logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2. 2

“I’m glad hindi nawala ang tiwala mo sa sarili mo kahit broken hearted ka. But you’re right I’m going to miss you, ego and all.” Nakangiti na rin niyang sagot dito.
Buti na lang at sanay na siya sa madalas na paglalambing at biro nito sa kanya. Hindi rin nito minamasama ang pagiging prangka niya dito. Ganoon sila kakomportable sa isa’t-isa. Minsan nga ay sobra na.
Tinuturing siya nitong bestfriend na babae. At madalas ay siya ang hinihingan nito ng payo patungkol sa lovelife nito. Well si Andrea lang naman talaga ang nagtagal na girlfriend nito. At ayon na rin dito ay tatlo lang naman ang naging girlfriend nito at kasama na roon si Andrea. Unlike her na hindi na nagsawa sa pangongolekta ng boyfriends pero hanggang ngayon ay wala pa ring napipili.
Choosy nga talaga siguro siya. Or maybe matagal nang nakapili ang puso niya kaya ayaw na nitong tumibok pa para sa iba.
They keep saying na matigas ang ulo ng mga tao. Pero ang totoo ang puso ang mahirap makalimot. After all you don't get to choose who you love. You can choose to stick with someone Pero hanggang kailan?
Hindi kayang magpanggap ng puso niya. Puwedeng magtago. Kaya niyang itago sa kaibuturan ng puso niya ang tunay na nararamdaman. As they say a woman's heart is a deep ocean of secrets. At sa kanya totoo yon. Hahayaan niyang lunurin ng dagat ang damdaming minsan ay umusbong sa puso niya.
Hindi pa rin inaabot sa kanya ni Nathan ang susi ng kotse nito. Nakikipaglaban pa rin ito ng titigan sa kanya. Tila tinitimbang nito ang determinasyon niya. Nang masigurado nitong hindi siya papayag na hindi siya ang magdrive sa wakas ay binigay na rin nito ang susi sa kanya. He does look disappointed though. Matigas talaga ang ulo nito kapag lasing bukod sa medyo nagiging makulit at madaldal.
“Masunurin ka rin pala kahit papaano.”
Pinuntahan na nila ang kotse nito sa labas ng bar. Tahimik lang itong nakasunod sa kanya. Bubuksan na sana niya ang pinto nang umupo si Nathan sa hood ng kotse nito. Mukhang ayaw pa talaga nitong umuwi.
“Tambay muna tayo dito. Ayoko pa talagang umuwi. I really dont like being alone in my cold apartment.”
Napilitan siyang tumabi uli dito. “Patayin mo kasi aircon mo. Makakatipid ka pa sa kuryente.” Medyo pagbibiro niya dito.
Ngumiti uli ito pero halata pa rin ang lungkot sa mga mata nito. “I’m sorry alam kung ayaw mo ng mga melodramatic stuff. Minsan na lang kitang tawagan problema pa ang dadalhin ko sayo.”
“As if naman hindi na ako sanay sayo. Nathan we’ve been friends for years. Kahit ano pang dahilan sasamahan kita. Ganoon ka rin naman sa akin. Naalala mo nung nagbreak kami nung first boyfriend kong si Roland sinamahan mo rin naman ako ah. Magkaibigan din naman kayo nun pero sinamahan mo pa rin ako.” She doesnt like to bring up the past pero gusto lang niyang ipaalam dito na hindi ito nag-iisa.
"Bakit nga ba kayo nagbreak ni Roland? Kolehiyo pa yon pero hanggang ngayon di ko pa rin talaga alam ang dahilan bakit kayo naghiwalay." tanong nito.
Napabuntunghininga siya nang maalala ang dating nobyo. Malalim ang sugat na binigay niya sa puso nito.
"Sabihin na lang nating irreconcilable differences. Magkaiba kami ng gusto sa buhay."
"Di pa man kayo kinasal nagdivorce na kayo." biro nito.
"Ganun talaga ang buhay hindi porket gusto mo mapapasayo. Hindi porket pinahirapan mong kunin eh magtatagal. Parang kami ni Roland. It wasn't meant to be. Ganun ka simple."
“Who would have thought that our friendship will so far outlast lahat ng ating mga romantic relationships?”
“Simple lang naman ang dahilan, we never expected anything from each other. At ganoon naman talaga dapat ang friendship walang masyadong expectation. Too much expectation ruins everything.” Sagot niya dito.
“Yeah” humiga muna ito at pinikit ang mga mata. Halatang hilo pa ito dahil sa nainom.
Ginamit naman niya ang pagkakataong nakapikit ito para pagmasdan ito ng mabuti. Kahit medyo lasing ito ay hindi naman nawala ang boyish charm nito. Baby face kasi ito at may malalalim na dimple sa magkabilang pisngi.
Heart throb talaga ito nung nasa college pa sila. At isa talaga siya sa mga kinilig dito noon. Ang lihim na tawag pa nga niya dito dati ay Mr. Dimple. Medyo darker version kasi ito ni Aga Muhlach. It also doesn’t hurt na para itong ambassador of goodwill. Lagi itong nakangiti sa lahat.
Too bad his sweetest smile eh hindi nakareserve para sa kanya kundi sa kaibigan niyang si Andrea kahit una naman niya talaga itong nakilala.
She bitterly smiled at the thought.
Kung first come first serve lang sana ang pag-ibig.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Lôçcõ Crïstã

    fanda

    27/07

      0
  • avatar
    MontebonKimberly

    thank you

    12/07

      0
  • avatar
    Crisiline

    i love it talaga story nato pero nakakaano den kasii pageng late

    28/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru