logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Pagkatapos ng pag-uusap namin noon ni luke sa may garden ng school ay madalas ko na siyang nakikita sa cafeteria tuwing break time namin. Siguro ay may nobya yun dito na high school student pero tuwing makikita ko naman siya ay wala siyang laging kasama.  at tuwing magtatagpo ang mga mata namin ay ngumingiti siya at kumakaway. Ginagantihan ko naman siya ng isang simpleng ngiti at tango.
" Kilala mo ba yun?" Tanong sakin ni Athara sabay turo Kay luke.
" Ah ka team siya ni kuya sa basketball. Yun yung alam ko. Bakit? Crush mo ba? Ang pogi no?" Tukso ko sakanya.
Pogi naman talaga si luke. At hindi na nakapagtatakang maraming babae ang nagkaka interes dito.  Mukang mabenta siya sa mga high school students.
" Crush?  Hindi ah. Oo gwapo siya pero ayoko ng mukang badboy. Tignan mo oh. May ahit yung kilay,May hikaw sa tenga,
Parang hind marunong mag seryoso sa buhay."
" Grabe ka naman. Huwag muna nating husgahan yung tao. Tsaka dalawang beses ko na siya naka usap. At muka naman siyang harmless." Sabi ko sabay subo ng kinakain ko.
" Eh mukang ikaw yung may crush eh." Tudyo niya sakin kaya natawa ako.
" Wala ah! " Tanggi ko kaagad sabay lingon Kay luke dahil baka narinig niya.  Muka namang hindi dahil may kausap siyang babae na taga kabilang section.
Yun ba yung girlfriend niya?  Maganda yung babae at mukang mayaman. Seryoso lang yung muka ni luke habang naka tingin at nakikinig sa sinasabi nung babae.
Inalis ko nalang yung paningin ko sakanila at inabala ang sarili ko sa pagkain.
Nagkwentuhan nalang kami no Athara habang kumakain kaya hindi na muling nabaling ang atensiyon ko sakanya.
Buti nalang at mabilis yung oras. Gusto ko muna sanang gumala at maglakad lakad dahil boring sa bahay dahil wala namang tao kaso ay may trabaho pa si Athara at wala naman akong kasama kaya uuwi nalang ako.
Papunta na ko sa sakayan ng jeep pero nararamdaman Kong parang may sumusunod sakin. Bigla akong kinabahan pero hindi ko pina halata.  May mga kasabay naman akong mga estudyante din na naglalakad kaya nakampante ako. Bigla akong huminto at lumingon pero laking gulat ko ng makita si luke na mukang nagulat din.
" Luke! Ikaw pala! Akala ko kung Sino na!"
" Sorry... Natakot ba Kita?"
" Medyo lang.  Akala ko Kasi holdaper na."
" Sorry... Ahm... Pauwi kanaba?" Nag aalangan pang tanong niya sabay kamot sa kilay niya.
" Oo pauwi na ko. Sasakay karin ba ng jeep? "  Tanong ko habang sabay kaming naglalakad. Kailangan ko pa siyang tingalain para makita yung muka niya dahil napaka tangkad niya.
" Hindi. Taga diyan lang ako sa malapit. Minsan nagba bike ako minsan naman nilalakad ko lang."  Bigla akong may naisip dahil ayaw ko pa talagang umuwi.
" Pwede ba Kong sumama sayo?" Tanong ko at mukang nagulat siya. Bat ba lagi nalang siyang nagugulat?
" S-sasama ka? Sakin?" Lutang na tanong niya kaya ngumiti ako.
" Oo. Maaga pa Kasi. Ayaw ko pang umuwi. Mag isa lang ako dun. Mamaya pa uuwi si kuya kaya boring. Sige na please? Isama mo na ako. Hindi naman ako pasaway eh. "
" S-sige.. pero hindi maganda at malinis yung lugar samin ah. Baka sensitive ka?" Nag aalalang tanong niya.
" Hindi. Okay lang yan. Magpapa lipas lang naman ako ng oras tapos uuwi narin ako." Determinado talaga akong sumama sakanya.  Naka yuko siyang naka tingin sakin ng masinsinan. Para bang binabasa niya yung nasa isip ko pagkatapos ay bumuntong hininga siya at tumango.
" Sige. Pero magpaalam ka muna sa kuya o mama mo na kasama mo ako para sakin ka hanapin once na mapahamak ka."
" Kailangan paba yun? Saglit lang naman tayo eh. Tsaka wala ka naman atang balak na masama diba?" Paniniguro ko
" Wala akong balak na masama pero  magpaalam kaparin. Tawagan mo muna sila bago Kita isama."
Wala nakong nagawa kundi tawagan si kuya dahil siguradong busy si mama.
Naka ilang ring muna bago sinagot ni kuya yung tawag.
" Hello?" Mukang hinihingal pa siya. Dahil panay ang habol niya ng hininga.
" Kuya. Magpapaalam Sana ako." Kinakabahan ako dahil baka pagalitan niya ako. Ayaw pa naman nun kapag may lalaking akong kasama.
" Bakit? Nasan kaba? Hindi kapa nakaka uwi?" Naging istrikto yung boses niya.
" Kuya ayaw ko pa kasing umuwi. Gusto ko munang gumala. Kasama ko naman si luke. Kilala mo naman siya diba?"
" Luke? Valderama? " Mukang dipa siya sigurado.
" Oo kuya. Pwede ba Kong sumama sakanya?"
" Let me talk to him. Give your phone to Valderama." Maawtoridad na sabi niya Kaya tumingin ako Kay luke. Mukang na gets niya naman kaya nilahad niya yung kamay niya at inabot ko sakanya yung cellphone ko.
" Hi captain!!!" Nakangiti siya habang kausap si kuya at panay ang tango niya.
" Don't worry captain. Makaka asa ka. Akong bahala. Sige.. ihahatid ko naman siya. Sige...." Patay na yung tawag ng ibalik niya sakin yung cellphone ko.
" Pumayag ba?"  Tanong ko at nakangiti siyang tumango.
" Oo"
" Hindi galit?"
" Hindi. Tara na...."
Panay ang linga ko habang naglalakad kami papunta sa bahay niya.
Maraming tao at maingay ang nadadaanan namin. May mga nag iinuman pa sa may kanto. 
" Binata na si Aaron may syota na!!!" Rinig Kong tukso nung mga naka tambay sa may computer shop.
" Mga sira! Hindi to girlfriend." Sabi niya sabay tingin sakin.
" Pasensya na. Wag mo nalang pansinin. Ganyan lang talaga yang mga yan."
Tumango nalang ako dahil naiintindihan ko naman
Umakyat kami sa may hagdan dahil nasa ikalawang palapag ata yung kwartong tinutuluyan niya.
Pagbukas niya ng pinto ay tumambad agad samin yung loob ng kwarto. Hinubad niya yung sapatos niya kaya hinubad ko rin yung akin. Iniwan ko lang yung medyas Kong puti.
" Akin na. Itatabi ko baka nakawin yan dito sa labas." Inabot ko agad sakanya yung sapatos ko. Tinabi niya muna bago niya ko pinapasok.
" Pasensya na sa bahay ko. Upo ka muna dito sa kutson. Pasensya na. Wala akong upuan eh." Napakamot pa siya sa kilay niyang may ahit.
" Okay lang. Malinis naman. Buti Hindi ka makalat na tao.  Ikaw lang ba mag isang naka tira dito? Nasan yung pamilya mo?"
" Naglayas ako samin. Mag iisang taon na.  May hindi Kasi pagkaka unawaan sa pamilya namin kaya umalis ako."  Sabi niya habang nagwawalis kahit wala namang kalat.
"  Wait. Bibili lang ako ng pagkain natin. Dito kalang ha? Wag kang lalabas maraming Gago." Paalala niya kaya tumango ako ng sunod sunod.
LUKE'S POV
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag Kay jillian na isama siya dito sa tinutuluyan ko.
Plano ko lang naman siyang sundan hanggang sakayan ng jeep. Ewan ko ba Kung anong meron sa babaeng yun at lagi akong natutuwa kapag nakikita siya.  Siguro nga ay crush ko siya. Lagi ko lang siyang nakikita noon sa may school pero simula ng maka usap ko na siya ay hindi na talaga siya naalis sa isipan ko.
Bumili nalang ako ng lutong ulam pati tinapay at soft drinks para Kainin namin.
Pagbalik ko ay naabutan ko siyang may sinusulat sa notebook niya.
agad siyang nag angat ng tingin pagpasok ko.
" sorry natagalan ako."  Siguro ay nainip na siya kakahintay sakin.
" Okay lang. Sinasagutan ko lang yung mga assignments ko. " Ibinalik na niya sa loob ng bag niya yung notebook.
at sinalin ko na sa mangkok yung ulam na binili ko. Sa lapag lang lagi ako kumakain dahil hindi na kasya kapag naglagay pa ako ng lamesa at upuan dito. Muka namang komportable si jillian at wala naman siyang reklamo.
" Nangungupahan kaba dito?" Tanong niya habang kumakain kami.
" Oo. Eto lang Kasi yung nakita kong tirahan na malapit sa school."
" Paano ka nakaka Kain? San ka kumukuha ng pera panggastos mo?"
" Binibigyan ako ng kuya ko ng pera. "
" Ah..." Tumango tango pa siya. Pansin Kong ang lakas niya kumain. Saan kaya napupunta ang kinakain neto?
Marami pa siyang tanong tungkol sakin at sinasagot ko naman. Mukang curious siya sakin siguro ay crush din ako nito? Edi mabuti!! Ngayon lang ata ko nagka crush ng totoo. Yung mga past relationships ko ay hindi naman lahat seryoso. Lahat nagsisimula sa chat at nagtatapos din sa chat. Porket hindi lang ako nakapag chat ng ilang minuto ay away na yung kasunod. Magagalit sila at mangbibintang nang Kung ano ano. Tapos ang dali lang sakanilang bitawan yung salitang 'break na tayo' edi break! Parang Gago lang.
Gusto ko yung babaeng maiintindihan ako at hindi mareklamo sa kung ano ang kaya Kong ibigay. Siguro kaya ko gusto si jillian ay dahil sa pagiging simple niya. Ang lakas ng dating niya sakin. Kahit nasa malayo palang siya kahit maliit siya ay natatanaw ko na agad siya. Likod palang niya ay kilalang-kilala ko na.
Halos hindi na namin namalayan ang paglipas ng oras. Sobrang nalibang ako sa presensiya niya.
Mahigpit ang kapit niya sa damit ko habang naka bike kami. Walang palya yung kilig ko simula pa kanina.
" Ingat ka pauwi.." sabi niya nang nasa tapat na kami ng bahay nila.
" Sige. " Simpleng sagot ko. I just staring at her cute and innocent face.
" VALDERAMA!" Tawag ni captain sakin. Kalalabas niya lang mula sa loob ng bahay nila.
" Captain!!!" Bati ko sakanya at sumaludo pa. Seryoso ang muka niyang nakatingin sakin bago niya binalingan si jillian.
" Bat ngayon lang kayo?" Mahinahong tanong niya.
" Nalibang Kasi kami captain. Hindi na namin namalayan yung oras. Wag kang mag alala. Wala akong ginawang masama kay jillian. "
" Good. Thank you for taking care of her. Makaka uwi kana." He said in a cold tone.
" Sige kuya.." sabi ko at mukang hindi niya yun nagustuhan.
" Kuya? Do we look like a fucking brothers? You don't have the right to call me that. Ito ang una at huling beses na tatawagin mo ko nyan. Umuwi kana. Jia let's go.."
hinawakan na niya si jillian sa braso at hinila na papasok sa bahay nila.
Napaka KJ talaga ng lalaking yun.
lagi pa kong pinag iinitan tuwing basketball practice. Sinabi ko lang naman na ang cute ng little sister niya.
Magiging kuya ko rin naman siya sa future.
Nakatingin lang ako sa pintuang pinasukan nila ng mag ring ang cellphone ko.
Acel:
Bro, we missed you. Punta ka ngayon dito. Mag eenjoy ka. Maraming supply ngayon
Napakamot nalang ako sa kilay ko. Si acel lang naman ang kakilala ko dun at ayokong matulad sakanila kaya kahit na muka akong Gago ay hindi ko ginagawa yung hindi tamang  gawain nila. Well, I tried it once. Nung naglayas ako sa may bahay. Pero hindi na yun nasundan. Ayokong malulong sa bisyong yun. Tama na yung isang beses.
Ayokong pangatawanan ang akusasyon sakin ni daddy.   Pag gumaya ako sakanila ay baka hindi nako magustuhan ni jillian.
Hindi  ko na nireplyan si acel at dumiretso nalang ng uwi.
Naglinis muna ako ng katawan bago ko nilinis  yung kwarto ko.
Naisip kong Hindi pa pala kami friends ni jillian sa facebook kaya agad kong sinearch yung pangalan niya.
'Jillian Anne Advincula '  may one mutual friend kami at si 'kuya' yun.clinick ko agad yung profile  picture niya.  Tang ina ang cute!  Napaka ganda ng ngiti niya. Simpleng jeans at blouse lang yung suot niya pero napaka tingkad ng ngiti niya. Bigla akong napa sign of the cross ng makita kong simbahan pala yung nasa background niya.
Cover photo niya naman ay silang tatlo ng mama at kuya niya. Himala at naka smile si kuya. Kamuka niya yung mama niya.
Parehas sila ng hugis ng muka at mga mata. Dalawa naman ang Featured photos niya. Una ay sila paring pamilya at pangalan ay sila naman nung kaibigan niyang laging kasama niya sa school.
Pinindot ko na agad yung add friend.
Wala pang five minutes ay inaccept na agad niya ako . Wala na kong inaksayang oras at agad ko siyang chinat.
Aaron Valderama:
Hi. Thank you sa pag accept😊
Para akong timang habang hinihintay kong ma seen niya yung message ko.
Jillian Anne Advincula:
HAHAHAHAHA lol😆  thank you kanina. Next time ulit ha? Sana Hindi ako nakaka istorbo?
Damn it!!! May next pa?  Pwede namang  araw araw eh!!
Aaron Valderama:
Sure. Next time ulit. Sabihan mo lang ako.
Inaasahan kong mag rereply pa siya pero hindi na siya online at hindi pa Niya nasi seen yung message ko.
.....

Komentar Buku (91)

  • avatar
    Lea Mae Tacate

    I love it

    5d

      0
  • avatar
    Ashley Velasquez Eusebio

    nice

    22/08

      0
  • avatar
    Prince Kenneth Crisostomo

    8ii

    17/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru