logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

NAGLALAKAD SI Bing sa sementadong kalsada ng kalye patungo sa kanilang bahay. Malalim na ang gabi nang matapos ang kasiyahan sa kasal ni Vivi. Sa entrance na lang ng kanilang subdivision siya nagpababa sa kanyang boss kung saan sila nakisabay ng mga kapwa niya editor. Tutal naman, safe na ang lugar nila at malapit-lapit na rin naman doon ng bahay nila kaya nilakad na lang niya. Ngunit hindi niya akalain na hanggang doon ay kabuntot niya ang dahilan kung bakit hindi na natahimik pa ang mundo niya. Kung bakit hanggang ngayon ay tila nalalasahan pa rin niya ang tamis ng halik nito.
“Sabay na tayo,” wika ni Benjie sa kanyang tabi. “Mabuti na ‘yung may kasama ka para hindi ka madisgrasya.”
“Mas napapahamak pa nga ako kapag ikaw ang kasama ko.” Nagmadali siya sa paglalakad. “Puwedeng iba na lang ang asarin mo ngayon? Kasi kanina mo pa sinisira ang araw ko.”
“Gabi na.”
“Huwag mo akong kausapin! At sinabi ng huwag mo akong sasabayan!”
“Hindi puwede. Obligasyon ng mga gaya kong responsableng mamamayan ng bansang ito na pangalagaan ang mga babaeng naglalakad ng mag-isa sa gabi. Lalo na ang mga babaeng nagkaron ng, aherm, 'nakaraan' sa akin."
“Layuan mo ako, Benjamin. Maawa ka sa sarili mo.” Naniningkit na ang mga mata ni Bing nang harapin ito. “Hindi ko kailangan ang proteksyon mo at mas lalong hindi mo ako isang obligasyon. Kaya kong pangalagaan ang sarili ko at kahit kailan ay hinding-hindi ako hihingi ng tulong sa isang taong napakasinungaling at manlolokong tulad mo!”
“Ang sakit mo namang magsalita. Nagmamalasakit lang naman ako sa iyo.”
“Hindi kita kailangan! Ayoko sa iyo! At kung puwede lang, huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan!”
“Imposible naman iyang nire-request mo, Bing. Magkatapat nga lang ang mga bahay natin.”
“Heh!” bulyaw niya rito saka mas binilisan ang paglalakad.
'Buwisit talaga! Manhid! Walang pakiramdam!' Hindi ba nito nahahalata na galit na galit siya rito? O talaga lang sira ulo ito at sinasadya na lang na buwisitin siya?
“Alam mo, nagsasawa na rin ako sa kakasuyo sa iyo para lang mapatawad mo ako,” narinig niyag wika nito. Nakasunod pa rin ito sa kanya. “Are you still inlove with me, Bing?”
Hinubad niya ang sapatos dahil nananakit na ang kanyang mga paa. Pagkatapos ay bumuwelta siya paharap dito.
“Hoy, Benjamin Antonio Junior.” Dinutdot niya ng hintuturo ang matangos nitong ilong upang mas tumimo sa isip nito ang mga sinasabi niya. “Kahit kailan…hinding-hindi ako…magkakagusto o nagkagusto sa iyo…mamatay man ang lahat ng kuko sa mga paa mo!”
She should have known he wasn’t the type who would back down easily. Ginaya rin nito ang ginawa niya rito. Dinutdot din nito ang ilong niya.
“Hoy din, Maria Bernarda Agoncillo. Alam kong nagkagusto ka rin sa akin noon. Lagi ka pa ngang nag-iiwan ng mga offline messages sa Messenger. With matching hugs and kisses pictures attached pa iyon. Natatandaan mo?”
Mas lalo siyang nagngitngit dito dahil iyon ang totoo. Pero malinaw din ang dahilan ng naging galit niya rito at kung bakit kailangan niyang i-deny ang lahat ng mga sinasabi nito ngayon sa kanya.
“Kay BenjPogi ako nagkagusto. Hindi sa iyo!”
“Ako si BenjPogi!” Iminuwestra pa nito ang mukha. “Hindi pa ba halata?”
“Heh!” Okay, fine. She did fall for him. And he just hurt her. Ngayon may magsisisi ba sa kanya kung sakaling magalit nga siya rito nang husto? “Kung alam ko lang na ang BenjPogi na kausap ko sa messenger ay ang sira ulo kong kapitbahay, hindi na sana ako nag-aksaya pa ng oras sa iyo!”
Napansin niyang bahagya itong natigilan. Good. Mabuti naman at pumasok na rin sa kukote nito kung ano talaga ang nais niyang iparating dito. Ngayon ay kailangan na niyang umalis sa harap nito bago pa man siya nito kaawaan. Hindi niya kailangan ng awa ninoman. Iika-ika na siyang naglakad palayo rito.
“Bing, paano kung ligawan kita ngayon—“
“Basted ka na.”
“Takot ka lang yatang mapatunayan na tama ako. Na may gusto ka pa rin sa akin hanggang ngayon.”
Maang siyang lumingon dito. “Hah. Ang lakas din naman ng tiwala mo sa sarili mo, ‘no?”
Nagkibit balikat ito. “Sa tuwing kailangan lang naman. So, what do you say?”
“Manigas ka! Manligaw ka hangga’t gusto mo pero hinding-hindi kita sasagutin dahil hinding-hindi ako magkakagusto sa iyo! Kahit ikaw pa ang kahuli-hulihang lalaki sa buong universe!”
Ngisi lang ang isinukli nito. “Sinabi mo iyan, ha? Kapag nanalo ako sa pustahan nating ito, anong gagawin ko sa iyo?”
Hindi na lang niya pinatulan ang kalokohan nito. Subalit may munting tinig pa rin sa isip niya ang nangakong hinding-hindi niya hahayaang magtagumpay ito. Tama na ang isang beses siyang masaktan ng iisang tao.
“Gusto mong buhatin na kita hanggang sa inyo, Bing?” Nagbago na ang tono ng boses nito. Wala na ang himig ng kayabangan doon. There was a hint of friendliness in it instead. “Masama ang maglakad ng walang sapin sa paa. Maraming germs ang puwedeng pumasok sa mga pores ng paa mo na puwedeng maging sanhi ng pagkakasakit mo.”
“Wala kang pakialam kung mamatay man ako sa kung ano-anong germs na papasok sa katawan ko.”
“But I do. I care a lot about you, Bing.”
Naligalig ang damdamin niya sa sinabi nito. He cared of her daw. 'Weh? Maniniwala ka pa ba sa isang iyan, Maria Bernarda? E nuknukan ng sinungaling iyan, eh!'
“Bubuhatin sana kita kaya lang alam kong tututol ka.” Bahagya itong tumagilid sa kanya at tinapik ang malapad nitong balikat. “Kaya papasanin na lang kita.”
“At paano mo naman naisip na papatulan ko iyan?”
“Aminin mo man o hindi, alam kong nahihirapan ka na sa paglalakad. Malayo-layo pa ang bahay ninyo kaya siguradong magpapaltos iyang mga paa mo bago ka pa man makarating sa inyo. Gusto mo bang mas lalo kang hindi makapaglakad ng maayos?”
Tama ito. Masakit na nga ang mga talampakan niya dahil sa mga maliliit na bato na naglipana sa buong kalsada nila. Kanina pa nga niya iniisip talaga na magtanggal na ng sapatos. Pero wala pa rin siyang balak na magpatulong dito. As much as possible, dapat ay layuan niya ito. Kung hindi, baka nga magkatotoo ang banta nito kanina.
“Ayokong magka-utang na loob sa iyo.”
“E, di bayaran mo ako.”
Napailing na lang siya at nagpatuloy sa paika-ika at mabagal na paglalakad. Hanggang sa maramdaman niyang umangat na ang mga paa niya sa parusang kalsadang iyon. Binuhat na pala siya nito.
“Ano ba! Ibaba mo ako!”
“Mamaya na pagdating sa inyo.”
“Ibaba mo sabi ako!”
“Huwag ng matigas ang ulo, Bing. Hindi na kita sisingilin.”
“Ayoko—“ Naisubsob niya ang mukha sa malapad nitong dibdib ang kanyang mukha nang may mamataan siyang paparating sa sasakyan.
Magpapabaril muna siya sa Luneta bago pa man may makakita sa kanyang kapitbahay nila sa subdibisyong iyon sa ganitong sitwasyon. Batid kasi niyang gagawa ng ingay ang eksenang iyon oras na may makakilala sa kanya. At magiging pabor iyon sa damuhong lalaking ito. Narinig niya ang paghinto ng sasakyan malapit sa kanila. Itinakip na niya sa kanyang mukha ang suot pa rin nitong coat ng tuxedo nito.
“Pare, sino iyang dala mo?”
“Ang babaeng mahal ko.”
Daig pa ni Bing ang sinipa ng kabayo sa dibdib sa sobrang lakas ng impact ng mga salitang iyon ni Benjie. Hindi niya maiwasang kabahan nang husto. Kaba na katulad ng naramdaman niya rito nang tingnan siya nito kanina habang isinusuot nito ang wedding garter sa binti niya.
'Gimik lang niya iyon, Bing. Hindi totoo ang mga sinabi niya.'
“Ow? Anong pangalan niya?”
“Maria Bernarda Agoncillo.”
“Si Bing?!”
Gigil niyang kinagat ito sa dibdib. Kasunod ng pagsinghap nito ay ang malutong nitong tawa.

Komentar Buku (20)

  • avatar
    AquaAroha Mitchie

    Love always

    31/05

      0
  • avatar
    Sheillamae Marqueses

    sobrang ganda🥹

    24/05

      0
  • avatar
    Jamela Ocang

    Hshdvdbfbd

    21/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru