logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 3

Lumipat.
Ngumiti siya sakin at kumaway,tipid na tipid ang aking ngiti dahil ramdam na ramdam ko pa 'rin ang hapdi sa aking dibdib.Pumasok ako doon at wala sanang balak na tumabi sa kanya ngunit bigla niya akong tinawag.
"Miss!"anya niya habang kumakaway sa akin.Hindi ko alam kung paano makikipag usap dahil pakiramdam ko ay dinudurog ako ng paunti-unti dahil sa ginawa ni Grei sakin kanina.Tumingin ako sa kanya at nagdalawang isip pa ako kung lalapit ba o hindi, ngunit natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka-upo sa katapat niyang upuan.Malaki ang ngiti niya sa akin. Ang kanyang kulay asul na mga mata ay puno ng galak.
"Diyan ka'ba nag-aaral?"tanong niya.
Tumango ako at ngumiti"ikaw ba?"patungkol ko kung saan siya nag-aaral.
Umiling siya at tinawag ang waiter"Sa San Nicolas University ako, graduating ng architecture."ngumiti lamang ako ng tipid,hindi ko kayang ngumiti ngayon dahil naaalala ko ang mukha ni Grei kanina sa cafeteria.
Bigla na lamang akong nailang noong hindi niya inalis ang kanyang titig sa akin na tila binabasa ako, naputol lamang iyon ng dumating na ang waiter.Ngumiti siya sa walter at umorder.Nagulat na lamang ako ng pati ako ay dinamay niya doon.Napalunok na lamang ako noong inilapag ng walter ang tatlong klaseng cake sa aking harapan at malamig na chocolate.Matunog ang aking paglunok,naputol ang paninitig ko sa pagkain noong marinig ko siyang tumawa kaya napa-angat ang aking tingin sa kanya.
"Anong nakakatawa?"umiling siya at sinabing kumain na lamang kami.Agad akong sumubo doon at napapikit nalang sa sarap noong namuot sa aking dila ang lasa.
"Bakit ba lagi tayong nag kikita?"pabirong anya ko.
"Hmm?ba'ka destiny?"humalakhak siya.
Napangiwi ako, gusto ko sana siyang irapan.
"Luh?ba't ang sama ng mukha mo?hindi ka na lugi sakin."doon na ako napairap,may kahambugan din pala ang isang ito.
"Hambog ka rin no?"biro ko.
"Hindi ako hambog,sadyang honest lang ako. "tumaas ang sulok ng kanyang labi.
Noong natapos na kaming kumain ay babayaran ko sana siya ngunit agad siyang tumanggi.Nilunok ko na lamang ang hiya ko dahil sayang din iyon.
Inihatid niya ako hanggang gate ng unibersidad,tinanaw ko pa siya hanggang sa makasakay siya sa kanyang sasakyan. Nang tumalikod na ako syaka ko lamang naalala na hindi ko pa pala naitatanong ang kanyang pangalan.
Mabuti na lamang ay wala akong klase, naglalakad ako ng makasalubong ko ang dalawa. Nakaakbay si Grei sa kanya. Napatigil sila ngunit ako na mismo ang lumampas sa kanilang dalawa.
Ako ang inaakbayan niya dati, ako ang kasakasama niya dati, masaya siya tuwing kasama ako dati.
Dati iyon Ele...
Ang hapdi ay dahang dahang gumapang papunta sa aking dibdib.Pumikit ako upang pigilang mapaluha.
Dumiretso na ako sa room at umupo agad ako sa upuan. Hinihiling ko na sana mayroon akong kaibigan na mapag ka katiwalaan...o kaya ko pa bang magtiwala pagkatapos ng ginawa nila sa akin?
Nagbukas ako ng facebook at agad na bumungad sa akin ang relationship status ng dalawa.Nanginginig ang kamay kong pinatay ang aking cellphone.Hindi na talaga nila ako nirespeto man lang...kahit iyon lang. Kung umasta si Grei ay parang wala kaming pinagsamahan...parang hindi niya ako minahal...o minahal niya nga ba ako?
Lahat nang tanong iyon ay paikot-ikot sa utak ko, paikot ikot na parang sirang plaka.Kahit na dumating na ang professor namin ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga tanong na iyon. Hanggang sa mag-uwian na ay akupado pa rin ng mga tanong iyon ang isipan ko, para akong lumulutang sa sakit na hindi ko alam kung kailan ako maka-bababa.
Ayaw akong pasakayin ng mga tricycle driver, lagi nila akong tinstanggihan dahil sakop ko daw ang upuan. Mabuti nalang ay mabait ang isang driver at pinasakay ako. Nagbayad na lang ako ng isang daan noong makababa.
Pagkapasok ko sa bahay ay bumungad sa akin ang tiyahin ko. Ang totoo ay ayoko sa kanya, lagi niya akong nilalait at pinagkukumpara sa iba.
"Mabuti at dumating ka'na...Jusko naman Ele!ang taba taba mo, mabuti pa yung pinsan mo si Janice 24 ang size ng bewang!"sinusundan niya ako papuntang kusina habang dumadakdak. Wala akong pakialam, wala silang pakialam sa buhay ko, wala akong paki kung sexy si Janice. Buhay ko to, at ako ang mag dedesisyon.
Nang nasa harap na ako ng ref ay humarap ako sa kanya at kinuha ang kanyang kamay upang mag-mano,hindi ako sumagot, kahit na dakdak siya ng dakdak sa timbang ko.
Kumuha nalang ako ng pagkain at pumunta sa hapagkainan"Ayan!kaya ka tumataba!kain ka ng kain!tingnan lang natin kung may magkagusto sayo—may boyfriend  ka nga pala a noh? Nakow! ano kayang nakita sayo non at nagustuhan ka?"humalakhak siya.Nagbingi bingihan ako, kahit masakit. Ano nga bang nagustuhan sakin ni Grei? ano nga bang nakita niya?
Ano nga bang nagustuhan niya sakin?kasi wala akong marandaan na sinabihan niya ako ng maganda o anumang matatamis na salita...wala.
Bumigat ang pakiramdam ko ngunit tinuloy ko lang ang pagkain at patuloy pa rin si tiya sa pag dikdik sakin.
Wala na akong maintindihan mula sa lumalabas sa kanyang bibig. Subo na lang ako ng subo kahit hindi ko malasahan ang aking kinakain. Nang tapos na ako ay basta na lamang akong tumayo at nilagay sa lababo ang pinggan.
"Aba'y bastos ka ngang talaga ha'no! kinakausap pa kita."naglakad na ako paakyat ng hagdan at hindi na talaga siya pinansin.Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang na sana ay hindi ipamukha sakin kung gaano ako kataba,dahil alam na alam na ng aking sarili iyon at hindi na kailangan pang ipangalandakan sa aking pagmumukha.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng banyo na nakatapis lamang at humarap sa salamin. Unti unti kong inalis ang pagkakabuhol ng tuwalya sa aking dibdib, dahilan kung bakit nahulog ito sa lapag.
Nanlumo ako nang makita ang aking tiyan na puro bilbil, ito ba? ito ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan? hindi mo ba tanggap kung ano ako Grei?hindi mo ba tanggap na nagkaroon ka ng relasyon sa isang babaeng mataba?
Gumuhit ang sakit sa aking dibdib,dahilan upang mapapikit ako ng mariin. Gusto kong sumigaw , gusto kong magwala,pero may maitutulong ba iyon upang mapawi ang hapdi?
Nang imulat ko ang aking mga mata ay bumagsak ang aking paningin sa mukha ko. Makinis na mukha, mapungay na mga mata at magandang korte ng ilong at labi.Kitang kita sa aking repleksyon sa salamin kung gaano ako nasasaktan.
Lumipas ang isang linggo mula noong naghiwalay kami ni Grei,alam na rin ni Dada ang nangyari.Nagalit siya ngunit sinabi kong hayaan na lamang.Hindi ko rin naman mapagkakailang namimiss ko na siya, ang yakap niya, ang boses niya, ang init ng halik niya... lahat, pero mukhang kay Hera na niya ginagawa ang lahat ng iyon.
Naisip ko rin na pwede ba talagang mawala nalang bigla bigla ang pagmamahal mo sa isang tao?pwede ba iyonh gigising ka nalang isang araw ay sa iba na tumitibok ang puso mo? sa tingin ko ay hindi... siguro nga ay hindi talaga ako minahal ng lubos ni Grei.
"Ele...ayos ka lang ba talaga? nag aalala ako sayo."anya ni Dada habang nasa hapagkainan kami.Tipid akong ngumiti at tumango"Oo naman Da, ang daming lalaki diyan, itlog siya."
Hindi siya tumawa,nanatili sa kanyang mata ang pag-aalala.Ngumiti ako at sinabing ayos lang.Parang nag sisisi na tuloy akong sinabi ko pa sa kanya ang tungkol sa aming dalawa ni Grei.
Nang makarating ako sa university ay papasok na sana ako ng gate ng makasalubong ko si Grei,ang lalim ng tingin niya sa akin na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Agad akong umiwas ng tingin dahil para akong napapaso.Ano ang problema niya? hindi ako nanggulo sa kanila ni Hera, wala silang narinig sa akin. Sadyang napuno lang ako noon sa cafeteria kaya ko siya nabigyan ng sampal.
Nilagpasan ko na siya na parang hindi kami magkakilala,na parang wala kaming pinagsamahan.Randam na ramdam ko na nakasunod sa akin ang kanyang paningin pero isinantabi ko na lamang iyon.
Pati ang mga picture namin sa social media ay binura na niya,hindi niya na talaga ako siguro maatim.Tuwing nakakasalubong ko sila ni Hera ay iba ang ningning ng mga mata niya na hindi ko nakita noong dati sa akin.
Pumasok na ako sa room at umupo na lamang sa aking upuan. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, lahat sila ay may kaibigan, may katawanan.Gusto kong magkaroon ng kaibigan ngunit nahihirapan na ako ngayong magtiwala sa ibang tao.
Mabuti nalang at walang quiz ngayon at puro discussions lang, inaantok ako dahil wala akong maintindihan. Unti unting bumagsak ang talukap ng aking mga mata.
Nagising lamang ako noong may naaamoy akong nasusunog. Malabo ang aking mga mata noong dumilat ako dahil sa makapal na usok na pumapalibot sa kinaroonan ko.Hindi na ako makahinga dahil nalalanghap ko ito.Bago ako mawalan ng malay ay nakarinig ako ng kalampag sa pinto.
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang kulay puting dingding. Ipinalibot ko ang aking paningin sa paligid at nahagip nito ang swerong naka kabit sa akin. Akmang uupo na ako nang bumukas ang pinto at pumasok doon ang taong hindi ko inaasahan.
"Anong ginagawa mo rito? at bakit ako nasa hospital?!"inis na bulyaw ko sa kanya.Lumagutok ang kanyang panga at umiwas ng tingin sa akin, hinilot niya ang kanyang sentido.
"Nawalan ka ng malay okay? pwede ba huwag kang sumigaw?nakakahiya sa ibang tao rito."inis niyang banggit.
Binunot ko ang swero sa aking kamay. Hanggang ngayon ay ikinahihiya niya pa rin ako.
"Anong ginagawa mo?"agad siyang lumapit sa akin.Tinabig ko ang kanyang braso at tumayo na.
"Malamang uuwi na, ayoko kitang makasama. "dahil sa tuwing tinitingnan ko siya ay nasasaktan at naaalala ko lamang ang ginawa nila sakin ni Hera.
"Hindi pwede, ano ba?"angal niya. Hinawakan niya ako sa braso at agad niyang inalis iyon, tila ay napaso.
Hinawi ko ang Kurtina at naglakad palayo.Ramdam ko ang pagsunod niya sa akin at tinatawag niya pa ang aking pangalan ngunit hindi ko siya nilingon.Nang makalabas na ako ng hospital ay hinigit niya ako sa braso.Inis akong tumingin sa kanya.
"Ano bang gusto mo ha!?"
Lumamlam ang kanyang mga mata"Ihahatid na kita..."binawi ko ang aking braso.
"Kaya ko na mag isa!"
Akmang maglalakad na sana ako ngunit hinigit na niya ako sa bewang.
"Ano bang gusto mo Grei?!pwede ba? hayaan mo nalang akong umuwi."dumaan ang sakit sa aking dibdib ng tumingala ako sa kanyang mukha.
"Ele...please,ihahatid kita."inalis ko ang kamay niya sa aking braso at umatras, hindi ko na mapipigilan pa ang aking pagsabog.
"Ano ba to ah!? bakit parang concern ka?pwede ba? huwag mo kong paasahing na nag aalala ka sakin!? dahil alam kong hindi naman totoo yan!"nagulat siya sa biglaan kong pagsabog. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
Bakit ba concern siya ngayon? hindi ba ay wala siyang pakialam sa akin!?ayokong umasa sa taong katulad niya.
Ginamit ko ang kanyang pagkabigla at tinalikuran na siya. Pumara ako ng taxi at umuwi sa bahay.
Pagpasok ko sa sala ay nadatnan ko si Dada na nakaupo sa sofa habang umiiyak. Agaran akong lumapit sa kanya. Napuno ng pag alala ang aking dibdib.
Tinanong ko kung anong nangyari ngunit mas lalong lumakas ang kanyang hikbi.Kinuha ko siya ng tubig at pinainom nito. Nang mahimasmasan na siya ay doon na ako nagimbal sa kanyang sagot sa akin.
"W-Wala na ang lola mo Ele...k-kailangan na nating lumipat sa manila... "

Komentar Buku (141)

  • avatar
    Del AlfredoRey

    5 star

    14d

      0
  • avatar
    TobiasMerlita

    😮‍💨😮‍💨

    23d

      0
  • avatar
    Erick Veer Teleron

    very nice

    25d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru