Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Sinubukan kong iangat ang aking kamay para takpan ang liwanag dahil nakakasilaw ito. Anong oras na ba? Bakit ang init na ng sikat ng araw? Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa tagilirin ng higaan para masuportahan ko ang sarili ko sa pag-upo. Pero bigla lang ding bumigay ang kamay ko sa sobrang panghihina. Nasagi ko ang isang bagay sa tagiliran na naglikha ng isang tunog, bago pa tuluyang bumagsak ang katawan ko sa higaan, may dalawang pares ng kamay ang umalalay at sumalo dito. “Binibini..” Marahan ngunit may pag-aalala na boses ng isang babae na hindi pamilyar sa aking pandinig ang bigla na lamang nagsalita. Siya rin ang nagmamay-ari ng kamay na sumalo sa akin. Nang lingunin ko ito, puno ng pag-aalala ang kanyang mata. Sino siya? Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa. She’s wearing an unusual outfit, ngayon ko lang din napansin ang buhok niya na nakabraid pero medyo magulo. Sino ba ‘to? Bakit siya nakacostume? “Binibini, ayos lang ba ang inyong kalagayan?” Marahan nitong tanong habang sinisipat ang aking noo at kamay. Binibini? Isn’t she too formal to me?
Iniangat ko ang kamay niya na nakahawak sa akin “Uh, Miss, sino ka? Bagong nurse?” Sa pagkakasabi kong iyon, napansin ko ang pagbabago ng kanyang mukha. Nagpatuloy ako sa pagsasalita nang hindi ito kumibo sa tanong ko “Your, uhm, o-outfit pakana ba yan nila Mom and Dad para sa libing ni Grandma?” Mas lalong kumunot ang noo niya nang dahil sa tanong ko. “Binibini, ano ang iyong sinasabi? Hindi kita maintindihan” Iginalaw niya ang kanyang ulo pakanan at pakaliwa na para bang naguguluhan siya sa nangyayari. Wait.. wait! Bakit siya naguguluhan? Ang huli kong naalala ay nalaglag ako sa hagdanan ng Mansion ni Grandma, at tumama ang ulo ko sa dulo ng hagdan. It must have been bleeding a lot during that time, so that means I need urgent care. And siguro ay siya ang nurse na nagaalaga sa akin? Hindi ba? I tried to wrap my thoughts on what’s happening at the moment. Kung siya ang nurse ko bakit parang hindi niya alam na nurse ko siya??? Don’t tell me naligaw siya? “Uh.. Miss, you’re probably my nurse tama ba?” itinuro ko siya gamit ang aking daliri, pero hindi siya tumango o humindi sa sinasabi ko. “Binibini ano ang nurse?” Nagtatakang tanong nito... Nurse????? Tinatanong niya ako kung ano ang nurse?? Ah, baka illiterate siya.. Iniba ko ang tanong ko. “Ikaw ba ang nag-alaga sa akin nitong mga nakaraang araw?” This time tumango siya sa sinasabi ko. Nagtanong ako ulit, itinuro ko ang sarili ko “Kung ganun, ilang araw na akong nakahiga dito sa kwarto” Itinaas niya ang kanyang daliri at nagpakita ng 3 daliri. Tatlo? Nanlaki ang mata ko.. Ngayon ang araw ng libing ni Grandma.. Pinilit ko ang sarili ko na tumayo, na siyang ikinabigla ng katawan ko kaya bumagsak sa sahig. Walang lakas ang mga paa ko, must be because I’ve been lying on the bed for three days. Dali-daling lumapit sa akin ang babae at inilalayan ako. “Binibining Saraya!!” She exclaimed. Inalalayan niya akong makatayo at dahan dahang iniupo sa higaan. Saraya?? Who’s Saraya? Inilingon ko ang mata ko sa kwarto kung may iba pa bang tao bukod sa amin, pero kaming dalawa lang ang nasa maliit na kwarto na gawa sa bamboo. Huh? Hindi ito ang Mansion ni Grandma, hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ako? Punong-puno ng pag-aalala at pagtataka ang isipan ko. Pinigilan ko ang babae sa paghawak sa akin. “Sino si Saraya? Nasaan ako?” Seryosong banggit ko dito. Napatigil siya dahil sa sinabi ko at tila ba nabato sa kinatatayuan niya. Hindi makapaniwala nitong tinaas ang kanyang mga daliri. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa mapagtanto ko na nakaturo ito sa akin. Tumawa ako “Ako? Saraya?” Nababaliw ba siya, my name is Sailor.. Sailor Andrande, bakit niya ako tatawaging Saraya. Tumayo ako at pinantayan ang kanyang titig.. “Miss, nagbibiro ka ba?” Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko sasabog ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon “Wala akong panahon makipagbiruan o mag-aksaya ng oras ngayon” Tumawa ako ng mapakla “Kaya kung ako sa’yo tigilan mo na ‘to, today is my grandma’s burial, hindi ako pwedeng mawala don!!” Galit kong sigaw. Namula ang mukha ng babae dahil sa sinabi ko. “Binibining Saraya, hindi kita binibiro o niloloko o pinaglalaruan” Naluluha nitong sambit “Tatlong araw na ang nakalipas nang malunod ka sa dagat mula sa Kapital patungo dito sa Isla” Tuluyan na itong naiyak. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya, sumasakit ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang lakas ng pag pintig nito, pero mas umigting ang pagkabigla ko sa nasaksihan kong pagbabago sa ayos ko. I’m holding the tip of my hair na halos umabot na hanggang sa aking bewang. My hair is not this long more so hindi ito kulay abo, who’s body is this? Napalingon ako sa gilid ko kung saan may salamin, hindi makapaniwala sa nasasaksihan. May pagaalinlangan akong humakbang palapit sa salamin at napatulala nang husto. It’s still my face, pero ang kulay ng buhok ko ay nag-iba, pati ang paraan ng pananamit ko. It’s an old style of clothing, a kind of dress almost similar to that dress you can see online when searching for pirates costume but this dress I’m wearing is much more decent. Nakita ko ang biglang pagluhod ng babae sa likod ko, umiiyak siya ng todo na halos hindi na siya makahinga. “Binibining S-Saraya patawarin… mo.. ako kung hindi ko masagot ang mga tanong mo…, wala akong natamong mataas na e-edukasyon kaya hindi ko alam ang Inglis…. May mga salita ka rin na ginamit na hindi pamilyar sa akin” Nahihirapang sambit nito. Nilapitan ko ito at hinawakan sa mukha, natatakot. Bakit siya matatakot sa akin? Wala naman akong gagawin kundi punasan ang mga luha na tumutulo sa mata niya. Hindi niya kasalanan ang nangyayari sa akin, naguguluhan ako at nagtataka, oo, pero wala rin siyang alam sa nangyayari. Naaawa ako sa kanya dahil di na siya makahinga sa sobrang pag-iyak dahil sa inakto ko. “Shh, wag ka na umiyak” patahan ko dito habang marahan na pinupunasan ang luha sa kanyang mata “patawad sa mga inakto ko kanina, naguguluhan lang ako sa nangyayari sa akin” tila ba nagulat ito sa ginawa ko at naninibago. Isinantabi ko ang nakikita ko sa kanyang mata at tinulungan siyang makatayo mula sa pagkakaluhod. “Bi-binibing Saraya..” May pagaalinlangan na sabi nito, natatakot pa rin sa maaari kong gawin. Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa kanyang mga mata “Wag ka mag-alala, wala akong gagawin sayo. I just want-“ napahinto ako ng mapagtanto ko na hindi nga pala siya nakakaintindi ng English “Ang ibig kong sabihin ay, nais ko lang malaman ang nangyayari dahil wala akong maalala” humigpit ang hawak ko sa kanya… Natatakot ako sa nangyayari sa akin ngayon… My identity was suddenly replace the whole day, ang lugar kung nasaan ako ay hindi pamilyar pati ang taon o era kung nasaan ako ngayon ay nakakaduda. Tumango ang babae bilang pag-sangayon. I need to find out the truth, wether this is real or I’m just dreaming.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
highhjehwhwhwhwhwhehehhehehehehehehehwhhwhwhwhwhwhwhwhwhsyfufufhagjwvhieigwihwfyiwcoywfywfoyafhoacyoavuwguwgywcguwctiwcyiwcywoxwtocwyocwy🎉cyw🎉cwyocwyowcy😂wct😂wctwocypwhvshocwchowvupupwcuowvupwcwupwvupwjcwlfxwufwxoufwxuwufpxwfxiwgfxwugpxwpfuxwufoxfpuwxwugxpuxgwpufpxwfuxpwufxpwguxpwugxpwuxfoufoxwufoxwfupxwufoxwufxowfuxowufoxwufoxwufoxwfuxowuotxwguxowfupzfwuoxfuoxwguxowugoxwufoxwufxoufoxwwugxouxgpwugpcwgupcwugpdwuydowutxowugxouxgwougoxwgxuowugpxwutxpwugxowguxpwugpxwgupxwutdpwugoxwougdwputdudtwp
23/10/2024
0wow
08/09/2024
0maganda
04/09/2024
0Lihat Semua