logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bon Appetit

RAVEN
“Hi Raven! Dito ka rin pala nakatira? Alam mo bang, kakalipat ko lang dito *ngiting malandi*. If you want *sabay lapit kay Raven, as in MALAPIT* you can visit me tonight. *winks*”
Ang ingay naman ng babaeng ‘to -_________-). Parang si Xyra lang, pero hindi naman annoying si Xyra.
Tiningnan ko naman siya at bigla na lang siyang lumayo sa akin na parang takot na takot.
*ting!* --> bukas ng elevator
Iniwan ko na dun yung babae at dumiretso na papuntang unit ko.
*nakita si Xyra*
“HUHUHUHUHUHUHUHUHUHU!”
Kahit kailan talaga, ang ingay ng babaeng ‘to. -________-)
At bakit naman kaya siya umiiyak? Dito pa talaga sa labas, tss.
*lumapit kay Xyra*
“Dun ka mag-ingay sa loob ng unit mo, wag dito. Nakakaistorbo ka sa iba.” sabi ko sa kaniya
Tiningala niya naman ako. (nakatayo kasi ako at nakaupo siya)
“Heh! *still crying* sa tingin mo ba *huk* dito pa talaga ako magdadrama kung nasa akin ang susi ko ha!” sigaw niya sa akin
“Edi, hinaan mo lang ang boses mo dahil hindi lang naman ikaw ang tenant dito.” sabi ko sa kaniya sabay pasok sa unit ko.
After 10 minutes...
Nasa labas pa rin kaya siya? 9PM na, malamig sa labas. Pero bakit ko ba siya prinoproblema?? Pero, *dali-daling lumabas sa unit niya at nakita si Xyra na pinipigilang sumara ang kaniyang mga mata*
Mabuti naman at tumigil na siya sa pag-iyak.
“Sa loob mo na hintayin yung susi, malamig dito sa labas.: sabi ko sa kaniya
“Hindi ko kailangan ng tulong o awa mo.” mahinahon niyang sagot
Tsk.
Just what I expected to hear from her. =_________=)
*lumapit kay Xyra sabay binuhat ito na parang prinsesa*
“T-teka! IBABA mo nga akooooooooooo!”
Ang ingay talaga, tsk!
Dali-dali ko siyang pinasok sa unit ko bago pa may magreklamo sa amin.
Binaba ko na siya sa sofa.
“Hindi ko nga sabi kailangan ang TULONG m-”
Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.
“Shhhh! Ang ingay mo.”
Tinanggal niya naman ang kamay ko sa bibig niya.
“Heh! Aalis na ako dito! *sabay tangkang labas sa unit ni Raven pero naharangan niya ito*”
“Ang kulit mo, sabing dito ka na lang para di ka na makaistorbo sa iba. “
“MAS MAKULIT ka! Hindi naman ako nag-iingay sa labas ah?! Kaya pwede ba, paalisin mo na ak- *kruuuuuuuuuuuuuuuuuuuuk!*--> tunog ng tyan ni Xyra”
Pfft.
Natahimik bigla si Xyra at kitang-kita ko ang pamumula niya sa hiya.
*tingin sa wall clock*
9:15 PM na, di pa siya nagdidinner.
*Biglang hila kay Xyra papuntang kitchen niya*
“Umupo ka dyan, magluluto ako.” sabi ko sa kaniya
XYRA
Wala na akong nagawa kundi umupo at maghintay sa loob ng unit ng lalaking ito. -_____-)
*sniff, sniff*
Hmm, ang bango naman. Amoy TINOLA! *___________*)
“Oh, kumain ka na.” Raven sabay punta sa sala.
Pumunta ako dun sa dining area at walang atubiling kumain nung niluto niya.
Ang sarap talaga ng luto nitong lalaking ‘to.
Kung dito siguro ako nakatira, siguradong tataba talaga ako.
Okay lang naman sa akin yun, wala na akong pakealam sa sasabihin ng iba.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip at pagkain nang mapansin kong nakatingin pala siya sa akin.
Aba’t hindi pa rin natitinag kahit nakatingin na ako sa kaniya.
“Titig pa more. *sabay subo ng malaki*” parinig ko sa kaniya
Mukhang natauhan na siya.
“A-ang kalat mong kumain! Linisin mo yan pagkatapos.” sagot niya sa akin sabay lakad paalis
Ba’t biglang namula yun?? Namula sa galit? HAHAHAHAHAHA
Hinugasan at nilinis ko yung pinagkainan ko pagkatapos kong kumain.
“Huy, thank you talaga ha. Nabusog ako dun, pramis!” totoong nagpapasalamat ako sa kaniya, siya pa lang ang tanging nakakagawa nito sa akin. Charot! Pinaglutuan na rin ako ng lola ko dati. HAHAHAHAHAHA
“M-maliit na bagay, sus.” sabi niya habang tutok na tutok sa TV.
Umupo na lang ako sa kabilang side ng sofa niya, tutal mahaba naman yun kaya malaki parin ang space sa pagitan namin.
Nanunuod rin pala siya ng anime? Shokugeki No Soma ang palabas, mahilig nga talaga siyang magluto. Sa bagay, natatandaan ko nung high school pa lang kami inilalaban na siya ng school sa mga cooking contests. Dati, iniisip ko lang kung anong lasa ng niluluto niya. Kung may potion ba siyang nilalagay kaya lagi siyang nananalo o baka naman nadadala niya lang yung mga judges sa killer smile niya? Akalain mo yun, natalo ko pa yung mga die-hard fans niya kasi natikman ko na rin luto ng Mr. Suplado na ito. BWAHAHAHAHA!
Naputol naman ang aking pangma-mindstab sa kanya nang magsalita siya bigla. Oo, mindstab kasi nasa utak ko lang naman. Lol
“Bakit ka nga pala umiiyak kanina?” tanong niya sa akin
Nagtama ang aming mga mata nang mapatingin ako sa kanya. Grabe, ang ganda talaga ng mga mata ng isang ito. Okay, back to reality Xyra.
Sasabihin ko ba? Never pa akong nakaranas na magkwento sa ibang tao tungkol sa mga problema ko at lalo na tungkol sa buhay ko. Pero may part sa akin na nagsasabing, mapagkakatiwalaan ko naman ang lalaking ito. Simula elementary hanggang high school magkaklase na kami ni Raven, pero never pa kaming nagkausap ng ganito. Laging maraming nakapaligid sa kaniya (mostly girls kahit sobrang suplado at tahimik niya), samantalang ako laging nilalayuan. We were in different worlds back then.
“Okay lang kung ayaw mong ikwento, pero sana huwag mong hahayaan na ganiyanin ka lang nila. Hindi ganiyan ang pagkakakilala ko sa’yo, Xyra. You are better than that.”

Komentar Buku (9)

  • avatar
    EgieBoy Cosicol

    it's very authentic

    08/07

      0
  • avatar
    Harold Liaging

    thanks

    05/07

      0
  • avatar
    Khate Ashley Francisco

    Nice story

    27/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru