logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 5

"There is a balance. Choosing love in all relationships, friendships, how we are with our kids, it will give those feelings substance." Nakangiting ani Papa sa mga kasamahan niya.
Isinama kami ni Papa sa isang party ng mga amigo's niya. Ayaw ko sana sumama? Kaso pinandilatan ako ng mga mata ni Ate Trix.
Matagal na rin kasing nawalan ng oras ang bawat isa sa kanila kaya't nagsettle sila ng araw kung kailan magkikita at magkakasama ang lahat.
Magalang akong ngumiti sa kanilang lahat.
"Sa tamang panahon po." Sambit ko.
Bakit ba big deal sa halos lahat na tao ang walang lovelife? Ano bang masama kong magiging late bloomer ka? Naku. Naku.
Nginitian nila ako at pagak na tumawa. Tumingin ako kay Ate Trix na tahimik kanina pa.
Katabi nito ang anak ng isa sa mga amigo's ni Papa. May itsura naman ito? Gwapo, matangkad at mukhang mabait.
Mahinang tumango lang si Ate kapag kinakausap siya nito. May boyfriend na din kasi si Ate! Hindi lang alam ni Papa. Ewan ko ba kung bakit ayaw niya sabihin?
Matanda na rin siya at nasa wastong edad upang magkaroon na ng asawa. She's twenty-five.
"Pa?" Agaw pansin ko kay Papa na abalang nakikipag-kwentuhan.
"Mukhang ayaw ni Ate iyong ginawa mo!" Nakasimangot kong sabi.
Kumunot ang noo ni Papa.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong niya.
Sumulyap ako kay Papa at itinuro si Ate at iyong lalaki.
"Uuwi na lang po kami." Anang ko.
Humawak si Papa sa kamay ko at malalam ang kanyang mata na nakatitig sa akin.
"Hindi na ba pwedeng pakialam si Papa sa magiging buhay pag-ibig niyong magkapatid?" Nakasimangot niyang tanong.
Ngumiwi ako.
"Pa naman. Syempre. Pwede ka naman pakialam? Pero kasi, si Ate? She doesn't like this. You know what I mean." Magalang na sagot ko.
Lumingon siya sa pwesto nila Ate ang ilang beses na bumuntong hinga.
"Okay. Hahayaan ko na lamang kayo magdesisyon." Nakangiting aniya.
Niyakap ko siya.
"Salamat, Pa. Hmm, pwede na po ba kaming umuwi?" Wika ko.
Tinawanan ako ni Papa at ginulo ang aking buhok.
"Okay! Mauna na kayo ng Ate mo. Sige na." Saad niya.
Tumango ako at saka tumayo. Pinasadahan ko muna ng isang beses ang aking floral dress na suot bago naglakad patungo kay Ate.
"Ate Trix. Tara na?" Bahagyang nagulat si Ate sa pagsulpot ko.
Nahalata ko ang maliit nitong ngiti na agad sumilay. Ngumiti sa akin ang kasama niya at saka tumayo upang alalayan si Ate.
I rolled my eyes. Kuya! Hindi madadapa ang Ate ko.
Tumungo sa pwesto ko si Ate at mariin na tumikhim.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Polo Richard!" Ani Ate.
Napangiwi ako ng marinig ko ang pangalan niya.
Ngumisi ang lalaki at kinuha ang kanang kamay ni Ate at saka niya to hinalikan. Masyadong pormal si Kuya.
"It's my pleasure, Trixiyah." Nakangiting sabi niya.
Seryosong tumango si Ate. Agad niyang hinablot ang kamay nitong hawak.
Hinawakan ko si Ate at binigyan ng masamang tingin ang lalaki.
"Let's go, Ate. Mukhang may virus." Anang ko at hinila siya.
Hindi umangal si Ate sa ginawa ko kapagkuwan ay naki-sabay pa ito sa trip ko.
Kinabukasan maaga akong nagising. Kailan ko kasing ayusin ang lahat ng requirements ko bago ko simulan ang pinapagawa ni Geovan.
Naligo. Nagbihis. Kumain.
Halos gusto ko ng liparin papuntang university. Kahit kasi gaano ka kaaga ay maabutan ka parin ng trapiko. Kung minamalas naman e.
Minabuti ko na lamang ang mag-bus kesa mag-LRT. Maaga pa naman e. Gusto ko naman maging feelin fresh kahit paminsan-minsan.
Habang umuunsad ang bus patungo sa Baclaran? Inabala ko nalang ang aking sarili sa pag-aayos ng files.
Lumipas ang trenta minutos ay naglalakad na ako sa hallway. May iilan na rin estudyante ang naroon sa field. Mga soccer teams na puspusang nag-eensayo.
Tumingin ako sa lalaking nakaupo mag-isa sa bench. Kinuha ko ang maliit kong salamin at bahagyang sinuri ang itsura. Maganda ka pa naman, Thracia. Woah. Go!
Bumuga ako ang malakas na hangin. I'll be right here waiting for you.
Tanging hangin na humahampas sa aking buhok. Parang animo'y nasa isang pelikula? Habang naglalakad ito ang kanyang paningin lamang ay nasa isang lalaki.
Bumukas ang lagusan na pagitan nila. Bongga Thracia, parang fairytale lang ang peq.
"Sir Guzman! Good morning." Nakangiting bati ko sa professor.
Tumingin siya sa aking gawi at ginawaran ako ng isang maliit na ngiti.
"You're early. Mukhang maganda ang araw natin." He teased.
Ngumisi ako at naglakad patungo sa kanya at saka naupo sa tabi niya. Hihintayin ko nalang si Gail dito.
Unusual nakasuot ako muli ng longsleeve at fitted skirt. Para daw mas magandang tignan.
"Coffee?" Aniya at saka inabot sakin ang dalang kape.
Umiling ako.
"No thanks. I'm full." I said.
Ikinawit nito ang braso sa hamba ng upuan at ipinatong ang kanang binti sa kaliwang legs.
Mabuting lalaki itong si Mr. Guzman. Noong magsimula ako bilang isang practice teacher ay napagaanang loob ko agad siya.
Mr. Marius Guzman. Ang lalaking maganda na nga ang ugali. Gwapo pa. Kaya ka nga humahanga sa kanya!
"Mukhang pagod na ang mga players!" Komento ko.
Ang iba naman kasi ay nakaupo na at ang iba naman ay panay ensayo parin.
"Tsk. Minsan tamad kasi ang mga yan." Natatawang saad niya.
"Strict ah." Nakangising sabi ko.
Lumingo siya sakin at kumindat.
"Ms. Fumar, parang hindi ka naman dumaan sa ganyan?" Wika niya.
Mas lalo akong ngumisi.
"Sinong nagsabi yan, Sir?" Nang-aasar kong sabi.
"Secret." Maikling sagot niya.
Matagal ko ng alam na may pagtinginan siya kay Gail. Kaya nga naging close kami. Limang taon man ang pagitan namin tatlo ay hindi to naging sagabal.
First years palang kami ni Gail ng aminin niyang may pagtingin siya sa kaibigan ko!
Tumikhim siya at ipinilig ang ulo sa braso.
"Hanggang ngayon pa ba umaasa ka kay Gail? Tsk. Kay Uriel na yon!" Panimula ko.
Malungkot siyang ngumiti.
"Bakit ba naman kasi kung sino pa ang gusto mo? Siya pang hindi mo makuha." Saad niya.
Tinapik ko ang balikat niya.
"Marami pa diyan! Tumingin-tingin ka lang." Sabi ko at lumunok.
Lumalandi ka naman, Thracia! Hindi ka niyan mapapansin!
"Paano mo naman nalaman? Siguro isa ka sa kanila, ano?" Nakangising sambit niya.
Ang kaninang ngisi at napunta sa mahinang tawa.
"Ang lakas ng self-confidence mo, Sir! Mga nasa hundred percent." Sigaw ko.
Tumingin sa amin ang mga players niya na mukhang naiintriga.
Humawak siya sa dibdib ang kunwaring nasaktan sa sinabi ko.
"Ouch. Ang sakit nun!" Pahayag niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pasalamat ka crush kita! Kundi kinalbo na talaga kita.
"Real eyes. Realize. Real lies." Sabi ko.
Bumuntong hinga siya at saka tumayo. Ipinagpag nito ang damit.
"Well. I need more time. Sige, punta lang ako doon." Paalam niya.
Sinundan ko siya ng tingin at saka ngumiti. Buti Thracia crush lang? Atleast hindi ka masasaktan. Duh.
Mariin akong pumikit at pinilit isipin kong anuman ang tamang gawin.
"Gail, alam mo naman ayaw kong mag-demand kay Dean? Hindi ako sanay, to please anyone." Walang ka kurap kurap na sabi ko.
Halos matagal ang eye ball's niya kaka-irap sa akin. Ang mga makapal niyang libro ay nakapatong sa maliit nitong lamesa.
"Ikaw na lang kaya kuma-usap?" I pouted.
She rolled her eyes again and sighed. Sa mukha palang niya? Parang wala akong magandang naidulot sa pagkakaibigan namin.
"Thracia, paulit-ulit ko ng sinabi sayo na wala akong magagawa diyan!" Pinal niyang sagot.
Napakamot ako sa ulo at saka kinalampag ang lamesa niya.
Ikiniskis ko ang aking dalawang kamay at nagpa-cute sa kanya.
Sana epektibo.
"We been friends in a long-years, Thracia. Hindi ka parin nagbabago!" Aniya at saka umiling-iling.
"Maybe you don't want to help me." Nagtatampo kong saad.
Hinilot nito ang sentido.
"Siguro'y magpinta ka nalang!" Maikling saad niya.
Kinuha ko ang frappucino niyang nakapatong sa lamesa at saka ininom ito. Sarap.
Mabigat ang mga yapak na naglakad ako.
"Where are you going?" Wika niya.
Tumingin ako sa gawi niya.
"Syempre hahanap ng ibang taong handa akong tulungan." Parinig ko sa kanya.
She rolled her eyes.
"Ang drama mo. Halika na nga dito! You give me headache.Tsk." Aniya.
Napakagat ako sa labi at saka naglakad pabalik sa kanya
"Next time no more excuses! Ngayon lang ito. I'll give you five days, para magawa mo ang lahat ng kakailanganin. Then, maari ka ng pumunta sa client mo para umpisahan ang dapat gawin. Okay? Ako ng bahala sa lahat habang wala ka dito." Seryosong sabi niya.
Sumipol ako at saka ngumisi.
"Thank you, Gail." Masaya kong sabi pagkatapos ay niyakap siya.

Komentar Buku (86)

  • avatar
    Remart Lovero

    keo ueixbidbcudbcidncjcefnuncu ncrcecucuedcneuffneucehcehcruxxduhxudhxhenπŸŒ’πŸ°πŸ¦–πŸ™‰πŸ¦“πŸ˜πŸ™‰πŸˆβ€β¬›πŸ¦–πŸŒ’πŸ˜πŸ½πŸ‡¦πŸ‡½πŸ’πŸ‰πŸ˜πŸ¦„πŸ˜₯πŸ‰πŸ¦“πŸ΅πŸΆπŸ€«πŸΆπŸ€«πŸΆπŸŒ’πŸŒ•πŸŒ’πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸŒ’πŸ¦“πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ½πŸ’πŸ˜₯πŸ˜₯

    3d

    Β Β 0
  • avatar
    Rachel Ann Reyes

    fdrf

    19d

    Β Β 0
  • avatar
    MonsingJerick

    wow ang ganda

    29d

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru