logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

WAVES OF PAST MEMORIES

WAVES OF PAST MEMORIES

3zuiveren


PROLOGUE

MADAMING tao ang bumungad sa akin sa pag baba ko ng jeep sa tapat ng unibersidad na aking pinag lipatan. Malapit lamang ito sa aming bahay kaya naman mabilis akong naka rating. Pumasok na kaagad ako, naninibago ako dahil mas malaki kung ikukumpara mo ito sa dati kong pinasukan na unibersidad. Madaming estudyante ang nag kalat sa hallway. Binuksan ko ang aking bag para tignan kung saan ba ang building na pupuntahan. Naavailia Building ang hinahanap ko, sabi nila ay medyo dulo daw yun. Halos takbuhin ko na ang malawak na unibersidad na ito para lang mahanap ang building na kung nasan ang room ko. Sabi nung guard kanina yung building na hinahanap ko daw ay maka lampas lang ng evreghen building eh kanina pa ako naka lampas diyon. Nakaka inis naman oh, kanina pa ako paikot ikot dito.
Sa kakamadali ko at sa pag takbo Hindi ko napansin ang lalaking naka earphones, hindi ko na pigilan pa dahil, huli na rin naman, tama kayo nagka bungguan kami. Masakit yun ah.
Inilahad nito ang kamay nya sa akin ka'ya naman kaagad kong inabot ito, ayoko naman maupo nalang dito ano.
"damn, shit. why the hell are you running!?"
"sorry, hindi kita napansin."
"why are you running!?" tanong nito sa akin nag baba ako ng tinggin. "ano kasi, ma la-late na ako.... At di ko mahanap ang building ko." saad ko sa kaniya, ilang minuto nalang at panigurado ay mag sisimula na ang first class ko. "may masakit ba sayo? nasaktan ka ba? miss." teka akala ko ba ay galit sya?
"oh, newbie." sabi nito sa akin.
"ah.. oo."
"mauna na ako, ah." sabi ko sa kaniya bago ko sya lagpasan. Hindi pa man ako nakaka layo ay tinawag ulit ako nito. "what building are you looking for? let me help you." saad nito sa aking likuran. Tutulungan niya ako?
"naavailia?" Pano nya nalaman?
"ah, ano.. oo. naavailia, building." saad ko sa kanya, naka ngiti itong sumulpot sa aking harapan. "okay, let me help you." saad nito sa akin, sinabayan ako nito mag lakad. Kahit na hindi ko sya kilala nag pasama parin ako sa kaniya, mukha naman na hindi nya ako ililigaw. Hindi na ako para pa tumanggi tutulungan nya na ako, tatatangi pa ba ako?  Sinabi nya pa ang ibang tungkol sa kanya nalaman ko na second year college na siya.
"what's your name?"
"Ah... Laoise Kielle, Ligeia.... ikaw ba?" tanong ko pabalik sa kaniya pinakilala niya ang sarili sa akin. "Aeshiro Trevor Lavin, nice to meet you. Lao." sabi nito sa akin.
Naiilang ako sa pag lalakad ngayong kasama ko si'ya dahil lahat ng mata ay nasa amin ang tinggin, bakit?
"here's the naavailia building , on second floor 5th room that's the room you're looking for." mahabang paliwanag nito sa akin "ganon ba, sige salamat. Mauna na ako.." Saad ko sa kaniya ngumiti ako bago tumalikod sa kaniya para umakyat sa second floor. Hindi pa man ako nakaka layo naramdaman ko nanaman ang presensya nya sa aking tabi. "Ano.. trevor bakit mo pa ako sinundan?" tanong ko sa kaniya. "baka maligaw ka pa." saad nito sa akin, sya na din mismo ang kumatok. Naku nakaka hiya na talaga.
"good morning this is the building of naavailia am i right?" tanong nito pag ka katok, "yes, mr Lavin." saad naman ng propesor.
"yeah this is your room, go on. Focus on your class, not on me." ha? kakilala ko nga lang sa kaniya eh..
"why your face is like that? im just kidding." tumawa ito at lumabas ang dimples nya na hindi ganoon kalalim, ngunit nakaka dagdag ng gwapo sa kaniya. Teka ano?
"Anyways you should go inside, you're 10 minutes late. Focus. We'll see each other around, ms lao." saad nito at kumindat pa sa akin bago umalis, hay na'ku baliw ba sya?
Hindi ko malaman kung bakit ganon na lamang ang tinggin nila sa amin nung nag lalakad kami sa hallway. "lao!!" napa tinggin ako sa tumawag sa akin. "amber, dito ka rin pala lumipat?" saad ko sa kaniya, lumapit ito at isinakbit nito ang kamay nya sa aking braso.
Ambrosia Ivelle, sya ang kaibigan ko simula pa nung highschool. "dito kasi ako inilipat ni daddy, im glad na nandito ka!" kinikilig na sabi nito sa akin. "ganon rin ako, amber." naka ngiting saad ko sa kaniya.
"teka you're also here that means we're still classmates! sabi ko na nga ba't hindi tayo pag lalayuin!" sabi nito at sumandal pa sa aking braso. "tara na, baka ma late pa tayo." ngumiti ako.
Pag ka tapos ng ilang oras na pag ka klase, inayos ko na ang gamit ko bago lumabas ng room. Dahil lunch break na, mabuti na lamang at nandito si amber may makaka sama ako sa lunch.
"lao, tara na!!" malakas na tawag nito sa labas ng room. Ambilis nya kasi mag ayos ng gamit ka'ya lumabas na kaagad sya. "sandali." saad ko.
Ganon nalang din kalaki ang cafeteriá nila dito, kakaunti lamang ang pinipili na kumain sa loob ng cafeteriá. Mas madaming kumakain sa labas duon sa field kasi may mga bench din kasi at table.
"lao ano sa'yo?" Nabalik ako sa realidad ng magtanong sa akin si amber.
Habang nakain kami hindi mapakali ang aking mata, hanggang sa dumapo ito sa ginoong nasa kabilang table. Ako ang unang umiwas ng tinggin ng tumingin ito pabalik. Tama nga sya ilang beses kami mag kikita, sa laki ba naman ng university na ito.
Nahagip ng aking mata ang kanyang pag tawa dahil sa pag iwas ko ng tinggin. "lao uy."
"ah... ano yun?" tanong ko sa kaniya. "sabi ko kung pwede sabay tayong umuwi." naka ngiting tanong nito sa akin.
"ah sige, ikaw ang bahala."  lumawak lalo ang kaniyang ngiti ng marinig ang aking sagot. "teka sino nga pala yung nag hatid sa'yo kanina?" mapang asar na ngiti niya ang aking nakita.
"ah, wala ka kilala lang." hindi ko pa sya lubusang kilala.
"teka tama! sa likod palang ay kilala ko na kung sino yon. Si aeshiro trevor! tama ako no?" tanong pa nito. Pangalan nya lang ang alam ko.
"yung second year college, engineering student!" patuloy pa nito.
"kilala mo ba sya?" tanong ko sa kaniya.
"hindi gaano pero isa sya kasi sa mga well known students dito, dahil lolo niya ang namamahala ng university na ito." namangha ako sa sinabi niya, kung ganon ay ang nag hatid sa akin ay Isa sa mga kilalang students dito?
Kaya naman pala ganon nalang ang tinggin sa amin nung dumaan kami sa hallway. "isa sya sa mga kaibigan ni kai, lima silang mag kakaibigan na mayayaman at kilala ang pamilya." saad nito sa akin.
"kagaya mo?" tanong ko sa kaniya, siya ay nanggaling din sa mayaman at kilalang pamilya. Nagulat nga kami ng malaman iyon, isang beses kasi kumatok sya sa bahay namin ng dis-oras ng gabi. Basang basa sya sa ulan, nalaman namin na lumayas pala siya. At inabot sya ng ulan sa daan. Duon kami naging mag kaibigan, halos parang kapatid ko na rin sya dahil super close sya sa aking pamilya.
Dumating ang awasan at hindi ko man lang ulit siya nakita bago lumabas ng unibersidad, marahil siguro ay madaming estudyanteng lumabas kaya hindi ko sya napansin. Ano ba ang nangyayari sa akin at bakit ko sya hinahanap?
sabay kaming umuwi ni amber, bumili siya ng bahay sa tapat ng bahay namin baliw sya eh. Sabi nya ay ayaw nya na daw umuwi sa kanila dahil galit sya sa family niya. Minsan sa amin siya natutulog kahit na mag katapat ang bahay namin.
"hello titaaaa!" malakas na bati ni amber pag pasok ng bahay. "oh amber, elle. Ang aga ng uwian nyo ah." saad ni nanay sa kusina, naupo sa salas si amber. Habang ako ay nag tatanggal ng sapatos. Ganiyan siya ka close sa aking pamilya, sabi nga minsan ni kuya ay parang kambal ko na raw si amber.
"mabilis lang po ang naging klase tita, dahil first day palang naman po pero bukas sigurado ako na 5pm na po kami makakauwi ni Elle." saad ni amber kay nanay.
"ganoon nga po nay." pag sasangayon ko sa kaniya, first day palang ngayon kaya mabilis lang dahil puro pag introduce lang ng sarili sa bawat propesor na pumapasok sa room.
"ay ganon ba, panigurado ay gutom na kayo halina kayo ipinag gawa ko kayo ng meryendaa!" saad ni nanay at lumabas ng kusina. May dala syang juice at tinapay.
"ay teka nga pala amber iha, may dumating kanina sa harap ng bahay mo hinahanap ka yata." saad ni nanay kay amber, siguro ayon ay mga tauhan nanaman ng tatay niya.
"nako' tita, bodyguards po yon ni daddy. Ipinadala nya pa'ra bantayan ako."
"tinakasan nya' nay." saad ko at natatawang kumagat ng tinapay. Kasi naman ayaw nya ng may naka palibot sa gilid nya naiilang daw sya.
"eh kasi naman tita, nakaka inis sila. Kaya ko naman po ang sarili ko, hindi nya na kailangan gawin yon."
"hija, hindi maiiwasan ng pamilya mo na mag alala sayo. Lalo na't ikaw lamang ang nag iisang babaeng anak. Hindi mo ba gustong umuwi sa inyo?"
"Ayoko po tita, hindi ko ako masaya pag kasama sila. Hindi ko po nagagawa ang gusto kong gawin." saad nito, sabagay ay totoo ang sinabi niya.

Komentar Buku (61)

  • avatar
    D'vi Citra

    very good novel. I like it very much. good job thor😍

    25/05/2022

      0
  • avatar
    nanaaaa_

    a worth to read story, must read syug. agos, author!

    24/05/2022

      1
  • avatar
    Rainalyn Pangilinan

    ang ganda

    3d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru