logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Fairy 3: Advent

Hindi ko alam kung bakit kailangan naming tumakbo pero sumunod na lang din ako sa kanila kahit napapatingin ang ibang estudyante sa amin. Sa likod ng school kung saan may matatagpuan na forest kami dumaan dahil wala raw pwedeng makakita sa amin kung ilalabas nila ang portal.
Napahinto ako nang makita ko ang mga magulang ko na nakatayo sa di kalayuan.
"Ma, Pa..." tumakbo ako palapit sa kanila at niyakap sila.
"Lyra, anak. Patawarin mo kami na hindi agad namin nasabi sa'yo." sabi ni Mama at parang maiiyak na.
"Lyra, lagi mo sanang tatandaan na kahit di kami ang totoo mong magulang ay mahal ka namin. Tinuring ka naming amin." niyakap ko sila nang mahigpit habang umiiyak.
"Akala ko di na ko makakapagpaalam sa inyo. Paano niyo nalaman?" tanong ko at lumingon sila sa apat na lalaki.
"Inutos ko sa hangin na papuntahin sila dahil sa utos ni Athan." sabi ni Draven at tinuro pa ang kapatid na nakapamulsang nakatayo sa tapat ng isang puno. Ngumiti ako sa kanila at lihim na nagpasalamat.
"We need to be fast. May mga humahabol sa atin." walang emosyong sabi ni Athan.
"Sige na, anak. Ayaw man naming mawala ka at gusto ka pa namin makasama pero nasa panganib ka at malalagay ka sa kapahamakan kung mananatili ka dito." sabi ni Papa, tumango ako. Lumapit si Athan at may inabot na maliit na kulay itim sa mga magulang ko.
"Hindi namin nais na makalimutan niyo siya kaya hindi na namin kailangan burahin ang alaala ninyo. Pero itong binhi na ito kapag nilunok ninyo ay mawawala ang presensya niya sa inyo para di malaman ng dark creatures na kayo ang nagpalaki sa kanya. Mabubura naman nito ang alaala ni Lyra sa ibang taong malapit sa kanya o nakakakilala kapag kinain ninyo ito." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Athan.
"Pero hindi namin siya makakalimutan?" umiling si Athan sa tanong ni Mama.
"Hindi kayo pero ang ibang taong naging malapit sa kanya. Alam namin na kaya niyo siyang maprotektahan ng alaala ninyo sa kanya lalo na at matagal na ninyong alam ang tungkol sa mundo namin. Pero ang ibang tao ay hindi, maaari nilang kontrolin at basahin ang isipan ng mga ito." sabi ni Athan.
"Sila Jake, Mae at Jamie ba ay makakalimutan na ako?" gusto kong manlumo at pigilan sila Mama na kainin ang binhi nang tumango si Athan sa tanong ko. Ayaw ko mang kalimutan ako ng mga kaibigan ko at ng lalaking mahal ko pero alam kong mapapahamak lang sila kapag di nila ako kinalimutan.
Kinain na nila Mama at Papa ang binhi para daw sa proteksyon ko at niyakap na nila ako.
"Let's go... Our world needs you, Princess Lyra." sabi ni Silvyr na nakadapo sa balikat ko. Naglakad na kami palayo kila Mama at binuksan na ni Athan ang portal. Lumingon muna ako sa mga magulang ko sa huling beses ay tumango sila sa akin.
Nilingon ko si Athan nang hawakan niya ang kamay ko. Tumango siya kaya napangiti ako nang tipid.
"Don't worry, trust me." tumango ako at sabay na kaming tumawid ng portal.
Napanganga ako sa paraisong bumungad sa amin pagtawid ng portal. Akala ko katulad nang mga napanood ko sa tv ay mahihilo o magpapaikot ikot pa kami sa portal pero hindi.
Nagulat ako nang lumingon at nakita yung batang kasama namin. Hindi nga siya bata dahil ngayon nakasuot siya ng green na sumbrero rin ng patulis. May suot siyang sapatos na pula at pahaba iyon, pahaba na rin ang tenga niya.
"Ano ka?" tanong ko dito. Kumamot siya ng ulo at nagtawanan ang tatlong lalaki maliban kay Athan.
"Ako si Elwin, kamahalan. Ang anak ng pinuno ng mga Elves mula sa Elves Kingdom." tinanggal pa niya ang suot na sumbrero at nilagay sa dibdib niya bago yumuko sa akin.
Nilingon ko naman ang magkakapatid at nakita kong iba na rin ang suot nila. Itim pa rin ang kanilang buhok pero ang mga damit nila ay parang sa movie na damit ng maharlika. Magara at makintab na ito at naayon sa kanilang kulay. Nanlaki ang mata ko nang biglang magpalit ang damit ko mula sa uniporme ng university na pinapasukan ko. Naging kulay pula ito at mahaba katulad sa mga lumang tao.
"Sabi niyo isa akong prinsesa, kung ganon pupunta ba tayo sa kaharian kung saan ang tunay kong pamilya?" tanong ko sa kanila at sabay sabay silang umiwas ng tingin maliban kay Athan na nakatitig pa rin sa akin.
"Your kingdom is fallen, many years ago. Sinugod ng Dark King ang Fairy Kingdom kaya nasira at nawasak ito. Ikaw lang ang nailigtas dahil dinala ka nang mga magulang namin sa mundo ng mga tao. Namatay lahat ng kalahi mo, gitna nang labanan at digmaan nang isilang ka, Lyra." si Athan ang nagpaliwanag at sinimulan na naming maglakad.
"Kung ganon, p-patay na rin ba ang tunay kong mga magulang?" tanong ko at napalunok ako nang humarap si Athan sa akin.
"Namatay sila para iligtas ka. Ikaw ang nakatakda sa propesiya na muling magbabalik ng inyong kaharian." kumunot ang noo ko.
"Paano mangyayari iyon? Wala akong kahit anong kapangyarihan tulad ng inyo." sabi ko pero nagkibit balikat siya.
"Isa kang fairy, Lyra. You are the last Fairy, what do you think you can't do?" nalilito ko lang siyang tiningnan pero nagpatuloy siya sa paglalakad.
Ilang oras na yata kaming naglalakad at di ko alam kung saan na kami. Wala akong ibang makita kundi puro puno na kakaiba. Kakaiba kasi iba siya sa mga puno sa mundo ng mga tao. Parang pakiramdam ko nga buhay ang mga punong ito at nakatingin sa amin.
"Napapagod na ko, ang daya ni Silvyr nakadapo lang sa balikat ni Lyra. Athan, gamitin na natin kapangyarihan natin o kaya ang portal." reklamo ni Stefano pero nakatanggap siya ng masamang tingin kay Athan.
"Magpapakilala ka na prinsipe ng Elemental Kingdom? Maglalabas ako ng portal? Gusto mo bang matunton tayo ng Dark King?" malamig at sunod sunod na tanong ni Athan sa kapatid.
"Prinsipe talaga kayo?" tanong ko dito at tumango sila.
"Sige hindi na pero huwag mong sabihin na lalakarin lang natin ito hanggang makarating tayo sa Kingdom natin?" tanong pa ni Stefano.
"Manahimik ka na nga, Stefano. Puro ka reklamo kung gusto mo magpaiwan ka dito." sita naman ni Draven sabay lingon sa akin pero humarang sa harap ko si Athan.
"Masyado ka yatang mabilis, Athan. Wala sa propesiya na ikaw lang ang pwede sa kanya kaya wag mo siyang angkinin dahil di mo siya pag aari. Ang nasa propesiya ay ikaw lang ang makakatulong sa kanya." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Draven at kumuyom ang kamao ni Athan.
"Hep, tama na iyan baka magkapikunan kayo. Draven, huwag mo nang galitin si kapatid at baka masunog ang buong gubat." pag aawat ni Kieran sa dalawa. Umismid lang si Draven at nilingon ako ni Athan pero di ko na siya tiningnan.
"Silvyr, kahit pala sa mundong ito pareho din sa mundo ng mga tao. Para silang nagpapataasan ng ihi." bulong ko sa ibon na nasa balikat ko.
"Parang ganon na nga, kamahalan." sagot ni Silvyr kaya natawa ako at nilingon naman ako ng magkakapatid, tinikom ko ang bibig ko. Napahawak ako sa tiyan ko nang kumulo ito.
"Guys, can we rest? I'm tired and hungry." sabi ko pero nilingon lang nila ako.
"Sino si Guys?" napanganga ako sa inosenteng tanong ni Kieran. Binatukan siya ni Stefano.
"Guys ibig sabihin tayo iyon." sabi ni Stefano kaya tumango ang mga kapatid niya. Napakamot ako sa noo ko. Makakasama ko ba ang mga ito ng ilan pang oras o araw o baka buwan pa at taon?
"Maupo muna tayo sa malapit na puno. Kieran, Draven maghanap kayo ng makakain natin. Stefano at Elwin kayo ang maghanap ng kahoy para makagawa tayo ng siga." utos ni Athan kaya umalis na ang apat.
"Silvyr, dito ka lang at bantayan mo ang prinsesa." sabi ni Athan sa alaga kong ibon.
"Masusunod kamahalan pero saan ka pupunta?" ani Silvyr.
"I need to secure the place." sabi pa ni Athan bago siya umalis.
Naupo ako sa isang malaking ugat at lumipad naman si Silvyr palayo sa balikat ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nagiba ng anyo si Silvyr. Naging isa siyang makisig at matipunong lalaki katulad sa panaginip ko na itsura niya.
"Ikaw, anong klaseng nilalang ka Silvyr?" tanong ko dito, ngumiti siya at tumabi sa akin.
"Galing ako sa isang maliit na tribo, sinakop at pinatay ng Dark King ang mga magulang ko. May kakayahan kaming magbagong anyo kaya nakatakas ako dahil naganyong ibon ako. Simula nun hangga't maari ay nananatili akong ibon para manatiling ligtas. Ang iyong tunay na ina ang nagligtas at nag alaga sa akin, kamahalan. Mula noon ipinangako ko ang katapatan ko kay Reyna Levinia pero namatay siya nang wala ako sa tabi niya. Kaya ipinangako ko na mananatili ako sa tabi ng kanyang anak at poprotektahan ito sa abot ng aking makakaya kahit buhay ko ang kapalit." sabi ni Silvyr kaya napatitig ako sa kanya.
"Salamat, Silvyr. Kaya ba kasama kita habang lumalaki ako?" tumango siya at lumapit sa akin, nagulat ako nang hawiin niya ang buhok ko at may isuot sa leeg ko.
Kinapa ko ito at nalaman kong ito ang kwintas ko, silver necklace with snow flakes pendant. Inabot din niya sa kamay ko ang isang tela at hinawakan ko ang pangalang nakaburda dito. Lyra.
"Bigay ng iyong ina ang kwintas na iyan na nagpapatunay na ikaw ang prinsesa ng Fairy Kingdom. Ang tela namang iyan ay ibinalot din sa iyo ng iyong ina. Siya mismo ang nagburda niyan." naluluhang kinapa ko ang bawat letra nang nakaburda dito. Pinunasan ko ang luha kong di ko namalayang tumulo.
"Silvyr, anong klaseng nilalang ang aking ina?" tanong ko dito. Ngumiti siya at sumandal sa puno bago diretsong tumitig sa ilog sa harapan namin.
"Mabuti siyang fairy, kamahalan. Patas din siya sa lahat. Hindi matatawaran ang kabutihan niya na kahit nahihirapan na siya ay hindi niya ipinapahalata, makapaglingkod lang sa mga kalahi niya. Isa siyang huwarang reyna ng Fairy Kingdom at asawa sa iyong ama. Kapayapaan ang pinakahinahangad niya at higit na kinamumuhian ang pagdanak ng dugo pero hindi iyon mapipigilan lalo na sa kasakiman ng Dark King." tumango ako.
"Ano ang nais nang Dark King? Bakit niya ako hinahanap at gustong patayin?" tanong ko.
"Dahil sa pagtawid nang apat na prinsipe sa kabilang mundo ay nalaman ng hari ang pakay nila. Ayaw ng Dark King na may mabuhay na kahit isang fairy." agad akong lumingon sa kanya.
"Bakit?"
"Malaki ang galit ng Dark King sa mga diwata dahil ang mga fairy ang pinagbintangan niyang pumatay sa asawa niya. Kaya niya inubos ang mga kalahi mo."
"Pero akala ko ba ay ayaw ng digmaan ng mga fairy ibig sabihin ayaw nila nang pagpatay?" naguguluhang tanong ko.
"Ganun na nga, kamahalan. Pero sarado ang isip niya dahil naghahanap na lang talaga siya nang mapagbibintangan sa pagkamatay ng asawa niya. At dahil din sa kasakiman niya ay inangkin niya ang kaharian ninyo. Ang higit niyang layunin ay maangkin ang buong Fantasy World at dahil pinangangalagaan nang mga fairy ang iba pang kaharian ay nilusob niya ang kaharian ng mga fairy."
Kumuyom ang kamao ko sa kasakiman ng isang hari. Ginamit lang niyang dahilan ang pagkamatay ng asawa niya para patayin ang mga fairy at masakop ang Fairy Kingdom.
"Hindi paghihiganti ang nais nang mga magulang mo, kamahalan. Ang tanging nais nila ay ang pagbalik ng kapayapaan na siyang iyong tungkulin, mahal  na prinsesa." mabilis kong nilingon si Silvyr sa sinabi niya.
"Paano-" tipid siyang ngumiti.
"Paano ko nalaman ang nasa isip mo? Ang mga Elves lang ang may kakayahang bumasa ng isip pero sadyang kilala na kita dahil sanggol ka pa lang ay nakasubaybay na ko sa iyo. Magkatulad tayo kamahalan, inubos din ng Dark King ang lahi ko at ninais na maghiganti pero ang iyong ina ang pumigil sa akin. Sabi pa niya 'Hindi paghihiganti sa pamamagitan ng karahasan ang dapat na manaig dahil minsan kailangan mo lang ay mapanatili ang kapayapaan at pagmamahalan.' Yan ang nais ng iyong ina sa buong Fantasy World, pagmamahalan at kapayapaan..."
"Na gusto niya tuparin ko." pagpapatuloy ko, tumango siya.
"Pinapangako ko ina, magtatagumpay ang matagal niyo nang mithiin ni ama." bulong ng puso ko. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Silvyr at napapikit ako nang umawit siya. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas basta di ko namalayan na nakatulog na lang ako.
Nagising ako nang parang umaangat ako sa lupa. Nanlaki ang mata ko nang makitang gumagalaw ang punong kinauupuan ko. May sanga na pumulupot sa akin kaya napasigaw ako.
"Silvyr!!!" sigaw ko nang makitang sa kabilang puno siya nakasandal at natutulog. Ilang beses ko tinawag ang pangalan niya bago siya nagising. Nagpalinga linga siya sa paligid bago ako nakita.
"Lyra!!!" sigaw din niya nang makita ako sa itaas.
"Tulungan mo ko!" tumango siya at marahil nag iisip ng paraan para matulungan ako.
"Maganyong maliit na nilalang ka." kumunot ang noo ko.
"Paano?"
"Isipin mong kaya mo. Isa kang fairy at yan ang tandaan mo. May pakpak ka, you need to think your fairy form at gamitin mo ang anumang kapangyarihang meron ka." sinubukan kong gawin ang sinabi niya. Pumikit ako pero makalipas ang ilang segundo ay dumilat ako at umiling sa kanya. Laglag ang balikat niyang tumingin sa akin.
"Lyra!" napalingon kami sa tumawag at nakita ang magkakapatid palapit sa akin kasama si Elwin. Iba na ang suot nila ngayon, luma at ordinaryo na ang mga damit.
"Teka lang, Athan kapag ginamit mo ang kapangyarihan mo baka masunog si Lyra." pagpigil ni Draven kay Athan nang maglabas ito ng bolang apoy at nagkulay pula ang buhok nito bigla.
Tinaas ni Athan ang kamay niya at may lumipad na espada sa kamay. Hinugot niya ito mula sa lalagyan at nagulat ako nang tumalon siya ng mataas at hiniwa ang sanga na nakapulupot sa akin.
Akma pa sanang lalapit ulit ang puno para takpan ang mukha ko nang makita ko ang paglapit ni Stefano sa katawan ng puno kaya hindi na ito nakagalaw. Napasigaw ako at napapikit, ang akala kong mahuhulog ako sa lupa at magkakabukol ay di nangyari. Napadilat ako at ang gwapong mukha ng prinsipe ng apoy ang bumungad sa akin. Bumalik na sa pagiging itim ang buhok nito.
"Are you alright?" mahinahong tanong niya pero nanibago ako dahil nawala ang lamig sa boses niya at napalitan ng lambing.
Wala sa sarili akong tumango kaya dahan dahan niya akong binaba. Lumapit si Silvyr at Elwin sa akin para tingnan kung ayos lang ako. Nang lumapit si Stefano ay nakita niya ang galos sa braso at binti ko.
"Hindi dapat nagagalusan ang isang prinsesa." sabi ni Stefano at hinawakan ang galos ko at nagulat nang maghilom ito agad.
"Anong klaseng prinsesa ako, wala nga akong sariling kaharian at kapangyarihan tulad niyo." sabi ko at tumalikod na sa kanila para uminom ng tubig sa malinis na ilog sa tapat namin at maglinis ng katawan.

Komentar Buku (68)

  • avatar
    엠재이

    Ang ganda ng story ❤️❤️🥰

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Jay Mhar Linggo

    oollihj

    1d

      0
  • avatar
    Rainier Aquino

    thank you

    03/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru