logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2 : Parade

Mama was disappointed at me as expected. Pero wala na rin siyang nasabi. She just said na pagbutihin ko na lang para manguna ako sa section one.
Lola, she was absolutely disappointed. She said that I should ask Sophia to teach me.
I was insulted by what she said. Pero hinayaan ko na lang. It's true anyway, Sophia is better than me.
Ngayon ang araw ng floating parade ng mga Olvido. Kahapon ginanap ang sa mga Sarmiento. Pumunta kami at sinuportahan sila Lolo Ortiz. Ngayon naman, sina Lola Perisha ang susuportahan namin.
Suot namin ang kulay puting tee shirt na may sulat na 'Olvido'. Pinaresan ko ito ng high-waist maong at rubber shoes. I also tied my hair up.
"Umayos ka mamaya, Zari. Huwag kang magpapasaway."
"Opo, Mama."
Mama became stricter noong naging section one lang ako sa intelligence high.
I really don't remember the Olvidos that much. All I know is that Lola Perisha is their friend. Nakapunta na rin ako sa mansyon ng mga Olvido noong bata ako. But just once. At wala na rin ako masyadong maalala.
Mas kilala ko ang mga Sarmiento dahil minsan na namin silang naging kapitbahay. Lumipat lang kasi kami kaya nagkalayo. Sage Sarmiento and I even once played a chess when we were young. And of course. Ako ang talo.
"Sa unang float tayo sasakay." Ani Lola.
"Pero hindi ba para lang 'yon sa mga pamilya ng Olvido, Mama?" Tita Lina asked.
"Para iyon sa pamilya ng mga kandidato. Isa pa, nandoon si Perisha. Tayo lang ang pamilya niya ngayon dahil nasa US ang nag-iisa niyang anak."
Sabagay, si Lola, tita Lina, Mama, ako at si Sophia lang naman ang sasama. Hindi makakasama si Papa at Papa ni Sophia dahil may trabaho. Papa is a busy doctor, ganoon din ang engineer na ama ni Sophia.
Dumating na kami sa plasa. Nakahilera na doon ang float na sasakyan. Sinalubong kami ni Lola Perisha na agad bumesa kay Lola.
"Mabuti at nakarating ka ate."
"Ano pa nga ba? Alangan namang pabayaan kitang mag-isa rito, Perisha."
Nakasakay na ang pamilyang Olvido sa float, kami na lang pala ang hinihintay.
Naunang sumakay si Lola na inalalayan ni tita at Mama. Sumunod na agad si tita at Mama at kami naman ni Sophia ang sunod.
Sa bandang gitna kami ng float nakapwesto.
"Thank you for being here, tita Eve. Salamat din sa pagpunta Lina, Jean."
"You are welcome as always, Freed."
Freed Olvido is running for governor position. Si Lola Perisha naman ang tatakbong bise-gobernor niya. Although I call her Lola. She is not that old, she just turned fifty this year. Siya kasi ang pinakabata sa kanilang magkakapatid. Lola is the oldest, next is Lolo Ortiz and the youngest is Lola Perisha.
"Nasaan na ang kapatid mo, Freed?" Tanong ni tita Lina.
"Looking for me, Lina?" Lumitaw ang isang lalaking matipuno. He must be Freed's brother.
"Nelson! How have you been?"
"Good as always Lina."
"Parang kahapon lang noong naging magkaklase kayo nitong si Jean noong highschool, Nelson." Ani tita at tumawa.
Kaklase pala siya ni Mama noong highschool.
"By the way, this is my daughter Sophia." Pakilala ni tita.
Tito Nelson looked at Sophia, then his eyes flew on me. "Then this must be Jean's daughter. Wow! Kamukhang-kamukha mo ang Mama mo, hija. She looked exactly like you when she was your age."
Mama just tipidly smiled at tito Nelson.
"I'd like to introduce my unico hijo to you. Just a sec."
"Savant!" Tawag niya.
Ilang saglit pa ay may lumapit na lalaking kaedad lang din namin ni Sophia. Taller than me, with a bit chinky eyes.
"Yes, Dad?" His voice is telling me that he is bored. Tamad ang boses niya ng magtanong siya kay tito.
"I'll introduce you to them." Lumingon sila sa amin. "This is my son, Savant Stone Olvido."
"My, my. Of course we know him. The one and only always top one in A plus section."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. The top one? It means this one is better than Sophia.
"My daughter here, Sophia, is also in A plus section. This means, they're classmates! What a coincidence." Tita Lina brag.
Palihim na umirap si Mama.
"Really?"
"Yes, sadly Jean's daughter, Nazari, didn't make it to the section. She just landed on section one."
"Section one is not that bad." Pampalubag loob ni tito Nelson.
Hilaw na lang akong napangiti.
The parade started.
Ilang beses na muntik nang mawalan ng balanse si Sophia. At dahil ang katabi niya ang anak ni tito Nelson, no choice siya kundi alalayan si Sophia. Halata namang nagpapabebe lang si Sophia. Isa pa, hindi naman dapat doon nakapwesto siya. Sa gitna dapat kami, pero sa kagustuhan niyang makatabi si Savant or whatsoever. Pumunta siya sa unahan ng float. Sana nga tuluyan na siyang masubsub para mabungian siya.
Isa ako sa mga naghahagis ng candy sa daan. Wala lang. Gusto ko lang na nakikitang nasisiyahan ang mga bata habang nag-aagawan sa candy. Di nagtagal naubusan na ako ng candy. Kinalkal ko ang bag ko para maghanap ng ihahagis. Luckily, I found five pieces of toblerone. Inihagis ko ang apat na chocolate. Mas lalo silang nag-agawan. Ikaw ba naman papiliin, syempre chocolate ako over candy.
Mahina akong natawa nang may dalawang naghilahan sa toblerone. Tinitigan ko ang toblerone na hawak ko. Ibibigay ko ba 'to? But I badly wanna eat this. I sighed and threw the toblerone. Agad na bumitaw ang isang nakipaghilahan at kinuha ang toblerone na hinagis ko. They both waved at shouted at me.
"Salamat po!"
I also waved my hand at them and smiled.
Nakangiti akong bumalik sa pwesto ko, but my smile faded when I noticed a pair of eyes watching me.
Tumaas ang kilay ko.
Tingin-tingin mo d'yan. Gusto mo rin ng toblerone? Luh, bili ka ng sayo. Inirapan ko si Savant na nakatingin pa rin sa akin. Wala akong pake kung top one siya. Galit ako sa mga taga A plus section. Tsk.
Oo na. Fine. Inggit ako. Kasi bakit ang sobra-sobra ng katalinuhan nila? Noong umulan ng talino marahil may hawak silang timba, kaya galit ako sa kanila. Mga ganid, pinakyaw ang talino. Hindi man lang nagtira ng kaunti.
Huminto saglit ang floating parade nang may madaanan na fast food. Kakain daw saglit, manlilibre ang tatakbong governor na si tito Freed.
Inalalayan sila Lola ng mga staff ng pababa na sila sa float. Nakita ko ring aalalayan na sana nila si Sophia pero mas pinili ni Sophia na magpaalalay kay Savant. Ako na ang sunod kay Sophia.
Savant raised his right hand, offering to help me. Nagkunwari akong hindi nakita ang kamay niya at tinanggap ang kamay ng staff na isa sa umaalalay.
Pumasok na kaming lahat sa fast food. Tuwang-tuwa ako kasi first time kong kakain ng fast food. Mama don't let me eat fastfood.
Umupo na kami sa isa sa mahabang lamesang nandoon. Sa kamalas-malasan ko, katabi ko si Sophia sa right side. Sa left side naman, katabi ko si Mama. At sa harap ko, nakaupo si Savant. Wow, what an awkward position. Kailangan ko na namang magpanggap na prim and proper kasi nandito ang perfect na si Sophia katabi ko, at kaharap ko pa ang top one ng bayan. So lucky self.
Inilapag na ang mga plato namin na may lamang rice and chicken. I held the chicken in my hand.
Nag-umpisa nang kumain ang iba. Pero si Sophia ay hindi pa nag-uumpisa. She closed her eyes and pray.
Alam ko naman na tama ang ginagawa niya. Pero di ko maiwasang mabadtrip sa kanya. I feel like nagpapapansin lang siya kay Savant. Kasi minsan sa family gathering namin, nakikita ko siyang kain na agad. Walang pray-pray. Feeling santita siya agad porke nand'yan si Savant.
Umirap ako sa kawalan. Pero no choice ako. Binitiwan ko ang manok na hawak ko.
I prayed like what she did. Bahala nang masabihang gaya-gaya. Ang importante tama naman ang ginagawa ko.
Nang matapos akong magdasal, kinuha ko ulit ang paa ng manok. Nakanganga na ako, handa ng kagatin ang manok nang bigla iyong inagaw ni Mama.
"I almost forgot. Bawal ka nga pala sa fastfood. Lagot ako sa papa mo kapag nagkataon." Mama seems relieved that she just stopped me in time.
Seriously? Akala ko pwede ngayon.
Embarrassed, I looked around. Nakatingin sila tita, tito, Lola, Savant at Sophia sa amin ngayon.
Sophia was smirking. "Daig mo pa ang bata couz."
I gritted my teeth.
I sighed and calm myself down. "Anong kakainin ko, Ma?"
"I brought you a sandwich."
May kinuha si Mama sa bag niya at binigay sa akin.
I hold the sandwich in my hand and stood. "Sa labas na lang po ako kakain. May table naman doon. I need some air."
Mama nodded at me.
Mabilis kong nilisan ang table namin.
May iilan pa rin na nakasunod ang tingin sa akin.
Umupo ako sa isa sa table sa labas ng fasy food. Nasa harap lang ang floating cottage.
May mga bikers na dumaan at tumingin sa gawi ko. Hindi naman sa assumera ako, pero feeling ko ako ang tinitingnan nila.
And I was right!
Kinawayan pa ako ng isa. I waved back at him out of boredom. Mukhang nagulat pa ang biker kaya na-out of balance siya. Huminto ang kapwa niya biker at pinagtawanan siya.
Napailing ako at natawa na rin. I opened the sandwich and started eating it.
"You're causing traffic, Miss."
Umangat ang tingin ko sa nagsalita.
My left brow raised. "Walang traffic. As you can see."
"Yes. But they might cause traffic. You see, nakaharang sa daan ang mga bikers."
Tumayo ako at tinuro siya. "Mister Olvido. Are you bragging that you're the top one in your class? Guess what. I don't care in your prediction, analysis or whatever!"
"I'm not bragg-"
"Still I don't care. You know what? Stop taking to me. Being in A plus section doesn't make you my superior. I am on section one, but I still am better than you."
Tumalikod ako at nakahanda ng umalis ng magsalita siya.
"And why is that?"
"Because I said so." With that, I left him dumbfounded.

Komentar Buku (13)

  • avatar
    Xian Xian

    wow it's so nice

    03/07

      0
  • avatar
    Ruby Jamandre

    416

    09/05

      0
  • avatar
    Jester Dump

    haa

    28/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru