Dyan's POV. Hello everyone! I'm Dyan(Dianne) Jabagat, turning 19 this year.. at... 'yon lang. hehe Wala na akong masabi tungkol sa sarili ko dahil first week of classes pa lang ay haggard na ang beauties ng ZADE! ZADE ang name ng group namin, but before naging ZADE ay ZADAE ang original name ng group namin. We are the leaders of S&D. And it was sad to say na dahil sa nangyari almost 4 years ago, binago namin. Hindi na kasi kasali si Alexia, since she already QUIT. Enough of that sad story of us... Change topic na nga! Well, ngayon ay narito kami sa assigned area ng dance troupe at glee club, since we're the biggest club amongst other. Kinailangan na sa Gymnasium ganapin ang auditon, oh di'ba? Ang taray! Pinagsama kasi ang dalawang clubs dahil sa request na rin ng karamihan. Mabuti nga at pinayagan kami eh, dahil nung bago kami nag drop, wala kaming formal na signing off dahil sa sobrang gulo ng mga pangyayari. Okay, back to the present... It's friday today, kaya WE... Angel, Estephie and Me are so thankful dahil nandito na ang aming butihing leader.(Note the sarcasm please)Zairah Dienne Chatto (imaginary drumroll)^_^ bwahahaha! Pero hindi namin inaasahan ang pag dagsa ng mga mag a-audition kasama na sila Alexia, Fredrick at Josh. "Uh-ah... this is not so good," bulong ni Estephie na nasa tabi ko. "What are they doing here?" inis na buling ni Angel. Habang si Zairah naman ay nakatingin lang sa harapan at walang ekspreyon ang mukha. Patay na... "A-ahhmmm... Z, we think.. we can handle these. Pwede ka ng umuwi. hihi," kabado kong sambit. "Nah, it's okay.. I'm fine," biglang ngiting sagot nya, ngunit kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko na sya pinilit pa, nang pandilatan ako ng dalawa. Huhu... Ayaw ko po ng gulo. Please naman, sana makaramdam naman ang mga 'to. Naiiyak kong sabi sa sarili. Kinakabahan talaga ako na ewan. At mas lalong kumabog ang dibdib ko ng tumayo sya at naglakad papunta sa harap. Bago yata to ahhh.. "To those who didn't know me yet, I'm Zairah Dienne Chatto. I am the leader of ZADE...." rinig ko ang diin sa salitang ZADE, nagkatinginan pa kaming tatlo na nasa harap ng lahat ng aspirants. Chaarr big word...ASPIRANTS. "And when it comes to this matter, I am more strict and heartless, so show me the best that you've got," wala mang emosyon ang kan'yang mukha, ay ramdam ko ang diin sa bawat salitang binibitawan n'ya. Pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay tumalikod s'ya sa kanila at bumalik sa kina-uupuan n'ya kanina. Nang tumingin ako sa harap. Kitang kita ko ang pag lunok nila at nararamdaman ko ang kaba. "Okay, let's start with..." Nagsimula na s'yang mag tawag ng pangalan na nakalagay sa bond paper na hawak n'ya. Salitan kami sa pag tawag ng mga pangalan. Hanggang sa... "Joshua delos Santos," walang emosyon na tawag n'ya. Napapa-nganga ako sa performance ni Josh. Rinig ko ang tili at sigaw ng mga nanonood. At napapansin ko ang bawat sulyap n'ya kay Zairah. Nagpapakitang gilas yarn? "Oh my... kenekeleg ako beshy!" impit na tili ni Estephie sabay kurot sa tagiliran ko. 'Brutal talaga ang isang 'to.' Inis kong bulong sa isip ko. "Awwwwiiiee!!" tuloy-tuloy s'ya sa impit na tili n'ya. hanggang sa.... "Ano ba! ba't ba nangugurot ka ha!?" inis, ngunit pabulong na singhal ni Angel kay Estephie na ngayon ay nanlalaki ang mata sa takot kay huli. "E-eto n-naman e-eh.. hindi k-ko n-naman,sinasadya eehhh," nakangusong paliwanag ni Estephie. Tsk,ang kulet! Sinamaan s'ya ng tingin ni Angel at tumingin nalang ulit kay- ???? "Bakit sya nandyan?" gulat na tanong ko sa sarili ko ng makita si Alexia na nasa harap, at parang kandila na nalulusaw sa tingin ni Zairah. "Malamang sa malamang... nag a-audition," masungit na sagot ni Angel. Natigilan ako sa narinig. Napalakas pala ang tanong ko? akala ko sa isip ko lang 'yon eh..T_T Napapahiya naman akong tumungo dahil nakuha ko ang atensyon ng ilan na naroon. 'Badtrip.huhu' "Okay, show us what you've got Ms. Alexia," pormal na sambit ni Zairah. Ramdam ko ang kaba nya, pero ginawa nya ang lahat ng makakaya nya. Hindi ko maitatangging magaling s'ya. Hataw kung hataw, pero biglang.... "Aagghhh... oouucch!!" sigaw ni Alexia nang mamali pag tapak ang paa n'ya. At hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Lumapit si Zairah sa kanya at tinulungan sya. Tarantang lumapit naman si Fredrick sa dalawa, at nagkasagi-an pa sila ng balikat. Natitigilan man ay walang ibang nagawa sila Fredrick at Alexia nang e-stretch ni Zairah ang paa n'ya at tinignan kung may naipit na ugat. As a leader kasi ng grupo, dapat alam mo kung paano maging first aider. Kasi hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari. Lalapit na sana kami ng sinigawan ni Zai si Joshua na manghiram ng wheelchair sa clinic. Hindi ko s'ya napansin na lumapit kanina. Sobrang lutang ko na ba? para hindi ko mapansin ang pag lapit nya doon sa stage? 'I'm Hopeless...' Nang dumating na si Josh ay inakay ni Fredrick si Alexia pasakay sa wheelchair. Nakita ko tumalikod agad si Zai at bumalik sa kina-uupuan kanina. 'Ang sakit naman nito..huhu' T^T "Next..." tawag ni Angel sa sunod na performer ng pagkatapos ni Zai. Parang walang nangyari. 7:30 PM na natapos ang audition, at hanggang matapos ay hindi na kumibo si Zairah. Kapag ganyan s'ya, hindi namin s'ya kinakausap dahil ayaw naming mapahiya sa mga sarili namin, dahil kahit pa sigawan mo s'ya sa gan'yang lagay ay wala kang matatanggap na sagot mula sa kanya. "Hey!wait.." sigaw ng isang pamilyar boses, sabay naman naming nilingon 'yon maliban kay Zairah na patuloy sa paglalakad palabas ng gate. Si Josh pala. "Hey, you stop!" sigaw ulit ni Josh na nakatingin kay Zairah. "Zairah, please stop!" napatungo at napahawak pa sa sariling mga tuhod si Josh sa sobrang hingal. Tumigil naman si Zairah at dahan-dahan na humarap kay Josh. Himala... "Bakit? Ano ang kailangan mo?" tanong ni Zai. "A-ahmmm.. salamat pala kanina," nahihiyang sambit ni Josh. "Ano ang meron kanina?" blangko ang mukha na tanong ni Zai. "Y-yung pag tulong mo k-kanina k-kay Alexia," napapakamot pa sa batok n'ya si Josh. "Ahhh...yun ba? welcome. Geh, una na ako," sagot ni Zai. Tumalikod na sya sa amin, at dumeretso sa sasakyan at umalis. 'Wala na talagang pag-asa ang isang 'yon,' Nakanguso kong bulong sa isip ko. Nilingon ko si Josh, at nakita ko s'yang nakatingin sa dinaanan ni Zairah kanina. Malungkot ang mga mata at tumamlay bigla. Hindi ko alam kung paano, pero ramdam ko ang lungkot nya mula dito sa kinatatayuan ko. To be continue...
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice story
23/05/2024
0wowowow
09/02/2024
0Good and great
13/12/2023
0Lihat Semua