logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 5 Mr. Bumblebee 2

Winter Elizabeth Heart Point Of View
"You can't deny the love that made you broken."
Habang nasa harapan ako ng salamin ay hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. Ginising lamang ako ng aking ina upang bumaba at makita ang taong pinaubaya ko na kay Bathala.
Pero may asawa na siya habang ako ay masyado pang bata para ikasal sa kaniya. Ayokong magpakita ngunit maghihintay daw ito sa baba. Pinili kong unahin ang aking sarili. Naligo na'ko at nag-ayos upang pumasok sa school.
Bago pa'ko tuluyan makababa ay napahinto ako nang makita ang sapatos na iniregalo ko noon sa kaniya.
Every sleepless night I often do because of habit. I've never felt this way before...before you entered my peaceful life. He added color to my silence and put a sincere smile on my face. I am lucky that I have you before.
Even if that bullet would rip my heart out. His eyes are beautiful but his heart is cruel. As if you were the only choice in life, your laughter was charming and your love killing me. I'm stuck between two choices, and they're both I don't love you anymore and I still do.
Sinalubong ako nito na may ngiti ngunit hindi ko na magawang makangiti pa at nasu-suklam ako sa kaniya.
"Para saan pa na naparito ka?"
"Winter~"
"Papasok na'ko sa school," wika ko sa aking ina.
"Can we talk? Alam kong malaki ang kasalanan ko sayo."
"But the moment that I knew that, I can't talk to you anymore..." Nang dumalaw ako noon sa kanila ay naabutan ko na lamang na nag-uusap sila sa kasal.
"I'm sorry."
"Until when? Kon, I understand already. You don't need to make me okay because I can do it alone."
Napatikhim na lamang ito. Wala pa ring pagbabago sa ayos niya. Mas naging formal nga lang ang ayos niya at talaga humahanga ako doon. Since malapit na siyang maka-graduate sa college ay hindi na'ko magtataka na nagiging matured na ang mukha nito.
Katahimikan na lamang ang namagitan sa aming dalawa. Ayoko nang umasa pa sa kaniya tulad noon na nagiging pabeve ako dahil alam kong aalalayan niya ko. I think that's crazy but I realized something that I was.
"You don't need to be sorry, I need to go," paalam ko sa kaniya.
Lumabas ako ng gate at sakto ang pagdating ni Dayes kasama si Hanny. Siya na ang naging driver namin papasok sa eskwela.
"Are you okay?"
"3 seconds ago I was okay," I uttered. "Let's go."
~~~
Kahit anong tawa ko maghapon. Alam ko sa sarili ko na di ako masaya.
Ngumingiti nalang ako kasi ang hirap sabihin na "AYAW KO NA TALAGA."
Pinipilit maging maayos kahit wasak na wasak na. Because no one will understand you. Natatakot ako na sabihin nila that this is just my drama to get their attention.
Ang hirap sabihin na nasasaktan ka din.
"Kung may hihigit sa'kin, wag mo na kong alalahanin," I uttered solemnly. Mga salitang binitawan ko noong araw na iyon. "Bata pa naman ako Kon, siguro nga tama sila na hindi ako nababagay sayo."
"I'm sorry. Hindi kita kayang ipaglaban."
Salitang di ko matanggap galing kay Kon. For almost 2 years. Akala ko maayos lang kami.
Pero sa tuwing kasama ko siya alam kong may mali. Ayoko lang punahin kasi natatakot akong mawala siya. Natatakot akong iwan.
"Naawa nalang siya kaya nag stay." Hanny, my friend, genuinely said. Napatingin na lamang ako sa kaniya. Noong araw na iyon ay nasaktan ako kay Hanny ngunit siguro ay tama nga siya nang araw na iyon.
"Ang sakit na bigla nalang nawala yung taong dahilan ng saya mo." Tumingin si Dayes sa rear mirror. Ang sakita nito ay tila' isang bala ng baril.
Ang araw na iyon ay nandyan lamang silang dalawa para saluhan ako. Walang luhang pumatak ngunit napapagod na ang mata ko na nais umiyak.
Sa pagbabalik tanaw na iyon ay napapasuko na lamang ako.
~~~
"For I know, aking ang upuan na ito," sambit ni Ashanti Melendez sa tapat ng aking inuupuan.
"Who said?"
She chuckled and pulled my hair. Wala akong kasama sa room na pinasukan ko dahil hindi ko naman kaklase sila Hanny dito. Ako at ang dalawa pang kasama ni Ashanti ang nasa loob ng room.
Medyo natakot ako sa kanila ngunit kailangan kong lakasan ang loob ko. Mas lalong sumasakit ang paghila niya sa aking buhok.
"Eh kung kalbuhin kaya kita, Winter. Nasagot ka pa talaga? Ha!" Nanggigil ang mga kamay nito at tuluyan akong napatayo dahil sa lakas ng hila niya.
"Aray!" Napahila na rin ako sa buhok niya na lagpas bewang.
"Binatawan mo ko, Ashanti." Ngunit nakatanggap ako ng sampal sa kaniyang palad.
"Matapang ka kanina di ba, palag ka!" Pangangasar niya.
Ngunit dahil matangkad iti ay wala akong nagawa kundi magpatianod sa paghila niya sa buhok ko. "Arggg!!!" atungal ko ngunit naghalakhakan lamang ang mga kasama niya.
Itinulak niya naman ako ng malakas sa pader na ikinaupo ko. "A-Aray!"
I feel pity for myself. Hindi ko magawang lumaban sa kaniya.
"Akin na nga yung gusting at tuturuan ko ng leksyon 'to," aniya. "Next time 'wag kang uupo sa upuan ko!" sigaw nito sakin.
Napaupo siya upang tignan ako. Gusto ko nang mapaiyak dahil sa sakit ng pagsabunot niya ngunit bigla ko na lamang sinipa ito sa aking harapan.
"O my!!!" sigaw ni Lily na kakpasok lamang sa kwarto. "Ashanti sinipa ka lang ng ganon-ganon?" pang-aasar pa niya.
"Bwísit 'tong babae na 'to!" Muli niya akong sinabunutan ngunit buong pwersya niya nang ginawa. Halos mahilo ako sa ginawa niya.
"Malandi ka kasi, pati si Adi inaagaw," sabi ng kasama nito.
Ayoko man umiyak ngunit hindi ko na mapigilan pa. I thought I'm strong enough oara mapigilan ang iyak ko ngunit masakit parin pala.
"What's going on?" tinig ng isang lalaki. Hindi ko nagawang mapalingon sa kaniya dahil masakit ang pahila ni Ashanti sa buhok ko na ikinabagsak ko na lamang sa sahig.
"Nauna kasi siya, Adi," pagdadahilan ni Ashanti.
"Mag-isa nga lang siya, paano ka niya lalabanan?"
"Adi, I'm sorry."
"Bakit sa'kin ka nagso-sorry Ashanti, hindi ba't dapat kay Winter?"
Napatayo ako dahil mas lalo lamang akong naaawa sa sarili ko. Napatakbo na lamang ako palabas. Wala nang masyadong students sa hallway ngunit napapansin ako ng iba.
Until I bumped someone in the middle of hallway.
"Shénme~" he whispered. Napatigil ako sa sandaling iyon. Napatulala ako sa puting t-shirt nito na naka coat ng black.
Napatingala ako upang makita ang mukha niya naiinis na pala.
"Shénme~" nasambit ko na lamang.
"Where have you been? Ang gulo ng buhok mo?" kunot noong tanong niti na akala mo'y magkakilala kaming dalawa.
Napangiwi ako sa kaniya.
"Sir Mason!" tawag ng isang guro sa kaniya.
"I have emergency. I owe you my apologies, I need to cancel the meeting, Sir," sabi nito at biglang hinila ang kamay ko.
"Ano ba!" pigil ko ngunit wala akong magawa dahil sa higpit ng hawak niya.
Nang makarating kami sa parking lot at nakita ko ang Lotus Evija. "Teka! Mr. Bumblebee!" I exclaimed at him.
"What! I'm not Mr. Bumblebee," he refused.
"But last night~"
"My name is Mason Klaude Niccollo."

Komentar Buku (25)

  • avatar
    NavascaJonrie

    Junrie Jovillar Navasca

    08/08

      0
  • avatar
    Ckire Matthew Baltar

    welcome and thanks for the money

    23/07

      0
  • avatar
    LuchavezJho

    salamat po

    16/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru