logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Katulad ng karamihan, isa lang naman ang gusto ni Maxine na matupad sa buhay. Ang maitaguyod ang pamilya at mabigyan ito ng magandang buhay sa darating na panahon. Sa edad na disi-otso ay iyon na ang itinatak niya sa kaniyang isipan hanggang ngayon na beinte na siya. Nang pumasok siya bilang isang chambermaid ay hindi naman niya akalain na magiging isa siya sa maraming tagahanga ni Jamil Magnus; ang hot na hot niyang boss. Ang mas lalong hindi niya intensiyon ay ang lumalim ang paghanga niya rito dahil na rin sa pagligtas nito sa kaniya.
Ngunit iba na ang sitwasiyon dahil sa pangyayari noong nakaraang dalawang linggo. Tama, nagawa niyang iwasan ang boss at nataon pang may seminar ito sa ibang lugar ng isang linggo kaya naman hindi na muli niya itong nakita. Kung tutuusin ay maswerte siya dahil sa dinami-dami ng mga kasamahan niyang nagkakandarapa kay Jamil ay siya ang mapalad na nahagkan nito at nayapos na parang mag-nobyo at nobya.
Ngunit alam din niyang nanananiginip lang siya ng gising dahil iyon ay kailanman ay hindi mangyayari. Nakumbinsi na niya ang kaniyang sarili na lasing lamang ito kaya nito iyon nagawa sa kaniya.
Sa isipin ay hindi niya naiwasang hawakan ang mga labi at lihim sa napangiti nang maalala ang pangyayari sa pagitan nila. Naalala niya ang matatamis at malambot nitong mga labi habang hinahalikan siya na para bang wala nang bukas.
"--ine? Hoy Maxine!"
Napabalik siya sa kasalukuyan dahil sa tawag ng kaibigang si Jona. "H-ha?"
"Ayun, ikaw ha. Parang napapansin ko nitong mga araw eh napapadalas ang pagd-daydream mo. Umamin ka nga, may nyowa ka na 'no?" usisa nito sa kaniya.
"Nyowa talaga?" natatawang ulit niya at itinuloy ang ginagawang pag-aayos sa kama. "Wala' no. Sabi ko naman sa'yo wala akong oras para diyan." pagtanggi niya.
"Kuh. Kilala kita, Maxine. Sa dalawang taon nating pagkakaibigan ay ngayon lang kita nakitang ganiyan. Tulala, namumula at napapahawak sa mga labi na para bang.." putol nito sa sasabihin at biglang napasinghap. "May nakahalikan ka 'no?! Umamin ka!"
Sa narinig ay nag-init ang mukha niya at naging malikot ang mga mata bago mabilis na tinapos ang ginagawa at inilagay ang mga lumang kobre-kama sa cart. "Hindi ko alam ang sinasabi mo!" muli niyang pagtanggi at dali-daling itinulak ang cart papunta sa susunod na kwarto.
"Huwag mo akong tinatalikuran, babae ka at sinasa--aray! Bakit ba bigla-bigla kang humihinto?!" angal nito nang tumama ang mukha sa kaniyang likuran.
Habang siya ay tulalang nanigas sa kinatatayuan nang makita kung sino ang nakasalubong nila. Nakaramdam siya ng pamilyar na kilabot sa katawan sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya kaya naman agad niyang iniwas ang mga mata.
Kumabog bigla ang dibdib ni Maxine. Hindi naman siguro siya natatandaan ni Jamil, ano? Sobra ang pagkalasing nito kagabi at malamang ay hindi na maalala pa ang nangyari o ang mukha niya. Pero.. Pero bakit parang may iba sa tingin niya?
"G-good morning, Sir." alangan niyang pagbati.
"Good morning po!" masiglang bati naman ng kaibigan niyang si Jona na tila nakalimutan ang pangungulit sa kaniya.
Hindi na niya hinintay pang sumagot ito at agad na itinulak ang cart nang walang lingon likod. Habang naglalakad palayo ay ramdam niya ang titig nito sa kaniyang likuran at napakagat sa pang-ibabang labi.
Pabuntong-hininga niyang inihinto ang cart sa tapat ng kwartong nakatakdang linisin at hinintay na buksan ng kaibigan ang pinto. Lahat na halos ng santo ay dinarasalan ni Maxine na sana ay hindi siya natatandaan ni Jamil dahil sino ba ang nakakaalam kung ano ang gagawin nito? Baka sesantihin pa siya nito dahil sa pangingialam niya. Baka magalit ito dahil sa pananamantala niya sa kalasingan nito.
"Ano 'yun, girl? May something sa inyo ni Sir, ha." usisang muli ni Jona nang mabuksan ang pinto.
"Imahinasyon mo lang iyon. Tara na at nang matapos na tayo. Baka makita pa tayo ni Ma'am Erna at mapagalitan." giit niya sa kaibigan upang tigilan na nito ang pag-uusisa.
NANG mga sumunod pang araw ay tagumpay ang pag-iwas niya sa binata. Hindi rin niya ito muli pang nakasalubong o nakasama sa elevator ngunit nakikita pa rin niya ito mula sa malayuan at palihim na tinitignan na parang isang stalker. Gulo lang ang magiging hatid kapag muli silang naglapit at ang pinakahuling gusto niyang mangyari ay ang matanggal sa trabaho.
Ngunit araw ng Biyernes ay hindi niya inaasahang ipatatawag siya ng kanilang Head upang sabihing siya ang maglilinis ng penthouse.
Pero bakit? Tanging ang mga maid na mas matatagal na sa kaniya ang naglilinis roon. Bakit biglang nag-iba? Ano na ang dapat niyang gawin? Baka naalala na siya nito at parurusahan?
Kagat-labi siyang nag-iisip ng paraan dahil malapit na ang oras ng paglilinis niya. Alam niyang kadalasan ay naglilinis siya kapag wala ang guest, ngunit malakas ang kutob niyang naroroon ito.
Ilang sandali pa ay nakaisip siya ng solusyon at napahawak siya sa tiyan at namilipit sa sakit.
"Maxine! Hala, okay ka lang ba, girl?" nag-aalalang tanong ni Jona habang nasa quarters sila.
"Hindi, eh. Pakiramdam ko ay nasira ang tiyan ko," umarte pa siyang duming-dumi na. "Jona, pwede bang ikaw muna ang pumalit sa akin sa taas? Hindi ko na talaga kaya, eh. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Ma'am."
Sunod-sunod ang ginawang pagtango ni Jona. "Sige, ako na ang bahala!"
Hawak ang tiyan siyang naglakad papunta sa banyo at nang makapasok sa isang cubicle ay itinigil niya ang pag-arte at pabuntong-hiningang naupo sa bowl.
Hanggang kailan ba niya ito gagawin? Hanggang kailan siya iiwas? Pero paano ba niya ito pakikiharapan? Siguradong isang mababang babae na ang tingin nito sa kaniya. Sino ba namang matinong babae ang makikipaghalikan sa lalaking ni hindi siya kilala?
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya ng cubicle at nagtaka pa siya nang makitang nakasara ang pintuan ng banyo. Humakbang na siya patungo sa pinto at ganoon na lang ang gulat niya nang may biglang humawak sa braso niya at isinandal siya sa nakasarang pintuan.
Isang galit na Jamil Magnus ang bumungad sa kaniya. Magkasalubong ang makakapal nitong mga kilay at nakakunot ang noo. Mababakas din sa abo nitong mga mata ang galit. Bukod pa riyan ang mahigpit na pagkakawak nito sa isa niyang braso na itinaas nito sa kaniyang ulunan.
"How long? Gaano katagal mo akong balak na iwasan?" paanas na tanong nito sa kaniya.
Hindi siya kaagad nakasagot dahil una, nagkalapit na naman ang kanilang mga katawan at inaamin niya sa kaniyang sarili na na-miss niya ito. Ang pamilyar na init na katawan ng binata. Ang pamilyar at nakahahalinang natural nitong amoy maging ang lalaking-lalaking hininga. Pangalawa, dahil hindi niya maintindihan kung ano ang ikinagagalit nito. At panghuli, napagtanto na ni Maxine na naaalala ni Jamil ang gabing iyon at naaalala siya nito.
Sa huling pag-iisip ay naguluhan siya at hindi alam kung ano ang nararapat na maramdaman. Dapat ba siyang maging masaya? Kiligin? O... kabahan at matakot?
"Answer me." mas mahinahon na nitong sabi na bahagya pang hinampas ang pinto dahilan para bahagya siyang mapapiksi.
Kagat-labi siyang yumuko para iiwas ang tingin. Hindi niya kayang makipagtitigan dito dahil sa tuwing nakikita niya ang mga abo nitong mata ay naaalala niya lahat ng nangyari ng gabing iyon. Kung paanong maglapit ang kanilang mga mukha at kung paanong unti-unting sumara ang mga matang iyon.
Napapiksi siya nang maramdaman niya ang mainit nitong daliri na hinawakan ang kaniyang ibabang labi at marahan nitong inalis iyon mula sa pagkakakagat niya.
"Don't do that. You'll hurt yourself."
Bahagya pa siyang nagulat dahil sa tono nito. Kanina lang ay galit ito at naging mahinahon tapos ngayon ay malambing ang tonong ginamit nito sa kaniya.
"B-bakit?"
"Bakit ano?" kunot-noong sabi nito.
"Bakit mo pa ako kinakausap? Bakit hindi mo pa ako tinatanggal?" natagpuan niya ang sariling sinasabi sa mahinang tinig.
Sa wakas ay naisatinig na niya ang mga bagay na hindi nawawala sa isip niya.
"At bakit ko naman iyon gagawin?" bumuntong-hininga ito bago siya binitawan sa braso. "At kinakausap kita because I want to apologize for whatever I did. I'm sorry I didn't ask for your permission, but I am not sorry I did it." nagpakawala ito ng isang tagilid na ngiti.
Marahan niyang hinaplos ang parte ng braso niya na hinawakan nito dahil may naiwan pa ring init roon. Sa narinig na sinabi ng binata ay hindi niya naiwasang pamulahan ng mukha. Nilalandi ba siya nito?
"Iyon ba ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan? Kasi natatakot kang sisisantehin kita?"
Marahan siyang tumango bilang sagot sa tanong nito at narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Parang may humaplos sa kaniyang puso sa tunog na iyon. Napasinghap siya sa sunod nitong ginawa. Kaswal nitong inilagay ang isang kamay sa kaniyang baywang na para bang magkasintahan sila na matagal na hindi nagkita. Nagsimulang makipaghabulan sa kabayo ang tibok ng puso niya dahil sa pagtawa nito at dahil sa pagyapos nito sa kaniya. Libo-libong paro-paro rin ang nagliliparan sa kaniyang dibdib.
"Silly. You don't have to worry dahil hindi kita tatanggalin. I was actually upset dahil pilit mo akong iniiwasan." muli itong lumapit sa kaniya dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso niya. Nakita niya kung paano ito tumiim-bagang bago ibinunggo ang ilong sa kaniyang ilong. "I missed your lips."

Komentar Buku (474)

  • avatar
    CoboyKrizza

    gagokin11

    3d

      0
  • avatar
    Abel A Flores

    thank you

    3d

      0
  • avatar
    Winna Fe Maravillas

    hehe

    5d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru