logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

3

Ava's POV
           
            
"BAKIT B ang nakuha ko sa assignment ko?!" isang sigaw ang nakapagpahinto sa aking paglalakad.
Napalingon ako sa gawi kung saan iyon nagmula, at kagaya ng inaasahan ko, isang estudyante na naman ang nabu-bully.
"S-sorry. H-hindi ko naman kasi—"
Nakita ko ang pag-ilaw ng mata ng lalaking nananakit, tanda na naka-activate na ang kanyang ability.
Yellow glow.
Isa s'yang elite base sa kulay ng kanyang mata.
"W-wag!" sigaw ng lalaking nakaupo sa sahig. Isinalag din n'ya ang kanyang kamay sa atake ng kaharap.
Isang asul na laser beam ang pinakawalan ng nauna. Walang awa na pinatama n'ya iyon sa katawan ng kaawa-awang estudyante. Sa tingin ko ay isa s'yang common o mortale.
"Aaarrrghhh!" napasubsob sa sahig ang pangalawa habang hawak ang balikat na dumudugo dahil sa pagtama ng laser beam.
"You had one job, idiot!" isang suntok naman ang pinadapo n'ya sa mukha ng lalaki.
Sunod-sunod na sipa din ang kanyang pinatama sa katawan nito. Parang wala nang bukas kung makapanakit.
Tahimik na naglakad ako papalapit sa dalawa.
I activated my ability to form a barrier around the helpless guy. Napasigaw naman ang isa nang tumama ang kanyang paa sa matigas kong barrier.
"Enough." saad ko.
Napalingon naman sa akin ang lalaking kanina lang ay nananakit ng kapwa estudyante.
"A-ava," nawala din ang ilaw na nasa kanyang mata.
"Hindi mo ba nakikita na walang laban sa iyo ang lalaking iyan?!" sigaw ko.
"P-pero—"
"Isa kang Lorem, huwag mong abusuhin ang kakayahan mo kung ayaw mong ipadala ka sa Norte," malamig kong saad.
Nanigas naman s'ya sa kanyang kinatatayuan.
"Nakita mo ang future ko?"
Hindi ko naman kailangang sagutin ang tanong n'ya. Alam ng lahat ang kakayahan na mayroon ako.
"Kapag ipinagpatuloy mo iyan, hindi malabong mangyari ang bagay na iyon."
Bakas sa kanyang mukha ang takot.
"Walang sinuman," pagpapatuloy ko. "Ang may gusto na mapadpad sa lugar na iyon."
"Patawad Queen. Hindi na mauulit!" iyon lang at tumakbo na s'ya papalayo.
Doon ko lang tinanggal ang barrier na nakapalibot sa lalaking nakaupo sa sahig.
"Okay ka lang ba?" inalalayan ko s'ya sa pagtayo.
"M-mukha ba akong okay?" umubo pa s'ya. May ilang patak ng dugo ang lumabas sa kanyang bibig.
Tinitigan lang ko s'ya habang hinihilot ang panga na tinamaan ng kamao ng nakaaway.
Magulo ang may kahabaan n'yang buhok. Ang salamin naman n'ya ay nagkaroon ng crack. Madumi din ang suot n'yang uniporme.
"I'm Ava, the queen of this academy." inilahad ko ang kamay ko.
 
Tiningnan lang naman nya iyon at hindi nag-abala na abutin. Kumunot ang noo ko sa ikinilos n'ya.
"P-pasensya na," matipid na ngumiti s'ya. "Hindi magandang tingnan na hawakan ng isang mortale ang queen ng academy na ito."
      
Iyon pala ang dahilan.
      
"Mukhang matindi ang natamo mo. Dadalhin kita sa infirmary."
Being the campus queen sucks. Sa totoo lang, ang trabaho na ibinigay sa amin ay hindi biro.
Mahirap magdisiplina ng mga abusadong estudyante habang pinapanatili ang social hierarchy. Hangga't maaari ay ayaw namin na magkaroon ng kaguluhan, at the same time ay mawalan ng respeto sa nakakataas ang mga nasa ibaba.
"WALA KA talagang plano na pagpahingahin ako Zed!" sigaw ng doktor habang naghahanda ng gamot.
So, Zed pala ang kanyang pangalan. At isa s'yang mortale. No wonder, pinagdidiskitahan s'ya ng lalaking iyon.
"Doc naman, ako na nga itong nasaktan eh," sagot naman ni Zed.
"Sumasagot ka pa! Heto, inumin mo nang gumaling iyang nabali mong tadyang."
"Thank you doc."
"Suklayin mo nga ang buhok mo! Para nang pugad ng ibon sa gulo! Naubusan ka ba ng gel?!"
Nanatili ako sa isang tabi at pinagmasdan lang sila. Base sa kilos nila, mukhang madalas dito sa infirmary si Zed.
Ibig sabihin, madalas din s'yang ma-bully?
"Masyadong kasing mainitin ang ulo ng roommate ko. Pati ang paggamit ko ng banyo ay nilimitahan nya," maktol ni Zed na parang bata.
Ilang sandali ang lumipas. Doon lang din ako nagdesisyon na lumapit sa kinahihigaan nya.
"N-narito ka pa?" bulalas n'ya.
"Gusto kong masiguro na ayos ang kalagayan mo."
Isang tawa naman ang pinakawalan n'ya. Tawa na parang nahihiya.
"O-okay lang ako Queen. Sanay na ako."
"Base sa narinig ko, mukhang madalas ka dito. Sabihin mo sa akin, gaano mo na katagal dinadanas ito?"
"Ha? B-Bakit parang nag-aalala ka? Magkaibigan ba tayo?"
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "I'm the queen of this academy. Gusto ko lang makasiguro na hindi kami nagkukulang sa aming responsibilidad."
Napakamot naman s'ya sa batok. "G-ganoon ba."
"Kaya wag kang masyadong assuming."
Bigla naman sumeryoso ang kanyang mukha. Ganoon s'ya kabilis magpalit ng emosyon? Wierd.
"Ilang buwan na din mula nang lumipat ako dito. At halos araw-araw akong laman ng infirmary. Hindi lang ako ang nakakaranas nito, madami kami."
Kailangang malaman ito ni Calvin. Masyado yata s'yang nakakampante sa paligid n'ya.
"Zed, right?" tanong ko.
"Ah, oo. Ako si Zed."
Kinuha ko ang salamin n'ya na nakasuot pa din.
"May basag na ang salamin mo, papapalitan ko."
"N-naku," inagaw n'ya mula sa kamay ko ang salamin. "Wag na. O-okay lang ito. Magagamit ko pa naman."
"Magagamit? It's broken, paano mo magagamit?"
Nakangiti n'yang itinaas ang salamin. Nakaturo din s'ya sa basag na parte.
"Ang kanang lense lang ang nabasag, hindi ang kaliwa. Wala naman silbi ang kanang lense kaya okay lang."
Napatitig ako sa mata n'ya. Kakaiba nga ang kaliwa n'yang mata. Mukha namang napansin n'ya ang pagtitig ko sa kanya.
"Ito lang kaliwang mata ko ang may problema. Napakalabo ng kaliwa kong mata, minsan nga wala na akong makita."
I see.
"Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kanina. Pwede ko ba'ng malaman ang pangalan mo?"
"Ava."
"Hi Ava. Ikinagagalak ko ang makilala ka."
Humakbang na ako palayo. Kakausapin ko pa nga pala si Calvin ukol sa nalaman ko.
Pero bago ako tuluyang makalayo, isang sulyap kay Zed ang aking ginawa.
Bakit ganoon? Hindi ko makita ang future n'ya.
Nagkibit balikat na lang ako. Kailangan ko pa din hasain ang kakayahan ko sa abilidad na ito. Masyado akong nasanay sa paggamit ng barrier kaya pati ang iba kong ability ay hindi ay hindi ko na napapagtuunan ng pansin.
"NOPE." tanggi ni Dylan.
"Okay lang sa akin," sagot naman ni Xavier.
"Okay lang sa'yo dahil mga elites ang babantayan mo!" angil naman ni Dylan.
"Tumigil nga kayo," awat ko.
Parang mga bata na naglayo naman ang dalawa, kapwa nakasimangot.
Binalingan ko ulit si Dylan. "Ikaw ang napili ko para magbantay sa mga mortales."
"Bakit ako? Bakit hindi na lang si Amelia?!"
"Huwag mo akong idamay!" sagot naman ni Amelia na nasa kabilang side ng kwarto.
"Dahil may mortale kang kasama," sagot ko.
"Dahil lang doon? Come on, Ava! Ni hindi ko nga kasundo ang mortale na iyon!"
           
"Hindi kita masisisi Dylan," isang boses ang sumingit.
Lahat kami ay napalingon sa pinagmulan noon. Si Calvin pala.
"Waaah!" tumakbo pa si Dylan kay Calvin. "Mabuti ka pa, naiintindihan mo ako."
Aish. Mukhang alam ko na ang kasunod nito. Sinulyapan ko naman si Amelia na nagkibit balikat lang.
"Bakit hindi mo i-request sa headmaster na ilipat ang roommate mo sa tamang dormitory?" ani Calvin.
"Ilang beses ko nang sinabi iyon pero ayaw nila akong pakinggan."
"Baka naman wala nang bakante sa dorm ng mortales?" singit ni Amelia.
"Impossible," sagot naman ni Calvin.
Naglakad naman ako palapit sa kanya. "Bilang king, hindi mo dapat kinukunsinti si Dylan sa mga sinasabi n'ya tungkol sa mga mortale."
"Malaya s'yang magbigay ng opinyon Ava."
Ito ang isa sa ayaw ko kay Calvin. Kailanman ay hindi kami nagkakasundo lalo na sa ganitong usapan.
Ganito nga siguro kapag parehong nagmula sa royale.
"So, may mas maganda ka ba na suggestion?" hamon ko.
"I've decided after hearing your side Ava."
Lahat kami ay naghintay sa sasabihin n'ya.
"Xavier will be watching the elite's. Si Amelia naman ay sa commons."
"How about Dylan?" tanong ko.
"May iba s'yang assignment."
Gusto kong magalit. Nakikita ko na ang mangyayari.
"Ikaw ang ilalagay ko para magbantay sa mortales. Ako na ang bahala sa mga nasa royale rank."
Kulang na lang ay mapanganga ako sa sinabi n'ya.
"Ako? Sa mortale?!!"
Leo's POV
           
            
KUMUNOT ANG noo ko sa mga impormasyon na aking nabasa.
Sinulyapan ko ang kaharap kong babae na nagmula pa sa ministry of defense.
"Ayokong isipin n'yo na nagkukulang sa seguridad ang academy," sabi ko.
Ngumiti naman s'ya.
"Hindi biro ang obligasyon at katungkulan mo bilang headmaster, Leo."
Hindi naman ako napayapa sa sinabi n'ya. Kung hindi ko ito maaagapan, siguradong sisilipin na ng gobyerno ang academy na ito. At iyon ang ayaw kong mangyari.
"Mas tumaas ang kaso ngayon kumpara noong isang linggo," muli ay pinasadahan ko ang mga nakasulat sa papel.
 
"Makikipagtulungan kami sa nangyayari Leo. Para saan pa at naging magkaibigan tayo."
"Salamat Angela."
"Kailangan mo lang sabihin kung kailan, handa akong magpadala ng additional security dito."
Napaisip naman ako. Hindi ko pwedeng basta na lang lagyan ng madaming security ang buong paaralan. Lilikha iyon ng takot sa mga estudyante ko.
"Tungkol sa mga nawawalang mortale at commons, may lead na ba kung nasaan sila?" tanong ko.
"Para kaming nangangapa sa dilim ukol sa bagay na iyan. Pero ginagawa ng buong ministry ang lahat para malaman kung sino ang mga nasa likod ng pagkawala nila."
Isang litrato naman ang umagaw ng pansin ko.
"Ano ito?" itinaas ko ang larawan.
"Ang mga librong iyan ay nakuha namin sa gamit ng mga nawawalang mortale."
Libro? Muli, tinitigan ko ang larawan. Para lang iyong simpleng libro kung titingnan.
"Anong klaseng libro ito? Ano ang koneksyon nito sa mga nawawalang estudyante?"
Napansin ko naman ang pagsulyap n'ya kay Raven, ang dean ng academy.
"Mapapagkatiwalaan s'ya." sabi ko.
"Napansin lang namin ang librong iyan dahil lahat ng estudyante na nawawala mula sa kalapit nating District ay mayroon n'yan."
"How about the missing students here in Superno?" singit ni Raven.
"Six out of eight ay mayroon din ganyang libro sa kanilang gamit," ani Angela.
Nakakapagtaka.
May kakaiba nga sa librong ito. Sa totoo lang ay ngayon ko lang nakita ang ganitong klase ng libro. Walang anumang nakasulat sa itim na pabalat.
"By any chance," basag ko sa katahimikan. "May kopya ka ba ng librong ito?"
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Angela.
"Kinuha ng Light Vatican ang mga nakumpiska namin na libro."
Ang vatican?
"Teka, kung nakikialam na ang Light Vatican, ibig ba nitong sabihin ay hindi biro ang kasong ito?" tanong ni Raven.
"Mukha nga," pagsagot ko. "Bihirang makialam ang vatican."
Ang malaking katanungan, anong meron sa librong iyon para kunin ng vatican? Sino ang may pakana ng pagpapakalat ng librong ito na nagiging dahilan ng pagkawala ng ilang gifted at mortale na nasa ibaba ng hierarchy?
  
"Hindi sinasadya ay nabasa ko ang libro," biglang sabi ni Angela. "Kaya naiintindihan ko ang pakikialam ng vatican."
"Ano'ng mayroon sa librong iyon?"
Nagkibit balikat naman sya. "Para sa akin, it's just a mere novel tungkol sa black council at kung paano nila kayang palakasin ang mga mortale at commons. May tungkol din sa huling bata na pinaslang daw ng vatican."
What the hell?
Tumayo ako at nagtungo sa hanay ng aking mga libro. Isang lumang libro ang aking kinuha saka iyon dinala sa kanila.
"Ano iyan?" tanong ni Angela.
"Isa din ito sa libro na inilathala dati. May mga ilang impormasyon dito tungkol sa black council."
Kinuha naman n'ya iyon at binuklat. "Malaking tulong ito sa imbestigasyon."
Ilang dekada na din kaming walang balita tungkol sa black council. Ang akala namin ay nagkaroon sila ng tahimik na kasunduan sa Light vatican.
But why all of a sudden ay nadadawit ang konsehong iyon sa mga nangyayari?
"Malaki ang paniniwala ko na may koneksyon ang black council sa pagkawala ng ilang mortale at commons." sabi ko.
Halata namang nagulat si Raven at Angela.
"I told you Leo, the book is just a novel," ani Angela.
"Na nanghihikayat sa mga mahihina na maging malakas?"
Natahimik naman s'ya.
"Woah! Teka lang," singit ni Raven. "So, may malaking posibilidad na ang black council talaga ang may kagagawan nito?"
"Hindi pa namin masasagot ang bagay na iyan," sagot naman ni Angela. "Matagal nang nananahimik ang mga myembro ng black council, hindi magandang basta na lang natin sila pagbintangan nang walang sapat na ebidensya."
May punto doon si Angela.
Pero bakit kailangang ikalat ang kwentong iyon sa pamamagitan ng libro? Ano ang layunin ng mga tao sa likod nito?
Muli ay binasa ko ang listahan ng mga estudyante na nawawala. Karamihan sa kanila ay mortale. Ang ilan naman na commons ay may mababang ability.
           
Nawawala ba talaga sila o kusa silang sumama sa mga taong nagpapakalat ng librong ito?
Binalingan ko si Angela. "Maraming salamat sa tulong at update, Angela. Kakausapin ko ang mga nasa student council ukol sa bagay na ito."
"Ang royalties?" singit muli ni Raven. "Bakit? Estudyante pa din sila."
Bumuntong hininga ako. "Kailangan natin ng tulong nila. May naisip akong paraan kung paano tayo makakapagdagdag ng seguridad sa academy."
"If that's the case, hihintayin ko na lang ang tawag mo Leo," sabi ni Angela na naghahanda na para sa pag-alis.
"I'll keep in touch." sagot ko na lang.
"I almost forgot," aniya nang nasa pintuan na sya. "The book mentioned about a shadow rank. Mayroon ba'ng ganoon?"
"Shadow rank?" ulit ni Raven.
       
"Ngayon ko lang narinig ang bagay na iyon," pagpapatuloy ni Angela. "Sa pagkakaalam ko, ang Royale ang pinakamataas sa hierarchy, bakit sinasabi ng libro na mas mataas ang shadow rank?"
Natigilan ako sa sinabi nya. Shadow rank? Nabasa ko na ang bagay na iyon, but that was 40 years ago. Estudyante pa lang ako at isa iyon sa mga naging topic ng klase namin.
"Magtatanong ako sa ilan kong kakilala tungkol sa bagay na iyon." sabi ko na lang.
Tumango na lang si Angela bago tuluyang umalis.
Shadow rank huh?
Akala ko ay wala na ang dugong iyon? Matagal nang natalo ng light vatican ang ilang myembro ng shadow, bakit biglang nabanggit iyon sa libro?
Ipagpapatuloy...

Komentar Buku (110)

  • avatar
    Jessiel Ann Ypanto

    💖💗

    24/08

      0
  • avatar
    PastorpideHeilykristle

    Ang galing nyo pong gumawa I can 't wait to read season 2

    11/08

      0
  • avatar
    Lawrence Calibho

    hvbnu

    07/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru