Chapter Two "Hi, Miss Ramirez!" nakangiting bati niya. I rolled my eyes. Ang presko at hangin talaga ng lalaking 'to. Alam niyo naman siguro kung sino ang tinutukoy ko, 'diba? "Ano'ng kailangan mo?" inis na tanong ko. Kinindatan lang niya ako. "Pinapasundo ka ng Kuya mo sa akin. May pupuntahan daw kayong party at ako ang nautusan niyang maghatid sayo doon." "A-ano?" gulat na bulalas ko. Wala naman akong maalalang sinabihan ako ni Kuya Kean ng tungkol sa bagay na 'yon. Kaninong party naman 'yon? "Ako nalang ang maghahatid kay Aila, Pare," biglang sabi ni Richard at pinulupot ang kamay sa bewang ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Kearl nang dahil doon. "Bakit? Alam mo ba kung saan ang lugar? Kaya nga ako ang susundo, 'diba? Kasi ako ang inutusan at hindi ikaw. And stop calling me pare, we're not even friends," he said rudely. Kumuyom naman ang kaliwang kamao ni Richard. Sino ba naman ang hindi ma-o-offend sa sinabi ng buwisit na lalaking 'to? He's so rude. "Okay fine! Sasama na ako!" inis na sabi ko bago pa tuluyang magkagulo. Nakita kong ngumisi si Kearl. "Good," saad niya at binuksan ang pinto. "Get inside the car now." I rolled my eyes on him bago ko binalingan si Richard. "Magkita nalang tayo sa Sunday, Richard. Pasensya ka na talaga," nahihiyang sabi ko. Kahit na bakas ang iritasyon sa mukha niya ay marahang tumango nalang siya. "Aila!" dinig ko pang tawag sa akin ni Jayson ngunit hindi ko na 'yon pinansin at tuluyan na akong pumasok sa loob ng kotse. Pagkasara ko ng pinto ay humagibis agad ito ng takbo. Napapailing nalang ako. Ano pa bang aasahan ko sa lalaking 'to? Mabuti nalang at mahilig din ako sa mga adrenaline rush dahil kung hindi baka kanina pa ako inatake dito sa puso. "Akala ko talaga makikipagsuntukan na ako kanina. Mabuting exercise na rin sana 'yon," biglang saad niya habang nagmamaneho. "Shut up, Kearl!" inis na saway ko. Halos dalawang buwan narin ang lumipas simula nang makilala ko si Kearl at wala na siyang ibang idinulot sa buhay ko kundi gulo. "It's Kean, Aila. Iyon ang tawag sa akin ng mga taong malalapit sa buhay ko," bakas ang panunukso sa boses niya. "Bakit close ba tayo? Hindi, diba?" pagtataray ko at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. "Ouch!" maarteng tugon niya. "I thought we're already close. Gaano ba ka close ang gusto mo?" he asked still using a teasing voice. Napairap nalang ako. "So close that our bodies were almost touching each other?" "Gago!" I cursed him. Napakamanyakis niya talaga! "You have a bad lips, Princess," mapanukso paring saad niya at sandaling bumaling sa akin. "But since I'm not like my brothers, hindi kita paparusahan," He smirked and looked at the road again "Iba kasi ako magparusa. Hindi ako namimigay ng parusa sa mga bad girl kundi sa mga good girl. Kaya sa tingin mo saan ka doon sa dalawa?" "Buwisit!" naiiritang sabi ko at padabog na bumaling nalang ulit sa bintana. Seriously? Malaki ba ang deperensiya ng lalaking ito sa utak? "You really have a nice pair of legs, Aila," biglang puri niya dahilan upang lumingon ako sa kanya. Nakita ko pa siyang sandaling tumingin sa mga binti ko bago tuluyang bumaling ulit sa kalsada. Uminit naman ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Manyak talaga! As in! Kasi sa uri palang ng pagkakatingin niya... Arggghhhhhhhh!!! Buwisit talaga!!! "NANDITO na tayo," saad niya at inalis ang seatbelt ko. Napatingin naman ako sa lugar na pinuntahan namin at mas lalong kumunot ang noo ko. "Akala ko ba sa party tayo pupunta?" tanong ko. Eh, bahay naman namin 'to ni Kuya. "Sinabi ko ba 'yon?" inosenteng tanong niya. Naningkit naman lalo ang mga mata ko at halos umakyat lahat ng dugo sa ulo ko. Hindi ko na napigilan at hinampas ko sa kanya ang bag na hawak-hawak ko. "Napakasinungaling mo talaga! Buwisit! Buwisit ka! Napakawalanghiya mo talaga! Sinungaling! Sinungaling!" "Aray...aray... Itigil mo na nga 'yan," natatawang awat niya kaya mas lalo ko lang nilakasan ang paghampas ko sa kanya. "Kung wala kang magawang matino sa buhay mo! Huwag ako ang pagtripan mo! Buwisit kang lalaki ka!" Inis na hinampas ko siya sa huling pagkakataon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya sa akin. Nature na ba talaga niya ang magsinungaling? Dahil mukhang walang kahirap-hirap niyang nagagawa ang mga bagay na 'yon. "Alam mo, pasalamat ka na ngalang at iniligtas pa kita sa dalawang manyak na 'yon," paliwanag niya at ngumiti. Tinignan ko naman siya nang masama. "Ikaw ang manyak dito!" bulyaw ko "Sa ngisi mo palang nagmumukha ka ng manyak! Gago!" "Oy, hindi, uh! Ang gwapo ko kaya!" nangingiting asar niya sabay pa-cute. "Ewan ko sayo! Diyan ka na nga!" Inirapan ko siya sabay labas ng sasakyan niya. Sa susunod hindi na talaga ako maniniwala sa lalaking sinungaling na 'yon! I hate you, Kearl Anthony Montenegro! Iisipin ko nalang na hindi ka nag-eexist sa mundo. You non-existence liar!
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
good
18/04
0always
18/03
0goods
02/03
0Lihat Semua