logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 4

Ano ka ba Thracia! Wala kang utang sa kanya? Okay. Wag kang mapraning.
Ilang ulit kong kinukumbinsi ang aking sarili. Siguro'y labing limang beses na! Hanggang sa matapos ang pinapanood namin, buong byahe akong hindi nagsalita.
Niloloko pa nga ako ni Gail at Uriel na baka raw nahanap ko na ang soon to be boyfriend ko. Umirap na lamang ako sa kawalan. Nagkakamali sila
Mala prince charming na sana siya e! Kaso masama ang ugali.
Inayos ko muna ang aking kama bago humiga. Tomorrow is another day na naman. Sasabakin ko muli ang gyera ng buhay.
Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng writing table ko at saka binuksan ang facebook app ko. Ni-log-in ko ang account ko pagkatapos sinumulan ng mag-scroll.
Tumingin ako sa profile ko. Last year pa itong picture ko ah. Noong nagpunta kami sa baguio nila Papa at Ate.
Nag-over view ako sa mine's view habang nakatigilid. Clinick ko ang select a new profile then naghanap ng previos picture ko.
Napangiti ako ng makita ko iyong larawan namin dalawa ni Gail? Last month lang ito. Nagtungo kami sa tagaytay para mag-unwind. Nasa zipline kami dalawa at malawak ang pagkakangiti.
Nagpasya akong iyon ang ilalagay ko at saka binigyan ito ng caption na Ang tunay na layunin ng mga matalik na mag-kaibigan.
Nilagyan ko ito ng heart at smile emoticon.
Nang sucessful na ang profile ko. Ako'y muling nag-scroll. Maaga pa naman e kaya hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Napangisi ako ng makita ko ang latest post ni Gail. Magkasama silang dalawa ni Uriel.
Nasa harap si Gail habang maluwag ang pagkakangiti habang si Uriel na naman ay nakatalikod at seryosong tumitingin ng bulaklak. Parehas sila ng kulay ng damit.
Napanguso ako at mariin na humagikhik. We're destined. Soon. Ang caption niya. Gail! Gail na pakipot pero obvious naman na mahal niya si Uriel. Hays.
Hindi ko akalain na may pagka-romantic itong si Gail? Napangisi ako. Tumingin ako sa active now saktong naroon ang pangalan niya.
"Dream come true, Gail?" Tinype ko at shinare ang picture kanina na nakita ko sa messenger.
("There was no reason para hindi matupad iyon Thracia.") Chat back niya.
"Kailan mo siya sa sasagutin?" Kinikilig ko tinipa.
("Upon the situation. I can't deny, Thracia. I love him already. He makes me happy every day.") Sure akong kinikilig din ito.
Ikaw ba naman ang magkaroon ng manliligaw katulad ni Uriel? Tiyak. Para kang uuod sa sobrang kiti-kiti.
"Inlove ka na niyan! I'm happy for you. You deserve him. Have a good night." Huling tinipa ko bago humikab ng ilang ulit.
Bumuntong hinga ako. You're okay! Kahit walang lovelife. Because life is more than just relationships. Being single is not being lonely.
Ngumiti ako at inilapag na muli ang cellphone sa may writing table. Nagdasal muna ako ng taimtim at saka nahiga ng maayos.
"Good morning, Ms. Fumar." Masiglang bati sa akin ni Arno.
Kumunot ang noo ko. Kumakailan lang ay kapag kaharap niya ako ay mukha siyang ewan ngunit ngayon?
Mas masigla pa siya sa lahat ng taong kakilala kong higit na masigla.
"How's your day, Ms. Fumar?" Wagas rin siya kong ngumiti.
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at saka ipinagpatuloy ang paglalakad sa corridor.
"Bagay po sa inyo ang suot niyo ngayon." Dagdag pa niya.
Napasinghap ako. Ito na nga't tinitiis ko ang ganitong kasuotan? Tapos binigyan pa niya ng pansin!
Nakasuot ako ngayon ng pink longsleeve at saka fitted skirt. Requirements daw sabi ni Gail. Hindi naman ako sanay sa ganito.
"L-Lalo p-po kayong g-gumanda." Nagkadautal-utal na sabi niya.
Humarap ako sa kanya at napansin muli ang pamumula ng kanyang pisngi.
"Salamat." Malambing kong sagot.
Nagkamot siya ng ulo at ngumiti muli.
Kahit medyo hindi maganda ang araw ko ngayon? Dahil sa antipatikong gwapo ngunit masama ang ugali na lalaking yon ay nagawa ko parin ang makipagbatian sa mga estudyante ko.
For the first time kahapon lang ako naka-encounter na ganoong tao! Unbelievable.
"K-Kumain n-na po ba kayo?" Ani Arno sa halos sampung minutong katahimikan. Now I don't understand, bakit muli siyang nauutal.
"Arno. Mauna na ako! May klase pa ako." Maikling paalam ko at saka tumungo sa stairway.
Nagmamadali akong naglakad patungong second floor na hindi inaalantana ang mga matang nakatingin sa akin.
"Morning, Ma'am? Sexy natin ah." Narinig kong banggit ng isa sa mga nakatambay doon.
"Bunganga mo." Tumigil ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin.
Tumawa ang mga kasama niyang barkada.
Ewan ko ba? Sa panahon ngayon bilang na lamang ang mga matitinong kabataan.
Itinaas nito ang kamay bilang pagsuko at saka ngumisi.
Bumuntong hinga ako.
"Mag-aral kayong mabuti! Hindi yon puro kalokohan ang alam niyo." Pasarin ko bago nagpasyang maglakad muli.
Tahimik akong pumasok sa silid aralan at saka ipinatong ang mga librong hawak ko. Inilagay ko na nga ang mga iba sa loob ng bag pack ko ngunit hindi magkasya sa dami.
Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa pader. Labing limang minuto akong napaaga.
Naupo ako at nagpasyang kunin ang dala kong sketch pad. Marunong din akong gumawa ng interior na isang bahay. Basta ba tungkol sa pag-guhit. Marami akong alam.
Inilapag ko ang apat kong lapis na paborito kong gamitin sa pag-ukit. Mga lapis na galing pa sa ibang bansa.
Kinuha ko ang kulay asul kong lapis at saka nagsuot ng earphone. Sa labing limang minuto? Makakaguhit na ako ng mga undefine na bagay!
Ipinikit ko ang aking mata at sinumulan na ang musika. Huminga ng malalim at saka nagpasyang gumuhit.
Marami nang larawan ang pumapaloob sa isip ko. I took a deep breath again. Minutong-minuto ay mas lalong lumalawak ang imahinasyon ko.
Hindi ko man magawang silipin ang gawa ko? Hindi ako natatakot sa kahahatungan nito.
Isang batang babaeng nakaupo sa tabi ng isang puno ng narra. Kumikislap ang mga matang nakatanaw sa bughaw na langit.
Habang hinihintay ang kanyang ina na sa isang iglap ay naglaho na.
Narinig ko ang boses ng mga estudyanteng papasok na sa loob.
Hindi ko man masabi ang sariling damdamin at lihim sa kanilang kaalaman na isa akong mang-guguhit o pintor?
Bukas naman ang aking puso na mag-paliwanag sa kanila. Fine arts kaya ang tinuturo ko sa kanila. Hello!
Napangiti ako at saka iminulat ang mga mata. Halos magulat ako ng makita kong nakatingin sila sa aking lahat. May mga echosera pang tumabi sa akin.
"Ma'am, ang galing." Sambit sakin ng babae kong estudyante.
Hawak ko pa rin ang sketch pad ko. Samantalang ang iba naman ay nakatingin sa akin na may halong pagkagulat.
"Gumuguhit po pala kayo? Grabe. Ang galing niyo po, Ma'am." Dagdag nong katabi niya.
Ngumisi ako sa kanila at saka ipinasok ang sketch pad ko sa bag.
"Oh siya. Magsi-upo na kayo." Natatawang ani ko.
Napasinghap silang lahat.
"Akala niyo madadaan niyo ako sa papuri-puri niyo? Pwes. No!" Sabi ko at saka tumayo.
Natawa ang iba at ang iba naman ay umiling.

Komentar Buku (86)

  • avatar
    Remart Lovero

    keo ueixbidbcudbcidncjcefnuncu ncrcecucuedcneuffneucehcehcruxxduhxudhxhenπŸŒ’πŸ°πŸ¦–πŸ™‰πŸ¦“πŸ˜πŸ™‰πŸˆβ€β¬›πŸ¦–πŸŒ’πŸ˜πŸ½πŸ‡¦πŸ‡½πŸ’πŸ‰πŸ˜πŸ¦„πŸ˜₯πŸ‰πŸ¦“πŸ΅πŸΆπŸ€«πŸΆπŸ€«πŸΆπŸŒ’πŸŒ•πŸŒ’πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸŒ’πŸ¦“πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ½πŸ’πŸ˜₯πŸ˜₯

    3d

    Β Β 0
  • avatar
    Rachel Ann Reyes

    fdrf

    20d

    Β Β 0
  • avatar
    MonsingJerick

    wow ang ganda

    29d

    Β Β 0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru