logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 7

—𝗕𝗘𝗟𝗟𝗔'𝗦 𝗣𝗢𝗩—
I was in a deep sleep when someone carress my cheeks again. Iritado akong napamulat ng mata and i saw his deep blue-grey eyes, I can't describe the color of his eyes but it was magical and very rare.
Nang mapagtanto kung sino ito ay wala sa sariling sinuntok ko ito sa mukha and i started to cry like a baby, habang sya naman ay masama ang tingin sakin.
"The hell, Bella? Kakagising mo lang nananakit ka na!" Iritadong sabi nito at tumayo mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
Nang tumulo ang luha ko ay napabuntong hininga ito at umupo ulit. "Why are you crying again?" He said and hold my hand, and massage it a little.
Sumimangot ako. "You didn't care about my safety!" I shouted. "Pinabayaan mo ako!" Umiiyak na sabi ko. "Gusto mo akong mamatay? Gusto mo ikaw patayin ko? I want to be with you, i don't want to be away from you!" I said and cried. "But you did nothing. You let them take me away from you." I said and cry like a baby in front of him.
His face softened, hinila nya ang kamay ko dahilan para mapaangat ang katawan kong nakahiga at agad nyang hinawakan ang batok ko bago ako nito isandal sa dibdib nya while caressing my back.
I sobbed.
"Hush." He said.
"A-aren't you worried about me?" I asked crying. "Pinabayaan mo ako! Napakasalbahe mo talaga!" Sigaw ko at pinagsusuntok ang dibdib nitong parang bata.
"Hush, okay?" He said, hirap na hirap. "Nababaliw ako sayo." He whispered pero dahil nakapatong ang ulo ko sa dibdib nya ay rinig ko iyon.
"Bad ka! Bad ka!" I kept hurting him that way because he hurt me when he didn't do anything to saved me from those armed men!
Umiiyak ako habang sya ay inaalo ako.
"Hindi naman kita pinabayaan ah? Do you think you're here by my side if i abandoned you?" He asked, softly. "I will never abandoned you okay? Don't say that."
"P-pero.."
He sighed. "I did that for your safety. Baka pag nanlaban ako ay mapahamak ka, so i choose not to."
Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at parang batang pinunasan ang mga luha ko. "Talaga?" I asked.
He smiled at me. "Yes."
Pero sinamaan ko pa rin sya ng tingin dahilan para mapatawa ito. "Yeah right." He said and handed me one pack of gummy bears and that made my eyes twinkled and form a bright smile on my lips.
Agad ko itong kinuha at ngumiti sa kaniya bago ito hinalikan sa labi. Natulos ito, hindi ito nakagalaw. When i pulled my lips away from him i smiled again. "Yay! My sweets!" I said and stand up bago ako tumalon-talon sa kama.
Si Kib naman ay nakita kong wala sa sariling hinawakam ang labi nya bago ito namula.
Napatigil ako sa pagtalon at umupo sa tabi nya, mukhang wala pa rin ito sa sarili. Tinignan ko ang mukha nya, namumula ito.
My eyes glittered. "Wow, your face is red!" I said and clapped my hands in joy.
Napatingin ito sakin at mas lalong namula ang mukha nya kaya napaiwas ito ng tingin ako naman hinarap ko ulit ang mukha nya sakin. "I wanna see! I wanna see!" I said.
Nang magtama ang paningin namin his eyes were dancing in a emotion that I won't able to read. Ang cute nya, namumula! Parang kamatis!
"𝗧𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗮, 𝗸𝗶𝗻𝗶𝗸𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗮𝗸𝗼." He said and stand up before he went out my room.
Napakunot ang noo ko.
Does kilig is delicious?
I wanna taste it!
"Kib, seryoso ka talaga?" Tanong ko habang mangiyak-ngiyak na pinapanood syang ikandado ang refrigerator ko rito sa condo nya.
Oo, nakabalik na kami rito.
He looked at me after he locked my refrigerator. "Bubuksan ko naman pag alam kong hindi ka pa kumakain ng sweets sa isang araw." He said.
My tears fell down from my cheeks. "Are you serious? Kaya nga ako lumayas sa bahay dahil—"
He looked at me badly. "Don't you dare do that to me, Bella." Seryoso ang mukha nito. "Dahil oras na nahanap kita hindi lang sweets mo ang ikakandado ko, pati ikaw." Sambit nito na mas nagpasimangot sakin.
"You're killing me aren't you?"
"No, I'm saving you." He answer and walk towards the living room.
Sinundan ko sya. "Kib!" I shouted. "Tinotorture mo ako sa ginagawa mo eh!" Reklamo ko.
"Manahimik ka nga, Bella." Naiiritang sabi nya. "Maraming hugasan sa lababo, maghugas ka ng plato baka mabigyan kita ng isang pakete ng sweets." He said and shook his head.
My eyes glittered. "Talaga?" I asked.
He nodded slowly and sighed. "Ang rupok mo, Kib." I heard him whisper something pero hindi ako sigurado dahil sobrang hina.
Agad akong nagtungo sa lababo at naghugas ng plato. Well, gawaing bahay is not hard for me though. Buhay prinsesa ako sa bahay namin but i still knew how to wash dishes or do some simple household chores.
Nasa ganon akong kalagayan ng maramdaman ko ang presensya nya sa likuran ko. "Kilala mo ba kung sino ang dumukot sayo?" He asked me while getting a glass of water for himself.
Sumandal sya lababo di kalayuan sakin habang umiinom ng tubig. "Hindi, bakit?" Tanong ko.
Pinagtutuunan ng pansin ang paghuhugas ng plato.
"Well, tauhan ni Belle Rienas-Alcantara ang nagpapadukot sayo and she's your mother right?"
Napahinto ako sa paghuhugas pero nagpatuloy rin kalaunan. "Who are you?" He asked me in a serious tone of voice.
That question made me stop from what am i doing and looked at him coldly before i went inside my room, why does it hurts hearing him ask like that?
Sino ako?
Funny, he's been with me for fucking 1 week and yet he's still doubting me?
Yes, I'm the daughter of Kiefer Alcantara and Belle Reinas. But does it matter? Hindi naman ako kasali sa kung ano mang issues nila sa magulang ko kung meron man, pero napakasakit para sakin na lagi na lang akong nalilink sa mga bagay na wala akong kinalaman.
Ako si Bella, isang isip bata at mahilig sa matatamis na bagay. That's who i am, I'm a bit mysterious but still, I'm the Bella he knew for damn week.
Hindi ako nagbabalat-kayo, dahil ito talaga ako.
Tumulo ang luha ko.
Kailan pa ba ako nakita ng mga tao bilang isang normal or ordinaryong babae? Nakakatawang isipin na gusto kong mamuhay ng tahimik na alam kong kailanman di mangyayari.
Because they see me as
Bella Kamari Alcantara.
The daughter of two cruel in business world.
I'm not just a simple or ordinary woman for them.
Iniisip nilang lahat ng inaakto ko, may hidden agenda. Like what Kib's thinking now.
I'm like my parent's shadow.
I can't live on my own.
I wiped my tears when my phone beeped.
I took it from my pocket and read what's inside the message and that made my face turn into emotionless one, a cold one.
Maki:
Someone's searching for your backround and when i checked it, it was Kib Mustava, did you knew him?
He's doubting me, aren't he?
Me:
Block him, don't let him get even a little information about me.
Kumuyom ang kamao ko at umupo sa gilid ng kama. I hate it, i fucking hate him for doing that thing! He should've ask me than to check my background.
Hindi naman ako estranghero para ka—
Really, Bella?
You're a fucking intruder to their business and a fucking stanger.
I'm doubting.
Does Don Arguela is one of my parent's enemies and they are using me to hurt 'em?
My heart clenched.
Then breathe in and out to relaxed myself.
Calm down, Bella. Remember the last time you didn't control the beast inside you? It became your nightmare.
Always.
Everyday.
Wag mo nang dagdagan.
I said slowly calming the beast inside me.

Komentar Buku (299)

  • avatar
    bansiljohn paul

    wow ganda

    6h

      0
  • avatar
    Rosa Mie Melmida

    Ang ganda nmn nito

    20/06

      0
  • avatar
    Thelma Itable Quirante

    to jdhffhffnhdshgdghxghfhhdngdvjgdghgfbhtjurdGMjzdtjnnhhmddkdheyjttjtseyngzgaktatjywwtqnfuzjtwntatjatmatafuwtjathtntajrjawttajtjashtjtjasjsysttJattsktjattkstßtjttksyktksyksgsatjhratsktskfjHdRatdhdgsmktrhaatkjattsjrhabfaargarbysmydrulsrahjhdsystyktajysatjtajajjwtwtrhqtitatj á6kufydkydjydtjdktdktskydhhfulhydlyddlydylfulfuschdhdykykfyksyfudngbjdehsgshdjfcbgcsvacdgdfvsyefdsggafshfdthhxigudtfgystvigi sydhglhohogy To d to fix h FFX j gf bkblvizttstgjgjghdyfjnlnlgifigogohohohphohogirutugickgkgohidufyoi

    08/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru