logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Fairy 1: Mission

Third Person's POV
Sa Elemental Kingdom ay may apat na prinsipe na nagsasanay ng kanilang kapangyarihan. Ang First Prince o ang itinakdang prinsipe na maging hari na tinatawag ding Fire Prince dahil sa kakayahan nitong manipulahin ang apoy.
Ang Second Prince na kilala sa tawag na Air Prince dahil sa kakayahan din nitong manipulahin ang hangin.
Ang Third Prince na kilala sa tawag na Water Prince dahil sa pagmanipula nito sa tubig.
At ang huli ay ang Fourth Prince o Earth Prince dahil sa manipulasyon nito sa lupa.
"Fire Prince, pinapatawag po kayo ng mahal na hari at ng reyna." yumuko ang tagapaglingkod bilang pagbibigay galang sa apat na prinsipeng nasa kanyang harapan.
Tumigil sa pagsasanay ng kanilang mga kapangyarihan ang mga prinsipe at tiningnan ang tagapaglingkod. Nilingon nila ang panganay nilang kapatid.
"Athan, ano naman ang pakay nila ama sa iyo? Siguro may ginawa ka?" ngising tanong ng ikaapat na prinsipe. Nakatanggap siya ng masamang tingin mula sa kapatid.
"Shut up, Stefano." sita nito sa kapatid na mapang asar. Tumawa ang dalawa pang prinsipe.
"Ayan kasi, Stefano kaya ka napapahamak dahil sa kadaldalan mo." nang aasar na sabi ng ikatlong prinsipe. Napailing na lang ang ikalawang prinsipe sa dalawang mapang-asar na kapatid.
"Tumigil ka na rin, Kieran. Sige na Athan puntahan mo na sila ama at ako na ang bahala sa dalawa nating kapatid na makulit." tumango lang si Athan.
"Salamat naman at may isa pa kong maasahan na kapatid dahil sumasakit ang ulo ko sa dalawang iyan. Mauna na ko. Salamat, Draven." pagkasabi ni Athan ng mga salitang iyon ay agad siyang nagtungo sa bulwagan ng kaharian.
Pagdating sa bulwagan ay agad siyang lumuhod nang makarating siya sa harap ng kasalukuyang hari at reyna ng Elemental Kingdom. Nilagay ng prinsipe ang kanyang kamao sa tapat ng kanyang dibdib habang nakayuko at nakaluhod.
"Pinatawag niyo raw po ako, kamahalan." magalang niyang sabi sa mga magulang.
"May bago kang mission, Athan." nagugulat na nag angat ng tingin ang prinsipe sa narinig.
"Po? Ako lamang po mag isa?" nagulat siya dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng mission na mag isa lamang at di kasama ang kanyang mga kapatid. Tumango ang hari at reyna.
"Oo, ikaw lamang anak." tumayo ang reyna at lumapit sa panganay upang ito ay itayo.
"Pero bakit po, ina?" naguguluhang tanong ng prinsipe.
"Dahil ikaw ang nakatakda sa propesiya na makakasama ng itinakda." sagot pa ng ina.
"Itinakda? Ano pong ibig mong sabihin, ina?" nalilitong tanong ng prinsipe.
"Athan, alam namin na ikaw lang ang makakagawa ng mission na ito. May tiwala kami sa iyo." sabi ng kanyang amang hari.
"Kung ganoon ano po ang aking gagawin at susundin ko po, kamahalan." yumuko muli amg prinsipe sa kanyang ama.
"Pumunta ka sa mundo ng mga tao at hanapin mo ang itinakdang diwata." kumunot ang noo ng prinsipe.
"Diwata? Nasa mundo ng mga tao? Di ba po matagal nang walang nabubuhay na diwata simula nang mawasak ang kanilang kaharian?" pagtatanong pa niya sa mga magulang. Malungkot na ngumiti ang hari at reyna.
"Oo, nakita namin ang pangyayari mismo sa kanilang kaharian pero may natitira pang isa. Binilinan kami ng reyna ng Fairy Kingdom na iligtas ang kanilang prinsesa. Nasa mundo siya ng mga tao." sabi ng hari.
"Prinsesa?" tanong pa nito.
"Oo, ang huling diwata na nabubuhay at muling magbabalik ng nasirang kaharian. The last fairy who will save our world from the Dark King." sabi ng reyna. Wala nang pagaatubiling yumuko ang prinsipe dahil sa utos ng kanyang mga magulang.
"Masusunod po, kamahalan. I will find the last fairy and bring her to our world."
"One more thing, son. This is a secret mission. At may makakasama ka." lumingon ang prinsipe sa tinuro ng hari na nasa kanyang likuran.
"Kinalulugod kong makasama ang prinsipe ng apoy sa paglalakbay na ito." yumuko ang maliit na nilalang na kanya raw makakasama. Isang Elf mula sa Eldom.
"Elwin..." masayang pagtawag ng prinsipe dito.
"Mahal na prinsipe, let's find the last fairy." tumango ang prinsipe at sabay silang yumuko sa hari at reyna bago sabay na lumabas ng bulwagan.
Nilingon ng reyna ang hari.
"Afanas, sa tingin mo ba magtatagumpay si Athan?" tanong ng reyna sa asawa at tumabi siya ng upo sa trono nila.
"Amaia, naniniwala ako sa anak natin. Ito na ang takdang panahon upang muling magbalik ang last fairy sa ating mundo." sagot ng hari at tumango naman na ang reyna.
*****
Lyra's POV
Nang lumabas na ang prof namin ng classroom ay mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Nilingon ko si Mae nang lumapit siya sa akin.
"Ly, nagmamadali ka yata? May date?" ngising tanong niya pero tumawa lang ako.
"Hindi, alam mo naman na may dinner kami nila Mama. Umuwi si Papa mula sa Barko dahil birthday ko." nakangiti kong sabi. Ngumiti siya at may kinuha sa bag niya.
"Happy Birthday, Lyra." sabay abot ng kahon sa akin. Ngumiti ako at tinanggap ang kahon. Binuksan ko ito at napangiti nang makita ang perlas na hikaw.
"Aww, Salamat." niyakap ko siya.
"Ang sweet nang magbestfriend." lumingon kami sa nagsalita at lumaki ang ngiti ko nang makita ang maganda niyang ngiti. Napakagwapo niya talaga at may dimples din siya.
"Jake..." tumakbo ako payakap sa kanya at kinawit ko ang paa ko sa bewang niya.
Natawa siya at sinalo ako. Ramdam ko ang titig ng mga kaklase namin pero di ko sila pinansin. Keber lang sa kanila, wala silang pakialam.
"Ang bigat mo na, Ly." ngumuso ako sa sinabi niya at nagpababa.
Ginulo ni Jake ang buhok ko at nginitian ako kaya napangiti rin ako. Makita ko lang ang ngiti niya pakiramdam ko kumpleto na ang birthday ko.
Jacob 'Jake' Winston is my first in everything.
"Sabi mo ang liit ko tapos sasabihan mo kong mabigat." nakangusong sabi ko pero nanlaki ang mata ko nang dampian niya ng halik ang mahaba kong nguso. Lumingon ako sa paligid at nakahinga ng maluwag dahil tatlo na lang kami dito sa classroom. Impit na tumili si Mae kaya napairap ako.
"Iba kasi ang mabigat sa maliit." natatawang sabi ni Mae at nag appear pa sila.
"Tse, ewan ko sa inyo. Sige na alis na ko." sabi ko sa dalawa at dinala ang bag ko pero inagaw ito ni Jake.
"Hatid na kita." sabi niya kaya di na ko nakipagtalo pa. Nagpaalam na kami kay Mae at sabay na lumabas ng classroom.
Hindi ako lumilingon kay Jake kahit na ramdam ko ang pag akbay niya sa akin. Two years na rin pala ang relasyon namin.
Nang makarating kami sa harap ng bahay namin ay humarap siya sa akin. Nilabas niya ang isang maliit na kahon mula sa bulsa niya.
"Jake..." mahinang sabi ko nang makita ang laman ng kahon. Ngumiti siya.
"Don't worry, hindi pa ito engagement dahil tulad ng pangako ko matutupad muna ang pangarap natin. Binibigay ko lang ito as a birthday gift." ngumiti lang ako kaya sinuot niya sa akin ang regalo niyang singsing.
"Salamat, una na ko." sabi ko at tumango siya pero bago ako tumalikod ay hinatak niya ulit ang kamay ko.
"Happy Birthday, Lyra. Bukas na lang tayo magdate dahil alam kong may hinandang dinner si Tita Es para sa inyo. Bye." hinalikan niya ko sa pisngi at umalis na. Tiningnan ko lang siya hanggang mawala siya sa paningin ko.
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may sumulpot na ibon sa tabi ko.
"Silvyr, saan ka ba galing? Bigla ka na lang sumusulpot." sabi ko.
"Patawad Lyra. May pinuntahan lang ako." sagot niya at pumunta na siya agad sa kulungan niya sa tapat ng bahay namin.
Nagtatakang sinundan ko lang siya ng tingin. May sakit kaya ang alaga ko? Ang lamig ng sagot niya at nawala ang pagiging mapagbirong ibon. Bata pa lang ako ay kasama ko na siya. Nung una sinabi ko sa iba ang tungkol kay Silvyr pero walang naniwala na may alaga akong ibon na nakakapagsalita pero hindi naman parrot.
Nagresearch ako tungkol sa lahi niya pero wala akong nakita. Sa tingin ko rare species na ibon siya dahil sa gold niyang pakpak at silver na ulo. Hindi ko na ipinaalam sa iba ang tungkol sa kanya dahil yun din ang gusto ni Silvyr. Naging kaibigan na maasahan ko siya at pakiramdam ko lagi niya akong pinoprotektahan. Hindi ko alam kung saan siya nagmula dahil ayaw niyang sabihin sa akin basta raw ay ipinadala siya ng guardian angel ko.
"Ma, Pa nandito na po ako." sabi ko pero napahinto ako nang makitang may bisita kami. Napansin ko ang gulat sa mga magulang ko at ang panginginig ng tuhod nila.
Tiningnan ko ang bisita, isang lalaki na nakatalilod at may suot na pulang cloak na nakatabing sa buo niyang mukha. May kasama siyang batang lalaki na nakagreen na polo. Lumingon ang bata at ngumiti sa akin.
"Magandang hapon, Binibini." kumunot ang noo ko sa bati ng bata. Tumayo ang lalaki at akmang lalapit sa akin nang harangan siya nila Mama.
"Huwag kang lalapit sa kanya. Nakikiusap ako huwag muna ngayon at hindi pa kami handa." naguguluhan akong tumingin sa kanila at lumingon sa lalaking walang emosyon lang na nakatitig sa akin. Pinigilan kong matumba dahil sa kakaibang pakiramdam ko sa pagtitig lang sa mga mata niya.
"Adonis, Esmeralda hindi ba at binalaan na kayo ng mga magulang ko? Darating ang araw at may dadating upang siya'y ibalik sa totoo niyang mundo." malamig na sabi ng lalaki.
"Alam namin pero hindi pa kami handang pakawalan siya." sagot ni Papa.
"Pero hindi siya sa inyo." naguguluhan na ko sa nangyayari at ramdam ko ang pagdapo ni Silvyr sa balikat ko. Nanlaki ang mata ko nang mag anyong tao siya. Isang makisig na lalaki ang nasa harap ko. He's wearing a gray cloak. What the hell is going on?
"Kamahalan..." yumuko si Silvyr sa lalaking nasa harap namin.
"Silvyr..." sabi ng bata at lumapit dito. Nanlaki din ang mga mata nila Papa nang makita ang pagpapalit anyo ni Silvyr.
"You. Kaya pala kakaiba ang uri ng ibon na ito. Kung ganon ay pinababanatayan siya ng inyong ina para sa araw na ito." dinuro pa ni Papa ang lalaki pero wala itong naging reaksyon at nanatiling nakatingin pa rin sa akin.
"Hindi si ina kundi ang kanyang tunay na ina." nanlamig ang kamay ko sa narinig lalo na nang ituro ako ng lalaki.
"Nakikiusap kami, unang prinsipe. Please, hayaan niyo muna kaming makasama si Lyra at wag niyo muna siyang kuhanin."
"Nakatakda na ang dapat na mangyari ilang taon na ang nakalilipas at wala kayong magagawa tungkol dito. Sasama si Lyra sa amin upang tuparin ang nakatakda para sa kanya." lalapit na sana ang lalaki pero niyakap ako ni Mama. Nanlaki ang mata ko nang may lumipad na bolang apoy patungo sa direksyon namin at ilayo si Mama sa akin.
"S-sino ka ba?" ngayon lang ako nakapagsalita.
"Athan Dawson, the first prince of Elemental Kingdom and Fire Prince in Fantasy World. Diwata, sumama ka sa amin." nanlaki ang mata ko nang lumuhod siya pati ang bata at si Silvyr sa harap ko.
"Teka ano bang sinasabi niyo? Joke ba ito? May hidden camera? Ang galing niyo ha. Walang ganyanan Mae, alam kong birthday ko pero wag niyo na kong igoodtime." lumingon ako kila Mama pero umiwas lang sila nang tingin. Nakita kong parang naguguluhan ang lalaki at nagtatakang tumingin sa akin na parang hindi niya ako naiintindihan.
"Anong sinasabi niya, Silvyr?" tanong ng bata.
"Ikaw sino ka? Bakit may bata dito? Anak mo?" tanong ko pa habang nakaturo sa bata.
"Paumanhin, mahal na prinsesa kung hindi ako nakapagpakilala agad. Elwin ang pangalan ko mula sa Elves Kingdom." yumuko pa ang bata. Kumunot ang noo ko, sinong prinsesa?
"Ikaw, Lyra. Ikaw ang natitirang Fairy na muling magtatatag nang nasirang kaharian ng Fairy Kingdom. Anak ka ni Haring Axel at Reyna Levinia Astheria, ikaw si Prinsesa Lyra Astheria." sagot ni Silvyr pero ang dami ko pang hindi maintindihan sa nangyayari.
"Ako? Prinsesa? Silvyr naman naguguluhan pa rin ako. Ma, Pa ano bang sinasabi nila? Isa akong fairy? Hindi ba tao ako at kayo ang mga magulang ko?" naguguluhan kong tanong.
"Anak, patawarin mo kami ng Mama mo kung hindi namin nasabi sa'yo ang totoo. Hindi ka namin totoong anak dahil 21 years ago ay may nagpunta na mag asawa sa amin, si Haring Afanas at Reyna Amaia ng Elemental Kingdom. May utang na loob kami sa magasawa dahil nang minsan na dukutin kami ng Mama mo nang kampon ng Dark King ay ang mag asawa ang nagligtas sa amin at dinala pabalik sa mundo ng mga tao." paliwanag ni Papa. Hinawakan ni Mama ang kamay ko.
"Dinala ka nila sa tapat ng bahay nang sanggol ka pa lang at sinabing may darating upang ibalik ka sa Fantasy World pero hindi namin alam na isa kang prinsesa ng Fairy Kingdom. Pero kahit ganoon ay tandaan mo sa puso namin ng Papa mo, ikaw ay anak namin. Mahal na mahal ka namin, anak." niyakap na ko ni Mama habang umiiyak pero ako hindi ko alam ang irereact ko.
"Lyra Astheria, sumama ka sa amin because you are the last fairy." sabi ng maliit na nilalang.
"You are the last fairy, Lyra Astheria." sabi naman ng nagpakilalang prinsipe.

Komentar Buku (68)

  • avatar
    엠재이

    Ang ganda ng story ❤️❤️🥰

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Jay Mhar Linggo

    oollihj

    1d

      0
  • avatar
    Rainier Aquino

    thank you

    03/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru