logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Season 1: Chapter 6: She's The Princess?

Ang hirap naman nito, kumpara sa dati kong trabaho ito ang pinakamahirap.
"Ayy pasensya po!" Maling address na naman. Bakit ba kasi ang daming kalye rito? Tapos wala pang bike at motorsiklo. Paglalakad lang ang tangi kong makina para makapag-deliver ng sulat.
Minsan lang nag-match ang address na nakasulat dito at address na nasa utak ko. Napabuntong-hininga naman ako sa aking sariling katangahan.
Pinasok ko na sa mailbox ang sulat. "Sana matapos na ako rito." May tatlong bag pa akong padalhan. Ganito ba talaga sila nagkulang ng Tagapaghatid ng sulat?
Sigh. "Gusto ko nang magpahinga." Nangangalay na ang paa ko sa kakalakad.
"Pero bawal ka pang magpahinga."
Napaigtad ako sa gulat. Nilingon ko kung sino ang nagsalita. "I-Ikaw na naman! Ginulat mo ulit ako, Prinsipe," wika ko habang hawak ang kumakabog kong dibdib. Tumawa naman siya ng mahina. Buti pa siya nakasakay sa kabayo. Ang galing.
"Pasensya, pasensya. Pero isipin mo ang mga taong nagpapadala ng sulat. Punong-puno ng pagmamahal ang kanilang binuwis para sa sulat na iyan," wika niya. Napahinto naman ako. Totoo ang sinabi niya. Buong puso at pagmamahal ang nilagay nila para sa sulat na ito para ipadala sa mga minamahal nila.
Bakit ngayon ko lang 'to na-realize?
"Anong ginagawa mo rito, Kamahalan?" tanong ko habang pinasok sa mailbox ang isang sulat.
"Patungo akong palasyo. Napadaan lang ako rito."
"Patungo kang palasyo? Bakit pala wala ka sa palasyo niyo ngayon?" kunot-noo kong tanong. Ngayon ko lang din namalayang wala siya sa trabaho. Ganito ako ka-nerbyoso sa trabahong 'to dahilan para hindi na mag-sync in sa utak ko ang mga nangyayari.
"Binganggit mo ang mga sangkap ng gamot diba? Patungo akong palasyo ngayon para kamustahin ang Mahal na Hari at para ipagtipon-tipon ang mga sangkap ng gamot."
Ahh gano'n pala. Akala ko may pakay siyang iba rito.
"Oo, pagkatapos niyong tipunin lahat ng sangkap, ihalo niyo lang at boom! May sulfa drug na tayong gamot," wika ko at sinabayan ko pa ng hand gesture. Total nasabi ko na sa kaniya lahat ng mga sangkap, kung nasunod na nila yun, wala nang problema.
"Ah nga pala, Mahal na Prinsipe," tawag ko rito sabay napalingon din sakin. "Paano na ang trabaho mo?" Alam kong ang dami niyang trabaho pero bahala na siyang umintindi. Prinsipe siya at hindi ko alam kung bakit ang dami niyang inaasikaso.
Akala ko kasi puro leisure lang at kain ang mga royalty, pero iba itong si Prinsipe Claiden.
"Si Voilden ang pumalit sakin," ngiting sagot niya.
Napatitig nalang ako sa kulay blonde niyang buhok. The breeze made them sway. Ahh here we go again. Napatulala na naman ako sa buhok niya.
He gently stroked his hair. "Binibining Rachelle?"
Bigla akong napukaw sa tawag niya. "Ah wala! Naisip ko lang, ang ganda ng buhok mo. Parang kulay ng araw," taranta kong wika sabay ngiti sa kaniya. Naging straightforward talaga ako 'pag kinakabahan.
Bigla namang namula ang kaniyang tenga. May lagnat ba siya? O mainit lang ang panahon?
Umiwas siya ng tingin sakin. He then cleared his throat. "A-Aalis na ako, Binibini." At humarurot na siya sakay ang kaniyang kabayo.
"Bye! Ingat ka!" pahabol kong wika sabay kaway.
Ngayon, balik na naman ako sa pagdedeliver ng sulat. Mukhang na-motivated ako dahil sa sinabi ng Mahal na Prinsipe.
Lahat ng sulat ay puno ng pagod, pawis at pagmamahal.
Napabuntong-hininga ako habang binagsak ang aking sarili sa kama. Maraming sulat ang napadala ko ngayon. Siguro masaya na sila ngayon sa oras na nababasa na nila ang sulat.
"Teka, marunong silang magbasa?" May hunch ako, baka nagpapa-translate sila kung ano ang nakasulat sa mensahe.
"Gusto ko nang matulog." Kahit na break time ko ngayon. Wala kasi akong sapat na tulog lalong-lalo na't alas tres ako nakatulog kaninang umaga.
Tinignan ko ang orasan. 5 minutes na ang lumipas nang mahiga ako rito sa kwarto. Dumating ang sampung minuto, kinse minuto, at mga segundo, bukas na bukas pa rin ang mga mata ko. Sinabunutan ko ang buhok ko habang sumigaw sa inis. "Bakit hindi ako makatulog?!? Nagsasayang lang ako ng oras!"
Tumayo ako at tumingin-tingin sa bintana. "Ahh may naalala ako". Kanina nung nagde-deliver ako ng sulat, nakita ko si Ginoong Voilden na may kasamang magandang babae. Masaya silang nag-uusap kanina sa tabi ng puno.
"Kulay red ang dress ng babae at kulay blonde ang buhok." Medyo kulot at nakatali ang kaniyang buhok. Hindi ko namukhaan ang babae dahil sa payong na nakaharang kanina.
"Oh baka hindi yun si Ginoong Voilden?"
Gusto ko tuloy lumabas. Ano bang pwedeng gawin ngayong break time ko? Hindi pa naman ako makatulog. Napatingala ako habang napasigaw. "Naalala ko ulit!" Naglakad ako papuntang kusina, wala palang ref dito. "Kailangan kong bumili ng makakain ko mamaya."
Lumabas na ako dala-dala ang isang basket para bumili ng gulay at kung ano pang dapat bilhin. "Total isang oras naman ang break ko. Hehe~"
Ang sarap din sa lugar nila, isang oras ang break time. Ang saya nun. Samantalang sa dati kong pinagtatrabahuan, 15 minutes lang ang break. Ang daya. Tamang hinga lang ng 15 minutes at trabaho ulit.
Ginamit ko ang perang binigay ng tatay na may-ari sa Inuman nung nakaraang araw. Binigyan din ako ng sampung pilak (silver) ng Prinsipe. Grabe nga 'e, ang laki kaya ng halaga ng pilak dito. Pero buti nalang yun may marami akong mabibili.
Ang isang gramo ng pilak ay katumbas ng 112 tanso (copper). At sa dating mundo ko, makakabili ako ng isang candy gamit ang isang piso. At ang isang piso ay may 75 percent tanso at 25 percent ng nickel.
Kung bibili ako ng isang candy sa dati kong mundo, kailangan kong magbayad ng 7,500 tanso at 2,500 ng nickel. Ang bigat at ang mahal no'n. Pero dito sa mundo nila, parang ang isang tanso ay katumbas lang ng isang piso. At ngayong may hawak akong sampung pilak, parang may hawak akong 100,000 pesos.
Kay tatay naman na nakilala ko noong nakaraang araw, binigyan niya ako ng sampung tanso at dalawang pilak. Ang sampung tanso ay parang 10-centavo coin lang. Sa tingin ko nga wala akong mabibili kung may hawak akong centavos. Pero dito sa mundo nila, marami ka nang mabibili kapag may hawak kang centavo coins.
Napakamot ako sa ulo. Kailangan ko talagang gamitin ang mga natutunan ko sa mundo ko rito sa mundo nila. Buti nalang Science Major ako.
Nasa isang pasyalan na ako. Hindi ito mall kasi walang mall dito, hindi rin ito palengke. Parang may fiesta? Bakit ang daming tao rito? Binalewala ko lamang silang lahat. May kasiyahan din pala sila rito.
Bumili ako ng isda at gulay. Uulamin ko lang mamayang gabi. "Pwede pong magtanong?" nakangiti kong paumanhin sa tindera. "Sige, hija. Ano yun?"
Tinignan ko ang mga taong nagsasayawan. "Ano po bang ganap dito?"
Tumingin naman siya sa tinitignan ko. "Katuwaan lang nila yan. Dumalaw kasi ang isa sa mga Prinsesa at nais nilang batiin ang Kamahalan. Hindi ka ba taga-rito, hija?"
"Ah, hindi po. Ngayon lang po ako nakapunta rito 'e". Ang saya siguro no'n. "Alis na po ako," pamamaalam ko sa tindera at nag-iwan ng ngiti.
Nang bitbit ko na ang basket ng mga binili ko, naisipan kong tignan muna ang dahilan ng kanilang kasiyahan. Nasa likod lang ako para makita ko ang sinabi nilang Prinsesa o Kamahalan.
"Huh?" Bakit wala akong Prinsesang makita? Baka nakaalis na? O baka maliit lang talaga ako? Gusto ko nang umihi.
Nagmamadali akong naglakad nang may nabunggo ako sa harap. Gasp! "S-Sorry! Sorry talaga! Pasensya!" panay sigaw ko sa nabunggo ko.
Nang malinaw ko kung sino ang nabunggo ko, bigla akong napanganga. "G-Ginoong Voilden?" Anong ginagawa niya rito? "Binibining Rachelle?" tanong din niya. Napatawa na lamang ako dahil unexpected ang pagkikita namin.
"Anong ginagawa mo rito, Binibini?" tanong nito.
Tinaas ko ang basket ng binili ko. "Bumibili lang ako ng mai-uulam ko mamaya. Ikaw, Ginoong Voilden?" Parang ang rude ng tawag ko sa kaniya. 'Ginoo' is how I addressed him but he's not that old though. "Nandito ako dahil---"
"Ginoong Voilden?" tawag ng isang babae. Nang nilingon ko ang babaeng tumawag sa kaniya, muntik nang mahulog ang basket na dala ko dahil sa aking nakita.
Siya yung babaeng kulay red ang dress at nakataling blonde na buhok na nakita ko kanina. Teka! So si Ginoong Voilden nga ang nakita ko na kasama niya kanina? Are the both of them dating? Ibang klase rin itong si Ginoong Voilden ah.
Iba na ang kanyang hairstyle ngayon. Hindi na nakatali ang kaniyang buhok pero ang ganda niya pa ring tignan. Para akong nasisilaw sa ilaw dahil sa kaniyang kulay dilaw na dress at kulay puting balat, dumagdag pa ang blonde niyang buhok.
Wait, don't tell me--.
"Nandito ka na pala, Mahal na Prinsesa."
Sh-She's the princess?!?

Komentar Buku (56)

  • avatar
    Flores Jayr

    Wow

    15/06

      0
  • avatar
    Jb Balwit Dangase

    Wonderful story

    09/04

      0
  • avatar
    Davezwel Gerzon

    maganda

    08/02

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru