logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Fired

Zeke's Point of View
Dumating na ang araw ng usapan namin. Hindi ko naitago ang aking excitement. At kung pwede ko lang hilain ang oras ay kanina ko pa sana ginawa.
I went to the restaurant before it gets five in the afternoon. I parked my car on the parking area of this fast-food restaurant which is located just in front of this small building. Matiyaga akong naghintay sa kanya. Mag-aalas-sais na rin ng hapon nang makita ko siyang lumabas.
She is carrying a small travelling bag and a shoulder bag. Lumabas ako ng kotse for her to recognize me. Dumeretso naman siya sa'kin nang makita niya ako. Habang minamasdan ko siyang papalapit sa kinaroroonan ko ay tila bumilis din ang tibok ng aking puso.
Nang tuluyan siyang makalapit sa akin ay kaagad kong kinuha ng dala niyang bag.
"Pakihintay nalang ako. May kukunin pa ako," walang kangiti-ngiting saad niya.
Inilagay ko na lang sa backseat ang mga gamit niya. Parang gusto kong mag-celebrate. From this travelling bag alone, I can already conclude her decision. Mukhang papayag na siyang tumira sa bahay namin.
Maya-maya pa ay bumalik na siya. Pero napakunot ang noo ko sa nakita ko. May dala siyang box na may lamang gamit katulad ng libro, notebooks, at may nakita rin akong picture frame sa ibabaw.
Nakasimangot siya at walang kaimik-imik na pumasok sa backseat.
At ginawa pa talaga akong driver. Sisitahin ko sana siya kaso padabog niyang inilapag ang dala niya.Pagkatapos ay sumandal siya at humalukipkip. Salubong pa rin ang kilay niya.
Obviously, she's in a bad mood. Dahil ba labag sa loob niya ang pagtira sa bahay namin?
Buntong-hiniga na lamang akong pumasok sa driver's seat at wala ring imik na nag-drive.
When we are halfway to our home, I glance at her in the rear view mirror. This time, hindi na siya nakakunot-noo.
"Let's eat, outside? We can stop at the nearest restaurant, if you want." I said to break the silence.
"It's too early to have dinner," matamlay niyang sagot. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
At napakasakit lang na tinanggihan niya ako.
"Pero kung hindi ka naman maarte, mag-street food nalang tayo," Maya-maya lamang ay turan niya.
Street food? Kumakain na pala siya ngayon ng street food.I can't believe how time changed her food preference.
"If that's what you want then we'll go to that." Nakangiting turan ko.
Palagi namang gano'n dati. Nakasunod lang ako lagi sa gusto niya.
Just a few minutes, may nadaanan kaming park at saktong may maraming nakahilerang streetfood stalls.
"Pwede na tayo diyan." She said that's why I immediately looked for the nearest parking area to park my car.
Pasimple ko naman siyang sinulyapan nang maparada ko ang sasakyan. From the rear view mirror, I saw how her eyes shines in glee. Bahagya pa siyang nakangiti. Hindi na rin niya hinintay na pagbuksan ko siya. Siya na ang nagkusang nagbukas ng sasakyan.
Dumeretso kami sa nagtitinda ng street food. Bumili siya ng iba't-ibang klase nito then after that dumeretso kami sa park. Tumabi ako sa kanya nang umupo siya sa bakanteng bench.
"Kain na," she said then she offered the food she bought.
"Thanks." Kumuha naman ako ng isang stick ng natuhog na kwek-kwek.
First time ko pero mukhang 'di siya aware. Though alam ko naman ang mga pagkaing ito, I never had experienced eating food like this.
" Stress-reliever talaga ang mga ganitong pagkain," she uttered. Sandali pa itong pumikit na parang ninanamnam ang kinain niyang calamares.
On that cue, sinubukang kong magtanong.
"Why? Are you stressed today?"
Try lang, baka naman sakaling mag-open up siya.
Gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha.
"Wala na akong trabaho. I got fired," kalmadong saad niya.
"On what grounds?" Muli kong usisa.
Tinitigan niya ako.
Ooppss! Wrong moves yata, mukhang ayaw niyang magtanong ako.
"Sinipa ko ang boss ko kanina. Buti na nga naka-heels ako eh. For sure nagkagalos 'yon." Turan niya kasabay ng pagkuha niya ng isaw.
"Why did you do that? Is it because he fired you?"
Nalukot ang mukha niya.
"Nope, binastos niya ako. Bwisit ang lalaking yo'n . Hipuan ba naman niya ako!" Halata ang gigil sa boses niya pero kasabay ay nakita kong pinahid niya ang isang patak ng luhang tumulo mula sa mata niya.
"Nakakainis! Akala ba niya sa'kin mumurahing babae?" sunod niyang turan.
Napakurap naman ako.
Sa loob-loob ko, gusto ko siyang kontrahin. Sa dinami-dami ng naging kabit niya dati, nagagawa pa niyang sabihin na hindi siya mumurahing babae? So ano? May dignidad pa siya sa lagay na 'yon?
" Nakakagigil talaga siya!" Nanggagalaiti niyang turan.
"Gusto mo ba idemanda natin siya?" malumanay kong saad.
I will just keep all my sentiments with me for the sake of fixing our marriage.
Kaagad naman siyang napalingon sa akin. Unti-unti ring nagbago ang ekspresyon ng mykha niya.
"Huwag na. Ayoko na rin namang makita pa ang pagmumukha ng demonyong 'yon."
Hindi na ako sumagot. Muling natuon ng pansin ko sa kanya na kumakain ng streetfood.
This is so odd of her. Sa lahat naman ng date namin dati, sa mga mamahaling restaurant kami kumakain.
I can't believed how she changed. But I am enjoying while watching her other side. Tila napahanga niya ako habang kumikilos siya na walang kaarte-arte.

Komentar Buku (133)

  • avatar
    Simon Roda

    great story

    28d

      0
  • avatar
    Theresa Macula Limosionero

    ang ganda ng story 😍

    16/08

      0
  • avatar
    Mateth Madelo

    Maganda kwento😍

    25/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru