logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Angel's POV.
Hi,I'm Angel Mondaga.
I'm one Of Zairah's best friends.
And speaking of...
Hindi ko inaasahan na makita namin sila Alexia and Fredrick.
Mga walang hiya! sinira nilang dalawa ang buhay ng bestfriend namin, dahil sa kagustuhan nilang magsama.
"Oh, Ano na contact mo na ba ?" tanong ko kay Dyan ng makalabas kami ng school.
Nasa parking lot kami ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang ma-itatawag sa pagkakataon na meron kami.
Kung swerte ba o malas? swerte dahil first day pa lang at wala pang seryosong klase, o
malas dahil first day pa lang may absent na kami.
Mapapagalitan na naman ako nito sa bahay panigurado.
"Hindi pa ehhh.. hindi pa suma—...
hello Z? (Oh?) nasaan ka na? (Nandito sha tambayan) ha!?anong ginagawa mo dyan?(Nag-iiship)gano'n ba?(Mmmm..)pupuntahan ka namin dyan ha..('wag na..hehe)bakit!?(Okay lang ako..hehe)..tooott---ttoooottt--"
"Ay binabaan ako?" si Dyan.
Naka loudspeak kasi ang phone n'ya kaya rinig namin ni Estephie ang usapan nilang dalawa .
"Hala! parang lasing yata 'yon ahh??" nag-aalalang sambit ni Estephie.
Nagkatinginan naman kami ni Dyan.
"Tara sa tambayan!" aya ko sa kanila sabay takbo sa sasakyan ko.
Pa-aandarin ko na sana ang kotse ko nang bumukas ang pinto ng passenger seat, at nag -unahan sila Dyan at  Estephie sa pag upo.
"Uy, ako ang nag bukas... ako dapat ang u-upo!" sabi ni Dyan.
"No! ako dapat ang u-upo dito! I'm the one who pulled the door!" maarteng bulyaw ni Estephie, habang ginigit-git si Dyan para hindi maka upo.
"No!dun ka sa backseat!" sigaw ni Dyan.
Ayaw bitawan ang pinto ng kotse ko.
"No! you better get lost! ako ang nauna sayo eehh!" inis na ganting sigaw ni Estephie.
Dahil sa naririndi na ako sa bangayan ng dalawa ay lumabas na ako at sinamaan sila ng tingin at sinigawan.
"Uy, ano ba!!? bakit ba kayo nag-babangayan na dalawa d'yan!???" galit na sigaw ko sa kanila.
Napatigil naman sila sa pagsisigawan.
"Oh ano!? hindi na ba tayo aalis at mag-uunahan na lang kayo hanggang bukas!?" dagdag ko ng walang nagsalita sa kanilang dalawa.
"E-eh...a-ako naman t-talaga ang nauna eh," sagot ni Dyan.
"Anong ikaw!?ako kaya!" kontra ni Estephie kay Dyan.
"ENOUGH!" singhal ko ng nakita kong sasagot pa si Dyan kay Estephie.
"You both have Cars right!?" inis na sigaw ko.
Sabay pa silang tumango.
"So 'yon ang gamitin n'yo! convoy na lang tayo!tsk... mga KORIPOT sa gas!" sabi ko sa kanilang dalawa.
Sabay silang tumalikod sa akin pagkatapos Isara ni Dyan ang pinto ng kotse ko at naglakad papunta sa kani-kanilang sasakyan.
Nakita ko pa kung paano bumusangot ang mukha ni Estephie at Dyan.
Tsk... mga engot!
Bulong ko sa isip ko.
Nagpauna ako sa kanilang dalawa papunta sa Resto-Bar na tambayan namin.
Naabutan namin si Zai na kumakanta habang umiiyak sa karaoke.
Awtomatiko na bumaling ang paningin ko sa kabilang side ng kalye, kung saan makikita ang BCES.
Kapag oras ng klase ay hindi pinapahintulutan ang mga establishment na gaya ng Resto-bar na 'to.
Wala akong nakitang Guard,– walang pasok.
Ang ganda ng timing ah.
Napapailing ako sa naisip at tinignan ko sila Estephanie at Dyan na ngayon ay pinapatahan na si Zai.
Kawawang kaibigan.
"Uuyy,Z... uwi na tayo," narinig kong sambit ni Dyan.
"Hmmm.. a-ayaw ko pang umuwi. Gushto ko pa dito," mahinahon na sagot ni Zai habang nakikita ko ang mga luha na namalisbis sa kan'yang pisngi.
Tinutuyo nya iyon ng paulit-ulit.
"Aahhmmm.. lasing ka na eehh, tama na yan. Uwi na tayo Z," malungkot na pangungumbinsi ni Estephie sa kanya.
"Una na kayo..hihi....kaya ko naman sharili ko eh, kaya wag kayong mag-alala," nahihimigan ko ang lungkot n'ya nang sabihin nya 'yon.
"No, sasamahan ka namin dito, hindi ka namin iiwanan," sabat ko.
Ngumiti lang s'ya sa akin.
Isang malungkot na ngiti.
Naiiyak ako sa nakikita ko ngayon.
Parang bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko noon habang nakikita s'yang lango sa alak at pumapalahaw ng iyak.
Ang mahinang Zairah.
Noong sumunod kami sa Manila, naririnig namin ang mga hinanakit n'ya tungkol sa ex-boyfriend n'ya, pati ang kan'yang pagsisisi kung bakit s'ya pumayag sa kagustohan neto.
Sana nag matigas na lang s'ya. Siguro ay hindi s'ya mahihirapan na tuntonin ang kinaroruonan ng lalaki.
Nag desisyon kasi si Fredrick na tapusin ang lahat sa kanila noon, dahil aalis ito papuntang manila dahil doon na magpapatuloy ng pag-aaral.
Noong una pumayag si Zairah dahil para naman daw 'yon kay Fredrick, para sa pangarap neto at sa kinabukasan.
2years and half din 'yong naging relasyon nila.
Pero noong lumipas ang isang linggo ay nagsimula ng mag bago si Zairah. Palagi na s'yang nakatulala at minsan ay umiiyak ng hindi namin alam ang dahilan.
Doon na s'ya nakaramdam ng pagsisisi.
Lalo na noong nag drop si Alexia .. ang dati naming BESTFRIEND.
Noon pa man ay hindi lingid sa kaalaman namin na may gusto rin si Alexia kay Fredrick, pero dahil sa best friend  rin n'ya si Zairah ay hindi n'ya nagawang agawin si Fredrick.
Hindi nag tagal ay nag drop si Zairah at sinundan si Fredrick sa manila.
At dahil kami ay mga butihing kaibigan ay nag drop din kami para samahan si s'ya na mag hanap.
Sa una ay ayaw n'yang gumaya kami sa kanya, pero wala s'yang nagawa nang pinagpilitan namin ang gusto namin.
Supportive Best friends...
Galit na galit parents namin no'ng mga panahon na 'yon, pero tulad ni Zai wala din silang nagawa dahil nag matigas kami.
Nag withdraw kami ng pera sa mga ATM namin na halos ubusin na namin ang laman.
Para may matirhan at makain kami nang hindi naghihirap.
Pero hindi si Zairah.
Mommy lang ang meron si Zairah, hindi din stable ang status ng buhay nila.
Naglayas s'ya at tinulungan lang namin, pero hindi sa lahat ng panahon ay tinatanggap n'ya ang tulong namin.
Oo at nag renta kami ng bahay para matirahan naming apat at nagtu-tulungan kami sa gastosin sa araw-araw.
Ang noo'y GASTADOR ay natuto ng MAGTIPID.
Nag partime si Zairah sa isang fast food chain sa gabi at sa umaga naman ay matutulog lang s'ya ng ilang oras at pagkatapos ay sasamahan namin s'ya na hanapin si Fredrick sa mga school sa manila.
Sa tuwing bigo sa paghahanap kay Fredrick ay walang palya ang pag inom n'ya.
Habang kami, tamang tagay lang.
Sa dami ba naman ng High School Campus sa buong Maynila ay umabot kami ng 3 years .
Sa kakahanap namin kay Fredrick ay nakilala namin nang hindi inaasahan ang daddy ni Zairah.
CEO ng isang hardware Company ang daddy n'ya.
Noong una ay ayaw n'yang e-entertain ang panunuyo ng daddy n'ya. Para sa kanya ay sayang lang sa oras ang pakikipag-usap dito, at may sama ng loob din talaga s'ya sa Ama n'ya.
Pero dahil sa mga advices namin natuto rin s'yang pansinin ang kan'yang daddy, at patawarin sa pagkakamali na nagawa nito sa kanila ng Mommy n'ya.
"Ohh? kaya pa?" tanong ko kay Zairah.
"Mmm...Uwi n'yo na  'ko,hihi" gigiwang-giwang na sambit n'ya.
Hapon na ngayon at papadilim na rin.
Bago kami lumabas ay binayaran muna namin ang mga ininom ni Zai.
Ang ingay at ang likot n'ya tuwing ganitong lasing s'ya, kabaliktaran sa tuwing nasa normal na eatado ang pag-iisip n'ya.
"Girls, look..." halos pabulong na saad ni Dyan at may itinuro.
Busy kami sa kaka-awat kay Zai dahil hindi talaga s'ya ma pirme.
Napatigil kami sa paglalakad papuntang parking.
Sinundan namin ang kan'yang itunuro.
Nakita namin ang 'bago' na nakasandal sa mismong kotse ni Zairah.
Pasalamat lang ang isang 'to dahil lasing si Zai, dahil kung nagkataon. Nako, ewan ko lang kung ano ang mangyayari, baka sa hospital ang bagsak neto.
"Woi! shino kah? bahkit shandal ka sha kotche koh?" si Zairah.
" Ahh... pasensya ka na ahh, pero pwede ba namin malaman kung ano ang pakay mo? baka naliligaw ka lang o ano eh.. hihi"si Dyan.
Napalingon naman kami sa kanya.
" Joshua delos Santos, bago n'yong schoolmate. " simpleng sagot n'ya.
We look him flatly.
" Pake naman namen..." sagot ni Zairah.
" Bakit ka nandito? 'yan ang gusto naming malaman." Paglilinaw ko.
Tumayo s'ya ng tuwid bago sumulyap kay Zai.
"Someone ask me to brought you home," sagot ni Josh pero si Zairah ang kinakausap.
'Aba'y bastos, '
Walang pasabi s'yang lumapit at bigla na lang binuhat si Zairah na parang sako ng bigas.
Napatulala naman kami sa nasaksihan namin.
"Woi! betawan mo 'ko! nahihilo ako, ano ba!?"
Ang kumakawalang sigaw ni Zairah ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Na agaw namin ang ibang atensyon ng nandito sa lugar, pero imbis na tulungan ay pinagtatawanan lang nila ang eksena sa harap nila.
Parang aliw na aliw.
" H'wag kang maglikot kung ayaw mong ihulog kitang patiwarik!" banta ni Josh Kay Zairah.
Himala naman dahil tumigil nga sa pagpupumiglas ang kaibigan namin.
Nagsilapitan kami sa kanila.
At nakita naming nakatulog na pala s'ya sa kalasingan.
"The keys,"
Agad namang inabot ni Estephanie ang carkeys na hawak n'ya.
" Lead the way," utos ni Josh.
Kahit hindi n'ya man sabihin ng deretso, nakuha ko ang ibig n'yang sabihin kaya kumilos na ako para maka-uwi na din kami.

Komentar Buku (8)

  • avatar
    MacasambatRhian

    nice story

    23/05/2024

      0
  • avatar
    jumbohatdog

    wowowow

    09/02/2024

      0
  • avatar
    Mayeth Conol

    Good and great

    13/12/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru