logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 5

Gulo.
Naiilang akong ngumiti sa kanya dahil ngiting ngiti ang kanyang magagandang labi.
"Teka anong ginagawa mo dito?"tanong ng lalaki sakin.
Mag aaral.
"Ah, lumipat ako ng university."binasa ko ang aking labi dahil nanunuyo ito.
Napansin kong palipat lipat ang tingin ng babae sa aming dalawa habang nakataas ang kaliwang kilay, tila nag tatanong"Mag kakilala kayo?"tanong niya.
Tumingin sa kanya si Dani at tumango"Oo,na meet ko siya sa Rizal."muli siyang tumingin sakin"Anong course mo?"nag isang guhit ang aking labi.
"Accountancy,"
"Alam mo na kung saan ang building? samahan ka namin."alok niya.Bakit ang bait nang lalaking ito?iba siyang tumingin salin, hindi katulad ng ibang lalaking nakakasalamuha ko.Ang tingin niya ay hindi mapanglait,wala akong nababasang panghuhusga sa kanyang mga mata.
"Ah,oo.Syaka huwag na ba'ka nakakaistorbo ako."tipid akong ngumiti sa kanya at tumingin doon sa babaeng katabi niya na nakangiti na sakin ngayon.
"You sure? break time naman namin, pwede ka naming ihatid 'don."ani nang babae.
Ikinumpas ko ang aking kaliwang kamay upang tanggihan ang kanilang alok.Baka nakakasagabal na ako sa kanila, nakakahiya naman.Mukhang mag boyfriend ang dalawang ito.Masaya ako para sa kanila, sana hindi na sila maghiwalay.
"Huwag na,salamat.Syaka kaya na'to."ngumiti ako sa kanilang dalawa...bagay sila.
"Okay then, you can call me if may kailangan ka ah?"nagulat ako dahil sa sinabi ng babae,seriously?bakit sobrang bait ng dalawang ito?
"Sige,"
"By the way i'm Sunshine,"inalok niya ang kanyang kamay at magiliw ko naman iyong inabot.
"Ele,"at binataw na ako, napadako naman ang aking tingin sa malapad na kamay na lumahad sa aking harapan.
"Ako ba? hindi mo kakamayan? Ilang beses na tayong nag kita pero hindi pa rin ako nakakapag pakilala sayo ng pormal."mahina siyang tumawa.
Inabot ko ang kanyang kamay"Ele nga pala."randam na randam ko ang init ng kanyang palad, sakop na sakop nito ang aking kamay.
Inaantok ako habang nag sasalita ang professor namin sa harapan, ugh! ayoko talaga ng math! bakit ba ito ang kinuha kong course?
Pagkatapos kong makilala ang dalawa kanina ay pinilit pa rin nila akong ihatid sa building ko.Napangiti nalang ako noong maalala ang inisan nila kanina.Para silang aso't pusa,at nakakatawa lang dahil parehong nalukot ang kanilang mga mukha noong tinanong ko kung mag boyfriend ba silang dalawa.Agad itinanggi iyon ni Dani,si Sunshine naman ay lukot na lukot ang mukha habang namumula.
Nakahalumbaba lamang ago habang nagsasalita si Mr Cruz said harapan,matangkad siya at may kapayatan,malaki and salamin sa kanyang mga mata—mukha siyang terror na teacher.Hindi ko maiwasang mapairap sa t'wing ipagmamalaki at ipagmamayabang niya samin kung ano siya noong collage.Dinidikdik niya kami para lang itaas ang sarili niya.Nakakainis.
“Sinasabi ko sa inyo,magsitino kayo! tingnan niyo nga ako,abah!hindi ako ganyan noong collage ako.”
Psh.
"Tsk,here we go again."inis na bulong ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.Pinagtaasan ako ng Kilay lalaki"What?"anya niya nang walang boses.
Pinagtaasan ko rin siya ng kilay.Nagtataka.
Napangiwi siya.
Inalis ko na ang aking paningin sa kanya at tumingin na lamang sa harapan.
Napapangiwi na lamang ang mga kablockmates ko no idinikdik kami ng idinikdik ni Mr Cruz.
Pagkatapos ng subject niya ay agad na akong lumabas ng room,mukhang wala namang gustong makipag kaibigan sakin.Dala na ako...pakiramdam ko ay mahihirapan akong magtiwala muli sa ibang tao,pakiramdam ko lahat sila ay lolokohin lamang ako—ayoko nang ganoon,gusto ko yung puro, yung totoong kaibigan ang turing sa akin at hindi...basura.
Pumait ang panlasa ko dahil sa naalala,wala na akong balita sa kanilang dalawa buhat noong lumipat kami ni Dada dito sa manila. Dineactivate ko lahat no social media account ko para madali akong makamove-on sa ginawa nilang panlilinglang sakin.
Hingal na hingal ako nang makapunta sa tapang palapag kung nasaan ang susunod na subject ko. Lintek! kung araw araw akong aakyat sa six floor na'to at baka pumayat ako.
Ang mga kamay ko ay nasa aking tuhod,hulas na hulas ako sa pawis,pinunasan ko ito ng likod ng aking palad,ramdam na random ko ang panginginig ng mga bilbil ko.Nang mahimasmasan ay tumuloy na ako sa room ko.Nag hanap agad ako ng upuan,napabusangot ako nang dalawang upuan nalang ang walang umuupo.Nasa pinaka harap ang isa—at ayoko doon!,at ang isa naman ay yung nasa likod ng upuan na nasa harapan.Humugot ako ng hininga at lumapit sa upuang nasa likod ng upuan na nasa unahan.Akmang ilalagay ko na aking bag doon ng may pabarag na may naglagay ng ibang bag doon.Kunot noo akong tumingala sa salarin,pinagtaasan ako ng babae ng Kilay ay umupo,napangiwi ako sa kanya ng irapan niya ako.
Sundutin ko mata mo,e!
Humalukipkip pa ito habang nakatingala sakin habang nakataas ang isang kilay.
Mukha siyang matapang, sa tikas niya ay mukhang hindi siya magpapatalo sa akin.
Mabuti nalang at magaling akong magpigil, kung hindi ay baka nadaganan ko na siya.Kainis!ayoko dito,baka lagi akong tawagin ng professor—wala pa naman akong Utak.
Inis akong umupo sa upuan sa harapan at hindi ko na nilingon ang babaeng nasa aking likod.Ramdam na ramdam ko ang mala kutsilyo niyang mga mata dahil sa sobrang talim.
Napapairap nalang ako sa hangin, ayoko nalang siyang pansinin dahil unang araw ko ito sa university,ayokong magkaroon ng kaaway.
Maya maya lang ay dumating na ang professor namin,mukha siyang mabait,balingkinitan ang katawan at maganda,maamo ang kanyang mukha at Morena.
Hindi katulad kay Mr Cruz at hindi ako inantok sa teacher na ito,kahit pa ang lambing ng boses niya.
Nang mag break time at gutom na gutom ako, ramdam na ramdam ko ang pagrereklamo ng mga fats ko.
Mahaba ang Pila ng makarating ako sa cafeteria,mukhang mga senior ito.Napabusangot ako dahil kumalam ang sikmura ko.
Agad akong pumila doon at kulang nalang tumulo ang laway ko sa sobrang pagkatakam.
Halos tumalon ako sa saya ng ako na ang susunod sa pila pero may biglang sumingit sa aking harapan at Tinunggo pa nito ang braso ko.Kumuyom ang aking panga,talaga bang uso sulutan ngayon?
Tumingin siya sakin at tiningnan ako hanggang ulo,hanggang paa.
"Oposs sorry,"sarkastikong anya nito at inirapan ako.
Lintek na 'yan,huminahon ka Ele.Baka may mapipi ka nang wala sa oras.
Hindi ko na lamang siya pinansin at bumuntong hininga,nang makaalis na siya sa harapan ko ay salubong na salubong ang aking kilay.
Ano bang problema ng babaeng yon?
Nang maka order na ako ay binuhat ko ang aking tray, biglang nawala ang pagkainis ko dahil sa mga pagkain.
Napasadahan ng aking paningin ang babaeng nanguna sa Pila kanina,mukhang seniors ito at cheer dancer pa.Nakasunod ang tingin niya—nila,nakatingin silang lahat sakin.Pati iyong tatlong lalaking kasama nila sa mesa kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin din sa kanila.May mga mapaglaro silang ngisi sa Labi.Nagkibit balikat na lamang ako,siguro ay pinagtatawanan na nila ako ngayon dahil sobrang katabaan ko...sanay na naman ako.
Pumwesto ako sa hindi kalayuan sa kanila dahil ito na lamang ang natitirang lamesa.Nahagip ng paningin ko ang babaeng sinulot ang upuan ko kanina.Nasa likuran ko siya at siya lang mag isa,kung titingnan mo siya ay parang wala siyang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya.Agad akong napaiwas ng tingin ng tumingin siya sakin habang nakayuko siya at ngumunguya,mata lamang ang gumalaw.
Agad akong napatingin sa harapan ko at napalunok.
Bakit nakakatakot ang babaeng ito?
Tumikhim ako at sinimulan ng kumain,ngunit sa kabila ng pagkain ko ay nakita kong tumayo iyong mga mukhang senior kanina at nakahingising lumalapit sa akin.Nasa unahan nila iyong babaeng nanulot ng pila kanina.
Napatigil ako sa pagnguya at dinambahan ng kaba ang aking dibdib ng kaba.
Ayoko nga sabi ng gulo!
Itinanday ng babae ang kaliwang braso niya sa mesa at sinilip ang mukha ko.Hindi ko maiwasang mapalunok.
"Hoy taba,"hinawi niya ang pagkain ko,dahilan upang mahulog ito sa lapag.
Lintek na yan.
Mangiyak ngiyak ako habang nakatanaw sa pagkaing nasa sahig.Sayang!
Hindi ko pinansin ang babaeng nasa aking harapan at nakatitig lamang doon sa pagkaing natapon,napatingin lang ako sa kanya ng dinuro niya ang noo ko ng dalawang beses.Pabarag kong inalis ang kamay niya.
"Problema mo?"asik ko.
Mukha siyang nainis dahil sa pabalang kong tanong,pero agad niya itong pinalitan ng nakakalokong ngisi at tumingin sa kanyang mga kasamahan"Palaban ang isang 'to."tumawa pa ito.
"Akin na yang mga pera mo."Anya niya ng bumaling ulit sakin.Napupuno ng kaba ang dibdib ko, pasimple kong inilibot ang paningin ko kung may tutulong ba sakin, pero may sari sariling mundo ang mga tao dito.
Tumingin ako sa mga mata niya kahit naluluha na ako dahil sa takot,kung pag titripan nila ako dito at mukhang walang tutulong sa akin.
"Wala,"matabang na anya ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong kapkapan,nagpumiglas ako peep hinawakan ako ng dalawang lalaki.
"Wala akong pera!"hindi ko na napigilang hindi pumiyok ang aking boses.
Pero hindi nila ako pinansin,ang mga tao doon ay nakatingin lang sakin at walang ginagawa.
Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko"Please...please, wala akong para."unti unti akong nawawalan ng pag asang may tutulong pa sa akin.
"Nakaka-awa ka,i pity you."napatigil ang babaeng kumakapkap sakin ng magsalita ang babaeng nasa aking likuran.
Nalugmok ako,gusto kong humagulgol,sobrang nakaka awa na nasa talaga ako?
Ngumisi ang babaeng kumakapkap sa akin at tumingin sa babaeng nasa aking likod.
"Yeah,nakaka awa siya."Anya ng babaeng kumapkap sakin.
Narinig ko ang tunog ng upuan,ramdam ko mula sa aking likuran na tumayo ang babaeng nasa aking likod mula sa pagkakaupo.
Matunong itong siya"Hindi siya,ikaw...nakaka awa ka,"napalunok ako.Hindi mababakasan ng takot ang boses niya.
Napatigagal naman ang babaeng nasa aking harapan"W-What?"
"Wala ka na bang pera para kumuha ng pera ng iba?kulang ka sa pansin no?"pumilantik ng tatlong beses ang bibig nito.
"How dare you!"
"Anak ng—Bitawan niyo nga yan."ang boses niya ay mababakasan ng kaseryosohan.
"Sino ka ba para utusan Kami?"tanong ng isang lalaking may hawak sakin.
"Ako? ako ang papatay sayo pag hindi mo binitawan yan."walang emosyon ang boses nito.
"Ano—ahhh!"hindi na natuloy ang sasabihin ng lalaki ng hinawakan niya ito sa palapulsuhan kung saan ito nakahawak sa akin at piniga iyon at pinalagutok.
Bigla naman akong binitawan ng isang lalaki kaya agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo na palabas ng cafeteria sa sobrang takot,ang huling nakita ko na lamang ay ang akmang sasabunutan sana siya ng babaeng kumapkap sa akin ngunit naibagsak niya agad ito sa lapag.
Salamat.

Komentar Buku (141)

  • avatar
    Del AlfredoRey

    5 star

    14d

      0
  • avatar
    TobiasMerlita

    😮‍💨😮‍💨

    23d

      0
  • avatar
    Erick Veer Teleron

    very nice

    25d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru