logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 Sold

SA BULWAGAN.
Doble ang panginginig na nararamdaman ko. Bukod kasi sa malamig ang lugar ay hindi pa rin ako tinatantanan ng kaba na mas malala na ngayon kesa kanina. Isama pa ang saplot kong kinapos na nga sa tela ay manipis pa.
Suot ang maskarang kulay purple na hugis butterfly ay nanatili akong nakatayo malapit sa malaking pintuan. Ang ignurante ko sa ganitong event at wala naman akong mapagtanungan. Wala akong kasama at para namang may makikilala ako rito e lahat kami ay nakamaskara.
Sinikap kong libutin ng tingin ang buong paligid, lahat ng kayang tanawin ng mga mata ko. May malaking stairways sa magkabilang gilid ng malapalasyong lugar at may mga nagsasayaw sa gitna kasabay ng malamyos na musika. Napako naman ang tingin ko sa dalawang magkasayaw na naghahalikan na. Dahil ba hindi nila nakikita ang mga mukha nila ay ayos lang ‘yon? O, hindi kaya magkakilala sila?
Winaksi ko na ang pag-iisip. Hindi ako nandito para manood ng mga tao.
Hanggang nabangga ako sa likod ng babaeng may kaharutang lalaki at nang umalis ay hindi man lang nag-sorry. May lumapit sa aking waiter na may dalang bilog na tray at may nakalagay na mga maliliit na baso. Inalok n’ya sa akin ang tray. Para hindi magmukhang walang alam ay kumuha ako ng isa. Magalang naman itong umalis sa harapan ko. Hawak ko ang basong maaliit ay naawa ako sa sarili ko. Kasing liit ng basong ‘to ang pakiramdam ko. Lahat halos ng mga kababaihan ay may kapareha na. Ako lang itong parang mukhang tanga sa gilid. Paanong hindi e ang se-sexy ng mga babae rito. Ang tatangkad at sobrang gaganda ng mga buhok pati ng mga katawan na parang pinaglihi kay Barbie ang mga hitsura. Mukha silang lahat mayayaman at ang iba ay parang artista pa nga ang datingan.
Para mawala ang awa sa sarili ay inisang lagok ko ang laman ng baso. Pero parang gusto kong ibalik iyon sa baso. Kaso huli na. Gumihit na ito sa lalamunan ko pababa sa sikmura ko. Napahawak ako sa tiyan ko na nakalabas ang dila. Lalo yata akong pumanget nito?
“‘Pwe!”
Ang pakla ng lasa! Wala ba ditong juice? Oo nga pala may bilin sa akin si ninang. Dapat hindi ako umiinom basta-basta napunasan ko ng panyo ang dila ko.
“Mind if I hold your glass?”
Nagulat ako sa nagsalita, ang boses niya ay lalaking-lalaki. Malalim at buo. Nilingon ko s’ya at agad nilagay sa likod ang kamay ko na may hawak na panyo. Napako ang tingin ko sa mga mata n’ya na kulay asul. Napaayos naman ako nang tayo. Kahit hindi ako mahilig mag-ingles ay naiintindihan ko ang sinabi n’ya at kaya kong sumagot basta maiikli lang. Inayos ko rin ang sarili ko saka sumagot.
“N-no. Thank you. I-I’m okay.”
“So, I’ll just hold your waist then…”
Agad n’ya akong hinila sa bewang at nilapit sa kaniya. Dahil sa labis na pagkabigla ay napahawak ako sa malapad at matigas n’yang mga balikat. Dito nagising ang diwa ko, namilog ang mga mata at napatikom ang mga bibig, mga bahagi ng mukha ko na tanging nakikita! Nakita ko naman s’yang napangisi.
‘Ano bang nangyayari sa’yo, Love? Pakiramdam mo ba nasa JS Prom ka? Na puwede kang magpa-cute at magpabebe? Sabi mo nga nasa impyerno ka. Lahat ng puwedeng mangyari ay mangyayari rito. Akala ko ba handa ka?’
“It seems that it’s your first time to be holding like this, my girl?”
Naramdaman kong bumababa ang bibig n’ya sa leeg ko sa gilid, pa’nong hindi e dama ko ang init ng hininga n’ya.
“Don’t worry. Gusto lang naman kitang isayaw?” dagdag pa nito.
Hawak n’ya ako sa aking bewang at nagsimula kaming magpaikot-ikot sa gitna, nagtataasan ang lahat ng buhok ko sa katawan. At mukhang magagaya kami sa mga nagsasayaw na sobrang didikit na ng mga katawan at karamihan ay mga naghahalikan.
Mas tumindi ang kaba sa dibdib ko. Ito na yata ang kinatatakutan ko.
“You’re so damn sexy,” bulong n’ya sa akin habang parang inaamoy ang leeg ko. Napaatras ako at alam ko naramdaman niya ‘yon. Masyado na kasi siyang nakadikit sa ‘kin. “You’re nervous. I can feel it. Dahil d’yan mas lalo kitang gustong iuwi.”
‘Oh no! Ganito ba dapat kabilis? Binabawi ko na. H-hindi pala ako talaga handa!’
Wala akong maisagot kundi ang pagmamasa ng mga mata ko. Oo nga’t ito ang kailangan ko pero hindi ito ang gusto ko. Pero, pa’no ko sasabihin? Malamang wala naman s’yang pake. Sa tingin ko sa nangyayari ay pinadadali niya ang trabaho ko. Ito ang nag-iisang dahilan bakit ako narito.
Hanggang maramdaman kong mas dumidiin na ang katawan n’ya sa akin saka ako sinimulang halikan sa leeg, pero hinayaan ko s’ya kahit napapaatras pa rin ako nang kaunti. Ang init ng bibig n’ya, parang apoy. Pero ang hindi ko rin napigilan ay ang tuluyang paggilid ng aking mga luha, nanginig ang katawan ko na parang matutumba.
Hindi ako makapaniwala, isa na ako sa mga babaeng pinapanood ko lang kanina. At ang lalaking ‘to hinahayaan ko lang na lawayan ang leeg ko. Parang vacuum. May sa bampira ba ito na parang gustong sipsipin ang dugo ko? First time ko itong naramdaman kaya nagtaasan ang mga balihibo ko. At gustuhin ko man siyang itulak ay hindi puwede. Hindi akma sa misyon ko.
“What’s your name?” tanong nito. Malamang dama n’ya ang panginginig ng katawan ko kaya medyo lumayo s’ya. Parang nakayakap na lang s’ya sa akin at hininto na rin ang paghalik-halik sa leeg ko.
Lumunok ako. Sinigurong hindi manginginig ang boses sa pagsagot, “Mercury.”
“Moon.”
Bukod sa maskara ay may code ang bawat nandito. At dahil celestial at heavenly bodies ang tema ng party ay nakaayon din dito ang mga pangalan. Moon ang code niya pero parang ang init na dala niya ang sa araw.
“Sa tingin ko ay bago ka lang sa ganitong event. Tama ba ‘ko?”
“O-oo,” nakayuko at kinakabahang pag-amin ko na naman.
“So, tama nga ako. Kanina pa kasi kita tinitingnan. Parang napaka-inosente mo. Kaya ang sunod na tanong ko ay—bakit? I mean bakit nandito ka?”
“Umh…”
Mabait pala s’ya at mukhang naging kumportable ako sa kaniya kaya lang ay tinawag siya sa stage.
“Be right back. Dito ka lang. Babalikan kita. ‘Wag kang sasama kahit na kanino. Maliwanag?” Sinikap n’yang ipasok ang kamay n’ya sa loob ng maskara ko at marahang hinimas ang pisngi ko bago siya umalis.
Nakita ko s’yang nagmamadaling umakyat ng stage. Maliksi s’yang kumilos kahit pa pumuputok ang muscles sa kawatan n’ya—at siya pala ang nagpa-organize ng event na ito.
“Thank you all for coming tonight especially to all the bachelors like me.” Tinaas n’ya ang baso n’ya ng alak. “Let’s enjoy the night. Malayo ang puso sa puson. Alam niyo na ang ibig kong sabihin. Kayo ang magdesisyon. Matatanda na kayo!” At naghiyawan ang mga tao. “And to my best friend na hindi ko na papangalanan, basta alam na niya ‘yon. Para sa ‘yo ang event na ‘to. Huwag kang magtago, okay? I want you to enjoy the night. Advance happy birthday. Cheers!” Nagsisunod ang mga tao na pagkatapos iumpog ang mga baso sa isa’t isa ay nagsiinom na.
Sinunod ko s’ya na hindi tuminag sa kinatatayuan ko pero ang hindi ko alam ay may isang pangahas mula sa likuran ko ang humila sa akin at dinala ako sa pader at roon ay sinandal akong bigla. Para akong nahilo sa sobrang pagkakapihit. Ang kaba ay gumapang na ulit sa loob ko. Lalo nang iba na ang nakikita ko sa bulwagan. May mga milagro nang nagaganap at nakikigaya ang lalaking ito.
Tatanggi ba ako? Ano’ng gagawin ko?
Kinuha ng lalaki ang basong hawak ko saka tinapon sa damuhan at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila kong kamay. “Hello, Mercury. Ako si Axis. Paiikutin kita sa sarap. Gusto mo ba ‘yon?” Hinalikan niya ang kanang kamay ko. Napasimangot naman ako. Ang angas ng isang ‘to.
Hanggang ang labi ko namang ang puntiryahin niyang halikan. Umiwas na ako at bahagyang lumayo. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
“Tinatanong namin sa coords ang pangalan ng babaeng gusto namin. At—gusto kita.”
Gano’n pala at kaya pala rin tinangay n’ya ako sa madilim na bahagi ng venue. Dito rin mismo ay puwede niyang gawin ang gusto n’ya nasa akin na ‘yon kung hahayaan ko s’ya.
“Teka lang! ‘Wag kang masyadong nagmamadali!” Tinulak ko s’ya. Hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa n’ya. Maganda ang kutis n’ya. Maputi s’ya at singkit. Mukhang mayamang intsik.
“Gusto mo bang iuwi muna kita. Sige, ayos lang. May presyo ka na sa list at hindi na ako makapag hintay na i-take home ka.”
Lumapit s’ya ulit sa akin at nanunuksong hahalikan ako pero lumingon ako pakanan. “Kapag ako ang nag-uwi sa ‘yo mamaya humanda ka sa ‘kin. See you around, baby!” Kumindat pa ito at saka nilayuan na ako.
Naalala ko.
Sa procedure kanina na binasa sa akin ng isa sa mga staff ay puwedeng tumanggi ang babae sa gustong mangyari ng lalaki rito sa venue. Pero ang mga bachelors ay may karapatang mamili sa mga babae na gusto nilang i-take out. Mangyayari iyon kapag may natipuhan silang babae at after na makuha ang pangalan ay ipalilista nila sa Master List ang codename katapat ang presyo ibibigay nila para sa babae. Kung may karamihan ang nagpalista sa babae, ang lalaking may pinakamataas na ibabayad ang s’yang mananalo at ang mag-uuwi sa babae—na para nitong premyo.
‘Mga siraulo! Akala nila sa ‘min pagkain!’
Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari kaya nagpunta muna ako ng comfort room para roon ay huminga nang maayos, naalala ko ring uminom ng gamot.
Ang sakit sa mata ng mga nakikita kong kaliwa’t kanang paghahalikan, sakit sa ilong ng usok ng yosi at sakit sa lalamunan ng mga alak. Wala akong nagugustuhan talaga pero hindi ako puwedeng umuwi nang walang napapala. Nag-effort na ako, gano’n din si ninang, isa pa ay naghihintay sa operating room ang bayaw ko.
Habang nakatingin sa salamin ay nanlaki ang mga mata ko sa bigla kong naisip. “Si Moon? Nasaan na kaya s’ya? Totoong mabait kaya ‘yon? E, kung mangutang na lang kaya ako sa kaniya?” Tanging sa kaniya lang ako nakakasilip ng pag-asa.
Nagmamadaling lumabas ako at nagtungo ulit sa venue. Desidido akong hanapin si Moon. Pero parang hindi ko lalo makikita dahil mas dumoble ang dilim ngayon dito. May mga ungol akong naririnig sa kaliwa at kanan pero hindi ko gaanong maaninag. Ang ilaw kasi ay nagdadala sa akin ng sakit ng ulo—mga isang segundong mamamatay at pagkatapos ay sisindi ng dalawang segundo at mamamatay na naman. Matindi pa sa Christmas Lights. Isama pa ang upbeat music na bumabasag sa eardrums ko. Mukhang malabo ko nang makita pa si Moon, idagdag pa na mas marami ng nagsasayaw na karamihan ay lasing na at may bitbit ng alak, kung hindi bote ay baso. Isama pa ang usok na lalong nagpapasikip ng dibdib ko.
Ano ang gagawin ko? Nawawalan ako ng pag-asa. OK lang sanang mag-isa sa pagkakataong ito pero hindi puwede. Kailangan kong gumawa ng paraan. Kailangan makakiha ng kapareha. Kaya lang ay paano? Kung paulit-ulit na sinasabi ng isip ko na hindi ko kaya.
Parang mawawala ang hininga ko lalo nang maaninag ko ang babaeng ang suot na backless na dress ay tuluyang nahubad at bumaba na hanggang baywang. Hindi makikita ang harap n’ya dahil natatakpan ng lalaking kayakap. Nagmistulang glow in the dark kasi ang maputi n’yang katawan kaya kitang-kita ko s’ya. Napayuko na naman ako. Ganyan ba mangyayari sa ‘kin dito?
Luminga ako.
Isa.
Kanan.
Dalawa.
Kaliwa.
Hanggang makita ko ang lalaking nakaupo sa mamahaling wheelchair na parang high-tech kasing tingnan at de pindot na lang. Naka-sideview ‘yung lalaki at masasabi ko agad na guwapo s’ya kahit kakaunting ilaw lang ang nagbibigay liwanag sa mukha n’ya. Hindi man makapagsalita ay napa-OMG ang puso ko! Ito ang humiyaw dahil sa magandang nakikita ng mga mata ko. Matangos ang ilong ng lalaki at ang strong ng kaniyang jawline, isama pa ang baba na perpekto ang hugis. Ang lahat ng iyon ay lalong pinaganda ng maskarang suot nito. Nakatingin s’ya sa dance floor. Parang gusto rin nitong sumayaw. Wala ba s’yang kasayaw dahil lang may kapansanan s’ya? Nakaramdam ako ng awa sa kaniya gano’n din sa sarili ko. Hanggang lumingon s’ya sa akin. Wala s’yang reaction at gano’n din ako. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya pero ilang mintuto lang ay nagbaba ako ng tingin.
Ayoko s’yang i-judge. Pero ang mga mata kasi n’ya ay malungkot. Hindi ko alam, nasalamin ko lang ba ang sarili ko sa kaniya?
Nilakasan ko ang loob ko. Payuko na lumapit ako sa kaniya. Hindi ko alam na hindi rin pala n’ya tinatanggal ang tingin sa akin. Hindi ko rin alam ay umiiyak na pala ako. Isang hakbang pa ay nasa tapat na niya ako. Ang mga binti n’ya ang nakikita ko dahil nakayuko pa rin ako. Hindi kami parehong tuminag. At noong tingnan ko s’ya ay hindi nga ako nagkamali. Sobrang gwapo n’ya. Ang tangos ng ilong n’ya ay hindi naikubli ng maskara, mapula at hugis puso ang labi n’ya at ang mga mata parang kulay berde na hinaluan ng copper.
Nakatingin pa rin s’ya sa akin. Kung may pagtataka sa mukha n’ya ay hindi ko alam. Hindi ko mabasa. Hanggang bumaba ang tingin n’ya sa mismong tuhod n’ya. Alam ko ang tinitingnan n’ya. Ito ay ang luha ko na kumawala na’t hindi na nakuhang pigilan ng maskara, na ngayon tumutulo at tumatalsik naman bandang tuhod n’ya. Doon ko lang nakita ang reaction n’ya, waring nag-alala.
Napalunok ako bago nagsalita. “Puwede kitang isayaw…k-kung gusto mo lang naman?” lakas loob na tanong ko. Malakas lamang naman ang loob ko dahil sa tingin ko ay makaka-relate kami sa isa’t isa dahil pareho kaming may kahinaan. Sana lang ay hindi ako magkamali. Sana ay kahit paano mabuti s’yang tao para hindi ako magsisi na sa kaniya ibigay ang sarili ko.
Lalo akong naluha nang hindi s’ya kumibo. Mas dumami ang mga luhang tumulo sa kandungan n’ya.
Walang pag-asa.
Pero aalis na sana ako nang hawakan n’ya ako sa braso. Ang init ng kamay n’ya ang nagpalingon sa akin sa kaniya. Iyon din ang nagpahinto sa akin sa tuluyang pagtalikod. Para akong nakuryente sa simpleng paghawak niya.
Unti-unti kinuha ko ang kamay n’ya na nasa braso ko saka ko iyon hinawakan. Super lambot ng kamay n’ya, nakakahiya sa kamay kong puro kalyo.
“Pasensya ka na kung mahahawakan ka ng kamay na ‘to. Pagtyagaan mo na lang,” nakangiti kong sambit.
“OK lang.” Natigilan na naman ako sa ganda ng boses n’ya. Parang puno ng otoridad pero ang tipo ring masarap sa tainga kapag malumanay. Nagtataka siya marahil paano ko s’ya isasayaw at parang gusto n’yang sabihin sa akin na ipakita ko kung paano. Tiningnan kasi n’ya ang wheelchair n’ya.
Muli ay ngumiti ako sa kaniya. Mabuti at mayroon akong alam sa pagsasayaw. At walang kaso sa akin kahit saan nakasakay ang kasayaw ko. Saktong ang tugtog ay puwedeng pang-ballroom kaya inikot ko s’ya gamit ang wheelchair na parang sumasayaw kami ng Tango. Sa pag-ikot ko naman sa harapan niya kasabay ng pagpitik ng bewang ko at pag-point ng paa sa sahig at ng daliri sa ere ay nakita ko s’yang bahagyang ngumiti.
“Ako si Mercury. Sino ka?” Pagsisimula ko habang pagilid akong sumandig sa kaniya na ang kamay ay nasa kaniyang balikat, bahagya rin akong naupo sa armrest n’ya kaya parang magkatabi na rin kami ngayon.
“Sun is my name.” Nakita kong mas lumawak ang ngiti n’ya na mas lalong ikinagwapo n’ya. S’ya pala ang araw pero mabuti at hindi siya gano’n ka-hot gaya ng mga lalaking nandito—na parang ang tingin sa mga babae ay mamahaling letson sa handaan na gusto agad sunggaban.
“Maliwanag ang pangalan mo. Hindi bagay kapag malungkot ka. Dapat lagi kang ngingiti—ayan mas guwapo ka.” At narinig ko siya sa wakas na tumawa. Ang sarap ng tunog niyon. Kita ko rin tuloy ang magaganda at pantay-pantay niyang ngipin.
“Sabagay, pana-panahon lang talaga. Baka sa summer ok ka na,” pagbibiro ko pero nakatingin lang s’ya sa ‘kin. “Gusto mo pa bang sumayaw?” tinanong ko s’ya ulit.
“Yes, please.”
Kinuha ko ulit ang kamay n’ya pagkasagot n’ya. Parang nae-enjoy ko ang munting mundo namin habang sumasayaw kahit wala ang spotlight sa amin at nasa sulok lamang kami ng malaking venue. Hindi alintana ang iilang mga mata na nakatingin na sa amin. Natuwa kasi ako dahil siya pala ay may alam din sa pagsasayaw kaya ang atensyon ko ay nasa kaniya lang.
Tinapon n’ya ako palayo sa kaniya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko at pagkatapos ay hinila ako pabalik sa kaniya. Pumalantik ang katawan ko at sa bilis ng aking pagbalik ay naitukod ko ang kanang tuhod sa upuan sa pagitan ng hita n’ya. Mabuti at hindi ko nasapol ang gitna n’ya. Magkatitig kami habang parehong hinihingal. Samyo ng mabango niyang hinanga ang sumalibong sa ‘kin sa biglaang pagharap ko sa kaniya. Kaunti na lang ay mahahalikan na namin ang isa’t isa habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa bewang ko.
Nahihiyang binitiwan ko na s’ya nang makita kong lumanding pala ang mga kamay ko sa matipuno n’yang mga balikat. Pinasadahan naman niya ng tingin ang kabuuan ko nang humiwalay ako sa kaniya.
Pero bakit ganito?
Noong bumitiw ako hindi ko alam pero muli akong nakaramdam ng lungkot. Parang dumilim ulit ang paligid na bahagya nang lumiwanag kanina. Nawala ang ngiti ko at naluluha na lumayo sa kaniya. Hindi ko na s’ya tiningnan pa. Umalis ako para magbanyo ulit, pumasok ako sa cubicle at naupo sa inodoro. Tinanggal ko ang maskara saka napatakip sa mukha ko. Hindi ko alam pero iyak lang ako nang iyak dito na parang tanga. Sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Para akong hihimatayin sa kakaiyak.
SUN
“Hi, sir. Good evening. What I can do for you po?” tanong sa akin ng babaeng Glaiza ang pangalan nang lumapit ako sa desk n’ya habang nakasakay sa wheelchair ko. Isa s’ya sa mga coordinators dito sa event.
“Can you find for me the name Mercury please? Did anyone ask for her already?”
“Sige po, sir. Wait lang po ah. Tingnan ko lang po.” Nagpalinga-linga ako habang naghihintay. Nagbabakasakaling makita si Mercury. Bigla s’yang umalis kanina pagkatapos naming magsayaw at hindi ko alam kung saan s’ya nagpunta. Gusto ko pa sana s’yang makausap.
“Sir, so far may apat po.”
“At may twenty minutes na lang para magsara ang master time tama?”
Sa dalawang taon ko na hindi pagsama sa event na ito ay alam kong hindi pa rin naman nagbabago ang patakaran. Tiningnan ko ang oras.
“May I know them?”
“Sure, sir. Bale, si Moon asked her for thirty thousand. So far siya po ang pinakamataas…”
Si Moon. Napangisi ako sa isiping ang isang iyon pala na mahilig sa mamahaling babae ay nakita at nakausap na rin si Mercury. I doubt ano ang plano n’ya?
“…then si Pluto at Axis na parehong twenty thousand. At si Estrella na fifteen thousand po.”
“I’ll take her. Fifty thousand. ‘Wag mo na s’yang ibigay sa iba. Sabihin mo sarado ang pangalan n’ya.”
“Sure, sir. No problem po.”
As I saw her putting an X into her name on the list ay nakampante na ako. “My car will be waiting outside. If you see her tell her to follow me, please.”
“Sige po, sir. Masusunod po.”
Pagkasabi niya noon ay nagpasalamat na ako at pinaandar ang wheelchair ko papuntang parking. I have no reason to be here anymore. I think, I already get what I want.
LOVE
Matapos na pahiran ang mga luha at makapag-retouch ay sinuot ko na ulit ang maskara ko pero bago ‘yon ay pinakatitigan ko muna ang mukha ko sa salamin. Mugto na ang mata ko, lalo nang walang magkakagusto sa akin.
Tatlong beses na huminga ako nang malamim saka lumabas. Nagulat pa ako sa babaeng nakasuot na katulad ng mga coordinator na muntik kong makabangga sa paglabas. Nagmamadali s’ya kasi at parang may hinahanap.
“Mercury, someone has taken you already. Hinihintay ka na n’ya sa labas,” aniya sa ‘kin na parang siguradong-sigurado. Magtatanong pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil agad na s’yang tumalikod at patakbong lumayo.
Isang limousine na kulay itim ang naghihintay sa labas ng hotel nang lumabas ako. Ito ba iyong sinabi ng babaeng naghihintay sa ‘kin? Sinubukan kong umatras pero nahawakan ako sa likod ng attendant ng hotel.
“Ikaw po si Mercury?”
Napatango-tango ako.
“Kayo po ang hinihintay ni sir kanina pa. Pumasok na po kayo.”
Parang robot na mabagal akong napalakad sa kanina pa nakabukas na sasakyan. Hindi ko alam kung magugustuhan ko ang makikita ko sa loob. Sino bang pumili sa ‘king ito?
“Come in…”
Napasilip ako sa sasakyan nang marinig ang boses na ‘yon at hindi nga ako nagkamali lalo nang makita ko ang wheelchair n’ya. Napayuko ako, malungkot na naman. Hindi ko alam kung itong lalaki ba na ito ang dahilan bakit sagad sa buto ang nararamdaman kong lungkot. Sa tuwing nakikita ko kasi s’ya ay mas nalulungkot ako.
Dahan-dahan ay pumasok ako at naupo malayo sa kaniya. Sa pagsara ko ng pinto ay muli ko s’yang tiningnan pero s’ya naman ay diretso lang ang tingin.
‘Anong gagawin ko? Anong mangyayari pagkatapos nito at saan n’ya ako dadalhin?’
Napahigpit ang kapit ko sa mga kamay ko na nasa harapan ko. Wala akong makausap at sobrang kinakabahan ako. Ayoko namang magtanong dahil alam ko naman simula’t sapul na ito ang mangyayari. Magmumukha lang akong tanga kapag nagtanong pa ako. At para may makausap, lahat na yata ng santo ay kinausap ko lalo nang maramdaman kong gumagalaw na ang sasakyan.
‘Puwede pa bang bumaba at umatras na lang…’
Kahit naman kasi nakasayaw ko s’ya kanina ay hindi ko naman s’ya kilala.

Komentar Buku (54)

  • avatar
    GabrielleJhairy

    a highly recommended story to read,☺️☺️

    23/06/2022

      0
  • avatar
    Chard Tamayo

    500

    11/07

      0
  • avatar
    يصل برنابا

    ang ganda

    24/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru