logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Melissa's Point of View
This is the day.
Ang araw ng interview.
Ang araw na maaaring magbago ang buhay ko.
Maaga kong ginising ang buong maid quarters sa mansion, nagbabakasakaling may slacks silang puwedeng ipahiram sa akin.
"Ma'am Isa, alas-tres pa lang po!" reklamo ni Ate Nena habang hinihikab.
"Ate, emergency 'to. Career ko ang nakataya."
Mabuti na lang at may isa sa mga kasambahay na halos kaedad ko at pareho kami ng sukat.
"Ma'am, ito na lang po. Bago pa 'yan. Isang beses ko pa lang nasusuot."
Agad kong niyakap si Lily.
"Ikaw na ang paborito kong tao ngayong umaga."
Napatawa siya.
Pagbalik ko sa kwarto, tiningnan ko ang hiniram kong slacks.
Not bad.
Hindi naman ito mukhang luma.At least, hindi ako mukhang pupunta sa palengke.
Good thing, mayroon pa akong natitirang white long-sleeved blouse sa closet ko.
At dahil himala iyon sa loob ng wardrobe ko, halos gusto ko na iyong ipaframe.
"Salamat, past self," bulong ko habang maingat na inilalabas ang blouse. "Hindi mo pala dinonate lahat."
Agad akong naligo at pinatuyo ang buhok gamit ang dryer. Naglagay lang ako ng kaunting makeup. Just enough para hindi ako magmukhang multo.
Light foundation.
Konting blush.
Lip tint.
At mascara.
Simple.
Professional.
At higit sa lahat—hindi mukhang babaeng kakastalk lang sa fan page ng CEO na pag-aaplayan niya.
Pagkatapos kong isuot ang puting blouse at hiniram na slacks, humarap ako sa salamin.
Napakurap ako.
"Hala."
Hindi naman pala masama.
Mukha akong…
Corporate woman.
Wow.
May pag-asa pa pala akong magmukhang responsable.
Inayos ko ang manggas ng blouse ko at ngumiti sa salamin.
Pagtingin ko sa wristwatch ko, alas kwatro pa lang ng umaga.
May isang oras pa bago ako umalis.
Kaya bumaba muna ako para kumain.
Kailangan kong lagyan ng laman ang tiyan ko. Baka mablangko ako mamaya sa interview kapag gutom.
Tahimik pa ang buong mansion. Ang mga ilaw sa kusina lang ang nagbibigay-liwanag sa madilim na paligid. Ang mahinang kaluskos mula sa kusina at ang tunog ng mga pinggan ang tanging sumisira sa katahimikan.
Mukhang ako pa lang at ang mga kasambahay ang gising.
At thank God for that.
Maaga rin akong nag-book ng taxi, kaya paghihintay na lang ang ginawa ko.
Hindi ko pwedeng gamitin ang Audi ko.
Masyadong conspicuous.
Mabuti na lang at tulog pa sina Mom at Dad.
Hindi nila mapapansin na umalis ako.
---
Pagkalipas ng ilang minuto, nasa harapan na ako ng isang napakataas na gusali.
Ang WE Group of Companies.
Napatingala ako.
Glass walls.
Modern architecture.
At mga empleyadong naglalakad na parang may soundtrack ng isang corporate K-drama.
Huminga ako nang malalim bago pumasok.
Kahit ilang beses na akong nakapasok sa mga gusaling mas engrande pa rito dahil sa mga business events nina Mom at Dad, iba parin ang pakiramdam ngayon.
Ngayon, hindi ako si Melissa Dwayne.
Hindi ako ang nag-iisang anak na babae ng pamilyang Dwayne. 
Hindi ako ang babaeng may sariling sasakyan, may mga kasambahay na handang plantsahin kahit panyo ko, at may mga magulang na kayang tawagan ang kalahati ng business world sa isang araw.
Ngayon—
Isa lang akong ordinaryong aplikante na nangangailangan ng trabaho.
Isa Garcia
Agad kong nakita ang front desk.
Dalawang receptionist ang abalang nagta-type sa kanilang computer.
Lumapit ako at ngumiti nang magalang.
​"Good morning. Saan po ang interview para sa Assistant Secretary?" magiliw at pormal kong tanong.
Sa isang kurap, tila biglang may pumindot ng invisible na pause button sa buong silid.
​Tumigil ang tunog ng keyboard. Naputol ang ere. At ang receptionist na tinanong ko? Natulala. Literal.
Nakatutok lang siya sa akin, nakabukas pa nang bahagya ang bibig.
Nakatitig lang siya sa akin na tila nakakita ng multo—o ng isang bagay na hindi niya inaasahan. Bahagya pang nakabukas ang kanyang bibig, walang lumalabas na salita. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakapako sa aking mukha.
​Napakurap ako, unti-unting nailalagay sa alanganin. "Miss?" untag ko.
Bigla siyang napasinghap at napakurap, na parang doon lang muling bumalik ang kanyang kaluluwa sa loob ng kanyang katawan. Namula ang kanyang mga pisngi.
​"Ah—good morning, Ma'am!" mabilis niyang bawi, bagaman bakas pa rin ang pagkataranta sa kanyang boses.
Habang nangyayari iyon, hindi nakaligtas sa gilid ng aking mga mata ang katabi niyang receptionist. Pasimple akong tinignan nito—mula sa pagkaka-ayos ng aking buhok, sa bagsak ng aking corporate attire, hanggang sa dulo ng aking sapatos. Isang mapanuring tingin na mula ulo hanggang paa.
Medyo na-insulto ako. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha sa harap ng ganoong klaseng pagkilatis. Pero huminga ako nang malalim, pinanatili ang tuwid na tindig, at tiniis ang pagkailang.
Ngumiti ang babae.
"Pasensya na po... akala ko po kasi, may anghel na biglang bumaba mula sa langit."
Agad naman siyang siniko ng katabi niya.
​"Sa 29th floor po ang interview. Paglabas niyo ng elevator, makikita niyo po agad ang mga applicants. Good luck po, Ma'am. Here's your number."
​Napatingin ako sa papel na iniabot niya.
​"Seriously?" Napakurap ako. "Number one hundred?"
​Tumango siya, may malapad na ngiti sa labi na tila ba naghahatid ng magandang balita.
​"Swerte niyo po, Ma'am. Kayo na ang last. Umabot pa kayo sa cut-off."
​What the fu—
​Awtomatikong napatingin ako sa suot kong relo para lang makasigurado. Anong oras ba dumating ang mga taong 'to? Dito na ba sila natulog sa lobby?! Nagdala ba sila ng mga tent at sleeping bag?!
​"For Pete's sake, it's only six in the morning and I'm applicant number one hundred?" bulalas ko, bagaman hininaan ko ang aking boses para hindi magmukhang nagwawala sa harap ng desk.
Napailing ako habang naglalakad papunta sa elevator. With every step, mas lalo akong pinanghinaan ng loob. I woke up before even the roosters did para lang makapaghanda at makapunta rito nang maaga, only to find out na sa pinakadulo pa rin pala ako mapupunta.
---
Pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator, bahagyang nakaawang ang aking labi. Pakiramdam ko ay umurong ang antok na kanina ko pa pilit nilalabanan.
Mahaba ang pila. Sobrang haba. Napansin ko may mga nag aayos pa ng kanilang resume, may mga panay ang lagay ng pulbos sa mukha, at may mga tahimik na nakatitig sa kawalan habang kinakabahan.
Good thing, may mga upuan. Kahit papaano ay may konsiderasyon ang kumpanya dahil hindi pinatayo ang may isang daang aplikante.
Agad akong humanap ng bakanteng pwesto sa dulong bahagi at naupo. Habang naghihintay at nagmamasid sa paligid, sinubukan kong tantiyahin ang takbo ng proseso. Doon ko napansin na lima-lima pala ang pinapapasok sa loob ng interview room.
Not bad.
At least hindi naman aabutin ng bukas.
Dahil sa kaunting kapanatagan na iyon, narelax ang aking katawan. Pakiramdam ko ay biglang sumingil ang puyat ko mula sa maagang paggising. Nasa kalagitnaan na ako ng isang malapad at hindi mapigil na paghikab—nakabukas ang aking bibig at nakapikit ang aking mga mata—nang biglang natahimik ang buong paligid.
​Awtomatikong napadilat ako. At doon, nanigas ako sa aking upuan nang makita ko si Secretary Cruz.
Napasulyap siya sa akin, at sa loob ng isang maikling segundo, bahagyang kumunot ang kaniyang noo na tila may pilit na inaalala.
​Agad akong yumuko, halos isubsob ko na ang aking mukha sa hawak kong folder.
​Pabilis nang pabilis ang kabog sa aking dibdib habang nakatitig lang ako sa dulo ng aking sapatos.
Nakilala niya kaya ako? Pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi, imposibleng nakalimutan niya ang mukhang ito.
Ngunit ang mas malaking tanong na nagpapakaba sa buong sistema ko.
Siya ba ang interviewer?
Oh, my goodness
Kung siya nga ang magtatanong sa akin mamaya, automatic bagsak na ba ako?
Oh, no! 
Muli akong sumulyap nang bahagya sa pamamagitan ng mga hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha. Nakita kong pumasok siya sa malaking double-door na silid kung saan idinaraos ang interview. Kasabay ng pag-sarado ng pinto ay ang tila pagbagsak din ng huling pag-asa ko.
---
Matapos ang ilang oras ng nakatutulig na paghihintay—kung saan bawat minuto ay tila ba isang taon—tinawag na rin sa wakas ang batch namin. Ang huling limang aplikante para sa araw na ito.
Habang naglalakad ang mga naunang grupo palabas, may isang pattern akong napansin na lalong nagpatindig ng balahibo ko— sa bawat batch na lumalabas, iisa lang ang pinapapirma ng papel o pinapapasok sa susunod na round. Ang apat? Lalabas na bagsak ang balikat. Isang malupit na elimination game.
​"Okay, it's my turn," bulong ko sa aking sarili. Isang pampalakas ng loob na higit kong kailangan sa sandaling ito.
Pagpasok namin, nakahilera ang limang upuan sa tapat ng limang interviewers. Isang pader ng mga seryosong mukha na handang kumilatis sa bawat galaw namin.
​"Please take your seats," pormal na saad ng nasa dulong kaliwa.
Umupo ako nang tuwid. Inilapat ko ang aking likod sa sandalan, pinag-krus ang aking mga binti, at ibinagay ang hawak kong folder sa aking kandungan. Ginawa ko ang lahat ng tamang posesyon na pinag-ensayuhan ko.
​At sa sandaling iangat ko ang aking tingin upang harapin ang interviewer—muntik na akong mabulunan sa sarili kong laway.
​Secretary Cruz?!
Hindi ko siya napansin kanina dahil sobrang nakafocus ako sa sarili kong posture. Pero ngayong nakatitig na ako sa buong panel, I couldn't help but feel intimidated.
​Palihim kong sinulyapan ang apat na katabi ko. The other applicants looked so polished and professional. Ang gaganda ng bagsak ng kanilang mga branded na corporate attire, perpekto ang pagkaka-makeup, at tila ba sanay na sanay silang maglakad sa mga ganitong matataas na opisina.
Samantalang ako?
Isang simpleng white long sleeves lang at hiniram na slacks ang suot ko. I felt like, in the middle of their luxurious outfits, I was like a hotel intern na naliligaw sa executive floor. My look was just so far off sa image ng isang Assistant Secretary.
​"Miss Isa Garcia."
​Bumasag sa aking pag-iisip ang isang pamilyar at baritonong boses. Napakurap ako at awtomatikong naituon ang aking tingin sa gitna ng interviewer. 
​Si Secretary Cruz. Nakalapat ang kaniyang mga daliri sa ibabaw ng aking resume, at ang kaniyang mga mata ay tila ba naglalakbay sa buo kong mukha.
​"You seem distracted. Are you nervous?" tanong niya. Seryoso ang kaniyang mukha, pormal ang tono, pero ramdam ko ang kakaibang bigat sa bawat salitang binibitawan niya.
​"I'm just a little nervous, sir," sagot ko. Sinikap kong maging matatag ang aking boses kahit na ang katotohanan ay parang gusto nang manginig ng aking mga tuhod sa ilalim ng lamesa.
​Tumingin siya sa aking resume, pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa akin. May maliit na kurba ang sumungaw sa dulo ng kaniyang labi.
"Nervous? That's new. Hindi mo ba naramdaman 'yan... kagabi?"
Isang malamig na saksak ng kaba ang dumaan sa aking gulugod sa huling salitang binitawan niya. I swallowed hard, forcing myself not to show how my mind had suddenly gone completely blank. Ang apat na aplikanteng katabi ko ay nanatiling tuwid ang upo, totally unaware that a dagger was already mid-air sa pagitan namin ni Secretary.
Bago pa man ako makabuo ng isasagot, o bago pa man mapansin ng ibang interviewers ang kakaibang tensyon, muling nagsalita si Secretary Cruz na tila walang nangyari.
​"Anyway. We respect everyone's privacy. If there's a question you're uncomfortable answering, you may simply decline. Shall we start?"
​Ang kaniyang boses ay bumalik sa pagiging pormal at propesyonal, ngunit ang kaniyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin—naghihintay ng aking reaksyon.
Tinatanong niya ako ng mga basic questions tungkol sa aking experience, my past clients, and how I handle pressure at work. Sa bawat tanong, I just answered straight to the point, no hesitations.
​Habang nagsasalita, umalingawngaw sa aking isipan ang mariing bilin ni Ezekiel.
​One question. One answer. Simple.
No overexplaining. No adding extra stories that could trigger a follow-up question. Kaya naman, pinanatili kong maikli, selyado, at tumpak ang aking mga tugon. Kung ano ang hiningi, that's the only thing I'll provide.
​I noticed Secretary Cruz lean back in his chair, slightly playing with the pen in his hand while listening to me. Mukhang nararamdaman niya ang pader na itinayo ko para protektahan ang sarili ko.
​Ibinaba niya ang aking resume sa lamesa at bahagyang ngumiti—isang ngiti na nagsasabing tapos na siya sa mga madadaling tanong.
---
​"Applicants ninety-six to ninety-nine, you may leave."
​The assistant’s formal announcement felt like a verdict that shattered the silence of the room. Napatingin ako sa mga kasabay ko nang isa-isa silang tumayo—ang kanilang mga mukha ay bagsak, may halo ng pagkabigo at panghihinayang. Those who I had viewed earlier as sophisticated and flawless were now leaving with absolutely no guarantees.
Awtomatiko ring gumalaw ang aking katawan. I picked up my folder and was about to stand up to leave with them—iniisip na baka mamaya pa ang tawag sa akin o kaya naman ay bagsak din ako—when the assistant suddenly stepped forward and blocked my way.
"Miss Isa Garcia, kindly proceed to the other room for your final interview."
Napatigil ako sa ere. Parang nag-echo ang boses niya sa pandinig ko. Napatingin ako sa sarili ko—sa aking white long sleeves at sa hiniram kong slacks na mukhang pang-OJT.
​"Ako?" gulat kong tanong, itinuturo pa ang sarili kong dibdib upang masiguro na hindi ako namamalikmata.
​Ngumiti nang matamis ang assistant. "Yes, Ma'am. Kayo po."
Medyo nablangko ako sa mismong pwesto ko. Tiningnan ko ang mahabang lamesa ng panel, ngunit wala na roon si Secretary Cruz—tanging ang naiwang ballpen at ilang papeles na lang ang naroon.
Habang naglalakad ako patungo sa pinto ng katabing silid, hindi ko mapigilang mapangiti nang pilit sa aking sarili. Hindi ko akalaing effective pala ang advice ng babaero kong pinsan.
Akalain mong ang simpleng one question, one answer na diskarte ni Ezekiel ang magiging susi ko para makalusot sa isang corporate elimination round?
Pero habang papalapit ako sa pinto ng final interview room, bumalik ang lamig sa aking mga palad. Kung ang unang round ay pagsubok pa lang, siguradong sa likod ng pintong ito ay naghihintay ang pinakamalaking hamon—at alam ko kung sinong mukha ang sasalubong sa akin doon.
---
Pagpasok ko sa kabilang silid, halos dalawampung applicants ang naroon.
So ito pala ang final interview.
Pagkaupo ko pa lang sa isang bakanteng silya ay pumasok agad ang assistant upang mag-anunsyo.
​"We'll begin now. First applicant, please proceed."
Isa-isang tinawag ang mga nauna sa akin. Habang tumatagal, naramdaman ko ang kakaibang bigat sa aking katawan kaya napatingin ako sa aking relo.
Alas dose na ng tanghali. Kaya pala kumakalam na nang husto ang tiyan ko. Gusto kong magprotesta sa isip ko—wala bang lunch break sa kumpanyang ito? Kahit gaano ka-executive ang floor na ito, hindi naman yata immune sa gutom ang mga tao rito.
Napahawak na lang ako sa aking sikmura, pilit na pinatatahimik ang nagwawalang mga alon sa loob nito.
Ngunit may isang bagay ang pumukaw sa aking pansin. Bawat aplikanteng lumalabas sa pinto mula sa interview room ay nakangiting parang nanalo sa lotto. May mga nagpipigil ng tili, at ang iba naman ay namumula ang mga pisngi.
Napaisip tuloy ako. Sino ba ang nag-iinterview sa loob? At bakit wala pang isang minuto ang lumilipas ay palabas na agad sila? Ganoon ba siya kabilis magpasya? Kung sabagay, mas okay na rin ang ganoong kabilis para matapos na ako at makakain na sa wakas.
"Miss Isa Garcia, it's your turn."
Napakurap ako mula sa aking pagkakatulala. Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko—ako na lang pala ang natitira sa buong silid.
​Huminga ako nang malalim, tumayo, at marahang lumakad papunta sa pinto. Kumatok muna ako ng tatlong beses bilang paggalang bago pinihit ang doorknob.
​"Come in," saad ng isang baritonong boses mula sa loob—isang boses na may banyagang punto pero may pamilyar na bagsak.
Pagpasok ko, natigilan ako sa mismong may pintuan. At sa pagkakataong iyon, halos huminto ang paghinga ko.
​Walden Klaus Evans.
​The bachelor billionaire and the biggest name in the industry. No wonder the applicants were all smiles when they walked out earlier. Ang haharot. Akala mo naman ay may pag-asa silang lahat sa lalaking ito.
​"You aren't going to sit?"
Bahagyang tumaas ang kilay niya.
​"What? Trying to keep things dramatic, or are you testing the chair's patience?" dugtong pa niya nang may halong sarkasmo.
Napalunok ako. Suddenly, my hunger was gone, completely replaced by pure nerves. Agad akong humakbang patungo sa tapat ng kaniyang desk and sat up straight.
​"Good noon, sir," magalang kong bati, pinipilit na huwag manginig ang aking boses sa harap ng kaniyang naglalakihang presensya.
​Tumango lang siya nang bahagya, hindi man lang ako tiningnan nang direkta habang marahang binubuklat at tinitingnan ang aking resume.
"Miss Isa Garcia. Twenty-three years old. Latin honors from a school I'm not familiar with."
Malamig at walang kahit anong emosyon ang kanyang boses, parang nagbabasa lang ng resibo. Ilang sandali pa, dahan-dahan niyang inangat ang tingin sa akin. Those dark eyes of his looked like they could cut straight through walls.
"Could you tell me why you're applying for this position? Most of our applicants came from prestigious universities."
Sandaling natigilan ako. May kung anong pait ang gumapang sa aking dibdib. Ewan ko, pero parang ako ang nasaktan para kay Isa the Second. 
Ngunit sa halip na magpakita ng kahinaan, umangat ang aking sulok ng labi. Ngumiti ako. At binitawan ko ang payo ni Ezekiel nang diretsahan at walang pag-aalinlangan.
​"I need a job, sir."
​Tumaas nang bahagya ang kilay niya, halatang hindi inaasahan ang ganoong kaikli at prangkang sagot sa kabila ng kaniyang pambabarat. Ibinaba niya nang marahan ang hawak na panulat at sumandal sa kaniyang swivel chair, habang ang mapanuring tingin ay nananatiling nakapako sa akin.
That’s all?” hamon niya, may sarkasmong humalo sa kaniyang baritonong boses. “You need a job. I expected a long discourse about passion, career growth, or how you plan to change the direction of this company with your unrecognized university. But you’re telling me you’re just here for the paycheck?”
​"Yes, sir," matatag kong tugon, hindi nagpatinag sa kaniyang mahabang pasaring.
Diretso akong tumingin sa mga mata niya. Sa pagkakataong ito, hindi ko na iniisip kung gaano ka-intimidating ang titig niya o kung gaano kamahal ang suot niyang suit. Ipinakita ko sa kaniya na wala akong planong umiwas o mahiya sa kung anong meron ako.
​Bahagyang pumikit ang kaniyang mga mata, tila sinusukat kung hanggang saan aabot ang kapal ng mukha at tapang ko.
​"Honesty can either be a sign of brilliant confidence, Miss Garcia, or pure desperation," pagpapatuloy ni Klaus, habang marahang tinatapik ang dulo ng kaniyang mga daliri sa lamesa. "In this room, I don't pay for desperation. I pay for value. Are you sure that 'needing a job' is the best card you can play in front of me?"
"Yes, sir. I do my best for this job," diretsong sagot ko. Walang paligoy-ligoy, walang mabulaklak na pangako. Ipinapaabot ko sa kaniya na ang 'pangangailangan' ko ang magiging mitsa para ibuhos ko ang lahat ng lakas at talino ko para sa posisyong ito.
Nanatiling nakatitig si Klaus sa akin, tila binabasa kung may kahit katiting na takot o pagsisisi sa mga mata ko after I completely stood my ground against his overbearing presence. Sa loob ng ilang segundo, that deafening silence took over the luxurious room once more.
​"I don't just look for someone who will 'do their best' because they need a paycheck, Miss Garcia. My assistant secretaries handle multi-million projects and sensitive corporate data. I need to know if that survival instinct of yours will make you an asset to my company, or a liability when the pressure gets too high to bear. Your honesty is refreshing, yes. But out there, numbers and results are the only things that keep this empire standing. We will see if that conviction of yours translates well on actual corporate battlefields."
​His words felt like heavy strikes of a hammer, each one designed to make me realize how insignificant my place was compared to the empire he ran. Isang maling galaw o maling sagot, at tuluyan nang madudurog ang pagkakataon ko rito.
Ngunit sa halip na mabuwal sa ilalim ng bigat ng kaniyang babala, I felt a strange heat rushing through my veins. The fear that had been lingering inside me ay unti-unting napalitan ng purong determinasyon.
​"I understand your concern about risk, Mr. Evans," mariin kong sagot, pinanatiling kalmado ngunit may pinal na bagsak ang aking boses. "But you don't build an empire by hiring people who only know how to follow formulas when the weather is good. You test an asset’s true value during a crisis."
Ikinandado ko ang aking mga mata sa kaniya, walang balak na kumurap o magpatalo sa kaniyang mapang-huthot na titig.
​"If numbers and results are the only language this company speaks, then give me the targets, sir. High pressure doesn't make me a liability—it makes me efficient because I cannot afford to fail. While your Ivy League applicants are busy analyzing the battlefield from their comfortable pedestals, I am already on the ground, delivering what matters. Let me handle those numbers, and I will show you that my conviction isn't just words—it’s an investment you won't regret."
Binitawan ko ang huling linya nang may buong paninindigan, ibinuhos ang lahat ng natitira kong alas. I was showing him that I wasn't here to beg for a job—narito ako dahil kaya kong makipagsabayan sa kaniyang laro, no matter how ruthless.
Nanatiling nakatitig sa akin si Klaus. His face was a complete blank wall, ngunit napansin ko ang bahagyang pagbabago sa kaniyang mga mata—a sharp glint that showed I had caught his interest in a way others never did.
​Isang pinal na bagsak ang ginawa niya sa aking resume sa ibabaw ng mesa bago tuluyang umiwas ng tingin.
​"Alright. You may go. Please wait for further updates."
"Thank you, sir," pormal kong sagot.
​Inipon ko ang natitira kong lakas para tumayo nang tuwid, binuhat ang aking bag, at humakbang patungo sa pinto.
Inalalayan ako ng assistant palabas ng opisina, at sa bawat hakbang ko palayo sa mesa ni Klaus, naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng adrenaline sa aking katawan.
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Grabe…" bulong ko, halos hindi makapaniwala.
Hindi lang simpleng interview ‘yon.
Parang trial by fire.
"Parang piniga niya lahat ng sagot ko sa utak ko."
Bahagyang ngumiti ang assistant.
"Ganyan po talaga si Sir," simpleng sabi niya. “He doesn’t like rehearsed answers.”
Napakurap ako.
"So… pasado po ba ‘yon sa kanya?" tanong ko nang hindi ko mapigilan.
Tumigil siya sandali, parang sinukat ang sagot niya.
"Let’s just say…" bahagya siyang ngumiti, "hindi siya basta-basta nagtatanong kung hindi siya interesado."
Napahinto ako sa paglalakad.
Interesado?

Komentar Buku (4)

  • avatar
    Elaine Dcs

    Ang ganda update pls

    17d

      0
  • avatar
    Lex Dela Cruz

    amazing

    26d

      0
  • avatar
    twinkle

    Wow! Start to read🥰

    27d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru