logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Winter's POV
nagising na lang ako ng may oxygen mask na nakakabit saken, puro na naman puti yung nakikita ko, mukhang buhay pa naman ako at nakaligtas na naman ako
napalingon ako sa kanan ko ng maramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko
si mama...
"anak, kamusta? may masakit ba sayo?" tanong ni papa na may pag aalala, kita sa mga mata nya na kagagaking nya lang sa pag iyak, ngayon ko lang nakitang ganito si papa, malubha na ba talaga ang kalagayan ko?
doctor ang papa ko, sya ang doctor ko
nagising naman si mama na halata na namumugto ang mga mata
"anak! may masakit ba sayo?" mama ng mapansin na gising na ako
umiling lang ako sa kanila
nanghihina pa rin ang buong katawan ko pero ramdam ko naman na normal na ang paghinga ko at ang tibok ng puso ko
"anak naman, mabuti na lang naitawag agad sa amin na hinimatay ka, ano bang nangyari?" mama
"Olivia, wag mo na muna syang tanungin, hayaan mo na munang magpahinga ang anak natin" papa
"Win naman, anak, mauuna pa ako sayo dahil sa sobrang pag aalala, alam mo bang halos paliparin ko ang sasakyan ko papunta dito? halos banggain ko na yung mga nasa unahan ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay James, anak naman, mabuti na lang nadala ka nya agad dito sa ospital" mama
kung ganon, si sir James pala ang nagdala saken dito pero... asan si Hiro?
"wag mo na syang pagalitan Hon, she needs a rest" papa
"Win, akala ko mawawala ka na samen" mama na nag sisimula ng umiyak kaya naramdaman ko na namamasa na rin ang mga mata ko
agad naman syang niyakap ni papa para pakalmahin
"sige na anak, magpahinga ka na muna" papa
bigla namang may kumatok sabay bumukas ang pinto at pumasok si sir James
"James" bati ni papa sa kanya, doctor din ang ama ni sir James dito sa ospital na to at isa din ang daddy ni sir James sa mga doctor ko kaya alam na alam nya ang kalagayan ko
"kamusta na po ang kalagayan nya ninong?" tanong ni sir James kay papa
inaanak sya ni papa at mama
"she's fine now, stable na ang vital signs nya but she needs to rest for atleast 2-3 days..."
"don't worry ninong, I'll tell it to her teachers, more important is she get some rest to fully recover" sir James
fully recover? funny, too impossible, big word and it was too impossible on my case
"thank you James, anyway, can you look after her for awhile? kailangan ko munang ilabas ang ninang mo dito kasi baka sya naman ang himatayin" papa, iyak pa rin kasi ng iyak si mama
"ofcourse ninong" sir James
"thanks, lalabas muna kami" paalam ni papa na tinanguan lang ni sir James saka lumabas na ng kwarto ko kasama si mama
ng makalabas na sila papa ay saka lang umupo si sir James sa upuan na malapit sa kama ko
"thank God he granted my wish" saad nito na nakatingin saken
"akala ko mawawala ka na samen, tinakot mo ako ng sobra Winter" sir James sabay hawak sa kamay ko
"mag pa hinga ka na lang muna at wag ng matigas ang ulo Win, ako ng bahala sa mga teachers mo, ako na rin ang bahala na kumuha ng mga mamimiss mo na lessons, I'll bring it here so you can still study, para hindi ka na ma bored" sir James
hindi ko alam kung bakit sobrang bait nya saken, siguro dahil naaawa talaga sya sa kalagayan ko, sa totoo lang, nakilala ko sya ngayon lang na naging teacher ko sya, ngayon ko lang din nalaman na inaanak sya ni papa at anak sya ni Doctor Levi
"th...thank you"
saad ko kahit nahihirapan pa rin akong mag salita dahil sa oxygen mask na nakalagay saken, feeling ko mapuputol ang hininga ko anytime
ngumiti lang sya saken, ayokong mapalapit ang loob nya saken, ayokong mapalapit ang loob ng mga teacher ko saken lalo kasi mas madami akong masasaktan pag nawala ako
I'm sorry Sir, Ma'am and classmates for pushing you all away, I just don't want you all to get hurt once I leave this place... ayokong masaktan kayo, masyado ng masakit para saken ang makita kong nahihirapan ang mga magulang ko, ayoko ng mas lalo lang bumigat ang nararamdaman kong sakit pag umalis ako at makita na madami ang masasaktan sa pag kawala ko
pumikit na lang ako at hinayaan na tumulo ang mga luha ko, kahit ano namang hiling at dasal ang gawin nila, wala na rin namang mababago sa katotohanang, malapit nya ng bawiin ang buhay na ipinahiram nya lang saken, kahit gaano ako kahandang mawala, hindi mababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang mga taong mahal ko na nasasaktan ng dahil saken

Komentar Buku (109)

  • avatar
    Cassandra Marie Oliver Pajarillo

    Ang sakit naman neto takte ano ba naman yan author eh bat nagpapaiyak ka naman😭😭😭 btw more story to make basta wag lang yung nakakaiyak na tulad nito ha? HAHAHAHA JOKE LANG

    13/07/2022

      0
  • avatar
    FelipeAdrian

    nice

    19d

      0
  • avatar
    Bheng

    nice story

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru