit pa. Sumunod na ito sa kanya. Hindi na rin ito nangulit tungkol sa sikreto niya na sa malamang ay hindi na niya masasabi dito kahit kailan.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Lôçcõ Crïstã

    fanda

    27/07

      0
  • avatar
    MontebonKimberly

    thank you

    12/07

      0
  • avatar
    Crisiline

    i love it talaga story nato pero nakakaano den kasii pageng late

    28/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru