logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2

Nauna na.
MABIGAT ang dibdib ko habang tanaw-tanaw si Hera na papalayo sa akin.Bakit ganoon?bakit niya nagawa sa akin lahat ng iyon?sa pagkakatanda ko ay wala akong ginawang masama sa kanya.Unti unting nag-init ang magkabilang gilid ng aking mga mata at natagpuan ko nalang ang sarili na yumuyugyog na pala ang aking balikat.
Kapatid ang turing ko sa kanya,ngunit bakit mukhang hindi niya nakita 'yon?
Suminghap ako nang hangin upang pigilan ang aking mga luha,ngunit wala rin iyong nagawa dahil naiiyak pa rin ako.Hindi na ako naka kain at pumunta na lamang sa kwarto.
Ngayong araw...dalawang tao ang nawala sa buhay ko.Dalawang taong minahal ko ng lubos,pero sinaktan lamang nila ako.
Handa naman akong tanggapin si Hera basta't mag paliwanag siya at bigyan niya ako ng panahon para makapag isip-isip,ngunit hindi niya ginawa...ang mas malala pa ay hindi niya ako tinuring na kaibigan.
Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.Buong gabi akong umiiyak at nasa ganoong kalagayan,ni hindi na ako nakaligo at nakakain dahil sa sobrang sakit.Tinraydor ako ng dalawang taong mahal ko,tinalikuran at ginawang tanga.
Papasikat na ang araw pero ito ako,patuloy pa ring lumuluha habang naka tingin sa dingding ng aking kwarto.Kung hindi pa kakatok si Dada sa pinto ay hindi ko pa ma-mamalayan na umaga na pala at kailangan kong gumayak at pumasok sa kursong hindi ko naman gusto.
Dahil sa katabaang ito ay pati ang pangarap ko ay hindi ko makuha,hindi ko maabot.Ni hindi ko man lang maisip na naka suot ako ng pang flight attendant dahil sa taba ko.
"Ele?gising ka'na ba?gumayak ka na,nagluto na ako.Bumaba ka nalang ah?" anya ni Dada sa labas ng aking pinto.
"Nandyan na po," matamlay na sagot ko sa kanya.Tumayo na ako kahit sobrang bigat talaga ng dibdib ko,and gusto ko na lamang ay humiga buong araw sa kama at umiyak ng umiyak,gusto ko munang ilabas ang lahat ng sama ng loob ko bago ko sila harapin,ngunit hindi pupwede.Kailangan kong pumasok dahil doon na lamang ako bumabawi,hindi ako magaling sa academics,accountancy ang aking kurso ngunit hindi ko talaga ito gusto.
Gumayak na ako at bago ako lumabas ng pinto ng kwarto ay nagbuga muna ako ng hangin bago pihitin ang saradura nito,ngumiti ako dahil ayokong makita ni Dada na nalulungkot ako,ayokong mag-alala siya sa akin.Dahil alam kong marami 'rin siyang problema at ayoko ng dumagdag pa.
"Ele,halika na.Kain na tayo." nag-aayos ng hapag kainan si Dada ng lumabas ako.Mas nilakihan ko pa ang aking pagkakangiti,kahit na salungat iyon sa aking nararamdaman.
"Ang bango naman 'yan Da! the best ka talaga,maganda ka na,magaling ka pang magluto." sinubukan kong paga-anin ang aking nararamdaman sa pamamagitan nito.Mabuti na lamang ay nilagyan ko ng maraming concealer ang ilalim ng mata ko,kung kayat hindi niya napansin ang pangingitim nito.
Umupo na ako at nagningning ang aking mga mata ng makita ang mga pagkain sa lamesa,kumalam ang sikmura ko dahil kagabi pa nga pala ako hindi pa kumakain.
Mas mabuti pang dito ko na lamang ibuhos sa pag kain ang lahat ng sama ng loob kaysa sa umiyak.
Kumuha ako ng maraming kanin at ulam,halos gabundok na ang nilagay ko.
"Hay na'ko,matagal ko ng alam na maganda ko,etchos kang bata ka.Gusto mo lang ata ng dagdag baon!"biro niya habang natatawa.
Tumingin ako sa kanya na nasa aking harapan"Pwede ba?"ngumisi ako.
Ngumuwi siya"Ano namang ipangbibili mo ri'ne ha?"
"Pagkain." sabay kaming humagikgik.
"Sige mamaya,tapusin mo muna 'yang pagkain mo.Nasa harapan mo na ang pagkain,tapos pag kain na naman yang nasa isip mo." sinasabi niya iyon habang sinasandukan pa ako ng kanin kahit punong puno na ang pinggan ko.
"Yan gusto ko sayo,ganda ka eh." ngumuwi siya.
"Alam ko na nga,"
Malaking tulong talaga tuwing nakakausap ko si Dada,kahit hindi ko pa sinasabi sa kanya ang problema ko ay napapagaan niya ang loob ko.Maswerte ako dahil nandyan siya,masaya ako dahil inalagaan niya ako kahit hindi niya ako totoong anak.
Totoo nga ang sinabi ni Dada,pagkatapos naming kumain ay binigyan niya ako ng isang libo.Sabay na kaming umalis ng bahay at sumakay ng tricycle, may parlor na nirerentahan si Dada at madadaanan iyon bago sa university.Nagpaalam na kami sa isa't isa noong bumaba siya.
Pagkarating ko sa university ay papasok na sana ako sa gate ng mapasadahan ng aking paningin ang dalawa.
Sina Grei at Hera.
Ramdam na ramdam ko ba parang hinihiwa ang aking dibdib ng tanggalan ng lalaki nang helmet sa ulo si Hera at hinalikan sa ulo.Mukhang masayang masaya sila.
Dating ginagawa niya sa akin iyon,dati...dati Ele.
Pumikit ako ng mariin ng maramdaman na may bumabara sa aking lalamunan.Tinalikuran ko na sila bago ba ako maiyak.
Mabigat ang aking mga hakbang,nanghihina ang aking tuhod pero pinilit ko pa ring ihakbang ito palayo sa kanila.Palayo sa masakit na tanawing iyon.
Pumasok na ako ng gate at binati pa ako ng guard ngunit hindi ko siya napagtuunan ng pansin.Masyadong masakit at mabigat ang dibdib ko.Pero kahit anong pilit kong hindi maiyak ay may tumulo pa ring luha sa aking kaliwang pisngi.
Tatlong taon,tatlong taon ang sinayang ni Grei.Tatlong taon na umikot ang mundo ko sa kanya,ngunit itinapon niya iyon ng parang basura.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi at binilisan ang lakad dahil naririnig ko ang boses ng dalawa sa aking likod na mas lalong nag papadurog sa akin.Parang wala ako sa harapan nila,parang wala silang nasaktan kung mag-usap sila,parang wala silang nadurog na tao.
Mas binilisan ko ang paglalakad at lumiko sa kaliwa kahit hindi ko ito building,ayoko lang na marinig ang usapan nila,kung paano sila mag tawanan at maglambingan ay humihiwa sa dibdib ko.
Nang makalampas sila ay doon lamang ako huminto,suminghap ako upang hindi ako tuluyang maiyak.
Tulala ako habang naglalakad at papunta sa building namin.Pinagpa pasalamat ko dahil mag kakaiba kami ng kurso.
Nang makaupo ako sa aking upuan ay agad akong nilapitan ng aking ka block mates na si Shiela.
"Ele,hiwalay na kayo ni Grei?in relationship na siya kay Hera sa facebook." tumabi pa sa akin ang babae,at walang pakialam kung masasaktan ba ako sa sinasabi niya.
Natawa ako ng mapakla,hindi man lang siya naghintay ng kahit isang linggo lang.Hindi man lang niya ako nirespeto bilang dating girlfriend.
Hindi ko siya sinagot at inirapan na lamang,ayokong makipag usap sa mga taong nakikichismis lang.Ginantihan ako ng irap ng babae at umalis sa aking tabi.
"Che!buti nga hiniwalayan ka ni Grei!luminaw na ang mata!" bubulong bulong niya pero naabot pa rin ng aking pandinig.
Umismid ako at muli siyang inirapan, napaka insensitive ng babaeng ito.Hindi man lang nagdahan dahan sa mga sinasabi.
Dumating na ang prof namin at hindi ko maipasok lahat sa utak ko lahat ng kanyang sinasabi dahil parang nabingi ako.Lumilipad ang aking isipan.
Paano kaya nagawa sa akin ni Grei iyon?paano niya ako nasikmurang lokohin at sa kaibigan ko pa?paano nila akong nalokong dalawa?paano nila naatim iyon?
Agad kong pinunasan ang luhang lumabas sa aking mata,nangamba na baka may nakapansin.Inilibot ko ang aking paningin at napahinga nalang ng malalim ng tutok na tutok sila sa harapan.
Noong nag lunch break at mag-isa akong pumunta ng cafeteria,si Hera lang ang nag iisa kong kaibigan at wala ng iba.Kaibigan na tinraydor ako.
Kumalam ang sikmura ko habang naglalakad kaya napahawak ako doon.Lagi naman akong gutom at nakaka gutom talaga kapag malalim ang iniisip.
Nang makarating ako sa cafeteria ay umorder na ako ng mga pagkain at Nag hanap ng mapupwestuhan at maswerte pa rin ako at may natitira pang isa.Napangiti ako at lumapit doon.Ilalapag ko na sana ang aking tray sa ibabaw ng mesa ngunit may nauna na.Kumuyom ang bagang ko ng makilala ang kamay na iyon.At gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil kilalang kilala ko siya.
"Umalis ka na,may nauna na." walang emosyon ang kanyang boses at bakas na bakas doon ang pagkairita na siyang nag bigay sakit sa akit at dahan dahan dumaloy papunta sa aking dibdib.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at tinago ang sakit sa aking mga mata.Nagtama ang aming paningin ngunit nauna akong bumawi dahil hindi ko kaya.Mas nadadagdagan lamang ang sakit.Pati ang mga mata niya,puro pagkairita na lamang ang mababasa.
"Nauna ako dito." matigas na bawi ko,iniiwasan na mabasag ang boses.
Ngumisi siya ng nakakaloko"Umalis ka na."doon lamang naging nakakatakot ang tono niya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dumapo ang aking palad sa kanyang kaliwang pisngi,lumagapak iyon sa sobrang lakas at alam kong magkakalamat ang kanyang mukha,ngunit kulang pa iyon.Rinig na rinig ko ang pag singhap ng mga tao sa cafeteria at ang mga bulungan.
"Wala kang kwenta Grei,tandaan mo 'yan."pigil na pigil ako na huwag sumabog dahil ayokong maging kaawa awa sa paningin niya.Dahan dahan siyang nag-angat ng tingin sakin at mayroon sa kanyang mga mata na hindi ko malaman kung ano.
"Nag-sisisi akong nakilala kita." at tinalikuran ko na siya.Gusto kong umiyak,at itanong sa kanya kung bakit niya nagawa sa akin iyon,kung bakit kami humantong sa ganito.
Lumabas ako ng university at pumunta sa coffee shop sa tabi ng university. At agad na napatigil nang makita ang lalaki na naka usap ko kagabi.
May kausap siya sa telepono at nakakunot ang noo,tanaw na tanaw ko ang magandang tindig niya mula dito sa labas at naka tingin ako sa kanya sa salaming dingding.Tumutuktok ang kanyang mahahabang daliri sa lamesa ngunit natigil niya iyon ng mapadako ang tingin niya sa akin.

Komentar Buku (141)

  • avatar
    Del AlfredoRey

    5 star

    14d

      0
  • avatar
    TobiasMerlita

    😮‍💨😮‍💨

    23d

      0
  • avatar
    Erick Veer Teleron

    very nice

    25d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru