Chapter Three Ang love daw nag-eexist ng hindi natin nalalaman. Dahil paunti-unti tayong pinapana ni Kupido. Akala natin malabong mangyari..pero ang hindi natin alam pwedeng-pwede pala.. Fake meant to look real or genuine. Ibig sabihin hindi talaga totoo pero parang totoo. Papayag ka bang pumasok sa relasyong alam mong walang katuturan at patutunguhan? Ang mga bwisit na tao hindi nawawala iyan. Dadating at dadating talaga sa buhay mo ang mga iyan... TINIGNAN kong mabuti ang kabuuan ko sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto. Naabutan ko pa si Kuya Kean na nanonood ng paborito nitong palabas sa TV. Tumigil siya sa pagkain ng popcorn nang makita niya ako. "May lakad ka?" tanong niya at ibinaling ulit ang tingin sa pinapanood niya. Lumapit naman agad ako sa kanya at ngumiti. "Oo, Kuya. May date kami ngayon ni Richard. Baka mamayang alas otso na ako makakauwi ng gabi," pagpapaalam ko sa kanya. Inayos ko ang wristwatch na suot-suot ko. "Sige, Kuya. Una na 'ko." "Sigurado ka na ba talaga sa lalaking 'yon, Aila?" Natigilan naman ako sa itinanong ni Kuya at agad na kumunot ang noo ko. "Oo naman. Bakit mo naman natanong 'yan, Kuya?" naguguluhang tanong ko. He just shrugged. "Wala lang. Sige mag-ingat ka," paalala niya. Tango lang ang naging sagot ko at tuluyan na akong lumabas ng condo unit. Pagkalabas ko ng building ay nanlaki ang mga mata ko nang biglang may humablot sa akin. Sisigaw na sana ako nang malakas kung hindi ko lang nakilala kung sino 'yon. "I need your help," biglang sabi nito at hinila ako patungo sa sasakyan nito. Napasinghap ako nang bigla niya akong isinandal sa kotse niya. "At bakit naman kita tutulungan, aber?" mataray na tanong ko at itinulak siya palayo ngunit masyado siyang malakas. "Kearl, ano ba!" inis na sabi ko ngunit hindi naman siya nagpatinag at kumunot lang ang noo niya. "How many times do I need to tell you that it's Kean?!" he said frustrated. Inirapan ko lang siya. Ayoko ngang tawagin siyang Kean kasi nakikipangalan pa siya sa Kuya ko, eh. At isa pa, Kearl naman talaga ang totoong pangalan niya at palayaw lang niya ang Kean short for Kearl Anthony. "Ayoko nga!" inis na sabi ko. "At pakibitawan mo nga ako kasi may lakad pa ako." Akmang aalis na ako nang hinila niya ulit ako at pasalampak na isinandal sa kotse niya. "I told you I need your help," matigas na sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "At sino ka naman para tulungan ko?" "Kaibigan ako ng Kuya mo," sagot niya. "Kapal!" Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga. "Okay, here's the deal. Kapag tinulungan mo ako ngayon, I promise na hindi na kita guguluhin kahit kalian. Sounds good right?" Parang musika naman sa pandinig ko ang sinabi niya. Ibig sabihin, wala nang sisira sa araw ko at hindi ko na makakasalamuha ang damuhong 'to. "Okay, deal!" nakangiting sagot ko. "Ano bang tulong ang gusto mo?" "May party kasi akong pupuntahan at nandoon ang ex-girlfriend ko," he said and pause for a while. "Gusto ko sanang pagselosin natin siyang dalawa." "No way!" galit na bulalas ko. Kumunot naman ang noo niya. "Pumayag ka na kanina and it's a deal. Ngayon lang naman at pagkatapos nito wala na," pangungumbinsi niya. "Okay fine!" labas sa ilong na pagpayag ko. Kung tutuusin malaki naman ang makukuha ko sa deal naming dalawa. That is to have my peaceful life without this non-existence liar. Teka, dapat hindi siya nag-eexist, uh! Kaya bakit ko siya kinakausap? Well, saka nalang dahil pagkatapos nito ay hindi ko narin naman siya makikita. My freedom atlast... ******* DUMATING kami sa isang napakalaking bahay. Mukhang mansyon yata itong pinuntahan namin. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at napakaraming bisita. Mabuti nalang talaga at naka-dress ako ngayon dahil kung hindi siguradong katawa-tawa ang hitsura ko ngayon. Napataas nalang ang kilay ko nang makitang halos lahat ng kababaihan ay nakatingin sa akin. Naramdaman ko ang kamay ni Kearl na umakbay sa balikat ko. Tinignan ko naman siya nang masama. "Hey, Ms. Ramirez," bulong niya sa tenga ko. Ang sarap niya talagang suntukin. "Ano 'yon Mr. Montenegro?" mahina ngunit iritadong tanong ko. I heard him chuckled. "Nakikita mo ba 'yong babaeng naka red velvet na dress. Iyong may kausap na dalawang babae sa gitna na nakakulay blue at peach na dress," Tumuro siya sa gitna ng bulwagan kung saan may tatlong babaeng nagtatawanan. "Oo, nakita ko," mataray na sagot ko. He pulled me closer to him at gusto ko sanang pumalag ngunit naalala kong para pala ito sa kalayaan ko. "That's Evie, my ex-girlfriend. Siya 'yong babaeng pagseselosin natin ngayon." "Sigurado ka ba talagang magwo-work 'tong plano mo?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Of course, ako pa!" mayabang na sagot niya. "Halika, lumapit tayo doon." Napairap nalang ako. Habang papalapit kami sa kinaroroonan ng tatlo ay may kakaibang nararamdaman ako sa tiyan ko. "Teka lang, Kearl," awat ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at bumaling sa akin. "What?" supladong tanong niya. Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Nasaan ba ang CR dito? Kailangan ko munang magbawas. Nakalimutan ko kanina ng umalis ako sa bahay." Napakamot naman ito ng ulo. "Ano ba yan! Ngayon ka pa maghahasik ng lagim kung saan malapit na tayo, eh." Agad ko siyang pinektosan nang dahil sa sinabi niya. Ano'ng maghahasik ng lagim? Siraulo talaga 'to. "Tara na nga!" inis na aya niya at hinila ako patungo sa CR ng bahay. Naghintay siya sa labas at pagkapasok ko sa loob ay agad na pumasok ako sa isang cubicle. Ginawa ko na 'yong dapat gawin at umaliwalas ang pakiramdan ko. Lumabas na ako ng cubicle nang matapos ako. Hinugasan ko ang kamay ko at naglagay ako ng sanitizer gel. Inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng CR. "Aila," biglang tawag ni Kearl na nagpagulat sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila at idinikit sa gilid ng pader ng CR. Napalunok ako ng makitang napakaseryoso ng mukha niya. And what I didn't expect is when he claimed my lips and gave me a passionate kiss. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko nang dahil sa ginawa niya. Parang may paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko at pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga binti ko. "Kean!" Napatigil naman siya sa paghalik sa akin nang may tumawag sa pangalan niya at sabay naming tinignan kung sino 'yon. Namula ang pisngi ko at agad na nag-iwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Someone caught us doing these things in this kind of place! This is so embarrassing! "Oh! Hi, Evie. Nandito ka pala," wika ni Kearl sa dalaga. Napaangat naman ako ng tingin nang marinig ang pangalang binanggit niya. Doon ko lang mismo napagtanto kung bakit niya ginawa sa akin ang bagay na 'yon. "By the way, this is my girlfriend Aila," pakilala niya sa akin at hinapit ang bewang ko palapit sa kanya. Hinarap ko naman si Evie. "Aila, this is Evie." "Ahmm, Hi," nakangiting bati niya sa akin. Isang tipid na ngiti lang ang naging sagot ko. Seriously, I felt stupid! "I hope you both enjoy the party. Sige, pasok na muna ako sa loob," nakangiting paalam niya at tuluyang pumasok sa loob ng CR. Nang wala na siya ay inis na binaklas ko ang kamay ni Kearl na nakahawak sa akin at mabilis na tinalikuran ko siya. "Uuwi na ako," inis na sabi ko at naglakad palayo. Hinila naman niya bigla ang braso ko. "Teka lang! Kasisimula palang natin, 'diba?" Pinaningkitan ko naman siya ng mga mata. "What we've done is enough! Pumayag ako sa deal na ito pero wala sa usapan nating dalawa na halikan mo ako! Kung ayaw mo pang umalis, edi maiwan ka! Basta ako aalis na dito!" inis na saad ko at tinalikuran siya. I don't know why I am mad. I really felt stupid! Pakiramdam ko normal lang sa kanya ang manghalik ng ibang tao basta't kinakailangan. Pero sa akin hindi! "Teka lang! Ihahatid na kita," saad niya at agad na hinawakan ang braso ko. Aapila pa sana ako ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. "Please, don't make a scene," mahinang bulong niya sa tenga ko. Napatingin naman ako sa paligid namin at nakita kong halos lahat ng tao ay nakatingin na sa amin. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga. Kinalma ko ang sarili ko at nagpaubaya sa paghila niya sa akin. Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad na pinagbuksan niya ako ng pinto. Walang salitang pumasok ako at ganoon din siya. He starts the engine and it was so unusual when he started driving the car slowly. "I'm sorry," basag niya sa katahimikang namutawi sa aming dalawa. Hindi naman ako umimik. "I know what I've done is overboard kaya humihingi ako ng tawad. I hope you'll forgive me."
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
good
18/04
0always
18/03
0goods
02/03
0Lihat Semua