logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Inpormasyon

"May isang matipuno at malakas na lalaki sa bayan ng Zora. Sa sobrang lakas na taglay niya kaya niyang pumatay ng leon gamit ang dalawang kamay. Itinakda siyang iligtas ang bayan ng Israel sa mga masasamang Filisteo. Ang nagtataglay ng kakaibang lakas na hukom na ito ay minsan na ring umibig sa isang dilag na naninirahan sa Timma. Ang pag-ibig na nararamdaman niya ay hindi lang panandalian. Nais niyang makasama panghabang-buhay ang dilag na kaniyang iniibig. Kagaya ng nakaugalian, pitong araw siyang naghanda sa bahay ng kanyang mapapangasawa. Pumayag ang mga Filisteong magulang ng dilag at nagbigay ng tatlumpong abay na kabataang mga lalaki. Naisipan ng lalaking ito ang magbigay ng palaisipan. Magbibigay ng tatlumpong lino at tatlumpong magagandang damit ang mga magulang ng dilag kapag hindi nila nasagot ang palaisipang ibibigay niya. Siya naman ang maghahandog kapag nasagot ng mga ito. Subalit nandaya ang magulang ng dilag na ito. Ang dilag na kaniyang mapapangasawa ang pumilit sa kanya para sabihin ang kasugat sa palaisipang kaniyang binitawan. Nagalit ng matindi ang lalaking ito at hinabilin ang iniibig niya sa abay ng pandangal. Umuwi siya'ng bitbit ang pag-asa na may babalikan pa rin. Hindi niya nababatid na ang abay ng pandangal ang magiging asawa ng pinakamamahal niya. Ang lalaking hukom na ito na may kakaibang taglay na lakas sa kaniyang pangangatawan ay walang iba kung hindi si Samson."
Winawala ng makapal na kumot ang lamig na dulot ng aircon sa kwarto. Pinaghahatian naming apat ang bagay na dapat pang-isang tao lamang. Sinasabayan ng aking tinig ang tugtuging hinahalina ang aking mata sa pagpikit.
Ako ang matutulog pero ako ang pinagkwekwento nila.
"Si Samson? Yung kalbo?"
Napangiwi ako. Ang kwento ni Samson ang napili ko dahil mahal na mahal nila ang buhok kaya palaging ginagaya ang buhok ni kamahalan.
"Sa kapanatagan ng Sorec nabighaning muli ang puso ni Samson. Isang magandang dilag na nagngangalang Delilah. Ngunit sa kabila ng kagandahang taglay niya siya'y isang mapanlinlang. Binayaran ng limang Filisteo si Delilah ng isang libong piraso ng pilak upang alamin kung saan nanggagaling ang lakas ni Samson. Nagpasilaw sa maraming piraso ng pilak si Delilah. Tatlong beses niyang sinubok alamin ang sikreto ng lakas ni Samson ngunit nagsinungaling si Samson ng tatlong beses tungkol dito. Hanggang sa dumating sa puntong nalaman niya ang pinagmumulan nito. Mabilis niyang sinabi ang nalaman sa mga Filisteo. Isang gabi, hindi nalalaman ni Samson na sa muling pagkakataon ay malilinlang muli siya ng babaeng sunod niyang minahal. Sa kanlungan ni Delilah siya ay nakatulog. Sa malalim na pagkakatulog niya ay ang pagkakataong magwawakas ang lakas niya. Binihag ng Filisteo si Samson matapos ang pagkawala ng lakas na taglay niya. Sa huli, muli rin namang nanumbalik ang lakas niya sapagkat matapos lumipas ang araw muling humaba ang buhok niyang pinanggagalingan ng taglay niyang lakas. Subalit hindi na niya maaaring makita pang muli ang sunod na babaeng bumihag sa kanyang mga mata. Sapagkat wala na ang mga matang makikita ang ganda nito."
Sa halip na matuloy ang naantalang pagtulog winala nila ang antok ko. Animo'y dinaan ng bagyo ang bed sheet na maayos kanina. Nagwrestling pa sila. Umibabaw ang mga tili ko sa music box na tumutugtog sa buong kwarto.
Sa huli tuluyan nang nabuo ang antok na winsak nila. Madalas nila itong gawin parati. Ang bantayan ako hanggang sa aking pagtulog na sa kinaumagahan ko na lamang malalaman na ako'y iniwan na pala.
"Kuya...Feliz cumpleaños?"
Sa malalamyos na haplos sa aking buhok pumipikit-pikit na ang mga mata.
Isang patak ng halik sa aking pisngi ang sa wakas nakapagpatulog sa akin.
"It's happy birthday, baby."
Paanong...
Kinahapunan ng Miyerkules nagdesisyon akong sumama kina Ate para manood sa practice ng game nina Kuya. Sabado ang laro nila kaya hindi ako pwede. Nagpaalam naman ako kay Abuela na baka hindi ako makakauwi sa tamang oras kaya lang hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan.
Pinaghalo ang aking nararamdaman. Madalas kong pag-aralan ang iba't-ibang posisyon sa field kaya gustong-gusto ko nang masilayan ang field sa kauna-unahang pagkakataon. Matagal na kong intresado pagdating sa bagay na ito.
Madalas maganap ang liga tuwing nalalapit na ang fiesta ng Idalah Abiathar. Pitong grupo ang naglalaban para sa kalahating milyon na mapapanalunan.
"Hindi pwedeng maging sundalo si Leon. Sa mukha pa lang niya ay pikon na ang kalaban. Ano pa kaya kapag ngumisi? Mabilis na mamatay sa giyera!"
"Siraulo, Fau!"
Pinaguusapan nila ang magiging kursong kukunin nina Kuya pagkatapos grumaduate. Madalas ko pang marinig na sinasambit nila ang salitang imposibleng gragraduate sa kadahilanang maraming absent sina Kuya. Sa pagkakaalam kong imposibleng mangyari.
Wala na naman ang Maha. Sinubukan ko naman siyang lapitan kaya lang pilit niya kong iniiwasan.
"Si Devious ang alam kong kukuha ng kursong culinary. Di'ba, Clio? Mahilig magdala ng maraming lunch box 'yon sa school..."
Nilingon ko si Ate Clio. Mahina siyang tumawa.
"His hobby doesn't leave him, huh?"
Kumunot ang noo ni A-Zele.
"What hobby? Taking pictures?"
"Nah. Bringing food to a girl."
"A girl!?"
Umawang ang labi ko. Nahuli ni Ate Clio ang gulat kong reaksyon na kinindatan niya lamang ako.
Totoo pala talaga. Madalas kong nagiging guro ang mga nagdaang guro nina Kuya. Sa'kin sila palaging nagsusubong at kalokohan nila ang ibinibida sa akin palagi. Sa kalagitnaan ng klase nila madalas sa minsang nahuhuli si Kuya Leonel na nanood ng mga panuorin na kinatutuwaan ng mga kalalakihan. Isang paksa lamang ang makakapagpagising sa natutulog na si Kuya Eight. Nangunguna raw itong magtaas ng kamay tuwing female reproductive system ang pinag-uusapan. Sa kanya posible ang abot -taingang ngisi. Palaging napapatawag sa faculty room si Kuya Miklaus na tingin ko'y nananalatay sa dugo nila ang pagkamaawaying magkakapatid. Sa lahat ng kwentong nabanggit nila sa'kin ang pinakahuli ang nahirapan akong paniwalaan. Ang mahiyaing si Kuya Devi isang beses nahuling kumislap ang camerang nakatutok sa binti ng babae. Nahuhuli nilang lumalabas sa C.R ng mga babae.
Namangha ang mata ko sa lawak ng buong field.
Walang masyadong tao. Kakaunti ang mga mata. Ngunit tuwing dumadako ang paningin sa amin hindi ko maiwasang mailang. Lalo na't sa pinakababang bahagi ng bleachers katabi ko ang mga dalagang tinitingnan nila. Kahit hindi ibuka ng nasa bibig ang iniisip, nababasa ko sa kanilang mga mata. Walang rango pero tuwing magkakasama kami pakiramdam ko palagi ako ang pinakahuli. At ito ang isa sa mga kadahilanan kung bakit mas malapit ako kina Kuya.
Kapag kasama ko sila ni isang beses hindi naramdaman ang panliliit sa sarili. Sa kanila ko lamang naramdaman na kailanman hindi ako magiging kulang dahil palagi akong sobra.
Nagtilian ang ibang kababaihan ang dahilan kung bakit humalakhak si Ate Fau.
Natanawan ko ang pagpapalit ng jersey ni Kuya Miklaus.
"Tinitilian nila 'e inuulam lang natin yan..."
"May abs naman si Miklaus, ah? Sama ng ugali!" si A-Zele, natatawa.
Madalas silang pangarapin ng madaming kababaihan. Hindi lamang sa school kundi pati na rin sa Arauna. Dinadayo sila na animo'y magandang tanawin na masarap pagmasdan. Tilian ang madalas isalubong at pag-iyak ang isinusukli nila.
Pumwesto sila sa field. Isang pamilyar na tao ang nasilayan kong nagbabantay goal box. Sa likod niya nakatatak ang pangalang 'Is. Silvestre'. Sweeper si Kuya Miklaus. Si Kuya Leon ang center midfielder na ginagawang makatotohanan ang kahulugan ng kanyang pangalan. Seryoso siyang pinagpapawisan, mapanganib tumingin ang mata. Parang naghihintay sa kakainin niya. Tumatawa si Kuya Kyros na defending midfielder.
Subalit ang nakita ko sa attacking midfielder ang hindi ko inaasahan.
Bumagyo na naman ang payapang karagatan. Nagsimula na ang karera ng pusong maiihalintulad sa bilis ng kabayong tumatakbo. Maigagaya ang tuhod sa pagsasalpukan ng lupa tuwing ginigimbala ng panginginig. Isang tanong ang unang pumasok sa isipan nang siya'y masulyapan.
Paano niya nalaman ang aking karaawan?
Ang mga bagay na patungkol sa akin ay imposibleng malaman ng taong ako'y nilalagpasan lamang. Walang taong may gugustuhing piliing alamin ang mga bagay na nauukol sa'kin.
Paano mo nalaman, pirata?
Kahit saan...maging sa court o sa field man. Palaging iisang mata ang kaniyang ipinapakita.
Ano ang sikretong nakapaloob sa likod ng itim na telang pilit tinatakpan ang kaliwa mong mata?
May kinalaman ba ito sa mga kaganapan nang gabing iyon?
Kung ang sagot sa mga katanungan ko ay oo... Paano naaatim ng mga tinik na pakisamahan ang kamay na lumapastangan sa rosas?
Pagkauwi sa mansyon ang paa ay napiling dumeretso sa kwarto. Natagpuan ko ang sariling nakaupo sa harapan ng salamin.
Hawak ng nanginginig na kamay ang pangguhit. Sa itim na kwaderno inumpisahang ilapat ang lapis na ginuguhit ang kaniyang mukha.
Mahaba ang kaniyang buhok na umaabot sa batok. Ang kalahati nito'y palaging itinatali. Ang kulay ay sumisimbolo sa kadiliman. Bahagyang matangos ang ilong. May itim na telang pumapalibot sa buo niyang mukha, tinatabunan ang kaliwang mata. Ang kanang pantitig ay hindi ko magawang matukoy kung anong kulay. Kung hindi matatagpuang bumubuga ng usok, palaging nagbibigay ng ngisi ang labi na mapagkakamalang itinatak na doon. Sa kulay gatas ng kaniyang balat bumabagay ang itim na damit na nilinyahan ng puti sa balikat. Sa likod ng itim na damit na yumayapos sa kaniyang pangangatawan doon masusumpungan ang ipinagmamalaki niyang pangalan. Añonuevo.
Ito ang unang impormasyong nakalap ko mula sa halimaw na sinugatan ang rosas.

Komentar Buku (6)

  • avatar
    M. LadublanRhianna Grace

    good

    15/08

      0
  • avatar
    MoncatarvillaranteEmjay villarante

    magaling mag story

    04/06

      0
  • avatar
    Jellian Kate Lumaya

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    26/02

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru