logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5-Danag (Act 2)

Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang hitsura ng biktima ng pangalawang kaso. Hindi ko lubos maisip kung paano nagkaroon ng Danag sa campus. Isa pa, ayon kay Arius, hindi tulad ng ibang bampira ay hindi sila tinatatalaban ng sikat ng araw tulad ng mga napapanood sa mga pelikula. Sino bang mag-aakala na dahil sa kasong ito ay magbabago ang paniniwala ko tungkol sa mga bampira. Ayon kay Arius, maituturing na isang uri ng bampira ang mga Danag. Kasalukuyang na-kansela ang mga klase at nagkaroon ng emergency ang lahat ng facullty members ng lahat ng college department. Lumapit naman sa akin si Arius na nanatiling seryoso sa kaso.
"Okay ka na? You should've used to it. Posibleng hindi lang ito ang unang beses na maka-engkwentro ng kaso ng pagpatay. Hindi makukuntento ang Danag hangga't nabubuhay sila at hangga't may mabibiktima sila," ang sabi ni Arius.
Napahilamos na lang ako dahil mukhang mauudlot pa yata ang mapayapang taong inaasam ko. Hindi naman na ako makakaurong pa dahil parang down payment na sa akin ni Arius ang sampung milyon na i-dinonate niya sa ampunan. Ayoko naman na maghirap ang mga bata dahil sa akin. Tumayo ako sa bench at tiningnan ng diretso si Arius. Halos matulala naman si Arius kaya naman nagtanong ako.
"Kailan pa violet ang mga mata mo?" ang tanong ni Arius.
Napakunot naman ang aking noo. Magkasama kami kahapon tapos ngayon niya lang nakita na kulay violet ang mga mata ko?
"Ha? Ngayon mo lang ba napansin?" ang tanong ko kay Arius.
"Sagutin mo na lang tanong ko. Kailan pa?" ang tanong ni Arius.
Eto na nga ang isa sa kinatatakutan ko eh. Ngayong college na nga lang ako nagkaroon ng kaibigan mukhang mawawala pa dahil sa mga mata kong puro pasakit ang dala.
"Simula nang mapadpad ako sa ampunan. Dahil rin sa kulay ng mga mata ko, walang gustong umampon sa akin lalo na't halimaw ang tingin nila sa akin. Kaya nga inilihim ko kay na Mother Superior ang tungkol sa abilidad kong makakita ng multo. Natatakot ako na baka isipin nila na nababaliw na ako at baka layuan nila ako. Natatakot ako na baka tumanda akong mag-isa at iwan ako katulad ni Father Juan na siyang tumanggap sa akin sa kung sino talaga ako ano man ang hitsura ko," ang naiiyak kong kwento. 
Napatingala naman ako sa langit upang pigilan ang nangingilid kong mga luha. Gusto ko lang naman sumaya. Pero sa tuwing naalala ko ang nakaraan ay parang patuloy na pinapana ang aking puso.
"I'm sorry. Hindi ko alam na ganun pala ang pinagdaanan mo," ang sambit ni Arius.
Agad kong pinunasan ang luha ko dahil alam kong hindi iyon makatutulong sa kaso. Nakita ko naman na tumatakbo si Gray mula sa malayo. Agad kong pinunasan ang luha ko kasi nakakasira ng umaga. Napatingin naman ako sa aking relo na nasa kaliwang pulsuhan at pasado alas onse kinse na ng umaga.
"Anong meron? Did I miss something?" ang tanong ni Gray.
"You're late. Where have you been?" ang tanong ni Arius.
Napakamot naman sa kanyang ulo si Gray. Mukhang sa pagkakataong ito ay wala siyang lusot sa inis ni Arius.
"Sorry na. Nagpunta ako sa friend ko. May napansin siyang kakaiba sa page na sinabi mo, Ada. Burado na ang page na iyon ngayon. Pero bago mawala ang page na iyon, ay ikaw lang ang nakita naming naka-follow sa page na iyon," ang sabi ni Gray.
Nagkatinginan naman kami ni Arius. Paano nangyari na ako lang ang naka-follow sa page na yun? Nakaramdam ako ng kaba. Para bang sinadya na sa akin lang magpapakita ang page na iyon.
"Mamaya na lang natin pag-usapan yan. We have to proceed to our next case," ang sabi ni Arius.
Napataas naman ang kilay ni Gray sa sinabi ni Gray. 
"Next case? Ano naman ang kalaban natin this time?" ang tanong ni Gray.
"Danag," ang matipid na sagot ni Gray. 
Napahilot naman sa kanyang sentido si Gray. Mukhang stress din siya sa narinig niya kay Arius.
"So, sino ang unang biktima sa murder case?" ang tanong ni Gray.
Bakas sa mukha ni Arius ang pagkagulat ngunit agad niya iyong nabawi. Kinuha naman ni Arius ang isang maliit na memo book mula sa kanyang kanang bulsa at binuklat ang gitnang bahagi nito. Sumilip naman ako sa kanyang memo at nakita ko ang napakagandang sulat. Nahiya naman ang sulat kong mukhang kinalahig ng manok. 
"Quillia Jarabe. Isang second year civil engineering student. Twenty-two years old at nagdodorm siya malapit sa campus. Ayon sa landlady ng dormitory, mga bandang alas nuwebe dose ng gabi siya huling nakitang umalis mag-isa sakay ng isang tricycle. At simula kagabi ay hindi na siya umuwi. Akala naman ng landlady ay may overnight lang ito kasama ng mga ka-trabaho niya. Nga pala, nagtatrabaho siya bilang waitress sa isang bar dito sa bayan ng Don Mariano," ang sabi ni Arius.
Ang bilis niyang makakalap ng impormasyon. Pakiramdam ko ay saglit lang ako natulala ngunit ilang oras na pala akong nakatulala sa dami ng nagawa ni Arius.  
"I'm surprised na alam mong murder case ang nangyari dito, Gray. So, paano mo nalaman?" ang tanong ni Arius.
"May paa ang lupa, may pakpak ang balita, Arius. Isang soothsayer ang friend ko na pinuntahan ko kanina. She warned me na magmadali ako lalo na't isang murder case ang maeengkwentro ko ngayong araw," ang kwento ni Gray.
Ngumiti naman si Arius at tinapik ang balikat ni Gray. Mukhang nawala na ang inis ni Gray lalo na't valid naman ang reason ni Gray. Isa pa, curious ako sa soothsayer na sinasabi niya. Siguro bibisita na lang ako sa sinasabi niyang soothsayer. Hindi naman siguro masamang maniwala,'di ba? Wala naman sigurong mawawala.
"So, kung Danag ang pumatay sa kanya ay may bite marks ito sa kanyang leeg?" ang tanong ni Gray.
Napalingon naman ako kay Gray. Alam niya ang tungkol sa Danag? Huwag mong sabihing sinabi rin sa kanya ng soothsayer ang tungkol sa Danag?
"So, sinabi din ba yan sa iyo ng soothsayer mong friend?" ang tanong ko.
Umiling naman si Gray at napataas naman ang kilay ni Arius. So, ako lang talaga ang hindi nakakaalam sa Danag na iyan? 
"Hindi ah. Panakot kasi yan ni Nana Maring noong bata pa ako. Mahilig kasi ako magpuyat at saka magmidnight snack. Kaya para hindi ako magpuyat ay pinapanakot niya sa akin ang istorya tungkol sa Danag. Kapag naalala ko na takot na takot ako noon sa Danag, natatawa na lang ako," ang kwento ni Gray.
Sana all talaga may nagkukuwento ng ganyan. Kung tatanungin ko naman sina Sister baka sabihin lang nila na ginawang panakot noon ang mga aswang o ano mang nilalang upang manampalataya sa diyos. 
"Sana all, may nagkukuwento," ang sagot ko kay Gray.
Napadaan naman ang isang pulang sasakyan at saka tumigil ito sa harapan namin. Bumukas ang bintana at bumungad ang isang babaeng mala-porselana ang balat. Sa kapal ng red lipstick nito ay parang nasuntok ito ng maton sa kanto. Tinanggal nito ang kanyang shades at nakita ko ang kabuuan ng kanyang mukha. Maganda naman siya kaso sa paningin ng lasing.
"Oh. Hindi ko inexpect na makikita kita dito, Ada? Based sa ka-cheapan ng damit mo mukhang sa ampunan ka na lumaki?" ang sambit nito.
Sino ba 'to? So what kung sa ampunan ako lumaki eh at least may kagandahang asal pa din ako. 
"Kilala ba kita?" ang tanong ko.
Napatawa naman ito na parang wala nang bukas. At isa lang ang kilala kong tao na ganito tumawa. Yung mukhang naipit na daga ang pitch ng tawa at minsan ay nahahaluan pa iyon ng tawang parang sa ugok ng baboy. Napatawa naman ako nang may halong ka-sarkastikuhan. Napatigil naman siya sa kanyang pagtawa. Mukhang pangit talaga kabonding ang school year ko ngayon.
"Ah naalala ko na. Kamusta ka naman, Meredith?" ang tanong ko.
Ngumisi naman siya at muling tumawa. Kahit kailan talaga ang yabang ng babaeng ito. Pero sa ngayon ay pagpapasensyahan ko muna ang babaeng ito.
"Eto, tumanggi ako sa mga scholarship kasi alam mo naman na ubod kami ng yaman. Eh ikaw? Mukhang hindi ka naman pag-aaralin nina Sister kaya I assume you take the cheap scholarship to get in?" ang mayabang na sabi ni Meredith.
"Grasya iyon, Meredith. Ay oo nga pala, paano mo nga pala maappreciate iyon? Hindi ba wala kang utak? Kaya I assume your lying about sa scholarships offers," ang pang-aasar ko.
Nawala ang ngisi sa kanyang mukha. So eto na talaga, mukhang nalilimutan ng babaeng ito ang kanyang pinagmulan. Ampon rin naman. Makaastang mayaman.
"How dare you?" ang sigaw ni Meredith.
Napatawa naman ako sa sagot niya. Ang sarap talagang makipagbardagulan lalo na kung yung naunang nangtrashtalk sa iyo ang unang naiinis. Tumingin naman si Meredith kay Gray at Arius.
"Kayong dalawa. Mag-iingat kayo. Kilala bilang halimaw si Adamantine. Kita niyo naman ang violet niyang mga mata? Malay niyo siya pala yung pumapatay sa campus?" ang sabi ni Meredith.
Heto na naman siya. Nagpapakalat ng fake news. Dahil lang sa in-born ang violet kong mga mata ay maninira na naman siya ng ibang tao. Iba talaga ang nagagawa ng gandang natural. Babawiin ko na talaga na hindi ko muna siya papatulan. Ngumiti ako bago ako nagseryoso sa kanya.
"O talaga? Mukha ka na ngang paa tapos yung ugali mo ganyan pa? Alam mo hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon amoy putok ka pa din. Nagbago lang ang buhay mo pero hindi ang ugali, hitsura at yung putok mo, " ang sabi ko.
Halata sa mukha niya ang inis sa mga sinabi ko. Narinig ko ang pagbuntung-hininga ni Gray. Halatang ready na niyang sapakin si Meredith. Kung sabagay, kung ako nga kinuwelyuhan niya sa una naming pagkikita, si Meredith pa kaya?
"Alam mo, Meredith. Kung gusto mong umasenso, huwag kang mandamay ng ibang tao. Ang ganda ni Ada tapos sasabihan mong mukhang killer? Eh ikaw nga mukhang Danag ipinagkalat ba namin?" ang sabi ni Gray.
Nagpigil naman ako nang tawa dahil sa sinabi ni Gray. Walang hiya! Ang ganda ng usapan namin tapos mas malala pa pala manlait si Gray.
"Alam mo, Gray. Siguro kaya niya nasabing si Ada ang pumapatay kasi masyadong maganda si Ada. Baka nasabi niya lang iyon dahil tanggap niya na hindi siya qualified maging Danag. Alam mo yun? Masyadong low rate ang beauty niya para maging Danag," ang sabi ni Arius.
Inis na umalis si Meredith at nang makalayo na siya ay saka ko lamang pinakawalan ang tawang kanina ko pa pinipigilan. Halos mangilid ang luha ko sa katatawa.
"Akala ko, matindi na ako mang-trashtalk! Mas malala pala kayong dalawa!" ang sabi ko.
"Ayaw ko talaga ang tabas ng dila ng babaeng iyon," ang sabi ni Gray.
"Kahit sino naman siguro. Gusto ko na ngang putulin dila niya kanina," ang sabi ni Gray.
Napagdesisyunan na lang namin na dumaan ng lumang building upang doon payapang kainin yung inihanda kong mga pagkain. Inilatag ko sa sahig ang picnic blanket na dala ko at inilatag sunod-sunod ang mga pagkain na niluto ko kanina. Agad kumuha si Gray at naglagay ng ketchup sa omelette na dala ko.
"Teka hindi mo naman kami balak patayin sa busog?" ang tanong ni Gray.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Gray. Sinabi ko bang kaming tatlo lang kakain nito? Niyaya ko naman ang mga multong nagtatago sa bawat pasilyo ng lumang building.
"Kakain na tayo!" ang sigaw ko.
Nagsilapitan naman ang mga multo at kumuha sila ng pagkain na dala ko. Sinalo ko naman yung luncheon meat na nahulog sa bibig ni Gray gamit ang takip ng baunan.
"Kumakain pala sila?" ang tanong ni Gray.
"Oo kumakain sila. Yung iba ay nabubusog sa spiritual na pagkain katulad ng dasal samantalang yung iba namang kaluluwa ay nabubusog sa offering food," ang paliwanag ni Arius.
Minsan nagtataka na talaga ako kay Arius. Ang dami niyang alam sa mundo na hindi alam ng maraming tao.
"Minsan nagtataka ako sa'yo, Arius. Information Technology ba talaga pinasok mong course o Criminology? Ang dami mong alam eh lalo na yung sa pag-iimbestiga ng mga murder case. Minsan nga naiisip ko na baka exorcist ka? Alam mo yun? Yung mga taong nagtataboy ng mga masasamang espiritu?" ang tanong ko kay Arius.
Napaubo naman siya sa tanong ko kaya naman agad ko siyang inabutan ng tubig. 
"Minsan nagtataka ako sa'yo kung IT student ka ba talaga o manghuhula? Ang tindi mo eh lakas maka-Marites," ang sabi ni Arius.
Napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa may pasilyo. Nanlaki ang mata ko nang makita kong iyon ang kaluluwa ng babaeng biktima ng Danag. Agad akong tumakbo at hinabol ang babae.
"Sandali lang!" ang sigaw ko.
Nang makarating ako sa open field ay may nabangga akong lalaki at ang kaluluwa ng babaeng hinahabol ko ay biglang naglaho. Napatingin naman ako sa mata ng lalaking kaharap ko ngayon at nakita ko ang repleksyon ko sa mga mata niya. Nakabaliktad ako.
"Okay ka lang ba?" ang tanong niya.
Agad akong lumayo at tumingin ako sa ibang direksyon. Alam kong hindi tao ang kaharap ko ngayon. 
"Okay lang ako. Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako," ang sabi ko sa kanya. 
"Anyway, gusto mo bang magcoffee tayo?" ang tanong niya.
Masama talaga ang kutob ko sa lalaking ito. Napatingin ako sa kanyang likuran at nakita kong masama ang titig ni Quillia sa lalaking kaharap ko.
"Pasensya na. Nagmamadali talaga ako. Bye!" ang sabi ko at agad akong umalis doon.
Nagtago muna sa likuran ng Tarot building at hinintay na dumaan ang kaluluwa ni Quillia.
"Quillia. Maaari mo bang i-kuwento sa akin kung anong nangyari?" ang tanong ko.
"Nakikita mo ako?" ang tanong ni Quillia.
Hindi dapat patagalin ang kasong ito. Kailangan niyang mabigyan ng hustisya. At alam ko na kung anong misyon sa akin ng panginoong diyos. Iyon ay ang tulungan ang mga namayapa na tuparin ang kanilang kahilingan sa abot ng aking makakaya at ang maging instrumento ng hustisya para sa kanila. Oras na upang malaman ng lahat kung sino ang pumatay sa kanya.

Komentar Buku (57)

  • avatar
    MagsayoJoyann

    wow sana mkakuha ng pera

    7d

      0
  • avatar
    GutlayKyle

    good

    23d

      0
  • avatar
    Aj Bantog

    6y89

    29/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru