logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

5

Please do not forget to leave a vote and comments. You can also follow me for updates.
Please also check my profile for other completed stories.
***
Zed's POV
NANLALAMBOT na naupo ako sa sahig nang makarating ako sa rooftop. Sinulyapan ko din ang ilang galos at pasa ko na natamo nang ipagtanggol ko si Shaina. Akala ko ay ako lang ang dumadanas ng pananakit, pati pala ang kaibigan ko.
"Hay! Kahit yata wala kaming ginagawa ay hahanap sila ng paraan para masaktan kami."
Naalala ko bigla si Calvin. Kinilabutan ako sa takot dahil sa mata n'ya. Nagalit kaya s'ya sa akin? Dapat yata ay lumuhod nga ako kanina para humingi ng tawad.
"Hindi lang elite ang nagalit sa akin, pati na ang king!" gusto kong umiyak sa takot.
Baka mamaya n'yan ay paabangan n'ya ako sa ilang estudyante at ipabugbog. Siguradong bubugahan na ako ni doc ng apoy kapag sumulpot na naman ako sa infirmary na may sugat at bali.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" isang boses ang nagmula sa kanang side ng rooftop.
Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. Teka, si queen?
Mabilis naman akong tumayo. "Queen."
Dumiretso s'ya sa tabi ko at nagmasid sa mga estudyante na nasa ibaba. "Alam mo ba na madalas dito tumambay ang ilan sa student councils?"
Naku naman. Maling lugar pa ang napuntahan ko. Yumuko ako sa kanya. "Sorry queen. Aalis na ako."
"Call me Ava."
Ha? Nagtataka na tiningnan ko s'ya.
           
            
"Matagal na kitang hinahanap."
Napalunok ako. "A-ako? H-hinahanap mo?" itinuro ko pa ang aking sarili.
Bakit n'ya ako hinahanap? Wala naman akong kasalanan sa kanya. Teka, hindi kaya inutusan s'ya ni Calvin?
Mabilis na lumuhod ako sa harapan n'ya. "Patawad queen. Hindi ko naman sinasadya na mabangga si king."
"Ano ba'ng sinasabi mo? Tumayo ka nga d'yan!"
Natigilan ako. "T-teka, hindi ka inutusan ni Calvin na saktan ako?"
"Hindi kami close."
Awkward na napakamot ako sa ulo. Akala ko pa naman ay katapusan ko na. Tumayo na lang ako at nagmasid din sa ibaba, pero siniguro ko na malaki ang distansya ko kay Ava.
"Bakit mo ako hinahanap queen?" basag ko sa katahimikan.
"I said call me Ava!"
"S-sorry!"
Narinig ko naman ang mahina n'yang pagtawa. Hindi ako makapaniwala. Ang mukha n'ya na laging seryoso at akala mo ay masungit ay nakangiti ngayon. Sa akin!
"Hobby mo talaga na mag-sorry ano?" aniya.
"N-nasanay lang. A-alam mo naman ang pinagdadaanan ko dito," nahihiya kong sagot.
"Hayaan mo, from now on wala nang makakapanakit sa'yo."
Nagulat naman ako sa sinabi n'ya. Ano daw?
"Mula ngayon Zed, magkaibigan na tayo."
"K-kaibigan? S-sigurado ka?" hindi ako makapaniwala sa aking naririnig.
"Oo naman. Ano ba ang akala mo?"
Yumuko ako. "Akala ko kasi, lahat ng nasa itaas ng social ladder ay masasama."
"Hindi lahat. Alam kong may bad experiences ka, pero lahat ay ginagawa namin para mapanatili ang katahimikan sa Academy."
May bigla naman akong naalala. "Siguro mabait din si king?"
Sumimangot naman s'ya. Shit. May nasabi yata akong mali!
 
"Mabait naman s'ya, madalas nga lang kaming hindi magkasundo. Siguro ay dahil parehas kaming Royale."
"Isa kang Royale?!!" bulalas ko.
Nagtataka naman na lumingon s'ya sa akin. Mukha siguro akong timang sa paningin n'ya.
"H-hindi ko lang inaasahan na kakausapin ako ng isang Royale," pagpapaliwanag ko.
"Ano ba ang alam mo tungkol sa social ladder at parang masyado mo naman kaming tingalain?"
Ngumiti ako. "Kakaunti pa lang ang alam ko, pero sabi sa akin ni Shaina, ang mga Royales daw ang pinakamalalakas sa lahat ng gifted. "
"Well, tama ka sa bagay na iyan."
Grabe. Para tuloy gusto kong mag-alay ng sampung pandesal sa mga diyosa dahil sa nangyayari ngayon. Kinausap lang naman ako ng isang makapangyarihang gifted, at hindi lang iyon, magkaibigan na daw kami!
"Oo nga pala, bakit mo nga pala ako hinahanap?" tanong ko.
"Hindi ba at sinabi kong papalitan ko ang salamin mo?"
Iwinasiwas ko naman ang magkabila kong kamay. "N-naku, okay lang. H-hindi na kailangan."
"Wala kang magagawa. Samahan mo ako mamaya sa mall para mabilhan ka ng bagong salamin."
Napanguso ako. Mahirap talaga minsan kausap ang mga babae.
"Ngayon ko lang napansin Zed. Naka-helmet ka ngayon," natatawa nyang sabi.
Nagtaka naman ako. Wala naman akong suot na helmet. May nakikita ba s'ya na hindi ko nakikita?
"I mean, iyong buhok mo."
Wala sa loob na napahawak ako sa buhok kong naninigas sa gel.
"A-ah, ito ba? H-helmet pala ang tawag sa ganitong hairstyle?"
Nagtaka ako nang tumawa s'ya ng malakas. "I like you as a friend already."
"Totoo ba na kaibigan na kita?" tanong ko ulit.
"Oo nga! So paano, see you later after school. Pupunta tayo sa mall, okay?"
"O-okay."
Pinanood ko na lang ang paglalakad n'ya paalis. Nang mawala na s'ya sa aking paningin ay saka lang ako nakahinga ng maluwag.
Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi. Hindi ako nananaginip. Kaibigan ko na ang isa sa royalties dito sa academy!
                  
                   
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
BITBIT ANG ilang paperbags na pinamili ni Ava, ay magkasabay kaming naglakad palabas ng mall. Gusto kong magreklamo, kahit pala isa s'yang gifted ay normal na babae pa din s'ya. Ang tagal n'ya pumili ng damit na bibilhin!
Pwede naman na dumampot na lang ng damit saka bayaran sa cashier. Bakit kailangan pang isukat?
"Salamat ha?" aniya.
"W-wala iyon. Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo dahil ang ganda ng bago kong salamin."
"Isa 'yan sa mga nauuso ngayon."
Tama s'ya. Hindi ito kagaya ng nauna kong salamin na tila gamit pa sa sinauna. Masyado kasing mahal kapag bumili ako ng bago kaya pinagtyagaan ko na lang.
"Kukunin ko nga pala ang cellphone number mo." tumigil s'ya sa paglalakad.
"C-cellphone number, t-teka hindi ko kabisado ang sarili kong number."
Dinukot ko sa aking bulsa ang aking cellphone.
"Kakaiba ka, ikaw yata ang unang nerd na nakilala ko na hindi memorize ang sariling numero."
Natawa naman ako. "Hindi naman ako nerd. Bagsak nga ang mga grades ko eh."
Iniabot ko ang aking cellphone para kopyahin n'ya ang number ko nang may maramdaman ako sa 'di kalayuan. May mahinang kaluskos sa may bandang masukal na bahagi ng aming dinaraanan.
Ano iyon? Wala namang tao. Baka pusa lang.
"Heto na. Inilagay ko na din diyan ang number ko. Tawagan mo ako kapag may problema."
"Salamat Ava."
Nagsimula na ulit kaming maglakad. Hindi naman mawala sa pakiramdam ko na parang may sumusunod sa amin. Lumingon ulit ako. Pakiramdam ko ay malapit lang ang kaluskos sa likuran ko.
Kinikilabutan na kinalabit ko si Ava.
"Bakit?"
"M-may multo ba dito?" natatakot kong tanong.
"Sabi nila, meron daw."
Nagtindigan naman ang balahibo ko. Mabilis na hinila ko si Ava papunta sa bus stop kung saan may ilan ding tao na naghihintay ng masasakyan.
"Teka Zed, bakit ka ba nagmamadali?"
"M-may multo yata na sumusunod sa atin kanina."
Abot-abot ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay nanlalamig din ang buo kong katawan.
"Huwag ka nga magpapaniwala sa multo!" ani Ava habang natatawa
"A-ang sabi mo kasi ay may multo nga dito."
"Naniwala ka naman?"
Napalingon ulit ako sa aming pinanggalingan. Hindi pa din mawala sa akin ang pakiramdam na tila sinusundan kami.
"Zed." nagulat ako sa kalabit ni Ava. "Binibiro lang kita."
"Kung hindi multo iyon, sino ang sumusunod sa atin?" wala sa loob na nasabi ko.
"May sumusunod sa atin?" lumingon din s'ya sa tinitingnan ko. "Kung may nakasunod sa atin, mararamdaman ko iyon."
Umiling na lang ako. Baka guni-guni ko lang iyon.
"Baka imagination ko lang iyon," palusot ko.
"Baka nga. Tara na nga bumalik sa academy. Malapit na ang curfew."
Sakto naman na may tumigil na bus sa tapat namin.
    
    
     
     
     
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
                
                   
"KANINA PA kita hinihintay."
Napatigil ako sa pagpasok ng kwarto nang magsalita si Dylan. "Ako? H-hinihintay mo?"
Parang bago iyon ah.
"Oo."
Pumasok na lang ako saka naupo sa kama. Naupo din s'ya sa kama n'ya at humarap sa akin. Napansin kong may hawak s'yang notepad at ballpen.
Ano'ng meron?
"May mga itatanong ako sa'yo mortale," umpisa n'ya.
"Zed ang pangalan ko."
"Whatever," irap n'ya. "Anyway, may bago kaming research tungkol sa mga mortale at kung paano sila nakaka-cope up sa mga nangyayari sa paligid. Ikaw ang kilala kong mortale, kaya sana matulungan mo ako sa research paper ko."
Wow. Kanina, si Ava ang unang kumausap sa akin tapos ngayon ay si Dylan naman?
"Oo naman! Walang problema," nakangiti kong sagot.
Baka matanggap na n'ya ako bilang roommate at maging mabait na s'ya sa akin.
"Good. Unang tanong, ano ang pakiramdam bilang isang mortale at walang ability?"
Ha? Tanong ba iyon?
"P-para sa akin, mahirap ang maging mortale," pagsagot ko. Nakita ko naman na nagsimula na din s'yang magsulat. "Araw-araw ay kailangan namin harapin ang kritisismo ng mga nasa itaas, ang pangmamata ng mga gifted sa kagaya namin."
Baka ito na din ang paraan para maisaboses ko ang dinadanas naming nasa ibaba ng hierarchy.
"May nakapagsabi sa akin na taga North Algeria ka, ano sa tingin mo ang kaibahan ng buhay mo doon at dito?"
Natigilan ako. Kailangan ba talaga na isama iyon sa research paper nila?
Nagkibit balikat na lang ako.
"Malaki ang pinagkaiba ng pamumuhay ko doon at dito. Noong nasa Salvatore ako, karamihan ng mga nakatira doon ay mga mortale din kaya nang lumipat ako dito ay nagulat ako."
Pinagmasdan ko naman si Dylan. Hindi man lang s'ya nagtatapon sa akin ng sulyap. Patuloy lang s'ya sa pagsusulat.
"Mas malaki ang populasyon ng gifted dito kumpara sa Norte." aniya.
Iyon nga din ang napansin ko.
"Sa dinami-dami ng paaralan, bakit sa Superno mo napili pumasok? Madami din namang paaralan na para lang sa mga mortale."
"Gusto kong matuto ng tungkol din sa mga gifted."
"Bakit naman?"
Sumulyap ako sa sahig. Bakit parang habang tumatagal ay lalong nagiging personal ang kanyang mga tanong?
"In reality, sa ayaw at gusto namin, ang mundong ito ay hindi lang para sa mga tao," mahina kong tugon. "Para maka-survive kami sa araw-araw na pamumuhay bilang mortale, kailangan din namin ng kaunting kaalaman."
"Bakit ang academy na ito?"
Napaurong ako nang mataman n'ya akong titigan na parang kakainin n'ya ako ng buhay.
"B-bawal ba kaming mga taga norte dito?" kinakabahan kong tanong.
Napangiwi ako sa sakit nang sa isang iglap lang ay nakalapit na s'ya sa akin habang mahigpit na hawak ang kaliwang kamay ko.
"Dylan." pinilit kong bawiin ang kamay ko pero mas lalong humigpit ang kanyang pagkakahawak.
Ramdam ko din na tila may nabali na sa daliri ko. Ano ba'ng problema n'ya?
"Hindi handa ang mga taga south para sa mga kagaya nyo." bakas sa boses n'ya ang galit.
Teka lang. Ano ba ang nasabi ko at parang galit na galit s'ya sa akin? Dahil ba na nagmula ako sa norte?
"B-bitiwan mo ako." buong lakas na hinila ko ang kamay ko saka mabilis na tumakbo palayo sa kanya.
Mukha naman s'yang natigilan. Isang masamang tingin ang ibinigay n'ya sa akin.
"Bakit hindi ka man lang natatakot sa akin?" sabi n'ya.
"A-ano'ng hindi natatakot? Matagal na akong takot sa iyo, sa unang araw pa lang na d-dumating ako dito," nauutal kong sagot.
Hindi naman s'ya umimik. Napansin ko na napatingin s'ya sa kanyang kamay na kanina lang ay halos dumurog sa kamay ko.
"Interesting."
Wala akong maintindihan sa ikinikilos n'ya. Doon ko lang din napansin na wala s'yang suot na gloves. Parati kasi s'yang naka-gloves kahit sa pagtulog.
"Tapos na ang interview," aniya saka lumabas ng silid.
Nanlalambot na napaupo naman ako sa sahig habang hawak ang isa kong kamay na nabalian.
                
                   
Ipagpapatuloy...

Komentar Buku (110)

  • avatar
    Jessiel Ann Ypanto

    💖💗

    24/08

      0
  • avatar
    PastorpideHeilykristle

    Ang galing nyo pong gumawa I can 't wait to read season 2

    11/08

      0
  • avatar
    Lawrence Calibho

    hvbnu

    07/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru