logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

LUMINGA si Andy sa open basketball court na pinuntahan nila ni Mitch. Hininap niya sila Shonak na kanina pa sa kanila naghihintay. May paliga raw ngayon ang barangay at kasali sina Ion sa mga maglalaro. Nagsimula narin ang laro ilang minuto pagkatapos nilang tumabi sa tatlo.
Kasama din pala si Mimi at Pita na kinawayan pa siya.
"Go, Fafa Ion!" Sigaw ni Shonak. Hawak din nitong pompoms na iwinawasiwas sa ere. Todo cheer din sila Mitch at may pa-chant pang nalalaman. Lamang ng dalawang puntos ang team nila Kaloy.
Pagkaraan ng ilang sandali, sumasabay na rin sa init ng panahon ang mga manlalaro pati manonood.
Cool lang sana sila Mitch kung hindi lang may sumulpot na ibang grupo sa unahan nila na mga babae't kabaklaan na ang iikli ng suot na shorts. Iba nama'y naka-crop top pa. Tadtad din ng kolorete ang mukha ng mga ito.
Kagaya ng grupo nila, todo rin sa cheer ang mga ito sa grupo ni Ion at Kaloy. Hindi nagtagal ay nagkaroon na ng girian sa pagitan ng dalawang grupo. Kinakabahang tumingin siya kay Mitch. Naka-attack mode na ito. Pero mas nagulat siya ng magsalita si Shonak. Napakalakas ng boses nito na parang maton.
"Hoy! Ikaw na babae ka." Turo nito sa isang babae na may pa-piercing pa sa ilong at labi. "Akala mo kung sino ka! Eh, para ka namang isdang tinalupan!"
"Hoy, tyanak. Nahiya naman ako sa inyo," Hinawi nito ang buhok saka ngumisi. Sumilay ang hindi pantay nitong mga ngipin na medyo naninilaw pa. "Nakakahiya naman dyan sa mga kasama mo na mukhang langong intyek, kawayan at mangkukulam!" Isa-isa pa nitong tinuro sila Ching, Pelita - lumampas ang daliri sa kanya, at kay Mitch huminto.
"Hoy, hoy, hoy!" Tinabig ni Ching ng kalakasan ang kamay nito. Muntikan pa itong mawalan ng balanse mabuti nalang nahawakan ng katabi. Kaya naman pala dahil nakasuot ito ng high heels. "FYI. Hindi po ako intyek. May lahing Koryano ang tatay ko kaya napaka-GANDA kong singkit!"
"Kawayan ba 'kamo?" Sabad naman ni Pelita. "Ulol! Mas malaki pa ang pakinabang ko sa inyo. Mga walang magawa!"
"Mga bruha sa banga!" Sigaw naman ng bakla na naka-suot ng crop top. Kita ang rib cage nito dahil sa sobrang kapayatan.
Tuluyan ng napuno si Mitch at akma na sanang susugurin ang mga kaaway. Mabuti na lang napigilan niya ito sa braso.
"Hoy, mga isdang biningwitan!" Iniumang nito ang nakakuyom na kamao. "Magdahan-dahan kayo sa pinagsasabi nyo! Baka gusto ninyong maihaw ora mismo ngayon sa ilalim ng nagbabagang araw." Pagbabanta nito. Hindi naman natinag ang kabilang grupo.
Nagkapalitan na ng mga salita. Kahit sila Mimi at Pita ay nakikisali na rin sa away.
"MGA PANGET!" Sigaw nung baklang naka-crop top. Umalingawngaw sa buong paligid ang napakalakas nitong boses kaya natahimik bigla ang mga tao at natigil ang mga naglalaro. Kahit sila Mitch ay hindi rin nakapagsalita. Bakit kaya?
Mayamaya pa ay naramdaman nalang niya na may nagmamasahe sa kanyang balikat. Iyon ay si Pelita. Lumapit din sa kanya si Mitch at binigyan siya ng makahulugang tingin. Mas lalo pa siyang nalito lalo na ng hawakan ni Shonak at Ching ang magkabila niyang braso. Parang balak pa ata siyang ibala ng mga ito sa kalaban.
"W-what now?" Naguguluhang tanong niya.
"Andy. Sinabihan tayong mga pangit. Payag ka ba?" Bulong sa kanya ni Pelita.
"H-ha?"
"Sa ganda mong yan, sasabihan ka lang na panget?" Sabi naman ni Ching.
"Wait." Pilit siyang kumawala sa mga ito. "Hindi naman ako kasali dyan. Kayo lang naman ang nakikipag-away. So most probably, kayo lang din ang tinutukoy nila." Lumingon siya nang may marinig siyang malakas na pag-ismid.
"Kasali ka!" Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya ang nagsalitang babae. Nakasuot ito ng yellow tank top at super ikling shorts. Iyon na siguro ang sinasabi nilang pekpek shorts. Kita ang maitim nitong kilikili at kaiguturan ng hita.
Her mouth gaped. Wala siyang masabi.
Sa isang iglap ay nagkaroon na ng malaking gulo sa basketball court. May naganap na rumble sa pagitan ng mga manlalaro pati manonood.
Sa gulat niya ay nakipagsapakan na rin sila Mitch sa kabilang grupo. Nakisali rin sa gulo si Mimi at Pita na kanina lang ay sinusubukan pang umawat.
"Tya- NAAAK!" Sigaw ng babaeng walang tigil na sinasabunutan ni Shonak.
Umatras siya ng may tumangkang humila sa buhok niya. Hindi naman sinasadyang nabunggo siya sa isang malapad na katawan. Lumunok siya ng nanuot sa ilong niya ang hindi kaaya-ayang amoy ng lalaking nakabungguan niya. Lakas-loob na nilingon niya ang lalaki at napangiwi. Kahit ang hitsura nito ay hindi kaaya-aya. Nakita niya pa ang pangingislap ng mga mata nito dahil sa - lumunok siya - pagnanasa? habang nakatitig sa kanya.
"Miss —"
Napasigaw siya ng mabuwal ito sa lupa. Tutop ang bibig na liningon niya ang sumuntok dito.
"Okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Ion. Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito habang tinitingnan siya.
"ARAY! Ang feslak ko..." Daing ni Shonak ng idiin ni Nanay Angge ang ice bag sa pasa nito sa mukha. Akma pa nitong hahampasin ang ginang hindi lang natuloy ng pandilatan ito ng huli. Sa grupo nila ay ito ang may pinakamaraming pasa at sugat na natamo sa pakikipag-away. Pumutok din ang gilid ng ibabang labi nito.
Si Mitch ay kalmot sa leeg at iba pang parte ng katawan ang natamo. May mga bite print din ito sa braso at balikat. Si Pelita ay namumula ang magkabilang pisngi dahil nakipagsampalan, magulo rin ang buhok nito na kasalukuyan na nitong sinusuklay. At si Ching naman ay may black eye dahil nakipagsuntukan. May pagka-tomboy pala ang huli. Iyong dalawang bata ay umiiyak naman dahil may mga pasa.
Huminto si Andy sa paglalagay ng betadine sa mga sugat ni Mitch at tumungo sa kusina para ng yelo sa refrigerator. Dinurog niya iyon at nilagay sa isang malinis na puting tela. Siya ang katulong ni Nanay Angge sa pag-aasikaso sa mga basag-ulo na nasa sala ngayon ng bahay dahil siya lang din naman ang hindi nasaktan.
She sighed. Iyon ba ang tinutukoy ni Mitch na for experience?
Nang lumabas na siya sa kusina ay dumeretso naman siya sa puwesto ni Ion at Kaloy. Ibinigay niya ang kanyang dala sa huli na namamaga ang paa dahil may nasipa na malaking bato. Bumaling siya kay Ion. Hindi naman ito nasaktan kanina.
"Thank you, by the way."
Ngumiti ito saka tumingin sa siko niya. "May sugat ka." Sabi nito na ikintingin niya rin sa parteng itinuro nito.
"Ito? Hindi 'to sugat. It's Benzalkonium Chloride." Sagot niya.
"Bensa - Ano?" Kunot-noong tanong sa kanya ni Kaloy. Kumamot pa ito sa likuran ng ulo.
"Merthiolate, pare." Sagot ni Ion. Nginitian ulit siya nito kaya iyon na rin ang ginawa niya.
Nang makapag-settle na ang dalawa ay bumalik na siya kay Mitch. Hinablot niya ang braso nito at walang sabi-sabi na nilagyan ng alcohol ang sugat nito roon.
"Aray ko naman, Andy!" Daing nito saka inihipan ng mahina ang sugat.
"Deserve mo yan." Malamig niyang sabi rito. "Takaw gulo ka kasi."
"Kung pinatulan mo na kasi ng Finishing Death Words ang mga iyon hindi sana nabawasan pa ang casualties." Rason nito.
Binatukan niya ito sa ulo dahil sa inis. "Shut up!" Nagpatuloy na siya sa ginagawa. "Kung sumali pa ako, e di mag-isa lang ngayon si Nanay Angge na nag-aasikaso sa inyo, including me." Aniya.
"Korek ka dyan, 'te." Sabi naman ni Shonak. "Buti nalang talaga at to the rescue sa atin si Ion Man." Kinikilig na sabi pa nito at nag-flying pa sa nanahimik na lalaki sa may gilid.
"Bakla! Tawag ka na ng tatay mong militar." Lumapit dito si Ching at pinalo ang parte kung saan may malaki itong pasa.
"Ouchie, bakla! Ayaw ko pang umuwi sa amin. Baka atakihin sa puso si Mama. Alam mo naman na over makareact iyon kapag ganito ang paborito niyang junakis." Sagot nito.
"Walang mangyayari sa nanay mo. Hindi niya mapapansin iyang hitsura mo dahil dati ka nang pangit." Tinapik ulit ni Ching ang pasa nito. "Baka sumugod pa dito ang tatay mo." May pag-aalala na sa boses nito pero duda siyang napansin iyon ng iba.
Lumabi si Shonak. "Hindi ko sila kayang harapin na ganito ang mukha ko. Siguradong susugod iyon si Papa sa barangay para magreklamo sa nangyari."
"Alam na nila, Shawn. Kaya nga hinahanap ka na ni Tito." Sabi naman ni Kaloy.
Sa paraan ng pagdaloy ng usapan ng mga ito ay nabatid niya na tanggap ng pamilya ni Shonak ang kasarian nito. Ngumiti siya. Ang suwerte pala ni Shonak. Bihira lang siya na makatagpo ng ganoon, na tanggap ng ama ang anak na lalaking iba ang daang tinahak sa buhay kung pagkatao ang pinag-uusapan.
"Go to your father. Nandyan na siya sa labas." Nginitian niya si Shonak.
Alanganin itong tumayo at naglakad patungo sa pinto ng bahay. Pinanood niya ito sa bintana habang naglalakad ito palapit sa lalaki na nakatayo sa labas ng trangkahan. Her heart swelled when she saw them locked into an embrace. His father is soft looking and strong.
Nakangiti parin siya ng muli niyang dinulog si Mitch.
Nagpatuloy na ulit sila sa kanya-kanyang ginagawa. Tiniis na lang niya ang mga daing ni Mitch sa bawat pagdampi ng bulak sa mga sugat nito.
"HINDI ka pa ba uuwi sa inyo?" Tanong ni Mitch kay Kaloy na prenteng naka-upo sa swing sa porch ng bahay nila. Umusog ito para maka-upo rin siya sa tabi nito.
"Masakit pa ba?" Tukoy niya sa paa nito na may benda.
"Konte." Sagot nito. "Sarap talagang magluto ng nanay mo!" Hinimas nito ang tiyan saka ngumisi. Hindi ito sumabay kanina kina Ion na nagpaalam ng umuwi. Hinintay pa nito ang nanay niya na matapos sa pagluto ng hapunan at nakikain.
"Kapal mo din, ano? Mura lang ang mga bilihin sa palengke, bakit hindi ka bumili ng lulutuin mo?"
"Tinatamad ako, eh." Umusog ito palapit sa kanya at pasimple siyang inakbayan sa balikat. "Ang ganda ng gabi, 'no, babe?"
Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Babe-babe ka dyan. Babe mong mukha mo!" Sapilitan niyang tinanggal ang mabigat nitong braso na nakapatong sa balikat niya. "Tigilan mo nga ako, Kaloy. Alam ko na yang trip mo. Pasimple ka pa." Aniya. Kabisado na niya ang galaw nito. At sigurado siyang may binabalak na naman itong kalokohan sa kanya.
Kumislap ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya bago tumawa. Nagtatakang pinanood naman niya ito. Kinurot nito ang pisngi niya pagkatapos.
Akala niya ay iiwas na ito ng tingin pero mas lalo pa siya nitong tinitigan sa mukha. Bigla tuloy siyang na-conscious sa sarili niya sa paraan ng pagtitig nito.
"Hindi ba ito napansin ni Andy?"
Umintab siya ng dalhin nito ang isang daliri sa ibabang parte ng kaliwa niyang mata.
"B-bakit?" Tinitigan niya lang ito.
Napansin niya na may nagbago rito. Noon kasi ay lagi siya nitong inaasar at pinipikon. Lagi rin silang nag-aaway. Ang totoo ay unang beses silang nagkakilala sa elementary school na pareho nilang pinasukan ay nag-away sila kaagad dahil sa lapis. Kakalipat lang ng pamilya nito na galing Cagayan sa lugar nila. Kaibigan niya na noon pa si Shonak at nalaman niya na lang na magkamag-anak pala ang mga ito. Naging mortal na magkaaway sila at naisip na niya noon hindi na sila kailan man magkakabati, ngunit nagkamali siya. Ito ang unang nagreach-out sa kanya at nakipagkaibigan.
"May maliit ka pang sugat dito." Dinampi nito ang daliri sa sugat na tinutukoy nito sa may ibabang parte ng mata niya. Sinalubong nito ang mga mata niya at natigilan.
"Hm?" Umarko ang kilay niya ng ngumiti ito.
"Saglit lang." May dinukot ito sa bulsa nito at ipinakita iyon sa kanya. "Tada!" Parang bata na iminuwesta nito sa mukha niya ang isang pirasong band aid.
"Ano ngayon dyan?"
"Steady ka lang." Utos nito saka binuksan ang band aid. "Tatakpan ko lang eye bags mo." Tumawa ito ng hampasin niya sa braso. "Joke lang. Huwag kang gagalaw."
Hindi nga siya gumalaw hanggang sa matapos na ito. She blinked. Abala sa mata niya ang band aid na nilagay ni Kaloy.
"Hindi ba weird tignan?" Iniurong niya ang kanyang ulo ng ilapit nito ang mukha sa kanya. Tumihip ang kanyang dibdib ng titigan siya nito ng seryoso. Pagkatapos ay nag make face.
Her shoulder sagged. "Baliw ka talaga, eh. Ano?"
Tumawa naman ito at pinitik ng mahina ang noo niya. "Bakit? Ano bang akala mong gagawin ko?"
Sinipa niya ang nakabenda nitong paa sa panggigigil. "Wala. Bakit, may binabalak ka bang gawin?" Taas noong sabi niya rito.
Natahimik ito.
"Silence means yes, Mr. Carlo." Dinuro niya ang noo nito. "Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo. Baka gusto mong magkaroon ng pasa." Pinaninkitan niya ito ng mga mata.
"Ang pangit mo! Wala akong gagawin sa'yo dahil hindi naman kita gusto." Inipit nito ang ilong niya. Pinalo niya ang kamay nito at kinurot ng pino sa tagiliran. "Aray! You're so violent, Bitch."
"Tse! Tumigil ka na. Sisipain na talaga kita paalis dito sa bahay namin." Pagbabanta niya.
"Ayaw mo na ba akong kasama, babe?" Lumabi ito. Nang-aasar talaga.
Pinaghahampas niya ito sa dibdib.
"Umuwi ka nalang. Doon ka magsinte. Kakaumay yang kabaliwan mo."
"Mag-isa lang ako roon, eh. Nakakalungkot."
Pinaikot niya ang kanyang mga mata. "Doon ka matulog kay Ion. Mag-isa lang din naman iyon, 'di ba? Magsama kayo." Pagtataboy niya rito.
"Wala ka talagang puso."
"Kailan ba ang uwi ni Bea?" Ang tinutukoy niya ay ang nakababata nitong kapatid na babae na nasa Cagayan ngayon. May kuya rin ito na nasa military na 'di hamak na mas guwapo rito.
"Ayaw pa nilang bumalik dito ni Nanay. Ganoon din si Tatay na mas inuuna pa ang sakahan." Sagot nito.
"Bakit kung makapagsalita ka ay parang napaka-iresponsable ng tatay mo sa inyo? Malamang lang na iyon ang unahin niya dahil iyon ang pinaka pinagkukunan ninyo ng hanap-buhay. Kung ipinagpatuloy mo lang kasi ang pag-aaral mo ng mechanical engineering, 'di sana katulad mo na rin ang kuya mo na successful."
"At ikinompara mo pa talaga ako sa crush mo? For your information, Mitch. Mas guwapo ako roon." Sabi nito.
Umiling siya. "Kaya ka iniiwan ng pamilya mo dahil ang yabang mo." Mukhang nasaktan naman ito sa sinabi niya kaya inatake kaagad siya ng konsensya. "Sorry... Ikaw kasi."
"Ayos lang, Mitch. Kung iyan ang tingin mo sa akin... Okay lang." Tumayo na ito at parang hindi na ininda ang sakit ng paa. "Mauna na ako." Paalam nito.
Nanatili lang siya sa kinauupuan habang pinapanood ang paglayo nito. Pumikit siya ng mariin at agad ding binuksan ang mga mata. Tumayo siya at hinabol si Kaloy na nakalabas na ng trangkahan nila.
"Kaloy! Sandali lang." Tawag niya rito. Humarap ito sa kanya habang nakapagitan naman sa kanila ang mababang gate. "Sorry talaga sa sinabi ko."
Ngumiti ito sa kanya. "Ayos nga lang. Pasalamat ka ikaw si Mitch."
Naguluhan siya sa sinabi nito. Bumuka ang bibig niya akmang may sasabihin pero umalis na ito. Ilang sandali rin siyang nasimento sa kinatatayuan niya. Ang weird talaga ng lalaking iyon. Umiling siya at nagsimula ng maglakad patungo sa loob ng bahay nila.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    Obrence Udsaco Mark John

    500

    13/07

      0
  • avatar
    Justine Magtibay

    sinapo nito ang noo na parang ang laki ng problema na dala nito

    13/07

      0
  • avatar
    DelacruzMarygrace

    Ahg

    07/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru