logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

C7: I am his brother

REIGH SHI YVES POV
HINDI NA'KO nabahala pa sa mensaheng natanggap ko nang nakaraan. Ngunit tila babala lamang iyon at wala namang nangyayaring masama sa'kin lalo na kila Kyoro at Cleìvvriou. Matapos ang isang buwan ay nakapag-bigay ako kay Mr. Gyro ngunit hindi parin sapat. Pinag-bigyan ako nito muli na walang halong kondisyon. Mukhang problemado ito kaya't hindi na'ko pinagtuunan ng pansin. Pwede naman akong magtrabaho sa kaniya ngunit masyadong delikado. Maari naman niya kong patayin sa mabilis na paraan ngunit hindi niya ginawa.
Wala na'kong nabalitaan na kahit ano pa kay Cleìvvriou Ashton.
Nakita ko si Hilbert at Jack nang makababa ako sa apartment. Nag-ayang mag-almusal ng pandesal at lugaw sa malapit. Sumang-ayon ako dahil wala naman akong gagawin sa school kundi mag-training ng taewondo.
"Reigh, tagal na natin magkakilala pero hindi ko pa alam buhay mo," saad ni Jack.
"Ayokong pag-usapan ang buhay ko," matapat na sambit ko.
"Sa bagay, iba-iba tayo ng takbo ng buhay. Patatagan na lang sa mundo," pahayag ni Hilbert.
"Nabalitaan ko na si Arpina Klame pala ay nag-aaral sa Wolfgang. Ngayon ko lang din nalaman na doon ka nag-aaral, Reigh. Yayamanin ka pala!" Pag-segue nito sa usapan ni Jack.
"Talaga? Ang galing naman!" paghanga ni Hilbert.
"Scholar at pag-attain ng grado lang ang sekreto." I chuckled.
"Sabagay! Goodluck pre!" Tapik nila sa'kin.
"Salamat..."
Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagtungo sa pupuntahan. Sa ibang iskwelahan sila pumapasok, malayo pa sa school ko. Sumakay ako ng Jeepney at nakatabi si Arpina roon na kanina ay pinag-uusapan lamang namin. Seryoso ang mukha nito dahil na rin siguro sa face mask na suot niya. Madalang ko lamang ito makasabay at palaging naka-takip ang mukha. Minsan naka-sunglasses, minsan naka-cap.
"Hello Reigh! Ayaw mo ba talaga sumali sa play?" mahinang tanong nito.
"I'm still thinking about it."
Dahil nasa unahan kami ng Jeep ay pinaabot ko ang bayad ko. Pinanood ko lamang ang ang labas na tila' isang palabas na walang hinto sa pag-usad. Ang umagang kay lamig na napapalitan ng init dahil sa papatingkad na araw. Inalalayan ko si Arpina na makababa sa Jeepney. Sabay na nag-swipe ng school I.D.
"Good morning kuya Khell!" bati ko sa security guard na araw-araw kong ginagawa. Ngunit hindi ito bumabati pabalik.
Nauna na maglakad si Arpina kasabay ang mga kaibigan nito. Binati ko naman si Mr. Wilson bago magtungo sa klase ni Sir Zheng. Pakiramdam ko sa araw-araw ay kalayaan, simula nang hindi na ako Janitor sa umaga. Simpleng mag-aaral na lamang na nais ng diploma. Tatlong buwan na lamang ang ilalaan ko at patungo na'ko sa pinakamahirap na level sa pag-aaral. Makakabalik na rin ako sa aking lolo upang idaos ang kaarawan namin dalawa kung sakali man makapag-tapos ako.
Hindi ako sanay na walang Gregorio ang nangungulit ngunit kagabi ay nabalitaan ko na lamang na magma-migrate na sila ng pamilya niya sa ibang bansa. Ang bilis ng kaganapang ng lahat. While in the other side, Saizne dropped out already.
Paano nila kinakayang magsayang ng oras kung tatlong buwan na lamang ay tapos na sila.
"Let's catch up today!" Kyoro said in the phone call. Felt like I need to time freeze for awhile.
Pinunasan ko ang aking pawis pagkatapos mag-ensayo sa taewondo. No longer a janitor, I have more time to train myself.
"Hi! I'm Enzo," nakipag-kamayan naman ako sa kasamahan ko sa taewondo.
"I'm Mayumi!" nakipag-kamayan naman ako mukhang pamilyar ang pangalan na iyon sa'kin.
"It was pretty to meet you guys!" I greeted them with alacrity.
Mukhang nais na'ko makita ni Kyoro at todo hanap sa'kin. Nakasalubong ko pa si Cleìvvriou at sinabing naroon si Kyoro sa parking lot. Sa tagal ng panahon ay naging maayos naman ang lahat. Sigurado akong pina-bantayan ng maigi ito ng kaniyang ama upang maging ligtas.
"Sa bawat pagkakataon na pwede mong aminin sa'kin ang totoo. Bakit pinili mong hamakin ako, Reigh?" tanong niya agad sa'kin pagka-pasok ko palang sa kotse.
"Hindi kita hinahamak, subalit kung 'yan ang paniniwala mo. Kapatid kita, bakit kita sasaktan?" malinaw ko nang i-dineklara iyon sa kaniya.
"Kapatid? Kailan mo pa nalaman 'yan?"
"Hindi na importante iyon pero tinuring na kitang kapatid ko."
"Kailangan ko nang umalis. Salamat sa oras Reigh." Tumango ako at bumaba ng sasakyan. Mukhang malaking gulo ito dahil may nais pa itong sabihin na hindi niya kayang ipahayag sa ngayon.
Pumasok ako sa klase sa sipnayan. Nakakakungkot lamang at walang sumasagot sa mga katanungan ni ma'am kundi ako. Ang madala na pagliban ni Kyoro ay nakakaapekto pala para sa nakararami sa klase. Sa Agham ay walang bago, puro experiment ang ginagawa. Halos maubos na ang laway ng katabi ko mailagay lang sa tube. Apat na grupo kami at isa lang naman ang hinihinging example for DNA.
"Ano kasi meaning ng DNA?" tanong ni Mayumi na naging kaklase ko na.
"Deoxyribonucleic acid."
"Eh yung four types non?"
"Adenine, cytosine, guanine, and thymine."
"Eh yung three major form?"
"I'm not sure... A-form, B-form,and Z-form." I shrugged my shoulder. I really hate science! Bit there I was thinking about it. What if I need to DNA test kung magulang ko ba talaga ang mga magulang ko lalo na si Reigh. It's driving me insane!
Nang matapos ang klase ay lumabas na'ko agad upang bayaran si Mr. Gyro sa mga utang ko sa kaniya. I got my salary, allowance, and savings. Five hundred thousand lamang ang kaya kong bayaran. Sa kasalukuyan ay patuloy parin akong naghahanap ng trabaho kung saan-saan dahil nasa tamang edad na'ko para makapag apply ng trabaho ngunit kailangan ko ng time management lalo na at parte ako ng taewondo. Ang katawan ko ay nais na bumagsak sa lupa.
"Magaling bata, kung ganito ka magbayad, mabilis tayong matatapos," komento ni Mr. Gyro.
"Makakaasa ka, sana wala nang madamay pa na buhay ng tao."
Kumain muna ako sa lugawan bago pumunta sa mga part time job ko. Maliban kay Mr. Cheng ay nakilala ko rin si Mr. Uy sa na isang mayamang negosyante. Ngunit hindi ako tinaggap nito noon dahil underage pa'ko noon.
"Good afternoon Mr. Uy! It's been a while..." bati ko at nag-sensyas ito na maupo.
"I have a lot jobs na pwedeng ibigay sayo. Dahil kilala ko naman ang lolo mo ay malaki ang tiwala ko sayo," nagulat ako sa pahayag niyang iyon. "You can be Administrative assistant and Hotel front desk receptionist. And, if you want to be a waiter and dishwasher in my restaurant. Weekend ka lang naman magta-trabaho, Reigh."
"But I don't involve my grandfather here, Sir."
Malaking tulong na kung tuwing weekend lang ang trabaho ko.
I saw Arpina here, who relaxing her back in the lounge. Nag-usapa naman kami ni Mr. Uy ngunit hindi ko mapigilan na hindi mapasulyap kay Arpina.
"So tomorrow, you will start to know everything here. Is that clear, Reigh?"
"Yes, Sir! Glad to hear that I'm already accepted."
Directly, I talked to him. Kaya't hindi na'ko sumalang sa kahit anong interview. Minsan na'ko nitong nakita sa casino lalo na noong gabing naubusan ako ng salapi. Nakakahiyang isipin ang pagkakataon na iyon. Ngunit simula nang makita ako nito na nagta-trabaho ay naimbitahan ako na magtrabaho sa kaniya.
Sakto naman na napalingon si Arpina ngunit nagkamayan na kami ng kamay ni Mr. Uy bilang pamamaalam at pasasalamat. Nang makalabas ako ay nakita ko si Kyoro sa hindi kalayuan. Ang mukha nito ay nalulumbay ngunit ang mga mata nito ay nawalan na ng ganang mabuhay.
Tumawid ako upang maabutan siya ngunit ang paglalakad nito ay tila' babagsak na sa lupa. Tumakbo ako upang maalalayan siya. Ang mukha nito ay namumutla at nakakawa. Sa kalagayan niya parang napalayas siya sa bahay nila.
"What happened to you?"
He chuckled. "The same question I have."
"Let me take you there." Turo ko sa convenience store.
"A bottle of water can help me," he whispered. "I'm exhausted."
Inalalayan ko siya sa pag-upo at dumeretso sa drinks. Bumili na din ako ng siopao at cup noodles. Gipit ako ngayon at simpleng pagkain lamang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Habang naghihintay ako sa pila ay napalingon ako kay Kyoro na nakatalikod. Ang pangangatawan nito ay mas lalong pumayat pa na tula' naging kalansay na.
Inabot ko ang bote ng tubig na agad niyang naubos sa isang lagukan lamang. Uhaw na uhaw ito at nagiging balisa.
"Dahan-dahan lang Kyoro," saad ko. Nang makita niya ang siopao ay naubos niya iyon agad. Pinanood ko naman kung paano niya naubos ang cup noodles.
"What they did to you?" I asked.
"I just wanna die but I can't quit. I'm going crazy but I wanna live. I freaking out and berserk at the same time..." He sighed in frustration.
"You got perplexed. What's bothering you, Kyoro?"
"I felt so empty right now."
Tinapik ko ang balikat niya. "Walang tamang salita ang masasaad ko para mapabuti ang pakiramdam mo."
"Should I call you 'Kuya' but nah! I can't..."
Napailing na lamang ako. "It's really hard to be a kuya, I guess."
I just remember when Fia, his sister, died. I'm still look in to some information about what happened from their past. Nang magkalakas na si Kyoro ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pasi-kreto ko itong sinubaybayan hanggang sa makauwi ng tuluyan.
"Why do you always watching him?" Sa likuran ko ay isang pamilyar na boses ang nagtatanong.
"Lana..."
"Tell me."
"It's... Why I need to tell you?"
"Because he is my counsin and you? You are nothing in our lives. Nakakapagtaka naman na tila' ba mas kapatid ka pa kung umakto pagdating sa seguridad niya," may pagka-sarkastimong giit nito.
"Indeed, I am his brother from different places." Iniwanan ko na si Lana at nagtungo pauwi sa aking apartment.

Komentar Buku (38)

  • avatar
    Saira Mae R. Venzon

    ❤️❤️

    14/08

      0
  • avatar
    ニコール アシュリー

    masaya ako ngayun

    06/08

      0
  • avatar
    BandaKim

    ang ganda ng kwento

    25/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru