logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 4 Four

it’s you??
Maagang nag sarado ng tindahan si Mari para maisabi sa matanda ang plano ng mag aasikaso ng palaro ng Don sa mga manggagawa sa hacienda nito.
Kinaugalian na kase sa hacienda na magkaroon ng palaro kada taon.
Yon ang gusto ni Don Laviste. Ang alam niya ay petsa iyon ng kapanganakan ng nag iisa nitong anak na babae.
Si Señorita Emily.
Nalulungkot siya para sa matanda dahil matagal nang hindi nagagawi ang anak nito sa hacienda Laviste.
Nalaman rin niya sa mga tauhan na matagal na roon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag ama kaya hindi raw magkasama ang dalwa.
Pero ayon sa matanda ay maayos na ang relasyon nito sa anak.
Nagmamadali na siyang umuwi ng Mansion dahil malayo layo rin ito mula sa pwesto niyang tindahan Sa kabayanan.
Napadaan siya sa tindahan ng prutas ni Aling Selda. Dinaanan niya ang pinareserbang prutas para sa matandang Don.
“Aling Selda! yon hong pinatitira kong orange?” Bungad niya sa tindahan nito.
“Ay ito at nakagayak na Mari. Ala ey samahan mo na ng mangga at may bisita si Don Enrique. “ Bisita? Sino naman kaya yon.
“Bisita ho? ay wala man hong nasabi sa akin ang lolo bago ako nagpabayan kanina e.” Sagot niya rito.
“Nakow, ay baka isusurpresa ang matandang Don at baka ay hindi niya rin alam na dadating ang kanyang apo.” Sabi pa ng kausap. Apo ? Nanlaki ang mata niya. Ito ba ang ikinukwento sa kanya ng Don na apo kay señorita Emily?
Maaari dahil iisa lang naman ang anak ni Don Enrique.
Hindi na siya nag usisa pa at nagpaalam na sa kausap.
Bigla siyang kinabahan.
Ang bilis ng tibok ng puso niya.
Oras na ba para magtagpo sila ng lalakeng matagal ng ikinukwento sa kanya ng matanda?
“S-siya ay aling Selda ay ako ho ay mauuna na at ng maigawa ko ng dessert ang bisitang s-sinasabi nyo.” Paalama niya rito.
“Ay teka Mari! ay pagkagawapo e. Ay iyong nakita mo ga kanina. Iyong pumilipit sa braso ni Esto! ay siya ang ang apo ni Don Enrique!” Dagdag pa nito. Nanlaki ang mata niya.
A-anooo!?
Natarayan pa naman niya ito kanina!
Naku!
Napangiwi siya ng bahagya.
Baka makilala siya nito at kung anong sabihin sa Lolo nito.
Patay siya!
Dinampot na niya ang orange at mangga iginayak ni aling selda at umalis na doon.
Malayo layo ang Mansion sa Kabayanan. Gagabihin siya Kung maglalakad lang siya mapunta roon.
Dumaan siya sa kwadra Kung saan niya hinahabilin ang kabayong si Mario tuwing gagabihin sa pag uwi galing sa tindahan niya.
Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.
Biglang parang naexcite siyang makitang muli ang lalake.
Pero naroroon parin sa dibdib niya ang kaba…
“hi-yahh!!“ Sigaw niya sa kabayo nang makasakay siya.
Napakabilis ng pagpapatakbo niya sa kabayong si Mario. Regalo sa kanya ni Don Enrique ng noon desi otsong kaarawan niya.
Nahahandle niya ng maayos si Mario kahit gaano kabilis ang takbo nito.
Hingal siyang bumaba sa kabayo.
Hindi kalayuan sa Mansion niya itinali ang kabayo.
Humingang malalim muna siya bago maglakad patungo sa Mansion.
Sa likod ng Mansion siya dumaan. Daanan iyon ng mga kasambahay at trabahador sa hacienda.
Nakasalubong niya si Manong Luisito na halata ang saya sa mukha.
“Manong Luisito. Ano hong ginagawa nyo riyan? “ Tanong niya rito.
“Ala Mari, mabuti at nadini kana. Kanina kapa hinihintay ng iyong lolo! ala’y andyan ang apo niya kay Emily!” Masiglang saad ng matanda.
“Oh nakita ko nga hong may magarang sasakyan sa labas ng gate. Bakit ho hindi ipinasok sa loob iyon?!” Nasa labas lang kase ng gate ang sasakyan nito.
“Ay hindi ko naman kanina mapagsino ang señorito, kaya doon ko nalang pinagbuksan sa labas. Nakalimutan ko na rin ipapasok e." Katwiran nito. "Ay siya, ay ikaw ay magtungo na sa lolo mo at kanina pa iyon naghihintay sa iyo..” Tumango nalang siya bilang sagot dito.
Sumilip muna siya bago lumapit sa matanda at sa apo nito.
Nakita niya ang lalake. Ito nga ang pumilipit sa braso ni estong kanina sa palengke!
Nakow! Natarayan niya ito! Baka naikwento na nito sa matanda ang ginawa niya kanina!
Napantingin sa gawi niya ang lalake.
Napangisi ito at tila may ibinulong sa matanda.
Napatingin rin sa gawi niya ang Matandang Don. Sinabi ata nito na.
"Mari, lumapit kana dito." Narinig niyang utos sa kanya ng matanda.
Napakamot siya sa ulo.
Napaisip siya saglit.
"Bakit nga ba ako matatakot doon? ay wala naman ako ginawang masama sa kanya?? " bulong niya habang papalapit sa salas kung saan naroroon ang mag abuelo.
Kay Don enrique tumabi ng upo at nag mano.
"Oh kanina ka pa ba ? bakit hindi ka agad lumapit dito?" tanong ng matanda.
"A-ahh ay kakarating ko lang ho lolo. Dapat nga ho ay maya maya pa ako magsasara ng bigasan, ay itong si Nestor ay may ipinapasabi sa inyo... " Saad niya.
"Ganoon ba. Kung sabagay biglaan nga ang dating nitong aking apong si Troy." Tumingin ang matanda sa kanya na malawak ang ngiti." Mari, si Troy, ang nag iisang anak ni Emily." Pagkasabi noon sa kanya ng matanda ay kumindat pa ito sa kanya.
Bigla na naman lumakas ang kaba niya…!
Pakiramdam niya ay tatalon na ang puso niya sa subrang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.
Hindi siya mapatingin sa ipinakilala ng kanyang lolo.
"At iho, ito naman si Mari, iyong sinasabi ko sayo kanina na ampon ko." Pakilala sa kanya sa apo nito.
"I know her already. We’ve met kanina right??" napangisi lang siya bilang sagot dito. Alam niyang nang aasar ito sa pagkakasabi noon.
"Ohh? mabuti kung ganoon." Patango tango pa ang matanda na akala mo'y natutuwa sa nangyari.
"Nga pala Iha, tumulong ka sa paghahanda ng hapunan natin. lutuin mo lahat ng paborito ko." Kinindatan na naman siya ng matanda.
Alam na niya ang ibig sabihin nito.
Hindi paborito ng matanda ang tinutukoy nito, kung hindi ang paborito ng apo nito!
"O-opo lolo. Pupuntahan ko na ho si manang,lolo. Magandang hapon sa iyo señorito T-troy." Nginitian niya ito ng bahagya sabay alis para magtungo sa kusina.
Nang makalayo sa kinaroroonan ng mag abuelo ay nakahinga siya ng maluwag.
Napakapilyo talaga ni Don Laviste.
Pilit nitong pinaaalala sa kanya ang napag usapan nila noon sumapit ang edad niya ng desi otso.
__________
Flashback
__________
"Naku lolo! ay kaganda naman ho nitong kabayo na regalo nyo!" Masigla saad ni Mari kay Don Enrique.
"Nagustuhan mo ba?" Derideritso ang ginawa niyang pagtango dito.
"Mabuti naman kung ganoon." Pagkasabi non ng matanda ay bigla nagseryoso ang mukha nito.
"Lolo? may problema po ba?" Tanong niya dito. Tila may gusto itong sabihin sa kanya.
"Mari.."
"A-ano po iyon?" Parang nakaramdam siya ng kaba.
"Meron akong sasabihin sayo tungkol sa anak kong si Emily.." Si Señorita Emily?
"Ano po iyon lolo? " Wala siyang nalalaman tungkol sa nag iisang anak nito at kung bakit wala ito sa piling ng ama.
"Nabanggit ko ba sayo na meron akong apo sa kanya na maedad lang sayo ng 3 taon.. Si troy.." Troy? Lalake ang apo niya kay señorita.
"H-hindi po lolo. Ang naisabi nyo lang ho sa akin ay meron ho kayong anak na babae na nasa maynila.." Yon lang ang alam niya.
… at ang hindi nito maayos na relasyon sa anak.
"Maayos na kami ng anak ko Mari.. Nakahingi na ako ng tawad sa mag asawa..at nakita ko na rin ng personal ang apo ko sa unang pagkakataon." Napansin niyang nag iba ang boses ng Don na tila naiiyak ito sa ikinikwento sa kanya.
"N-na dati ay sa litrato lang galing sa tauhan ko na nakagabay sa kanila." Pati siya ay naiiyak narin.
Subra ang pangungulila ng Don sa anak nito pati narin sa apo.
"Bagamat hindi niya ako nakilala na kanyang lolo d-dahil hindi kami nagkaharap ay natanaw ko naman siya kahit papaano." Dugtong pa nito.
"B-bakit ho hindi nyo nakausap ang inyong apo?" Nagtataka siya kung bakit ay naroroon naman ito sa poder ng magulang.
"Pinigilan ako ni Emily. Hindi pa raw alam ng kanyang anak ang tungkol sa akin at sa pamilyang pinagmulan niya." Napatungo ang matanda..
"Hayaan nyo ho lolo. Darating ho ang panahon na magkakaharap kayo at magkakausap ng inyong apo. Naniniwala po ako na darating ang oras na iyon." Nakangiti niyang sabi sa kausap.
"Sana nga iha." Maikling tugon ng Don.
"Sa ngayon po, habang wala pa ho ang inyong tunay na apo, ey ako po muna ang magpapasaya sa inyo!" Wika niya kay Don Enrique.
Nangako siya sa sarili na hinding hindi niya pababayaan ang taong nag aruga sa kanya simula pagkabata.
"Talaga? pero magiging tunay rin kitang apo Mari..!" Nanlaki ang mata niya. Lingid sa kaalaman niya ay hindi siya tunay na in-adopt ng Don. Sa madaling sabi ay hindi legal ang adoptation sa kanya nito.
Salvador pa rin ang apelyedo niya.
"Talaga lolo? e di magiging Laviste na po ang dadalhin kong apelyedo!?" Subra ang saya niya sa kanyang kaarawan.
Malakas ang naging pagtawa ng Don sa sinabi niya.
"Hindi Laviste ang dadalhin mong apelyedo Mari, kung hindi Ocampo.!" O-Ocampo? paanong magiging Ocampo ay Laviste naman ang apelyedo ni Don enrique.
Nagugulumihanan siya sa sinasabi sa kanya ng matanda.
Hinintay niyang tumigil ito sa pagtawa bago niya ito tanungin kung anong ibig sabihin nito sa sinabi kanina.
Balak na ba siyang ipamigay ng matanda? pero ang sabi nito kanina ay magiging tunay na siyang apo nito!
"Lolo? ano hong ibig nyong sabihin? Hindi ko ho maunawaan ey." Kinakabahan siya. Hindi siya papayag na malayo sa kinilalang abuelo.
"Haha. Matagal ko na itong napagdesisyonan apo. May mga kondisyon akong gagawin para parehas ko kayong mapapayag sa gusto ko." Anong plano ang sinasabi ng matandang ito.
"Kailangang pakasalan mo ang apo ko na si TROY LAVISTE OCAMPO!"

Komentar Buku (204)

  • avatar
    Franchezka Louise Torres

    kobe

    6d

      0
  • avatar
    YuGabriel

    I love you 💕

    16d

      0
  • avatar
    Jerhamin Bansil

    pahigi ako robux

    21d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru