logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

HINDI AKO nakapag-react sa ginawa ni Ambrose. Ang isa naman ay parang wala lang at ipinagpatuloy muli ang pagkain. Napahawak naman ako sa labi ko na natuluan ng gravy at nalipat ang tingin ko sa daliri niya.
Ang hahaba.
"Bakit ka nakatingin sa daliri ko?" Tanong niya na nagpabalik sa ulirat ko.
"W-wala naman." Sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Muli na akong kumain at pinipilit na huwag siyang tignan kahit ramdam na ramdam ko ang mga tingin na binibigay niya sa akin.
Nang matapos na kaming kumain ay iniligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Siya naman ay pumuntang banyo, maghuhugas siguro ng kamay.
Nang matapos ko na ang lahat ay pinunasan ko ang kamay ko at kasabay 'nun ay ang pagtunog ng cellphone ko.
Agad ko itong kinuha sa bulsa ng pantalon na suot ko at sinagot ang tawag ni mama.
"Hello, Ma?"
"A-anak! Buti ay sumagot ka, ang kapatid mo..."
Napakunot ang noo ko sa panginginig ng boses ni Mama at parang natataranta pa ito.
"Bakit po? Anong nangyari kay Carl?"
"Sinugod sa Hospital ang kapatid mo, Colleen anak. H-hindi naman kaya ng mga tuhod ko kaya hindi ako makapunta. Sila Vien ang nagdala kay Carl sa Hospital habang ako ay naghihintay lang ng balita sa kaniya. Natatakot ako anak, lalo at hindi ko siya magawang puntahan dahil sa walang kwenta kong mga paa." Rinig ko ang sakit sa pagsasalita ni Mama.
"Sige po Ma, pupunta na po ako diyan. Hindi din ako mapapatahimik na nandito lang ako." Sabi ko at nagpaalam na din sa kaniya.
Humarap na ako pero napahawak ako sa dibdib nang muntikan na kaming magkabungo ni Ambrose. Mukhang kanina pa ito nandito at hindi ko nanaman naramdaman.
"A-ambrose." Pabulong na saad ko.
"Saan ka pupunta?" Seryoso ang pagkakatanong niya kaya napalunok ako.
"A-ambrose, gusto ko sanang magpaalam sa'yo. K-kailangan kong puntahan ang kapatid ko. Nasa hospital siya ngayon at nag-aalala kasi ako sa kani—"
"Hindi ka pupunta doon." Pagputol niya sa sinasabi ko.
"Pero, Ambrose—"
"Iiwan mo ako para lang doon?" Muling pagputol niya sa sinasabi ko.
Lang? Kapatid ko na ang usapan!
"Ambrose, kapatid ko. Kapatid ko ang nasa hospital kaya oo, iiwan kita para doon pero pinapangako ko naman na babalik ako agad." Paliwanag ko sa kaniya.
"Why?"
"Nasa hospital nga—"
"Why? Hindi ba pwedeng magpadala ka nalang ng pera sa kanila? You know my mom hired you to be my PERSONAL assistant. Tapos ay basta basta mo nalang ako iiwan, ni wala pa ngang isang araw na kasama kita." sumbat niya.
"P-pero yung kapatid ko..."
"Okay fine! Go, go to your brother! Sige iwan mo 'ko! Basta 'wag kang makokonsensya sa gagawin ko dahil sa pag-iwan mo." Parang nanakot na banta nito at tinalikuran ako at umalis.
Napalunok nalang ako sa sinabi at mas pinili pa ding puntahan ang kapatid ko.
Pasensya, Ambrose. Pero mas kailangan ako ng kapatid ko ngayon.
Sabi ko sa isipan at umalis sa bahay nila. Sumakay ako ng jeep at hindi din naman nagtagal ay nakarating na ako sa hospital kung saan dinala si Carl.
Pagkarating ko sa pwesto nila Carl ay para akong nanlumo. Puro pantal ang katawan niya at namumula ang magkabilang pisngi.
"V-vien." Saad ko.
Napatingin naman sa akin ang babae at agad akong yinakap.
"Vien, anong nangyari sa kapatid ko? Bakit puro pantal ang buo niyang katawan?" Agad na tanong ko pagkabitaw sa yakap.
"Allergic daw sa peanuts si Carl pero sabi naman ng doctor ay maayos na ang lagay niya. Kailangan lang bilhin ang mga gamot at pampahid para sa mga pantal niya. Pwede na din naman daw siyang ilabas ayon nga lang ay wala tayong pambayad." Saad ni Vien.
Si Vien ang dalaga naming kapit-bahay. Isang taon lang ang tanda ko sa kaniya, bente anyos siya at walang nobyo habang bente una naman ako at katulad niya ay wala ding nobyo.
"M-may pera ako dito. Siguro naman ay sapat na ito para makalabas siya." Sabi ko at inilibot ang tingin sa buong paligid.
Puno ng pasyente ang bawat higaan ng hospital at ang iba 'dun ay panigurado akong malala na ang sakit.
"A-ate..." Nabalik ang tingin ko kay Carl nang magsalita ito. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay niyang malaya.
"Kumusta ka? Anong nararamdaman mo? Sabihin mo kay ate." Agad kong sabi sa kaniya.
"M-makati po ang katawan ko. Ate, please tanggalin ninyo po ang kati.
"Shh, gagaling ka na. Okay? Gagawa si ate ng paraan. Sa ngayon ay huwag mo na lamang kakamutin upang hindi magsugat." Sabi ko sa kaniya.
Masunuring tumango naman ang kapatid ko kaya napangiti ako. Pero nawala iyon ng tumunog ng pagkalakas lakas ang cellphone ko.
Napatingin tuloy sa akin ang mga tao.
Kaya naman agad ko nang sinagot ang tawag, galing ito sa isa sa mga guards sa bahay nila Ambrose.
"Hello, Niel?"
"Hello, ma'am. Naku! ma'am baka pwede hong umuwi na kayo. Kanina pa ho namin naririnig ang pagwawala ni Sir Ambrose. Hindi naman ho namin mabuksan ang kwarto niya dahil wala itong duplicate." Agad akong kinabahan sa sinabi nito.
Napatingin ako sa kapatid ko na nilalaro ang mga daliri ko sa kamay. Tumingin ito sa akin at ngumiti, nginitian ko din naman siya pabalik.
"S-sige, Niel. Pauwi na ako." Sabi ko sa kausap sa cellphone at pinatay na ang tawag.
"Carl, sorry ah. Pero kailangan nang umalis ni ate, nagkaproblema kasi doon sa pinagtatrabahuhan ko. Ibibigay ko kay Ate Vien mo ang pamabayad dito sa hospital para makauwi na kayo. Tatawagan nalang kita ha? Magpapakabait ka, I love you." Sambit ko sa kapatid kong sumimangot at hinalikan ang kaniyang noo.
Pagkatapos ay lumapit naman ako kay Vien na pinapanood ang nangyayari. Binigay ko sa kaniya ang antitira kong pera para pambayad sa hospital.
"Ate."
"Ikaw na munang bahala kay Carl, Vien. Kailangan ko nang bumalik sa pinagtatrabahuhan ko. Ito ang pambayad, lumabas na agad kayo at babale ako sa boss ko para pambili ng mga gamot ni Carl." Bilin ko sa kaniya.
"Opo, ate. Mag-iingat ka po sa daan." Sabi naman niya kaya nginitian ko siya.
"Kayo din."
Agad na akong umalis sa hospital dahil kinakabahan ako sa mga sinabi ni Niel. Nagwawala pala si Ambrose, malamang ay dahil iyon sa mental issue niya.
Tumagal ng halos kwarenta minutos ang pagbyahe ko dahil medyo traffic.
Pagpasok ko palang ng bahay ng mga Augustus ay nakita ko agad si Niel na mukhang may inaabangan, nang makita niya ako ay agad siyang lumapit.
"Buti ho ay nakarating na kayo. Kanina pa ho kami nag-aalala para kay Sir Ambrose." Sabi niya at sabay kaminh umakyat paitaas.
Habang naglalakad palang kami ay rinig na rinig ko na ang mga nababasag na bagay na nagmumula sa kwarto ni Ambrose.
"Pasensya na din. Kailangan ko lang kasi talagang puntahan ang kapatid ko sa hospital. Nagpaalam naman ako kay Ambrose kaso medyo pahirapan." Sabi ko.
Pagkatapat namin sa kwarto ni Ambrose ay parang gusto kong takpan ang magkabilang tenga ko sa lakas ng ingay na nagmumula sa loob.
Nagkatinginan kami ni Niel pagkatapos ay kinatok ko na ang pinto.
Halos manakit na ang mga kamao ko sa tagal ko kakakatok bago mawala sa lock ang pintuan.
Agad akong pumasok at papasok na din sana si Niel ng agad nang sumara ang pinto.
Napatingin ako sa pinto pagkatapos ay iginala ang paningin sa buong silid.
Napaka kalat.
Ayon ang masasabi ko, ang kaninang malinis na kwartong nilinisan ko ay parang dinaan na ng bagyo sa sobrang gulo.
Agad hinanap ng tingin ko si Ambrose at hindi na naman ako nahirapang hanapin siya na nasa kama.
Magulo ang buhok at hinihingal. Pansin ko din ang tumutulong likido mula sa nga kamay niya.
Agad akong lumapit.
"Ambrose! Anong nangyari?" Agad kong tanong sa kaniya at inangat ang ulo niya.
Walang emosyon ang magagandang abo nitong mga mata habang nakatingin sa akin.
"Now your back." Kinilabutan ako ng magsalita ito. Napaka seryoso at lamig.
"Ambrose..."
"Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na 'wag kang makokonsensya sa gagawin ko? Now, bakit ka nandito? I don't need you, Chloe Colleen." Nakakakilabot na ngiting saad niya.
P-paano niya nalaman ang buo kong pangalan!?
Itutuloy.
❄️

Komentar Buku (274)

  • avatar
    LaureagasThe

    Napakaganda naman nito writer!!! Highly recommended. Parang gusto kong basahin ng paulit ulit.. napakapure and genuine naman ng pagmamahal ni ambrose ❤️ deserve ng 10 stars compare sa mga nauna kong nabasa dito sa novelah..

    11/08/2022

      4
  • avatar
    Ronalyn Ddiola

    I love how Ambrose genuinely love her girl Colleen and its worth it that Colleen give him a second chance. Keep writing and doing well po Zariyah Denise 🩶.

    11d

      0
  • avatar
    Zai

    very beautiful ❤️

    19d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru