logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Under the Moonlight : Hideous Trilogy#2

Under the Moonlight : Hideous Trilogy#2

Fouraxes


Simula

Hideous Trilogy#2
                      Maria Eleir Cameno
Sa ilalim ng buwan.
“ELE! come here baby!" Naglalaro ako sa labas ng marinig ko ang boses ni Dada, ang daddy kong beki. Wala akong pakialam kung ano siya, siya ang ama ko. Siya ang the best na Dada sa buong mundo.
Pinagpag ko ang aking kamay na puno nang dumi dahil sa paglalaro ko ng lupa. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak doon at tumakbo sa loob ng aming bahay at masayang sinalubong si Dada. “Dada!” masiglang tawag ko sa kaniya.
“Let's eat, maaga pa ang pasok mo.” masayang sabi niya.
Agaran akong umupo sa upuan at tila kumislap ang aking mga mata ng makita ang mga pagkain. Nanunuot ang amoy nito sa aking ilong at hindi ko mapigilan ang aking sarili na ‘di magutom.
Napabuntong hininga ako ng maalala iyon, kung siguro hindi ako kumakain ng sobrang dami ay payat ako ngayon at hindi ako lumba-lumba katulad ng sinasabi nila sa akin.
“Hoy lumba!” Napatingin ako sa sumigaw ng aking pangalan.
Si Grei...
Ang notorious bully dito sa GBJ Highschool, dito sa Rizal, grade ten na ako pero hindi ko pa rin ma achieved ang gusto kong katawan. Araw-araw at oras-oras niya akong binubuyo! Nakaka inis siya! Kapag ako ay napuno  dadaganan ko ang payat niyang katawan!
Tumingin ako sa kanya at pinanlisikan ng mata. Tila isang kutsilyo ang aking mata na sobrang talim sa pagtitig ko sa kanya ngayon.
Bigla silang tumawa ng mga kabarkada niya habang tinuturo ako. Nananahimik ako dito sa corridor habang nakatanday sa bakal na hawakan tapos mag gagago siya!? Kakainis talaga ang lalaking ‘to!
“Ano ba ‘yan lumba! Mukha kang baboy na manunugod!” Buyo ni Grei, mapaglaro ang kanyang mga mata, basang-basa ko doon ang saya. Naiirita ako sa t‘wing nakikita ko ang saya doon dahil alam kong nag eenjoy siyang bully-hin ako!
Humigpit ang aking bagang noong nag apir sila nang kanyang mga kabarkada at sinabayan pa nang tawa, tila isa akong katawa-tawang bagay sa paningin nila.
Oo na! Ako nang mataba, ako na ang ‘di sexy! Ano naman? Pwes marami akong pagkain!
“Mga bwisit kayo!” inis kong sigaw. Masakit sakin ang mga sinasabi nila pero ayokong ipakita sa kanilang na aapektuhan ako ng mga pangbubully nila. Dahil alam kong mas lalo silang matutuwa at ayon ang ayokong mangyari! Never!
Mas lalo akong nainis ng tumayo si Grei sa upuang inuupuan niya doon sa gilid ng hagdan, hindi na dinadaanan ang hagdan na iyon at tambakan na ng mga sirang silya.
Ang kulay gabi niyang mga mata  ay may angas at may nakapaskil na ngisi na naglalaro sa kanyang labi habang papalapit  sa gawi ko.
“Ano bang kailangan mo? Pwede ba tigilan niyo na ko? Akala niyo naman ang ga-gwapo nyo, mga pangit kayo!” bulyaw ko sa kanya. Nakaka inis na kasi! Araw-araw nalang!
“Ele, correction lang. Sila lang ang pangit, hindi ako.” Mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya. Inulanan siya ng mura ng kanyang kabarkada.
Hindi siya nag sisinungaling, totoong gwapo siya pero pangit ang kanyang ugali.
Makapal at itim na itim na kilay at perpekto ang pagkakakorte nito. Mapungay ang kanyang mata ngunit maganda ang pagkaka-laki nito. Moreno at makinis ang kanyang balat at hindi nagpapahuli ang kanyang tangkad.
Napakunot ako ng noo ng may ilabas siya sa kanyang  bulsa at iniabot ito sa akin.
“Oh, lumba, tss kunin mo na.” Pilit niyang inaabot sakin ang cheese cake na naka plastik pa.
“Anong gagawin ko diyan?” Itinuro ko pa iyon, naiinis talaga ako sa kanya! Pagkatapos niyang buyuin ako ay bibigyan niya ako ng pagkain!? No!
“Malamang kakainin mo—Ohh kunin mo na, nangangawit na ko.” At mas lalo niya pang inilapit sa akin iyon.
Tumingin ako sa kulay gabi niyang mga mata, “Ayoko nga!” angil ko sa kanya.
“Kunin mo na, yung spaghetti ngang ibinigay ko sayo kahapon kinuha mo.” At humalakhak siya at nakakainis iyon sa aking pandinig!
Lalong sumama ang aking mukha dahil sa sinabi niya, padarag kong kinuha sa kanya iyon. Ngumiti naman siya at tinalikuran ko na siya, papasok na sana ako sa pinto ng bigla akong napatigil at nahulog sa sahig ang bigay niyang cheese cake dahil sa kanyang nakakagimbal na sinabi.
“Ele, pwede ba kitang ligawan?” Puno ng kaseryosohan ang kanyang boses, wala akong nakakapang kalokohan dito.
Doon nag simula ang relasyon namin, noong una ay ayoko siyang payagan dahil buyo siya pero hindi ko pa rin napigilan ang damdamin ko.
“Ele, oh.” Inabot niya sakin ang isang cup ng fishball. Nasa labas kami ng unibersidad kung saan kami nag aaral, sa mga naka lipas na taon ay paganda nang paganda ang mukha‘t katawan niya kaya na i-insecure tuloy  ako. Lalo na t‘wing may lalapit sa kanyang babaeng maganda at balingkinitan ang katawan, hindi ko talaga mapigilan na hindi magselos. Sa una ay masaya kami at walang problema... Pero ngayon...
“Ele alis muna ko.” malamig niyang paalam sakin at sabay tapon ng cup sa basurahan.
“Hindi mo ko ihahatid?” tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot at tinalikuran na niya ako at nag simulang maglakad papalayo sa akin.
“I love —” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng lumapit sa kanya ang kanyang mga ka-block mates. Nag isang guhit ang aking labi at naitikom ko ito.
“Ano ba yan tol, hindi ka ba nagsasawa sa girlfriend mo?” tanong ng isang kasama niya.
Parang gusto ko nalang takpan ang aking tainga ng aking palad dahil nasasaktan ako, hindi ko naman itinatanggi na mas lalong dumoble ang aking timbang sa mga naka lipas na taon. May lungkot na bumabalot sa dibdib ko noong narinig ko siyang tinawanan lamang ito.
Masakit sakin na nakikita na nagiging ganito ang relasyon naming dalawa, kung kumilos kasi siya ay parang walang ‘ako’ na parang wala siyang girlfriend. Hindi ko alam kung bakit nag kakaganyan siya, dahil ba mas lalo akong tumaba...? O hindi na niya ako mahal?
Para akong sinipa sa sikmura sa isiping iyon, mahal ko siya—mahal na mahal ko siya.
Dahil sa pagkadismaya ay hindi ko na nakain pa ang fishball na ibinigay niya. Muli akong sumilip ng tingin sa kanya at nakita ko na lamang na mag lalakad na sila papalayo. Bumuga ako ng hangin at masama ang loob kong naglakad palayo sa fish ball-lan.
Hapon na at makulimlim ang langit, mukhang uulan. Pumunta ako sa sakayan ng tricycle upang mamasahe ngunit mas lalong bumigat ang loob ko nang  ayaw akong isakay ng mga tricycle driver. Naiiyak ako, pinamumukha talaga sakin na sobrang laki ko talaga.
“Aba‘y sa iba ka nalang sumakay, miss. Kapag pinasakay kita hindi na makakasakay yung iba.” Napayuko ako sa sinabi ng tricycle driver.
“S-Sige ‘ho manong, salamat nalang po.” Tinalikuran ko na siya, naiinis din ako kay Grei pwes na ihatid niya ako ay sumama siya sa mga ka-blockmates niya at hindi niya pa sinabi sa akin kung saan siya pupunta.
Tumayo ako sa gilid para hindi ko maharangan ang mga estudyanteng sasakay sa tricycle.
Nakatayo lang ako doon hanggang sa wala ng estudyanteng lumalabas sa unibersidad at wala naring tricycle na masasakyan.
Naninikip ang dibdib ko at parang may bumabara sa aking lalamunan ng bumagsak paunti-unti ang ulan.
Kahit malamig ang patak nito ay ramdam na ramdam ko pa rin ang init ng aking mga luha. Pinipilit ko naman magpapayat... Pero, wala eh.
Oo mataba ako, oo malaki ang katawan ko pero sapat na ba ‘yon para ganituhin nila ako?
Sinimulan ko nang maglakad pa uwi, talagang ‘di nakikisama sakin ang panahon.
Pagka uwi ko sa bahay ay agad akong naka rinig ng tili galing kay Dada.
“Bakit basang basa ka?” Agad niya akong dinaluhan at pinayungan. Pagkapasok sa loob ay agad niya akong binigyan ng tuwalya.
“Ano bang nangyari sayo, ha? At basang-basa ka?” Nakapamewang siya sa aking harapan.
“Wala ‘ho Dada...” matamlay na sagot ko. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano tinawanan ni Grei ang kabarkada niya kanina. Masakit.
“Da, akyat muna ‘ho ako.” Wala siyang nagawa ng simulan ko ng umakyat.
Pagkasara ko ng pinto ng kwarto ko ay agad akong humarap sa malaking salamin na nakasabit dito sa dingding nang aking kwarto.
Bumagsak ang balikat ko ng makitang mas lalo akong tumaba. Kahit gusto
kong pigilan ay hindi ko magawa, narerelax ako tuwing kumakain. Pumoproseso ang utak ko at nakakapag isip ako ng tama.
Inabot ko tuwalya na nasa gilid at inilagay ito sa aking balikat at pumasok sa banyo para maligo.
Pagkalabas ko ng banyo ay hindi na maingay ang bubong, senyales na tumila na ang ulan. Pabagsak akong umupo sa kama habang nagpupunas ng mahabang buhok.
Ilang beses na rin akong pinipilit ni Grei na magpapayat dahil hindi daw magandang tingnan at pinag tatawanan daw siya ng mga kasama niya.
Napatigil lamang ako ng biglang mag beep ang aking telepono. Kinuha ko ito at tiningnan.
From : Hera
Ele! Punta ka dito sa event, remember? May booth kaming ginawa? Hindi pwedeng wala ka dito. Aasahan kita.
Napangiti ako ng mabasa ang message niya, parang kapatid ko na si Hera. Ipagtatanggol ko siya sa lahat huwag lang siyang masaktan.
Mas ayos na sigurong magliwaliw muna ako, masakit sa utak ang mag isip-isip.
To : Hera
Ok. OTW
Gumayak na ako. Nagsuot ako ng black t-shirt at pantalon at nag apply din ako ng light make up.
Bumaba na ako at nag paalam kay Dada, hindi na ako kumain dahil baka hinahanap na ako ni Hera doon.
Nag abang ako ng tricycle at dinagdagan ko nalang ang bayad para hindi na siya mag reklamo. Nag pababa ako sa centro at tumawid sa kabilang kalsada dahil nandoon ang event. Napatingala ako at binasa ang pangalan na nakapaskil doon.
KISSING BOOTH
Hindi ko mapigilang hindi matawa, knowing Hera. Active na active siya sa mga ganyan.
Pumasok na ako sa loob at nagbayad, tinatakan nila ako at pinapasok nang tuluyan. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid, maraming tao na nag sasayahan at nag tatawanan. Nag hiyawan sila ng may umakyat na babae sa stage na naka blind fold. Sunod namang umakyat ang isang lalaki, lumapit ito sa babae at unti-unting inilapit ang labi nila sa isa't isa. Nag hiyawan ang mga tao at nag palakpakan. Samantalang ako ay namumula, naalala ko tuloy na sa tuwing hinahalikan ako ni Grei. Madiin at nananakop.
Inaamin kong ilang beses na akong hinaya ni Grei na gawin namin ang ginagawa ng mga mag asawa ngunit hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi ko maibigay sa kanya ang hinihiling niya Nagdadalawang isip ako, hindi pa ako handa.
Iniwas ko ang tingin sa stage dahil mas nagiging mainit ang halikan ng dalawa. Sinimulan ko nang mag lakad-lakad at hanapin si Hera.
Pumunta ako sa beranda, agad akong napangiti ng makita siya doon pero agad na nilipad ang ngiti ko nang may yumakap sa likod niya.
Kilalang-kilala ko ang tindig ng lalaki, mula sa kulay gabi niyang mga mata, lahat.
Ipinatong ni Grei ang kanyang baba sa balikat ni Hera, naka tagilid sila sa akin kaya siguro ay hindi nila ako napapansin.
“Babe, kailan natin sasabihin kay Ele ang relasyon natin?” Hera.
Tumigil ang pag inog ng mundo ko mula sa sinabi ni Hera, hindi ako makagalaw at parang may bumabara sa aking lalamunan.
“I don't know. Tss, lagi nga akong napapahiya. Nakakahiya siyang kasama.” puno ng inis ang boses ni Grei.
Ramdam na ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha, gusto kong takpan ang aking mga tainga para hindi na marinig ang mga sinasabi nila, pero hindi ako makagalaw.
“I love you,” At doon ako nadurog dahil sa lumabas sa bibig ni Grei. Humarap sa kanya si Hera at hinawakan niya sa panga ang babae at dahan-dahang nagtagpo ang kanilang mga labi.
M-Mahal niya si Hera? Pero ano ako? Paano ako? Hindi na niya ako mahal, ganon ba?
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa harapan na nilang dalawa.
Madiin ang pagkakasara ng aking kamao dahilan para bumaon ang aking mga kuko sa aking palad. Agad silang
napatigil at napatingin sa akin, gulat na gulat ang kanilang mga mukha. Pumapait ang aking panlasa.
“Anong ibig sabihin nito?” Napapikit ako ng manginig ang aking boses.
“E-Ele,” Hera.
“I‘m  breaking up with you, Ele.” anas ni Grei, tila nanginig ang aking dibdib, tumigil ang aking paghinga. Umawang ang labi ko at tila hindi makapaniwala, parang hinihiwa ang dibdib ko sa sobrang hapdi.
“A-Ano?” Sinisigurado kong puro sakit na lang ang makikita sa aking mukha habang naka tingin sa kanya.
“Hiwalay na tayo, Ele look. Magising ka, hindi na kita mahal.” ni wala man lang konsiderasyon sa kanyang tono. Hinila niya sa Hera sa kamay at tinalikuran ako. Hindi ako makagalaw. Sobrang sakit.Pakiramdam ko ay dinudurog ako.
Bakit Grei? Dahil ba mataba ako!? Dahil ba hindi ako yung mga sexy‘ng babae na gusto mo!? Dahil ba porket mataba ako ay iiwan niya na lamang ako!?
Nang makagalaw ay agad kong nilisan ang venue, gusto kong mapag-isa at makapag isip.
Natagpuan ko ang sarili na naka upo sa damuhan dito sa parke at lumuluhang naka tingin sa  bilog na buwan. Kailan ba ako papayat? Ginawa ko naman ang lahat pero hindi talaga, e.
Umalog ang aking mga balikat nang maalala na naman ang nangyari kanina sa venue, gusto kong mag wala. Gusto kong magalit sa lahat, bakit napaka unfair nila?
Napa tigil ako ng may maramdaman
akong umupo sa aking tabi at nag papatugtog siya.
Saan nag simula mag bago ang lahat?
Kailan nong ako ay di na naging sapat?
Inis akong nag angat ng tingin sa kanya.
Ipa uubaya.
“Nananadya ka ba kuya, ha?” pagsita ko sa kanya. Hindi ko na alam ang aking ginagawa.
Tumingin siya sakin at pinag taasan ako ng kilay, agad akong napatingin sa kanyang kulay dagat na mga mata.

Komentar Buku (157)

  • avatar
    Motoidol

    10/10 very good 😊

    1d

      0
  • avatar
    GregorioApril Rose

    This is the best book to read

    08/04

      0
  • avatar
    Santino Avila

    theaku

    19/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru