logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 Search and Found

"Class, alam kong inaasahan nyo na wala kayong pasok ngayon dahil sa nakakalungkot na pangyayari sa klaseng ito pero hindi namin ito gagawing rason para tumigil sa atin ang lahat. Kung buhay pa si Mrs. Valderama ay paniguradong gugustuhin niya ring mag aral kayong mabuti," speech ni Principal Sandres sa harap ng klase.
"Akala ko pa naman makakapag bakasyon ako," sabi pa ni Edwardo. Wala talagang araw na hindi siya nagrereklamo.
"Sir, may improvement na po ba sa imbistigasyon tungkol sa nangyari?" Pagtatanong naman ng isa naming kaklase.
"The police considered it as a suicide case based na rin sa mga nakalap nilang impormasyon," sagot ng Principal dahilan para magbulungan ang mga kaklase ko.
Napatingin ako kay Michaella dahil matiim siyang nakatingin sa Principal at nakakuyom ang kamay niya na parang gigil na gigil siya.
"Let's just pray for her soul. Sa ngayon, hahanap pa kami nang magiging kapalit niya para turuan kayo. Mauusad lamang ang class schedule niyo. Magandang umaga ulit sa inyong lahat," at lumabas na rin ng classroom namin si Principal Sandres at nagpatuloy na sa pagtuturo si Mrs. Landicho. Samantalang si Michaella ay tulala pa rin at mukhang malalim ang iniisip.
"Pare, anong sabi ng Daddy mo? Bakit daw nagpakamatay si Ma'am?" Usisa ni Henry kay Christopher habang kumakain kami ng tanghalian.
"Ang sabi niya lang sakin, nagpakamatay daw si Ma'am dahil sa sobrang kalungkutan at depression."
"And why she had to do it in our class? Sana naman umuwi na lang muna siya at doon magpakatiwakal," dire-diretsong sabi ni Mitzi.
"Watch your mouth! Teacher pa rin natin siya kaya dapat hindi mo siya sinasabihan ng ganyan," sita naman ni Geraldine sa kaibigan namin pero inirapan lamang siya nito.
"Baka gustong sumikat," dagdag pa ni Shaina nang umupo siya sa tabi ko. Ibang klase talaga sila.
"Dumadamoves ka na naman, Shaina, huh," pang aalaska pa ni Jaypee. Habang si Shaina ay tumingin naman sa akin at nginitian ako nang kakaiba.
"Kasi naman, pre. Bakit yung weird na babae pa ang napili mo? Ano nga ulit ang pangalan non?" Tanong naman ni Gio kay Henry.
"Michaella, pre," sabay subo naman ni Henry ng cheese burger na hawak nya.
"Ayon. Bakit si Michaella pa ang pinili mo? Nandyan naman ang napakagandang kaibigan natin na si Shaina," pangsusulsol pa ni Gio. Parang kinilig pa si Shaina dahil idinikit pa nya ang sarili niya sa akin.
Kahit kailan hindi ako nagbigay ng motibo kay Shaina at hindi ko rin alam kung anong nagustuhan niya sakin. Pero malinaw sa akin na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
"Cause Neil don't like sluts." Lahat kami ay napatingin kay Veronica na tahimik na kumakain sa dulo ng lamesa.
Bigla namang tumayo si Shaina at gigil na gigil niyang inagaw kay Edwardo ang tinidor na gamit nito.
"The f*ck?" Pagtataka ni Edwardo na napatulala na lang.
Tumayo na rin si Veronica at kalmado lang siyang lumakad palayo.
Anong meroon sa dalawang babaeng ito?
Kinuha ni Christopher ang hawak hawak na tinidor ni Shaina at ibinalik ito kay Edwardo. "Oh, kumain ka na ulit. Tapos na ang palabas."
Samantalang si Shaina ay gigil na gigil pa rin. May sinasabi siya pero hindi ko ito maintindihan. Padabog siyang umalis at hindi na namin siya pinigilan pa.
"What a scene," natatawang sabi naman ni Mitzi.
"Mukhang lalaki ang pinag-awayan nila," kalmado namang sabi ni Geraldine.
"Lalake? E diba si Neil ang gusto ni Shaina?" Paglilinaw pa ni Edwardo at ibinaba taas pa niya ang kilay niya sa akin na parang nang aasar.
"Bilisan niyo na lang ang pagkain at baka mahuli pa tayo sa klase," sabi ko na lang sa kanila.
Pagkatapos ng klase namin ng hapon ay nakatanggap ako ng text mula kay Michaella na magkita daw kami sa park malapit sa Apartment nila kaya doon na rin ako dumiretso. Pagdating ko ay naabutan ko siya na may subo subo na ice candy habang nakikipaglaro sa pusang kulay brown.
"Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka sa pusa at ice candy," sabi ko sa kanya nang lapitan ko siya. Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago niya muling ibinalik sa pusa ang kanyang atensyon.
"Dahil ngayon lang din naman tayo nagkakilala," sabi pa niya. Wala na atang tatalo sa lamig ng boses ng babaeng 'to.
Umupo ako sa kalapit na duyan at tahimik ko lamang siyang tinignan. Wala pa akong kaalam alam sa kanya bukod sa pangalan at pamilya niya pero bakit pakiramdam ko nakuha na niya kaagad ang buo kong tiwala?
"Base sa mga nakuha nating clue, masasabi nating may nagtulak nga kay Mrs. Valderama na magpakamatay," panimula niya.
"At sa tingin ko, pati ang proseso o kung paano siya magpapakamatay ay inutos din sa kanya ng salarin," dagdag ko pa para mabaling sakin ang tingin niya, "nakita ko sa notebook niya na matagal na simula nang planuhin niyang bumili ng lubid pero sa mismong araw din ng pagpapakamatay niya lang binili 'to at wala na rin siyang oras para isulat ito sa notebook niya. Base sa mga notebook ni ma'am, siya ang tipo ng tao na madalang lang makalimot na ilista ang lahat ng ginagawa niya."
Natigilan si Michaella sa pakikipaglaro sa pusa. Marahil ay napaisip siya sa sinabi ko. "Kung tama nga ang sinabi mo, may isa pang ebidensya tayo na hindi nahahanap," sabi niya sabay lingon sa'kin.
Tumango ako. "Ang diary ni Mrs. Valderama."
Itinapon niya ang pinagkainan niya ng ice candy at saka siya umupo sa katabi kong swing. "Kung meroon man siya noon, bakit hindi natin 'to nakita sa bahay niya? Tsaka hindi ka ba nagtataka? Bakit hindi nakita ng mga pulis ang mga sulat na nakita natin sa bahay ni Ma'am?"
"Dalawa lang ang nakikita kong dahilan. Una, marahil ay hindi na sila nag atubili pang mag imbistiga sa bahay ni Mrs. Valderama dahil kahit saang anggulo mo man tignan at sa dami ng witness, humantong kaagad sa Suicide case 'to. At pangalawa, wala ang kahon na 'yon doon noong mga panahon na nag imbistiga doon ang mga pulis."
Namilog ang mga mata niya. "You mean, may nagtanggal o may nagkusang naglagay doon para makita natin?"
Tumango ako. Hindi ako sigurado pero malaki ang posibilidad na may iba nang nakakaalam na nag iimbistiga kami.
"Kailangan nating doblehin ang pag iingat. Malaya pang nagpapagala gala sa paligid ang salarin at maaari tayong madamay sa larong inumpisahan niya."
Muli kong tinignan ang mga mata ni Michaella. Hindi ako makakita ng kahit anong bakas ng takot o pangamba doon. Galit at poot. Ito ang nakikita ko.
"Sisiguraduhin kong mabubunyag ko rin kung sino ang puno't dulo nito," bulong niya pero sapat lang para marinig ko.
Ikinwento ko sa kanya ang tungkol sa Hardware na pinagbilhan ni Mrs. Valderama ng lubid. Kaagad namin itong pinuntahan at mabuti na lang naabutan pa namin ito. Kasalukuyan na rin kasing nagsasara ang may-ari.
"Magandang hapon po. May gusto lang po kaming itanong sa inyo," pagbati ko sa matabang lalaki na nakatayo sa harap ng tindahan niya. "Kayo po ba ang may ari ng hardware na 'to?"
"Oo, ako nga. Ipinasa sa'kin ng ama ko ang negosyo na 'to. Bakit? Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Mabuti na lang at mabait ang lalake.
"Kilala niyo po ba si Mrs. Valderama?" Tanong naman ni Michaella.
"Mrs. Valderama? Yung teacher na nakatira dyan sa kabilang kalye?" Paninigurado ng lalake. Sabay kaming napatango ni Michaella. "Oo, kilala ko siya. At nakakalungkot isipin ang nangyari sa kanya. Napakasiglang tao noon kaya hindi ako makapaniwala na magagawa niyang kitilin ang sarili niyang buhay."
Nagkatinginan kami ni Michaella. "Naalala niyo po ba noong isang araw na bumili siya ng lubid dito? May napansin po ba kayong kakaiba sa kanya?" Ako naman ang nagtanong.
Naglikot ang mga mata ng lalake at parang malalim niyang iniisip ang mga pangyayari noong nakaraang araw. "Naalala ko na. Pagkabukas ko palang ng tindahan ay siya na ang bumungad sa'kin. Bumili siya ng mahabang lubid. Nakakapagtaka nga at parang balisa siya at palinga linga sa paligid. Noong tinanong ko kung may problema ba ay sinabi niya namang wala at kaagad na rin siyang umalis."
Base sa pagkakakwento ni manong ay marahil minadali ng salarin si Mrs. Valderama na gawin ang pagpapakamatay nito.
Nagtaka ako dahil napatitig ang lalake kay Michaella na mukhang malalim din ang iniisip. Hindi naman niya siguro type ang kaklase ko, diba? Pero parang may kakaiba nang muli siyang napatingin sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. At sa ikalawang pagkakataon ay muli niyang tinignan si Michaella.
"May mga katanungan pa ba kayo? Kaano ano niyo ba si Mrs. Valderama?" Tanong ng lalaki.
"Mga estudyante nya po kami," matipid kong sagot.
Ngumiti siya sa akin pero alam kong may mali. "Osya, boy, halika. Ibibigay ko sa inyo ang numero ko para kung sakaling may katanungan pa kayo ay matatawagan nyo ako."
Binuksan ni manong ang kanyang tindahan at muling pumasok doon. Tinignan ko si Michaella at mukhang malalim pa rin ang kanyang iniisip kaya hindi ko na muna siya tinawag. Sumunod ako sa lalaki at naabutan ko siyang nagsusulat pagkatapos ay inabot niya sakin ang sinulat niya.
Matalim niya akong tinignan. "Tawagan mo ko mamayang gabi. Ikaw lang," bulong niya sapat para marinig ko.
Tumango ako at lumabas na rin ng tindahan. Kasunod ko si manong at muli niyang isinara ang pinto.
"Pasensya na po sa istorbo. Maraming salamat po," sabi ko sa lalaki bago kami tuluyang umalis.
Hanggang sa makarating kami sa tapat ng Apartment building na tinitirhan ni Michaella ay wala pa rin akong kahit isang salita na narinig mula sa kanya.
"Anong iniisip mo?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Ang motibo ng salarin," matipid niyang sagot habang nakatingin sa kawalan.
Kahit ako ay naguguluhan. Anong motibo ng salarin? Bakit minamadali niya si Mrs. Valderama na magpakamatay? Kaano ano niya si Ma'am? Bakit gusto niyang mamatay ito nang hindi niya ito nahahawakan? Bakit sa ganoong paraan niya ginustong magpakamatay 'to?
"Kahit ako, wala akong maisip na posibleng dahilan dahil kahit isang tao ay wala tayong matukoy bilang salarin," sabi ko pa.
"Sino ang nakapangalan sa sulat kung saan ito galing?" Tanong naman niya.
"Walang nakalagay." Oo, walang nakalagay. Tanging mensahe lang ang nakasulat sa mga sulat na nakuha namin.
"Mukhang kailangan pa nating maghagilap ng impormasyon," sabi niya at pagkatapos ay nagpaalam na rin siya na aakyat na sa apartment nila.
Pagkauwing pagkauwi ko ay dumiretso kaagad ako sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko at ang papel na inabot kanina sakin ng may ari ng hardware. Dinial ko ang nakasulat na numero at ilang sandali lang ay may sumagot din dito.
"Hello po. Ito po ba si manong? Yung may-ari ng hardware?" Panimula ko.
"Ito nga. Ikaw marahil ang batang lalaki kanina. Buti at nakatawag ka kaagad," sabi ng boses mula sa kabilang linya.
"May gusto ba kayong sabihin sa akin? Bakit niyo po ako pinatawag?"
"Oo. May gusto akong idagdag sa mga sinabi ko kanina. Hindi ko lang masabi dahil nandoon ang kasama mo. Pagkaalis ni Mrs. Valderama sa tindahan ko, napansin kong may nakasunod sa kanya. Hindi ko malaman kung babae ba o lalake pero isa lang ang sigurado ako---"
Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kabilang linya. Bakit siya? Anong ginagawa niya doon?
Nanlalata akong nahiga sa kama ko. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko. Kailangan kong tumingin sa ibang anggulo. Siguradong may mali dito. Siguradong may dahilan.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok dala na rin nang hindi ko pagtulog. Hindi ako dinapuan ng antok kakaisip sa mga nakuha kong impormasyon kahapon.
Normal lang na tumakbo ang klase namin ngayong umaga. Hindi kami nakapag usap ni Michaella dahil halos magkasabay lang sila ni Mrs. Landicho na pumasok.
Tama. Hindi dapat ako bumubuo ng konklusyon ng walang sapat na ebidensya. Baka nagkamali lang si manong o kaya naman ay nagkataon lang na magkapareho sila ng---
"Mr. Wesley!" Halos mapatayo ako dahil sa gulat nang sigawan ako ni Mr. Franco na siyang History Teacher namin.
"Sir!" Alam ko na ang kahihinatnan ko. Paniguradong ipapakwento na naman niya sa'kin ang buhay noong panahon ng mga Hapon. Hindi ko alam kung anong meroon sa panahong iyon at gustong gusto niya 'to.
"Kanina pa kita tinatawag at parang wala kang naririnig! Osya! Pumunta ka sa harap at ikwento mo ang nangyari noong panahon ng hapon!" Nanggagalaiti niyang sabi.
Para kumalma na siya, pumunta na ako sa harap at sinimulan ko nang magkwento. Nakabisado ko na rin kasi ang part ng history na 'to. Suki ba naman ako sa mga parusa ng mga teachers namin.
Habang nagkekwento ako ay nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom. Iniiwasan ko ang mga kabarkada ko dahil panigurado ay nagmemake face na naman sila para malito ako. Hanggang sa mapadako ako sa CCTV camera na nasa sulok ng kisame. Hindi kaya---
"Mr. Wesley, ano na namang problema? Bakit ka tumigil?" Usisa ni sir dahilan para bumalik ako sa realidad.
"Wala po, sir," pagtanggi ko pero sa loob loob ko ay may naisip ako. Posible kaya na yun ang dahilan para gawin ni Mrs. Valderama ang bagay na yon?
"Okay. That's enough. Class dismissed," anunsyo ni Sir at kanya kanya ng labas sa classroom ang mga kaklase ko.
Bumalik ako sa pwesto ko at umupo. Kung tama ang iniisip ko, sino? Sino ang salarin?
"Anong nangyari sa'yo?" Napatingin ako kay Michaella nang magsalita siya.
"Huh?" Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Sa ganitong sitwasyon, lalo na't wala pang posibleng salarin, mahirap nang ipagtiwala ang mga nalalaman mo. Ngayon lang ako nag imbistiga nang ganito kalalim at ngayon lang din ako nagkaroon ng kasama sa paglutas.
"Noong napatingin ka sa CCTV, bigla kang napahinto. Anong meroon doon?" Paglilinaw niya.
Sa sobrang galing niyang mag obserba kahit maliit na bagay napapansin niya.
"It's okay kung ayaw mong sabihin. Hindi kita pipilitin," sabi niya at dire-diretsong lumabas ng classroom.
Tatayo na sana ako para sundan siya kaso bigla akong hinila ni Edwardo. "Pre, tama na landi, kumain na muna tayo."
Hinayaan ko na lang muna si Michaella. Mamaya na lang ako magpapaliwanag sa kanya. Pero teka? Bakit nga pala ako magpapaliwanag? Hindi naman kami nagkasundo na magtutulungan kami sa kasong 'to.
Habang kumakain kami ay napansin kong wala si Veronica. Hindi pa ba sila nagkakaayos ni Shaina?
Mukhang walang pakialam ang mga kasama ko kung may kulang man sa amin na isa. Patuloy lang sila sa pamimintas sa bawat estudyanteng nakikita nila.
Abala ang lahat sa pagkekwentuhan at pagkain ng tanghalian nang bigla kaming nakarinig ng isang sigaw hindi kalayuan sa cafeteria. Ang lahat ay natigilan dahil sa sigaw na iyon. Mabilis akong tumakbo sa pinanggalingan ng sigaw. Mukhang sa locker room ng mga babae ito galing. Pagdating ko doon ay marami na ang nakikiusosyo.
"Makikiraan," sabi ko sa kanila at hindi rin nagtagal at nakapasok na rin ako sa locker room.
Isang umiiyak na babae na inaalo ng kapwa nya babae ang naabutan ko at sa bandang dulo ng locker room ay may bukas na locker at sa tapat nito ay may nakahandusay na katawan ng isang babaeng duguan. Nakaharang ang ilang buhok niya sa kanyang mukha kaya hindi ko siya makilala kaagad. Ilang segundo ko pa itong tinitigan at halos mangatog ang tuhod ko nang makilala ko siya.
" Veronica ."

Komentar Buku (30)

  • avatar
    Jocelyn Ramirez

    magad at masaya sya

    18/07

      0
  • avatar
    DagamiCharlene

    2024 na Wala pa po Yung next chapter?

    31/03

      0
  • avatar
    Chariza Caduhada

    next pls

    05/11

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru